Home / Romance / My Vengeful Wife / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of My Vengeful Wife: Chapter 51 - Chapter 60

119 Chapters

Chapter 35.1: The Clash

HALOS PAGPAWISAN si Veron ng malapot nang masubok ang kakayahan ni Mr. Thurn. Bawat pagsuntok at pagsipa niya ay halos nasasalo ng matanda ngunit minsan ay sinuswerte rin siyang matamaan ito at ganoon rin si Veron. Mabuti at natauhan si Ynzo at kumuha ito ng pepper spray mula sa suot na bag at hindi inaasahang i-spray sa mga mata ng matanda. Nagpakawala kasi ang matanda ng isang malakas na suntok at nasalo ni Veron ang kamao nito, saktong nag-spray si Ynzo sa direksyon ng matanda na nagulat na napalingon sa kaniya. Ang pepper spray kasi na iyon ay hindi ordinaryo lamang sapagkat kaya niyong makapag-spray kahit na dalawang metro man ang layo ng target. Napahawak sa mga mata si Mr. Thurn at ninakaw nila ang pagkakataong iyon upang makatakbo palabas. Maya-maya lang ay nagsidatingan ang mga tauhan ng matanda na pawang mga nakaitim na suit.  “Hulihin ninyo ang dalawang iyon! Patayin ninyo hanggat maaari!” nanggagalaiti sa galit na utos ni Mr. Thurn. M
last updateLast Updated : 2022-03-29
Read more

Chapter 35.2: The Clash

UMALINGAWNGAW SA BUONG PALIGID ang mga nabasag na kagamitang babasagin at nagkapira-piraso ang mga iyon sa sahig. Halos magsitago ang mga tauhan ng nanggagalaiting si Mr. Thurn. Hindi niya akalaing muntik na siyang maisahan sa pagkakataong iyon. Ilang taon na ba siyang nag-iingat mula sa mga hindi kilalang kalaban? Hindi lang ito ang unang beses na may magtangka sa buhay niya. Hindi na maraming beses at ngayon lang siya nakakita ng taong halos makasabay sa bawat galaw niya.  “Who the f*ck is that traitor?!” sigaw ng matanda at muling nanghablot ng mas malalaking kagamitan at itinapon iyon sa sahig at ang iba ay hinagis sa dingding. “Ang lalakas ng loob ninyo, mga hunghang!” Natigilan si Mr. Thurn sa pagwawala nang biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa niya. “Boss, patay na po ang mga nagtangka sa buhay ninyo,” bungad ng tauhan mula sa kabilang linya. “Paano mo nasisiguro?!” sigaw pa niya rito. “E kasi, Boss. Nahulog ho sa tu
last updateLast Updated : 2022-03-29
Read more

Chapter 36: Odd Feelings

CHAPTER THIRTY-SIX  PAGOD NA PAGOD sila nang makauwi ng bahay. Sa mismong bakuran ng kanilang bahay sila dinala ng kanilang specialize parachute nang makitang halos tulog na ang mga tao sa buong paligid. Halos mamangha si Ynzo Abraham nang mapansin ang chopper motorcycle ni Veron na nasa labas na ng kanilang gate at nakaparada samantalang pababa pa lamang sila mula sa parachute nito. “Grabe, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala d’yan sa motorsiklo mo,” bigkas ni Ynzo nang makababa na sila. Kinuha ni Veron ang kaniyang chopper motorcycle na nakapatay na ngayon ang makina at dinala papasok ng bahay. Si Ynzo naman ay tumulong rin sa pagtutulak nito dahil sa bigat ng naturang sasakyan. “Grabe! Ang bigat naman nito!” bulalas ng lalaki at nag-inat pa ng katawan pagkatapos. Siniyasat ni Veron ang kabuuan ng moto
last updateLast Updated : 2022-03-30
Read more

Chapter 37: Is This Still Normal (?)

