Home / Werewolf / Mate, The Thirteenth / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Mate, The Thirteenth : Chapter 11 - Chapter 20

35 Chapters

Chapter 7.2

Nanginginig ang kamay kong hinugot ang susi sa bulsa ng suot kong short. Nanuyo ang lalamunan ko nang simulan kong subukan ang susing hawak ko. Lumakas ang kabog ng puso ko nang hindi sumakto ang unang susi na napili ko. Muli pa akong sumubok ng isa pa. Ang isa ay naging dalawa hanggang sa nasundan at muli pang nasundan. "Please naman, makisama ka naman." Butil-butil ang pawis kong nagpalingon-lingon. Sana lang, wala sa mga katulong ang mapadpad dito. Muli pa akong sumubok ng isa pa. Gano'n na lamang ang kabog ng puso ko nang sumakto ang susi. Nanuyo ang lalamunan ko nang pihitin ko iyon. Tila lalo ring lumakas ang tibok ng puso ko nang hawakan ko ang doorknob at pihitin iyon. "Wala na talagang atrasan 'to, self." Lakas loob kong pinihit ang doorknob at tinulak ang pinto. Sa pagbukas ng pinto, tila ba nag-slow motion ang paligid. Bumungad sa akin ang kadiliman at katahimikan. Napalunok na lamang ako. "Kung sino man po ang may-ari ng room na 'to, sorry na po agad. Pasok p
last updateLast Updated : 2022-03-12
Read more

Chapter 8.1

Tumunog ang sikmura ko. Takte naman! Bakit ngayon pa? Alanganin akong napabaling kay Oryrius Delacorte. Nasalo ng aking mga mata ang magandang uri ng mga mata nito. Argh! Nakakahiya! For sure, narinig niya 'yon. "C'mon, let's have our lunch." Nanatili itong walang kangiti-ngiti kasabay ng pagpapatiuna nito sa paglalakad. Tila balewala sa kanya ang narinig niya kaya naman napasunod na lamang ako sa kanya. Naging tahimik ang tanghalian. Sobrang gutom ako kaya nasa pagkain talaga ang atensiyon ko. Tila balewala naman kay Oryrius kahit mukha akong patay gutom. Nahuhuli ko siyang pasulyap-sulyap pero nanatili naman siyang no comment. Bahala siya kung gusto niya akong husgahan sa utak niya. Kahit naman maging bad shot ako sa paningin niya, wala akong pakialam tutal ang ending naman namin ay ang pagiging mortal enemy. Muli akong nagpatuloy sa pagkain. Hinayaan lang niya ako. Hindi katulad kagabi na sweet-sweetan ang peg niya. Ngayon, kahit isang butil ng kanin ay 'di niya magawang ia
last updateLast Updated : 2022-03-14
Read more

Chapter 8.2

Pupunta kami sa west wing? At ayos lang sa kanya? Sure ba talaga siya? "Pero bago sana tayo mag-tour sa west wing," sandali itong tumigil sa pagsasalita at pinakatitigan niya akong mabuti. "Pwede bang maligo ka muna?" Anong sabi niya? Awtomatikong nanlisik ang mga mata ko. Nanlaki rin ang butas ng ilong ko sa narinig. "C'mon, hindi ka dapat magalit. I am just concern with your hygiene." Mahinahon ang tinig nito at tila wala namang halong pang-iinsulto ngunit hindi pa rin naibsan ang galit ko. "Hoy! Para sa kaalaman mo, kahit hindi ako maligo ng one year, mabango pa rin ako." Panandaliang nangunot ang noo nito pagtapos gumuhit ang pigil na ngiti sa labi nito. "Really, huh?" Tumayo ako sa pagkakaupo at pinameywangan siya. "Kung gusto mo, paamoy ko pa sa'yo kili-kili ko." Nailing naman itong ibinalik ang tingin sa mga pagkain. Tila ba hindi ito naniniwalang kaya kong gawin iyon. Nagpupuyos ang damdamin kong humakbang palapit sa kanya. Kaagad naman siyang bumaling sa akin. Na
last updateLast Updated : 2022-03-18
Read more

