Hindi ko maintindihan kung bakit na naman ako pinapaiwas ni Mama kay Jaco. Ang matindi ay pati pa kay Obrei na di pa naman nakakauwi ngayon.Masisira ang buhay ko?Naguguluhan ako. Sinong mapagtatanungan ko sa bagay na ito? May nangyayari.... malakas ang kutob ko. May malaking problema na kinakaharap sila Jaco. Napabuntong-hininga ako. Siguro dahil na naman ito sa di magkakagusto sa akin si Jaco at di ako ang babaeng para sa kaniya base na rin sa magkaiba ang angat ng buhay namin. At dahil di sangayon ang pamilya niya sa akin. At kay mama. Iyon naman madalas ang mga rason ni Mama. Pero ngayon, maluwag na ang kalooban ko. Si tiya kasi, ito at kausap na ako. "Anita, bata ka pa. Dismayado ako dahil nagpadala kayo sa tukso." Napailing siya."... ginagawa lang 'yun ng dalawang tao na kasal na. Sa kaso ninyo ni Jaco, magnobyo pa kayo. Ito pang si Jaco, nakakatanda pero..." napayuko ako. "Ayaw ko lang na matulad ka sa nanay mo. Nabuntis ng maaga at di nakapagtapos. Saan siya dinala ng pa
Sabay kaming napalingon ni Jaco sa likod. Napasinghap ako ng makita kung sino ang tumawag sa pangalan ko."Eiza? Hi!" Kumaway ako at agad lumapit sa kaniya. Pero dahil nakaakbay si Jaco ay napalapit na rin."Wow. Nagawi ka ata dito? Ang tagal rin 'nung huli kita nakita..." Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Jaco. "U-uh... I went back from Manila kasi. That's why. And I just came back home earlier. I went here immediately to give this." Nagulat ako ng iwinagayway niya ang tatlong paperbag. Napasinghap ako ng makita ang iba't-ibang klaseng muffin sa loob!"Naku, Eiza. Nagabala ka pa! Dapat nagpahinga ka muna. Pwede ka naman bumisita pa rin. Next week nga lang ay pasukan na. Dito ka ba magaaral?" Tipid na tumango si Eiza. "My mom baked those. She's a pastry chef kasi. I told things about you..." napatango-tango ako. Nakakahiya naman. Pero di ko mapigilam di maexcite!Kunot ang noo niya habang nakatitig kay Jaco na tahimik lamang sa tabi ko. "Ay! Eiza, si Jaco pala. Iyong boy
Huminga ako ng malalim bago ininom ang natitirang tubig sa water jug ni Jaco. Ngumisi siya at pinanood ako."Pagod na pagod na ako..." malalalim ang bawat buntong-hininga na pinapakawalan ko.Nagjog na naman kami bago pa dumilim ang gabi. Nagpaalam si Jaco kay tiya kanina at halos dalawang oras na kaming tumatakbo. Hindi naman talaga puros pagtakbo, malaking porsyento ang paghaharutan namin sa daan. Kakasimula pa lamang ng klase nitong linggo. Sina Jaco ay last week pa nagsimula sa kolehiyo. Engineering kasi ang kurso niya. At si Obrei ay di pa nakakauwi mula sa mahabang bakasyon."Teka, di na ba papasok si Obrei? Kailan siya uuwi?" Nagkibit-balikat si Jaco. Napanguso ako. Ang damot talaga nito."Malaki na 'yun, mahal. Kaya na niya sarili niya." "Eh kailan nga siya babalik? Si Rome nga, napagod na makibalita sa atin." Naalala ko tuloy si Rome. Isang araw ay di na dumadaan sa bakery. Sumandal si Jaco sa puno at pinatong ang cellphone at water jug sa katabi naming bench. Ginulo niya