“MAUPO KA LANG DIYAN, okay? Leave it to me,” utos ni Ynzo at pinaupo si Veron sa high chair na naroroon sa kusina.“Nasugatan lang po ako, hindi ako nalumpo,” nakairap na pagdadahilan ng babae.“Whatever, brat Wifey! Ako ang magluluto ngayon kaya tumigil ka na sa pagrereklamo mo diyan,” pagtatapos ng lalaki na ikinatikom na lang ng bibig ni Veron.Maliit lang naman ang natamo niyang sugat sa kamay pero kung itrato siya ng asawa ay para bang naputulan na siya ng dalawang paa. Kanina pa ito nasa tabi niya at si Ynzo na ang gumawa ng lahat ng bagay na dapat ay gagawin niya. Dapat nga ay matuwa siya dahil may oras siyang magtamad-tamaran ngayon habang sinisipag pa ito ngunit naiinis siya sa pagtrato nitong iyon. Ayaw pa naman niya sa lahat ay iyong minamaliit at kinakawawa siya sa kah
last updateLast Updated : 2022-04-01
Read more

Chapter 38.1: The Promise

HINDI NA NAGULAT pa sina Ynzo Abraham at Veron Stacey nang muli silang dalawin ng mga magulang ng lalaki. Mabuti at lagi nang handa ang dalawa sa pagdating ng mga ito dahil sanay ang mga magulang ni Ynzo sa sorpresa.“I have a good news for you,” bungad ni Ginoong Tolledo nang makapasok na sila sa loob ng bahay at maupo sa sofa ng living room.Napangiti ng malawak si Ynzo kahit na hindi pa niya naririnig ang magandang balita na iyon. Umaasa siyang tungkol iyon sa kaniyang mamanahin kung sakali.“What is it, Dad?” hindi na niya napigilan pang itanong.Abot-tainga rin ang pagkakangiti ni Ginang Tolledo at napangiti na rin si Veron. Wala man siyang alam hinggil sa magandang balita ng mga ito ay natutuwa na rin siya dahil hindi masamang balita ang hatid ng mga ito.“You are appointed as the new C.E.O of our company,” bigla ay anunsyo ni Ginoong Tolledo habang kumikinang ang mga mata sa labis na tuwang nararamdaman. &
last updateLast Updated : 2022-04-04
Read more

Chapter 38.2: The Promise

HINDI NAMALAYAN NI Veron ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. Ngayon niya lang ulit naramdaman ang pagkasabik na makapiling muli ang mga magulang. Kung paanong ngumiti ang ina sa kaniya noon at kung paano nito habaan ang pasensiya sa pagsagot sa lahat ng katanungan niya noon. At kung paano biglang susulpot ang kaniyang ama upang asarin at patawanin siya tungkol sa ‘future husband’ niya raw na labis niyang ikinaiinis noon. She badly miss her parents now.“I—I’m sorry, napaiyak pa yata kita,” paghingi ng paumanhin ni Ginang Tolledo.“No, Mom.” Pinahid ni Veron ang mga luhang kumawala sa kaniyang mga mata. “Naalala ko lang po sina mommy at daddy.”“Kung alam ko lang na lilisanin niya ang mundong ito ng mas maaga, noon pa sana ay hinanap ko na siya.” Halos maluha nang bulalas ng Ginang. “Sobrang nalulungkot ako sa sinapit niya at sobrang miss na miss ko na ang best friend ko ngayon.&r
last updateLast Updated : 2022-04-06
Read more

Chapter 39.1: The Bonding

Pagkatapos ngang magtanghalian ay narito sila ngayon sa loob ng sasakyan upang magtungo sa pamilihan. Nagyaya kasi ang mga magulang ni Ynzo na mamili na ng mga gamit na kakailanganin ng kanilang magiging apo na labis na ikinatutol naman ng mag-asawang sina Ynzo Abraham at Veron Stacey. Hindi pa naman daw kasi nila alam kung babae nga ba o lalaki ang nasa sinapupunan ni Veron. Sadyang mapilit lang ang dalawang matanda kung kaya’y wala silang nagawa kundi ang sumunod na lang. “Excited na akong mag-shopping ng mga gamit ng magiging apo natin, Hon.” Magkasabay na tumingin sa rear view mirror sina Veron at Ynzo nang sabihin iyon ng Ginang. Kakikitaan ng pagkasabik ang kabuuan ng mukha nito.“Ako rin, Hon. Hindi na nga ako makapaghintay pa na lumabas na ang apo natin.”Pagkatapos niyon ay lihim na nagkatinginan sa isa’t isa ang dalawang mag-asawa na sina Ynzo at Veron. Wala na nga silang takas pa dahil naririto na
last updateLast Updated : 2022-04-11
Read more