Chapter 9.1

"Ito bang hinahanap mo?" Namutla ako sa nakita. "Ito ba, mate?" Tila nahimasmasan ako dahil sa muli niyang tanong. Napalunok ako bago magsalita. "Hindi." Mabilis akong umiling. Ramdam ko ang butil-butil kong pawis sa aking noo. Ibinaba nito ang nakataas niyang kamay. Hindi ito umimik ngunit nanatili itong nakatingin na para bang tinatantiya ako. "H-Hinahanap ko 'yong baby doggie ko." Gusto kong tuktukan ang sarili ko dahil nautal pa ako. Sana naman mapaniwala ko siya. Mahina itong bumuntong-hininga bago nito inalis ang tingin niya sa akin. "Alright. I thought it was yours since Helper Sabel found it here." Mahinahon nitong turan kasabay ng pagpasok niya ng susi sa kanyang bulsa. Wala na akong nagawa kundi sundan na lamang ng tingin ang kanyang kamay. Kung pwede lang sana, kanina ko pa sana pinigilan ang pagpasok niya sa susi sa kanyang bulsa. "So, let's go?" Untag niya sa akin dahilan upang mapatingin ako sa kanya. "Ready ka na bang pumunta sa west wing?" Muli niyang
last updateLast Updated : 2022-03-19
Read more

Chapter 9.2

Napabalikwas ako ng bangon. Iyong susi! Awtomatikong napunta ang tingin ko sa ibabaw ng bedside table. Ngunit wala na roon ang susi. Takte! Nakatulog ako. Nang igala ko ang tingin ko sa silid ay nasalubong ko ang tingin ni Oryrius Delacorte. Nakatayo ito malapit sa pintuan ng silid. Puno ng pagtataka ang mga mata nito. Mukhang nabigla ito sa bigla kong pagbangon. "Good morning." Bati nito nang mahimasmasan sa pagkabigla. Anong sabi niya? Good morning? Tila wala sa sariling iginala ko ang aking paningin. Takte naman! Mula sa bintana ng silid ay makikita ang lumalagos na liwanag na nagmumula sa labas ng bahay. Umaga na? Ibig sabihin ay gano'n katagal ang naitulog ko? Nang ibalik ko ang tingin ko kay Oryrius ay noon ko lamang napasin na nakasuot na ito ng itim na suit. Hays. Sayang 'yong pagkakataon kagabi. "I gotta go,” wika niya. Hindi na ako nakaimik. Pre-occupied ang isip ko sa panghihinayang. Kung bakit ba naman kasi ang sarap ng tulog ko kagabi. "Your brea
last updateLast Updated : 2022-03-20
Read more

Chapter 10.1

Sumakit ang ulo ko sa kaiisip. Hindi ko maiugnay ang maikling tula sa mga nangyari. Mukhang wala itong maitutulong sa imbestigasyon ko. Baka sadyang malakas lang ang trip ni Chantelle Cordova o pwede ring mahilig lang siyang mag-compose. Baka bukod sa singing ay may talent din ito sa writing. Hays. Ayoko na siyang pakaisipin. Sa huli ay nagdesisyon na lang ako na itago iyon. Saka ko na lang ibabalik kapag nabawi ko na 'yong susi. Tama! Sa ngayon, ‘yong sushi muna ang dapat kong isipin. Kailangang mapasaakin ‘yon. INABALA ko ang sarili ko sa pagtulong sa gawaing bahay. Nagpumilit ako kahit ilang beses silang tumanggi. Nabuburyo na ako dito sa mansion ni Oryrius. Hindi ko naman magawang bumalik sa west wing dahil wala akong susi. Ang boredom na aking nadarama ay napalitan ng excitement nang sabihin ni Helper Sabel na tumawag raw si Oryrius at sinabing susunduin ako dahil may pupuntahan kaming party. Napili kong isuot ang isang kulay mocha na square neck ruffle dress na han
last updateLast Updated : 2022-03-21
Read more

Chapter 10.2

"It's Mrs Delacorte, for you." Malamig na turan ni Oryrius. Nagulat ako sa bigla niyang pagsulpot sa tabi ko. Parang kanina lang ay nakita ko na super busy ito sa mga kalakihang kausap niya. Awtomatiko ring dumantay ang palad nito sa balikat ko dahilan upang mapabaling ako sa kanya. Sandali ring bumaling ang lalaki kay Oryrius. Unti-unti ring nabura ang ngiti nito. "Nag-asawa ka na pala, Lee." Tipid na naman akong napangiti. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maging reaksyon. Pamilyar talaga sa akin ang lalaking ito. Hindi ako maaaring magkamali, kilala ko siya. Saan ko nga ba siya nakita? "Sige, maiwan ko na kayo." Hindi ko mawari ngunit tila nakita ko ang lungkot sa mga mata nito. "Feel free to leave, Mister Fonte." Walang kangiti-ngiting turan ni Oryrius. Naulinigan ko rin ang yabang sa tinig nito. Pero teka! Anong sabi ni Oryrius? Mister Fonte? Mabilis akong napatayo dahil sa reyalisasyon. Iisa lang ang kakilala kong tao na may apelyidong Fonte. "Toto?" Bulalas
last updateLast Updated : 2022-03-23
Read more

