Home / Romance / WHY HE LEFT / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of WHY HE LEFT: Chapter 21 - Chapter 30

71 Chapters

Chapter 21

Laglag ang panga ko ng makita ang kabuuan ng kapatid ko. Humagikhik si Jaco sa tabi ko bago ako inakbayan at hinalikan sa sentido."Oh, diba?""T-totoo ba 'to?" Hindi ako makapaniwala habang nakatitig sa batang lalaki na tahimik rin akong pinagmamasdan. Para akong nananalamin. Kuhang-kuha niya ang mukha ni Mama. Wala akong makitang dugo ni tito Marcio. Ah. Meron. Ang pagkakalapat ng labi niya at seryoso ako kung tititigan. Hindi kami ganiyan makatingin ni Mama."D-daniel...""Mahal, itinakas namin siya. Kaya secret muna natin." Di ko mapigilan di mapaluha at niyalap si Jaco ng mahigpit. Kahit na naguguluhan kung papaano ito nakarating sa probinsya. T-totoo nga! Ang kapatid kong si Daniel nga ito! "Thank you. Thank you. T-thank you. Thank you. Thank you." Paulit-ulit ang katagang 'yun at naiiyak sa sobrang saya."Anything for you, love. Anything." Hinaplos niya ang buhok ko bago ako hinayaan na pakawalan. "Is she your girlfriend?" Parang di bata ang nagsalita.Ang cute-cute niya n
last updateLast Updated : 2022-07-19
Read more

Chapter 22

Mabilis lumipas ang panahon. Naging matiwasay ang buhay ko kahit madalas ay nasasaktan ako sa pagiiwas ni Obrei. Hindi na kami nagkakausap o nagkakasama na. Paunti-unti ay... lumalayo na kami sa isa't-isa. Natulala ako habang pinapanood ko siyang dumaan sa harapan ko. Kasama niya sila Criselda na nakangisi sa akin. Walang ekspresyon ang mukha at ni hindi ako nagawang sulyapan na lamang. Nakakalungkot. Bumaba ang tingin ko sa aking mga kamay."Let's go?" Si Eiza. Tumango ako at sa huli ay tinignan ko si Obrei. Di pa rin niya ako magawang tignan. Nasasaktan ako dahil di na niya ako pinapansin. Ilang beses ko ring sinubukan na kausapin siya pero umiiwas si Obrei sa akin. Ayaw ko naman pilitin pa lalo dahil baka mas mainis sa akin.Pero bakit siya umiiwas? Pilit kong inaalala ang huling paguusap naming dalawa. Ito iyong tinanong niya ako tungkol sa singsing na bigay ni Jaco sa akin. Umiba ang ekspresyon niya. Pero bakit? Para saan? O may iba pang dahilan? Bakit naman kasi siya magaga
last updateLast Updated : 2022-07-21
Read more

Chapter 23

Binabagabag ako sa reply ni Obrei. Sinamahan pa na di halos magparamdam sa akin si Jaco."Ja-..""Not now, Anita. I am fucking busy." Tulad dati ay pinutol agad niya ang linya. Ayaw ko naman masakal siya kaya kada isang araw ay isnag beses akong nagbabasakaling tumawag. Sinwerte ako ngayon dahil tinanggap niya. Pero di rin nagdalawang segundo. Parang pinipisa ang puso ko. Kumunot ang noo ni Eiza. "Did he hunged up?" Wala sa sariling tumango ako."Whatever. We will not ruin our mood. Prom mo na!" Malungkot akong napatingin sa kaniya."Wala pa rin si Mama." Sina tiya Sela at tita Solly ay nagtulong-tulong para hanapan ako ng maisusuot. Ayaw kong pumunta lalo na at... inaalala ko si Jaco. Ayaw ko rin namang biguin sina Eiza na halos excited para sa akin. Nasa mansion kami ng mga Montenegro ngayon. Dito ang celebration ni Eiza at halos lahat, imbitado. Kanina ay narito sila ate Grace pero nagpaalam agad dahil walang nakatuka sa bakery. Naiwan ako para samahan si Eiza na magtranslate
last updateLast Updated : 2022-07-22
Read more

