Home / Werewolf / Mate, The Thirteenth / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Mate, The Thirteenth : Chapter 1 - Chapter 10

35 Chapters

Prologue

Mark your calendar. Tonight, on the first full moon of the year, I will marry my bestfriend's widow. Iginala ko ang aking paningin. Mula sa mga sanga ng matatayog na mga puno ay nakalambitin ang mga puting paper laterns. Sa ibang bahagi ng mga sanga ay mayroong nakalambitin na LED lights na lalong nagpaganda sa disenyo ng paligid. Kung titingnan ito mula sa malayo ay tila nagmumukha itong mga alitaptap na aandap-andap. Kung tutuusin ay malalim na ang gabi ngunit maliwanag ang paligid dahil sa mga nakahilera na kalalakihan na unipormado ng itim na tuxedo. May hawak ang bawat isa sa kanila na malalaking torch. Para silang mga estatwa sa kanilang kinatatayuan at tila nagsilbi silang bakod sa venue. Artipisyal ang mga hawak nilang torch, tila kahoy ang disenyo ng handle nito. Naglalabas iyon ng light effect na tila nagmumukhang tunay na apoy. Infairness, magaling pumili ng lugar ang aking groom. Kahit nasa gitna kami ng gubat ay malawak naman ang espasyo. Nasa higit dalawang daan
last updateLast Updated : 2022-02-18
Read more

Chapter 1

Pabagsak akong nahiga sa malawak at malambot na kama. Suot-suot ko pa rin ang aking wedding gown. Ipinikit ko ang aking mga mata. Pakiramdam ko kasi ay nanlalata ako. Kung kailan tapos na ang pagtitipon ay saka ko naman naramdaman ang labis na pagod. Nang dumampi sa aking balat ang malamig na hanging nagmumula sa aircon ay tila hinihila nito ang aking mata upang pumikit. Kasabay ng aking pagpikit ay ang pagdaloy ng alaala sa aking isipan. "Sigurado ka bang pakakasalan mo siya?" Tumabi ako ng upo sa aking bestfriend na si Ciara. Kaagad rin itong bumaling sa'kin. Kitang-kita ang kislap sa kanyang mga mata. "Mahal ko si Oryrius, Lee." "Madami namang iba diyan, 'yong binata talaga at hindi biyudo." No comment ako sa lahat ng naging karelasyon ni Ciara noon ngunit iba ngayon ang usapan. Hindi ko natiis na isatinig ang aking gustong sabihin. "Hindi masamang mag-asawa ng biyudo kung kasing gwapo, hot at yaman ni Oryrius Delacorte." Lalong lumawak ang kanyang ngiti. "At napakasuwerte
last updateLast Updated : 2022-02-18
Read more

Chapter 2

"Ano bang pinagsasabi mo? Siyemre hindi noh." Mabilis kong bulalas. Pinilit kong itinago ang kabang aking nadarama. Mukhang malakas ang radar ng damuho. Dapat siguro igihan ko ang pag-arte. Baka mamaya ay mahalata niya ako. Hindi ako pwedeng pumalpak. Hindi pwedeng mapurnada ang plano namin. "Alam mo, masyado kang nag-a-assume ng mga bagay-bagay. Joke lang naman 'yon. At saka may sinabi ba akong killer ka?" Ngunit hindi pa rin nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito. Tila hindi siya kumbinsido. Napatikhim na lang ako. "Pakakasalan ba kita kung killer ang tingin ko sa'yo?" Wala na akong choice kundi echosin siya. Mahina naman siyang napabuntong-hininga. Ngunit hindi naman siya umimik kaya naman sinamantala ko iyon upang ibahin ang usapan. "I'll just change my clothes." Kaagad na rin akong tumayo at bumaba sa kama. Binilisan ko talaga kilos ko upang huwag na siyang makaangal pa. Kulang na lang ay mag-transform ako bilang si 'the flash'. Kandatalisod tuloy ako dahil sa pagkata
last updateLast Updated : 2022-02-19
Read more