Laglag ang panga ko ng makita ang kabuuan ng kapatid ko. Humagikhik si Jaco sa tabi ko bago ako inakbayan at hinalikan sa sentido."Oh, diba?""T-totoo ba 'to?" Hindi ako makapaniwala habang nakatitig sa batang lalaki na tahimik rin akong pinagmamasdan. Para akong nananalamin. Kuhang-kuha niya ang mukha ni Mama. Wala akong makitang dugo ni tito Marcio. Ah. Meron. Ang pagkakalapat ng labi niya at seryoso ako kung tititigan. Hindi kami ganiyan makatingin ni Mama."D-daniel...""Mahal, itinakas namin siya. Kaya secret muna natin." Di ko mapigilan di mapaluha at niyalap si Jaco ng mahigpit. Kahit na naguguluhan kung papaano ito nakarating sa probinsya. T-totoo nga! Ang kapatid kong si Daniel nga ito! "Thank you. Thank you. T-thank you. Thank you. Thank you." Paulit-ulit ang katagang 'yun at naiiyak sa sobrang saya."Anything for you, love. Anything." Hinaplos niya ang buhok ko bago ako hinayaan na pakawalan. "Is she your girlfriend?" Parang di bata ang nagsalita.Ang cute-cute niya n
Mabilis lumipas ang panahon. Naging matiwasay ang buhay ko kahit madalas ay nasasaktan ako sa pagiiwas ni Obrei. Hindi na kami nagkakausap o nagkakasama na. Paunti-unti ay... lumalayo na kami sa isa't-isa. Natulala ako habang pinapanood ko siyang dumaan sa harapan ko. Kasama niya sila Criselda na nakangisi sa akin. Walang ekspresyon ang mukha at ni hindi ako nagawang sulyapan na lamang. Nakakalungkot. Bumaba ang tingin ko sa aking mga kamay."Let's go?" Si Eiza. Tumango ako at sa huli ay tinignan ko si Obrei. Di pa rin niya ako magawang tignan. Nasasaktan ako dahil di na niya ako pinapansin. Ilang beses ko ring sinubukan na kausapin siya pero umiiwas si Obrei sa akin. Ayaw ko naman pilitin pa lalo dahil baka mas mainis sa akin.Pero bakit siya umiiwas? Pilit kong inaalala ang huling paguusap naming dalawa. Ito iyong tinanong niya ako tungkol sa singsing na bigay ni Jaco sa akin. Umiba ang ekspresyon niya. Pero bakit? Para saan? O may iba pang dahilan? Bakit naman kasi siya magaga
Binabagabag ako sa reply ni Obrei. Sinamahan pa na di halos magparamdam sa akin si Jaco."Ja-..""Not now, Anita. I am fucking busy." Tulad dati ay pinutol agad niya ang linya. Ayaw ko naman masakal siya kaya kada isang araw ay isnag beses akong nagbabasakaling tumawag. Sinwerte ako ngayon dahil tinanggap niya. Pero di rin nagdalawang segundo. Parang pinipisa ang puso ko. Kumunot ang noo ni Eiza. "Did he hunged up?" Wala sa sariling tumango ako."Whatever. We will not ruin our mood. Prom mo na!" Malungkot akong napatingin sa kaniya."Wala pa rin si Mama." Sina tiya Sela at tita Solly ay nagtulong-tulong para hanapan ako ng maisusuot. Ayaw kong pumunta lalo na at... inaalala ko si Jaco. Ayaw ko rin namang biguin sina Eiza na halos excited para sa akin. Nasa mansion kami ng mga Montenegro ngayon. Dito ang celebration ni Eiza at halos lahat, imbitado. Kanina ay narito sila ate Grace pero nagpaalam agad dahil walang nakatuka sa bakery. Naiwan ako para samahan si Eiza na magtranslate
Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha. Di ko rin gustong umiyak kung wala akong ideya sa mga nangyayari ngayon. Tawag ako ng tawag kay Mama pero di nagriring ang numero niya. May kinalaman rito si Mama. Base na rin sa masasakit na salita ni Obrei sa akin. Wala sa sariling napatitig ako sa magarang singsing sa aking daliri. Makinis at kumikinang ang malaking bato sa gitna. Napapaligiran ng mga liliit na bato at ang band na may malabong disenyo. Parang bulaklak na orchids na parang hindi. Naalala ko ang kweno ni Obrei tungkol sa singsing. Totoo kaya 'yun? Na handa magpatayan ang mga babae para makuha lang ito? Bakit naman ata..."Anak, nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" Si tiya Sela. Tumango ako kahit di ako sigurado."Oo naman po." Bumuntong-hininga siya."Nitong nakalipas na mga araw ay palagi kang wala sa sarili. Gusto mo bang magpalipas ng gabi sa mga pinsan mo?" Mabilis akong umiling."Wag na po, tiya. Okay naman po ako..." tinititigan niya ako. Ngumiti ako para pagaaan