Chapter 11.1

Bakit ayaw ni Toto na malaman ng iba? Ano bang sasabihin nito na kailangan pang isikreto sa iba? At anong pumipigil sa kanya na sabihin dito ang nalalaman niya? Hindi ko naiwasan ang kabahan. Pakiramdam ko ay may importanteng bagay na nalalaman si Toto. Tila ba isa itong malaking sikreto. Pero ano iyon? May kinalaman ba iyon sa katotohanan tungkol sa pagkamatay ni Ciara? Bago pa ako makaimik ay nakuha ng atensiyon ko ang paghinto ng pamilyar na kotse. Napaikot na lang ako ng mata. Mukhang dumating na ang sundo ko. Ang galing din ng radar nila. "Let's go, Lora!" Tila tumalon ang puso ko nang marinig ko ang tinig ni Oryrius Delacorte sa aking likuran. Hindi pala kasama sa loob ng sasakyan ang lintek. Nang lingunin ko siya ay wala itong kangiti-ngiti. Nakakunot-noo ito at tila ba bad trip na bad trip. Ano bang problema nito? "I said, let's go home!" Mariing turan nito. Tila naman bigla akong bumalik sa reyalidad. Pasimple at mabilis kong itinago ang hawak kong calling c
last updateLast Updated : 2022-03-25
Read more

Chapter 11.2

"At anong gagawin mo sa akin? Papatayin mo ako?" Hindi ko itinago ang galit ko. Bumangon ako sa kama. Hindi ko na rin inalintana kahit tanging pang-ibabang saplot lang ang suot ko. "I am not a killer, Lora!" Mariin niyang turan. Kita pa rin ang galit sa mukha nito. "Kung gano'n anong gagawin mo sa akin? Sasaktan mo ako? Gagawin mo ulit 'to? Babastusin mo ako? Bababuyin mo ako?" Nagngangalit kong turan kasabay ng pagtulo ng aking luha. Mariing itong napapikit. Tila nagtitimpi. "I hate you so much right now, Rius!" Bago pa ito makaimik ay mabilis kong tinungo ang walk-in wardrobe. Mabilis akong nagbihis. Napili kong isuot ang ternong hoodie jacket. Kaagad ko ring kinuha ang maleta ko. Hindi pa rin maampat ang luha ko habang nilalagay ang mga damit ko sa loob ng maleta. Nang mailagay ko lahat ng damit na dala ko noon ay kaagad akong umalis roon. Umawang naman ang mapulang labi ni Oryrius nang makita niya ang dala ko. "And what do you think you're doing?" Hindi ko siya pinansin.
last updateLast Updated : 2022-03-27
Read more

Chapter 12.1

Nang hilain niya ang aking kamay ay nagpatianod na lamang ako. Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na nagawang mahila ang maleta ko. Hindi na rin ako nagtangkang balikan dahil baka makasagabal pa iyon sa amin. Nagawa ko pang lingunin ang pinagmumulan namin. Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko o namamalikmata lang ulit ako. Nakita ko ang dalawang higanteng hayop na nagpapambuno. Kitang-kita ko rin kung paano marahas na kinagat ng isa sa kanila ang leeg ng isa. Hindi ko lang sigurado kung anong klaseng hayop ang mga iyon. Four-legged animals ang mga iyon at mabalahibo. Hindi ko mawari kung leon ba o malaking aso lang. Bukod sa dalawa ay mayroon pang isa na nakahandusay, hindi na gumagalaw at tila wala nang buhay. Kumabog ang aking dibdib nang mapunta ang tingin ng isa sa mga hayop sa akin. Malayo na kami ngunit tila naabot ng titig nito ang kinaroroonan namin. Labis na nanindig ang balahibo ko nang makita ko ang namumulang mata nito. Nahihintakutan akong nagbawi ng tingin.
last updateLast Updated : 2022-03-28
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status