“Naging epektibo ba naman ba sa’yo ‘yang ginawa mo?” tanong nd matanda. “Parang ginigisa ka sa sarili mong mantika d’yan. Nilulunod mo sa sakit ‘yang sarili mo,” nag-aalalang sabi ni Mang Isko.“Parang? Kasi Mang Isko hindi man bumalik sa dati ang lahat, nabawasan man ang mga bagay na nakasanayan, sa huli nakuntento na ako sa pagmamahal na nabibigay ko kay Michaella. Ito na siguro ang kabayaran ko sa pagiging pabaya ko. Ang dami ko mang pinagsisisihan, wala naman na akong laban kung huli na ang lahat. Kaya kahit sa malayo, kahit na alam kong wala ng sukli ang pagmamahal ko, kahit sobra sobra pa ang ibigay ko, wala na akong magagawa,” malungkot na sabi ni Junel.Napailing si Mang Isko. Tumayo na ito at nag-unat. “Malalim na ang gabi at sa wakas dinalaw na ako ng antok,” ani ni Mang Isko. Tinapik nito ng mahina ang balikat ni Junel. “Ang kilabot ng kababaihan ng apartment ko, tumiklop na rin sa wakas,” biro nito. “Sana’y magsilbing aral sa’yo lahat ng ‘to. Mapapasan ba’t makakahanap ka
Magbasa pa