Nalasing si Mama sa isang gala event nila sa Manila. Akala niya ay si tito Marcio ang papalapit na sir Alarico kaya hinalikan niya ito. Nadatnan ni ma'am Llesea ang eksena kaya kinaladkad niya ang lasing na si Mama saka tinulak sa hagdan. Nahulog ang mama ko saka pinahiya sa harapan ng publiko at pinalabas na di tunay na anak ni tito Marcio si Daniel. Bagkus ay baka kay sir Alarico ito. O sa ibang lalaki. "Isang beses... isang beses lang ako nagkamali. Bakit halos patayin nila ako?" Tumawa si Mama na parang wala sa sarili.Tahimik akong nakikinig. Takot na baka may makaligtaan akong isang detalye."Iyang inggratang Llesea na 'yan. Mainit na ang dugo niyan sa akin. Gagawa ng paraan para patalsikin ako sa buhay nila. Pwes, di na ako babalik sa impyernong 'yun. Hinding... hindi nila makukuha muli si Daniel. Kahit isampal ko ang libo-libong DNA result nilang leche. Magkamatayan na. Tapos na ako. Tapos na tapos na ako. Inubos ako ng mga hayop." Ramdam na ramdam ko ang galit sa bawat salir
I’ve had it bad with Anita Diane. The first time I met her, I knew it. She’s interesting. She’s gullible, innocent, young, and fucking pretty. She’s also the best baker, respectful, who knows house chores, humble, can handle money so well, patient, loving, wife material, polite, who knows how to swim, love kids, with gorgeous smile and those eyes that speaks for her soul. The quality of girls that are rare to find. She just got it all. Iyong tipo ko talaga na babae.And then I was instantly attracted. That wasn’t impossible, dude. And I stalked her ‘cause she’s just so cute. I watched her moves. I learned huge things about her and all. I bit my lips. I want her mine. Bagay kasi kami.I chuckled inwardly. Bagay nga kami pero di ako magugustuhan ‘nun. She likes Prince Charming who will take care of her, protect her, eternally. And I am no Prince Charming. May Prince Charming bang may sakit sa puso?Ngumuso ako. Ngayon pa lamang ay nagaalala na ako sa kaniya. Ayoko kong iwan siya sa mund
Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag o maiirita. Nadatnan ko si Jaco na dilat na dilat ang mga mata. "He's not talking ever since he woke up." Napailing si Aris Avaceña nang salubungin niya kami sa paglabas ng elevator.Parang iiyak na naman si Llesea Avaceña sa narinig. Tinanguan ako ni Aris nang magtama ang mga paningin namin.Napatayo ang mga kapamilya nila nang makarating na kami. Ramdam ko agad ang tingin nila sa akin."Is that Anita of Jaco?" Umiwas ako ng tingin. Lumapit ako sa salamin kung saan ko natatanaw si Jaco na nakatulala sa bintana. Napalunok ako ng makita ang mga sugat niya sa mukha at sa braso. "I think he's disappointed."Napalingon ako sa isang di pamilyar na boses. Pinsan ito ni Jaco panigurado dahil hawig na hawig niya ito sa itsura at kilos base sa pamumulsa niya."He wanted to die but he woke up." Nagkibit-balikat siya.Kumunot ang noo ko. "You want to see him?" "P-pwede na ba?" Kumalabog ng malakas ang puso ko.Matutuwa ba si Jaco na nandito ako?
