Hindi ko balak na umalis ng bahay agad. Pero dahil na rin sa kahihiyan ay dala ko na ang gamit ko kinabukasan. "Tiya, magpapalamig lang ako. Aalis ako ng bahay para makapagisip-isip. Kapag mananatili pa ako rito ay baka... kung ano pa ang mangyari kay mama." Napailing siya. Kitang-kita ko kung papaano siya tumututol sa desisyon ko. Napabuntong-hininga ako. "Anita, malaki ka na. Sana alam mo ang ginagawa mo.""Tiya naman. Sarado pa ang isip ko, inaamin ko. Di ko lang matanggap.. agad...""Pakiramdam ko, mas nagkagulo kayo pagkarating ni Jaco. May kinalaman ba siya sa nangyayaring ito?" Kumunot ang noo ko at natawa."Wala, tiya. Swerte naman niya kung ganun'." Tinititigan ako ni tiya na tila tinitignan kung may plastik sa sinabi ko. Tumawa ako muli at napailing."Wala nga, tiya."Bumuntong-hininga siya."Wala na akong magagawa. Buo na ang isip mo. Ang akin lang, sana pagbalik mo rito ay tanggapin mo na rin si Marcio bilang pangalawang ama mo. Saksi ako sa pagpapakumbaba niya sayo..."
Last Updated : 2022-08-21 Read more