Chapter 3

Mind reader ba si Oryrius Delacorte? Bakit parang nababasa niya ang iniisip ko? Napakurap-kurap ako. Hindi kaya alien siya? O baka naman isang maligno? Gumapang ang kilabot sa kaibuturan ko.Naprapraning akong nag-angat ng tingin at tinitigan ang tulog na tulog na si Oryrius. Payapang-payapa ang hitsura nito habang nakapikit. Makinis ang balat nito na lalong nakadagdag sa kanyang kagandahang lalaki. Mahaba ang malantik nitong pilikmata. Sana all na lang sa kanya. Matangos din ang ilong nitong tila perpekto ang pagkahulma. Mamula-mula rin ang labi nitong sa unang tingin ay 'di maikakailang napakalambot. Kahit saan yatang anggulo ay napakagwapo nito. Ilang minuto ko pa siyang tinitigan. Infairness, kahit isang libong taon ko yata siyang titigan, parang hindi nakakaumay ang kagwapuhan niya. Sana all na lang ulit sa kanya. Napailing na lamang ako. Malabo. Masyadong malabo ang iniisip ko. Sa gwapo ng lalaking ito, imposible namang alien siya. At lalong imposible na maligno siya.
last updateLast Updated : 2022-03-01
Read more

Chapter 4

Naguguluhan ako. Ba't naman gano'n? Bakit sa kwarto niya ako nag-i-stay samantalang may sarili palang kwarto ang mga dati niyang asawa? Anong pwedeng dahilan niya? I spent minute thinking about the posible reason. Pero wala eh, wala akong maisip na pwede pang dahilan. O baka naman assuming lang ako. Malay ko lang, baka mamaya o bukas ay sasabihin na niyang may sarili rin akong kwarto. Ganito na lang, kapag hindi niya ako bibigyan ng sarili kong kwarto, doon na ako magdududa. Tama! Maghihintay pa ako ng konti. "Lady?" Untag sa akin ng katulong. Tila rin bumalik ako sa reyalidad dahil sa tinig ni helper Sabel. Noon ko natanto na nasa tapat pa rin kami ng malaking pintuan. "Ayos ka lang ba, Lady?" Naulinigan ko ang pag-aalala sa tinig niya. Nang bumaling ang tingin ko sa kanya ay nakatingin ito sa sa'kin at kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "May problema po ba?" Taranta akong napailing. Kaagad ko ring pinilit ang ngumiti. "Wala po. Ayos lang po ako.
last updateLast Updated : 2022-03-02
Read more

Chapter 5.1

"Mate." Liningon ko ang pintuan kung saan nagmula ang tinig ni Oryrius. Suot pa rin nito ang suot niyang suit kanina ngunit this time ay wala na ang neck tie nito. Nakabukas na rin ang tatlong butones ng polo nito. Namait ang panlasa ko nang mamasdan ko siya nang husto. Pasado alas-singko na rin, pakiramdam ko nanlalagkit na ako sa pawis samantalang siya mukhang fresh pa rin. Ang unfair din talaga ng life! Muli ko siyang pinasadahan ng tingin. Natatandaan kong umalis siya ng kwarto kaninang umaga na nakasuot lang ng T-shirt at pajama. Hindi ko rin naman siya nakitang pumasok sa walk in wardrobe ng silid. Ang tanong, saan siya nagbihis? Napakurap-kurap ako sa reyalisasyon. Hindi kaya, hindi naman talaga ito ang kwarto niya? Iginala ko ang paningin ko sa loob. Walang masyadong gamit rito na parang walang umuukupa. Baka katulad ng iba niyang asawa ay may sarili rin kong kwarto. At ito 'yon, ito ang para sa akin. Pero muli akong napailing nang sumagi sa isip kong dito r
last updateLast Updated : 2022-03-03
Read more

Chapter 5.2

"Hintayin niyo po ako." Mabilis kong saad. "Po?" Tila 'di makapaniwala si Helper Sabel sa narinig. "Hintayin niyo po ako hanggang sa makalabas ako rito." Muli kong saad habang taranta kong isinusuot ang underwear ko. Wala akong narinig na respond sa kanya kaya lalo kong minadali ang pasusuot ng damit ko. "Ate Sabel?" Muli kong tawag sa kanya habang sinusuot ang bestida ko. "Lady?" Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang tinig niya. Akala ko ay iniwan na niya ako. "Wait lang po saglit." Nang tuluyan kong maisara ang zipper ng bestida ko ay mabilis kong binuksan ang pinto. Kaagad namang bumungad sa'king paningin si Helper Sabel na nakatayo sa labas ng banyo na tila naghihintay. "Nandito na ako." Ginawaran ko siya ng ngiti kahit para akong dinaanan ng delubyo. Ramdam ko ang butil ng pawis sa noo ko at idagdag pang hindi pa ako nakakapagsuklay. Laking pasasalamat ko na hinintay niya ako. Mabuti na 'yong kasama ko siyang lumabas. Baka nandito pa sa loob ng kwarto si Oryri
last updateLast Updated : 2022-03-05
Read more