This is stupid. Ano na naman ba ang kasalanan ko? But Jaco is the most stupid one. Bakit kailangan niyang magpakamatay?Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Kinakabahan ako. May nangyari. Sigurado ako dahil hindi mababaliw ang Obrei na ito.Ako ang sinusumbatan ng letseng Obrei. Paano ko ito naging kasalanan? Eh I was waiting for him! Umawang ang labi ko at saglit na natulala. Is this because of what he saw earlier? Teka. Imposible. I know he's too jealous. Like, dramatically and exaggerated jealous... pero not to the extent na iccrash niya ang helicopter, diba?Nanindig ang mga balahibo ko. Alam kong seloso siya. Alam kong... kaya niyang gawn iyon. Tulala ako pagkatapos umalis ni Obrei. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ayaw kong maniwala kasi napakaimposible naman. Pero... "Magpahinga ka muna, Anita. May pasok ka pa mamaya..." naramdaman ang salabal na ipinatanong ni tiya sa akin."Pasensya na po dahil naistorbo ko paggising niyo..."Bumuntong-hininga si Mama."Mabuti at napaal
It was never easy to move on. Diego got married today. Jaco is no where to be found. I wanted to talk to him and ask alot of things. Hindi ko alam kung para saan. Ngunit patuloy ko mang lokohin ang sarili ko, binabagabag pa rin ako sa mga sinabi niya sa akin.Totoo man o hindi. Gusto ko pa rin malaman. Napabuntong-hininga ako.Diego and I officially done. Mahirap tanggapin para sa akin. He's been my confidante for years. I fell in love with him for years now. Hindi ko lang matanggap kung papaano ko siya nakayang bitawan man lang. Kung papaano ko tinanggap ang lahat ng nangyari sa amin.Maybe I knew for sure... deep in my heart, this will eventually happen. Because I never moved on from Jaco. Kahit ilang taon pa lamang 'yan. Kahit nagmahal ako ulit. Nandidito pa rin siha.Bakit nga ba hindi? Akala ko 'nung una, nakalimot na ako. Tinanggap ko na ang nangyari sa amin. That he fooled me. My bestfriend lied. They hurt me. I didn't know I was raising my loathed and hatred for them. Hindi pa
"Ano ba, Jaco!" Pumiglas ako dahil naiirita na naman ako sa kaniya.Malamlam ang tingin niya sa akin. Puno ng pagpapakumbaba."Galit ka ba? Bakit? Anong ginawa ko... pagusapan natin." Para atang naginit ang kalamnan ko sa narinig."Wag kang umarte na okay na tayo. Jaco, sa tuwing nakikita kita... kumukulo ang dugo ko. Anong bago ngayon?" Maanghang sa sabi ko.Napayuko siya."But... w-we were o-okay..."Umismid ako."Akala mo lang 'yun. Sige, salamat sa pagsama. Makakaalis ka na at sana di ka na magpapakita sa akin." Tinalikuran ko na siya."Anita naman. Ang sakit na..." Nahinto ako sa paglalakad ng marinig ang mababang boses niya."A-akala ko pa naman, nagiging okay na. Saan ba ako... nagkamali?" Pumiyok ang boses niya.Hindi ko na mapigilan ay humarap sa kaniya para sampalin siya. Kumaliwa ang mukha niya at unti-unting bumakat ang palad ko sa pisngi niya. Ang lakas ng kabog ng puso ko."Nagpakita sa bahay ko si Obrei, Jaco. Alam mo ba kung anong sinabi niya sa akin?" Kitang-kita ko