Chapter 39.2: The Bonding

“I’m lying about that, Mom. Sa malayong probinsiya lang po siya nanggaling kasi natatakot akong baka husgahan ninyo ang babaeng mahal ko na mahirap lang siya at walang maipagmamalaking yaman. At kahit kailan ay hindi pa po siya nakararanas na makasakay ng eroplano,” malungkot na bigkas ni Ynzo. “Sinabi ko pong nag-aaral siya sa States para po matuwa kayo sa akin na I found a rich girl to be proud of. I thought about that because you keep on saying na maghanap ako ng babaeng pakakasalan sa mayayamang pamilya na kilala ninyo. That’s why I make stories about my wife na kesyo anak siya ng mayaman and such para lang po matanggap niyo siya.” Nagkatinginan ang dalawang matanda at nalungkot rin sa narinig. “I’m sorry about that, Son,” anang Ginoo. “But blessing in disguise that you found the best girl suited for you and it ends up to be the daughter of your mom’s best friend,” dagdag pa ng ama ni Ynzo. Napangiti si Ginang Tolledo na muntik nang maiyak dahil sa ipinag
last updateLast Updated : 2022-04-11
Read more

Chapter 40

KUMATOK MUNA NG tatlong beses si Veron Stacey sa labas ng pinto ng library bago binuksan ang pinto niyon. Nadungawan niya si Ynzo Abraham na abala sa pagbabasa ng santambak na papeles na nakasalansan sa ibabaw ng mesa nito at panay ang pagsulyap at pagtipa sa kaharap na computer. “What do you need?” tanong ng lalaki na hindi man lang siya nagawang sulyapan o tapunan man lang ng tingin. Bantulot naman na pumasok ng naturang silid si Veron at alanganing ngumiti. “Busy ka ba?” tanong niya gayong alam naman niya ang sagot sa tanong niyang iyon. Halata namang abala ang asawa sa trabaho nito. Mula nang ihirang na C.E.O ng kumpanya si Ynzo ay naging abala na ito sa pamamalakad ng family company ng mga ito. Bihira na nga silang magka-oras sa isa’t isa ngayon dahil abala rin siya sa pag-alam ng tunay na sitwasyon ni Mr. Thurn matapos ang kabiguan nito sa buhay. Wala na siyang ibang naging balita pa patungkol sa naturang matanda. Bukod doon ay naging abala rin siya sa pakikipag-usap sa kasin
last updateLast Updated : 2022-05-04
Read more

Chapter 41.1

NANATILING NAKASUNOD kina Veron at Skyler si Ynzo at matiyagang nagmamasid. Bawat kilos ng dalawa ay pinupuna niya at napapailing na lang. Maya-maya lang ay sumakay na ang dalawa sa loob ng sasakyan ni Skyler. Oras na rin upang magtungo si Ynzo sa sariling sasakyan. Magkasunod lang na nakaparada sa gilid ng park ang kanilang mga sasakyan kaya madali lang sa kaniya ang sumunod sa mga ito. Nakita pa niya kung paano alalayan ni Skyler ang babae na makaupo sa passenger's seat na katabi ng driver’s seat na tila ba isang babasaging hiyas. Ginantihan naman ito ni Veron ng isang matamis at malawak na ngiti. Kanina pa hindi maalis-alis ang pagkakangiti sa labi ng babae at unti-unti ay tila ba naghahatid iyon ng pagkairita sa buong sistema ni Ynzo. Ngayon lang siya nainis sa mga ngiting iyon ni Veron. Naisip lang niya na hindi naman ganoon kung ngumiti ang babae tuwing kasama siya ngunit bakit ngayon ay halos mapunit na ang bunganga nito sa kangingiti? Napahinto si Ynzo sa pagmamaneho nang buma
last updateLast Updated : 2022-05-07
Read more
PREV
1
...
45678
...
12
DMCA.com Protection Status