Chapter 24

Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha. Di ko rin gustong umiyak kung wala akong ideya sa mga nangyayari ngayon. Tawag ako ng tawag kay Mama pero di nagriring ang numero niya. May kinalaman rito si Mama. Base na rin sa masasakit na salita ni Obrei sa akin. Wala sa sariling napatitig ako sa magarang singsing sa aking daliri. Makinis at kumikinang ang malaking bato sa gitna. Napapaligiran ng mga liliit na bato at ang band na may malabong disenyo. Parang bulaklak na orchids na parang hindi. Naalala ko ang kweno ni Obrei tungkol sa singsing. Totoo kaya 'yun? Na handa magpatayan ang mga babae para makuha lang ito? Bakit naman ata..."Anak, nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" Si tiya Sela. Tumango ako kahit di ako sigurado."Oo naman po." Bumuntong-hininga siya."Nitong nakalipas na mga araw ay palagi kang wala sa sarili. Gusto mo bang magpalipas ng gabi sa mga pinsan mo?" Mabilis akong umiling."Wag na po, tiya. Okay naman po ako..." tinititigan niya ako. Ngumiti ako para pagaaan
last updateLast Updated : 2022-08-07
Read more

Chapter 25

Nalasing si Mama sa isang gala event nila sa Manila. Akala niya ay si tito Marcio ang papalapit na sir Alarico kaya hinalikan niya ito. Nadatnan ni ma'am Llesea ang eksena kaya kinaladkad niya ang lasing na si Mama saka tinulak sa hagdan. Nahulog ang mama ko saka pinahiya sa harapan ng publiko at pinalabas na di tunay na anak ni tito Marcio si Daniel. Bagkus ay baka kay sir Alarico ito. O sa ibang lalaki. "Isang beses... isang beses lang ako nagkamali. Bakit halos patayin nila ako?" Tumawa si Mama na parang wala sa sarili.Tahimik akong nakikinig. Takot na baka may makaligtaan akong isang detalye."Iyang inggratang Llesea na 'yan. Mainit na ang dugo niyan sa akin. Gagawa ng paraan para patalsikin ako sa buhay nila. Pwes, di na ako babalik sa impyernong 'yun. Hinding... hindi nila makukuha muli si Daniel. Kahit isampal ko ang libo-libong DNA result nilang leche. Magkamatayan na. Tapos na ako. Tapos na tapos na ako. Inubos ako ng mga hayop." Ramdam na ramdam ko ang galit sa bawat salir
last updateLast Updated : 2022-08-07
Read more

Chapter 26

"Maam, babalik ulit ako para bigyan ka ng tsinelas!""Wag na. Di rin naman ako magtatagal..." napakamot sa kaniyang batok ang bellboy. Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Kung magtatagal pa ba ako o...Siya na rin ang nagpindot sa doorbell. Iniwan na ako ng bellboy kaya mas lalo akong nanlamig habang pinapanood ang pagiiba ng numero sa loob ng elevator na kinaroroonan ko. Nagaagaw kulay itim at ginto ang buong paligid. Sa sobrang kintab ng paligid ay nagagawa ko pang manalamin. Kinagat ko ang ibabang labi. Maputla ang mukha at tuliro ang ekspresyon. May suot akong tshirt at pantalon na abot tuhod. Magulo ang buhok ko at may dalang maduming tsinelas. Kahit saang anggulong tignan... para akong pulubi sa itsura ko. Halos lumabas ang dibdib ko ng biglang bumukas ang malaking pinto. Napasinghap ako ng makita kung sino.Mula sa kalmadong ekspresyon ay napalitan ito ng bagsik."How dare you?! Ang kapal talaga ng mukha mo!" Napaatras ako ng lumapit si Obrei na galit na galit
last updateLast Updated : 2022-08-08
Read more

Chapter 27

Kinabukasan, nabalitaan na umalis sila Jaco ng La Felicidad. Sa ibang lugar niya daw itutuloy ang panghuling semestre niya sa kolehiyo. At ang pamamahala ng hotel ay ipapalit sa isang pinsan. Kay Tiya Sela ko narinig 'yan ng minsang makasabay niya sa palengke ang kasambahay nila sa mansion."Anak... ayos ka lang ba?" Umiling ako."Hindi po. Ang sakit nga po e..." bumaba ang tingin ko sa mga sugat ko sa tuhod. Kagabi ito ng itulak ako ng mga guards sa lupa. Nadaplisan ng mga bato. Nangingitim rin ang likuran ko dahil may bukol ito mula sa pagkakatulak sa akin.Hindi nagsalita si tiya. Mas nais ko 'yun. Dahil baka isang kalabit ay magwala ako sa iyak.Ikinasal nga talaga si Jaco kay Obrei 'nung kaarawan nito sa bakasyon. Kaya pala nakaputi ito ng suot nang sumulpot sa bahay. Iyon ang araw ng kasal nila. Ang araw na ibinigay ko ang sarili sa kaniya. Ang araw na pinangakuan niya ako ng habang buhay.Pinatira si Obrei sa La Felicidad para makita kung... nakikita ba nila ang isa't-isa bilan
last updateLast Updated : 2022-08-08
Read more