"Bakit?" "Anita... kailangan ng anak ko si Jaco." Tumaas ang kilay ko."At anong kinalaman ko dito?" Humalukipkip ako.Hindi siya makatingin sa akin pero kitang-kita ko pa rin kung papaano siya kinakabahan dahil nanginginig siya ng todo. Gusto kong matawa. Nasaan na ngayon nagmamalaking Obrei?"Alam natin ang sagot niyan, Anita. Jaco is here because he wants you back and-..."Mabilis kong pinutol ang kung anumang sasabihin niya."Teka nga. Sinasabi mo na ako may hadlang kaya nangungulila ng isang ama ang anak mo?" Hindi siya makapagsalita."Wag mo akong lapitan kung ganun'. Dahil nakapagusap na kami ni Jaco at pinal na ang sagot ko." Nagtiim bagang ako. Umatras na ako para umalis pero ang gaga ay hinablot ang braso ko. Parang may kung anong sumabog sa pagkikimkim ko ng maramdaman ang panlalamig niya. Ramdam ko ang kaba at takot niya. Pero akala ata niya ay madadaan niya ako sa paganito."A-anita... please can you... c-can you tell Jaco to see M-meredith? My daugter is sick and he o
Anong kaibahan sa sinabi niya? Nagkamali lang rin naman si Diego dahil... teka nga... anong connect ng walang bayag?"Buntis daw si Kasea! Grabe. Naexcite ako bigla sa magiging baby niya!" "Oo nga, e. Trending. Sa Sassy Night, bet ko si Paz. Ikaw teacher Ann?""H-huh?" "Ay! Tulala!" Napangisi si teacher Beks. "Sino nga bet mo sa Sassy Night?" Ahh. Tungkol pala ito sa paborito kong banda."Si Fergina. Napakalatina kasi. Chiks, e lakas ng dating..." Sabay na tumango ang mga kasamahan ko. Pinaguusapan pala namin ngayon ang tungkol sa sikat na Filipina idol group. Bata pa lang talaga ako, idol ko talaga si Fergina. Napakacarefree saka napakasexy!"Akin si Alycia! Kaya kong magpakalalaki kung si Alycia lang makakatuluyan ko!" Bumunghalit kami ng tawa dahil sa sinabi ni teacher Beks."Bakla! Kasal na 'yun! Wala ka ng pagasa!"Umirap si teacher Beks."Sa susunod na buhay, magiging akin siya." Ay naku. Malala na 'yan. Pagkatapos ng lunch ay lumabas na kami ng cafeteria para sa paghapong
"A-ako na nga..." Inagaw ko agad sa kaniya ang tuwalya at kinuskos na ang sarili. Gusto kong magmura dahil nananatili pa si Jaco sa tabi ko. Kaya amoy na amoy ko ang pabango niya. Sumimangot ako."Shit. Are you blushing?" Natatawang tanong ni Eiza na nilapit pa ang mukha sa akin.Sa sobrang hiya ko ay tinulak ko siya at nakasimangot na kumuskos. Iniwas ko ang mukha sa kanila."Upo ka na nga! Bakit ka ba nakatayo diyan?!" Hindi ko mapigilan di mapasigaw dahil nakatayo pa talaga si Jaco sa tabi ko!Humalakhak ang bobita. "She's awkward." Puta. Isang salita lang talaga Eiza, ingungodngod na kita sa plato mo."Okay, uupo na." At umupo nga sa tabi ko. Sinamaan ko agad ito ng tingin."Doon ka sa malayo." Parang hari na sumandal siya sa upuan at tamad na nilingon ako."Ssshh. Don't look at me." Napanganga ako."A-ano?!""Your cleavage is distracting me." Sumimangot ito at nainom ng tubig. Halos mabingi ako sa tawa ni Eiza. Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa dibdib ko at shit! Nakali
"Makikipagusap lang ako kung babalikan mo na ako."Nagpantig ang tenga ko sa narinig.Rinig ko ang tawa na naman ni Eiza na halos ilabas ang ngalangala. Napasipol si Hayes at agad tumalikod habang ngingisingisi. Sinamaan ko ng tingin si Jaco."Tama ba na makielam ka tungkol kay Diego at Karen?" Nawala ang magaang itsura niya at napalitan ng bagsik. "They deserve to suffer." Namulsa pa ito.Napanganga ako."Jaco! Tungkol ba ito sa ginawa nila sa akin?!" Hindi niya ako sinagot kaya inis kong sinapak ang braso niya."Jaco!""Yes.""Bakit mo ginawa 'yun? Akala ko sinwerte lang ako at napadali ang lahat..." hindi ko na matuloy ang sasabihin dahil gulat pa rin ako. Hindi naman nakakapagtaka dahil sa impluwensya na dala niya. Ngunit bakit pa?"Di ka na lang sana nakielam. Jaco, sinisira mo ang negosyo nila Diego. Personalan na 'yan." Umiwas siya ng tingin sa akin."I want them to suffer. I don't tolerate people hurting you." Parang may kung anong kumurot sa puso ko. I once heard him said