Chapter 6.1

Chantelle Cordova. Umugong sa isipan ko ang pangalang iyan. Ilang sandali ko pang tinitigan ang naka-imprentang pangalan bago dumako ang tingin ko sa iba pang information na nasa laptop. Infairness, pangalan pa lang, pang malakasan na. At tunog maganda rin. Umayos ako ng upo sa kama habang titig na titig sa laptop na nasa ibabaw ng unan at nakapatong sa kandungan ko. Tahimik kong binasa ang laman ng dokumento. Chantelle Roxas Cordova, or also known as Elle Cordova was born on August 28, 1996. She is a popular singer in the Philippines. She came from a wealthy family and she is the only heiress of Corvoda family. Matapos kong basahin ang article mula sa USB na bigay sa akin ni Lowell Gonzalo ay hindi ko naiwasang mapaisip. Magkaedaran lang pala kami ng Chantelle Cordova na ito. Pitong araw lang ang tanda ko sa kanya. Muli akong tumitig sa screen ng laptop.As I scroll down, narating ko ang mga photos ni Chantelle Cordova. Hugis bigas ang mukha nitong may singkit na mga mata, ma
last updateLast Updated : 2022-03-07
Read more

Chapter 6.2

"Tinatanong pa ba 'yan?" Hindi siya umimik kaya naman muli akong nagsalita. "Ikaw na ang nagsabi sa'kin, kabilang din naman ako sa business industry. Kaya dapat alam ko na ang rason. So dapat, alam mo na rin ang dahilan ko kung bakit kita pinakasalan.” Hindi naman nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito. Nanatili itong walang kangiti-ngiti at tila hindi kumbinsido "I am still your bestfriend's widow." Nailing na lamang ako. Kung alam lang sana niyang iyon ang pinakaunang rason kung bakit ko siya pinakasalan. "Business is separate from personal matter, Rius. Ano ngayon kung asawa ka ng bestfriend ko? Hindi maaapektuhan no'n ang desisyon ko." Nag-iwas ako ng tingin. Tila humapdi ang puso ko sa binitiwan kong salita. Kahit kailanman ay 'di ko magagawang ipagpalit ang friendship namin ni Ciara sa kayamanan. Kahit pa siguro ang kapalit ay maging pinakamayaman akong tao sa mundo. "Sabi ng Daddy mo, idea raw niya ang kasal. Kaya napaisip lang ako kung tumutol ka ba sa kasal." Na
last updateLast Updated : 2022-03-07
Read more

Chapter 7.1

Sa west wing. Tama! Doon ako dapat magsimula. Kahina-hinalang ipinagbabawal ni Oryrius ang magpapasok roon. Maaaring may itinatago siya roon. Baka nando’n ‘yong mga ebidensiyang hinahanap ko. Kaya kailangan na kailangan ko nang makapasok sa west wing. Pero ang tanong, paano at kailan? Iyan ang mga tanong at isiping bumagabag sa akin pagkagising na pagkagising ko kinabukasan. Katulad nang nakaraang umaga ay nagising akong wala na si Oryrius Delacorte sa tabi ko. Parang naulit lang ang nangyari dahil pagkabangon ko ay dumeretso agad ako sa bintana upang pagmasdan ang mga magagandang bulaklak sa hardin. Ang kaibahan nga lang, wala na 'yong malaking aso. "Lora." Awtomatiko akong napalingon sa pintuan kung saan nagmula ang tinig. Bumungad sa akin si Oryrius na kakapasok lamang ng silid. Presentableng-presentable ang hitsura nito sa suot niyang dark blue three piece suit. "I will be attending an important meeting today and I might go home late." Awtomatikong napataas ang isang kilay
last updateLast Updated : 2022-03-09
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status