Chapter 28

Nagwala na naman uli si Mama isang gabi nang makauwing lasing. Pinagtatapon niya ang mga bigay niyang mamamaling bag, alahas, gadgets, sapatos, relos at mga damit. Iyak siya ng iyak. Pilit namin siyang pinapakalma ni tiya pero ayaw magpaawat."Susunugin ko ang lahat ng ito! Susunugin ko!" Nilagay niya sa sako ang mga ito at tinapon sa bakuran. Pero dahil makakapal ang mga tela 'nun, nahirapan si Mama maggawa ng apoy. Ang ginawa niya, pinaliguan niya ito ng krudo bago sinunog.Naalala ko pa ang mga reklamo ng kapitbahay namin dahil sa usok na ilang araw na di mawala. Napabaranggay pa kami dahil sa mga reklamo. Si Mama ay walang pakielam. Inaalala ang mga alahas na di masunog sunog. Kaya ang ginawa niya, pinagpopokpok niya ito bago tinapon sa dagat. Ang mga gadgets ay pinagbabato bago tinapon. Kumalma na pagkatapos mawala ang mga bakas."Sigurado ka bang wala ng natirang pagmamayari ng mga demonyo sa kwarto mo?" Mabilis akong umiling."Wala na po, mama.""Carilla, ang lupa ng bakery
last updateLast Updated : 2022-08-10
Read more

Chapter 29

Hindi ko alam kung anong nahithit ni tito Marcio at gustong makipagbalikan kay Mama. Kilala ko si Mama, kahit siguro magpagulong-gulong si tito Marcio ay buo na ang desisyon niya. Buo nga ba?Nalaman ba niya na totoo talaga niyang anak si Daniel? Para saan pa? E patay na ito sa mata ni Daniel.Kakatapos namin ng mga kaklase ko magayos ng papeles para sa board exam namin. Dadaan kami sa munisipyo para doon magsumite. May opisina doon ang ahensya na nagbibigay ng exam. "Kapag di tayo nakapasa, anong plano?" Si Shea. Napasuklay ako ng aking buhok. Init na init ako sa araw at nakikisilong lang sa payong ni Shea. Wala pa akong dalang pantali."Private school siguro magaapply. Kailangan kong magtrabaho agad." Buntong-hininga ni Karly. "Aattend siguro ulit. Pero masyadong mahal sa review center. Baka bumagsak ako kung self-study na naman ulit." Bumaling ang tingin sa akin ni Bethilda."Ikaw, Anita? Anong plano?" Naaalala ko ang perang binubuo namin para makabayad sa lupa at puhunan ng bak
last updateLast Updated : 2022-08-10
Read more

Chapter 30

"Carilla! Carilla!" Naalimputanganan ako ng marinig ang natataranta at humahangos na boses ni tiya Sela."Bakit?" Sumungaw si Mama mula sa kusina.Tinatamad akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa sofa."Nasa labas si Llesea!""Ano?! Anak ng!" Nanggigil na lumalabas si Mama at mukhang susugod sa labas. Nagulat naman ako at sumungaw sa bintana. Napasinghap ng makita ang isang Llesea Avaceña sa aming bakuran kasama ang di ko mabilang na mga body guards nito. Napakamamahalin ng itsura nito pero bakit mukha itong maamong tuta ngayon?Anong ginagawa nito dito?"Napakalaking boba mo talaga, Llesea! Ang kapal ng mukha mong magpakita na naman rito! Tigilan niyo na ang anak ko!" Nagsisigaw si Mama habang pasugod sa ginang.Kumunot ang noo ko. Ano? Hindi ito ang unang pagkakataon na narito ito?"Ma!" Sigaw ko para awatin siya dahil mukhang sasaktan siya ng mga bodyguards.Gigil na lumingon sa akin si Mama. Umawang ang labi ni Llesea habang nakatingin sa akin."Wag na wag kang lalabas! Makak
last updateLast Updated : 2022-08-11
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status