Bakit ayaw ni Toto na malaman ng iba? Ano bang sasabihin nito na kailangan pang isikreto sa iba? At anong pumipigil sa kanya na sabihin dito ang nalalaman niya? Hindi ko naiwasan ang kabahan. Pakiramdam ko ay may importanteng bagay na nalalaman si Toto. Tila ba isa itong malaking sikreto. Pero ano iyon? May kinalaman ba iyon sa katotohanan tungkol sa pagkamatay ni Ciara? Bago pa ako makaimik ay nakuha ng atensiyon ko ang paghinto ng pamilyar na kotse. Napaikot na lang ako ng mata. Mukhang dumating na ang sundo ko. Ang galing din ng radar nila. "Let's go, Lora!" Tila tumalon ang puso ko nang marinig ko ang tinig ni Oryrius Delacorte sa aking likuran. Hindi pala kasama sa loob ng sasakyan ang lintek. Nang lingunin ko siya ay wala itong kangiti-ngiti. Nakakunot-noo ito at tila ba bad trip na bad trip. Ano bang problema nito? "I said, let's go home!" Mariing turan nito. Tila naman bigla akong bumalik sa reyalidad. Pasimple at mabilis kong itinago ang hawak kong calling c
"At anong gagawin mo sa akin? Papatayin mo ako?" Hindi ko itinago ang galit ko. Bumangon ako sa kama. Hindi ko na rin inalintana kahit tanging pang-ibabang saplot lang ang suot ko. "I am not a killer, Lora!" Mariin niyang turan. Kita pa rin ang galit sa mukha nito. "Kung gano'n anong gagawin mo sa akin? Sasaktan mo ako? Gagawin mo ulit 'to? Babastusin mo ako? Bababuyin mo ako?" Nagngangalit kong turan kasabay ng pagtulo ng aking luha. Mariing itong napapikit. Tila nagtitimpi. "I hate you so much right now, Rius!" Bago pa ito makaimik ay mabilis kong tinungo ang walk-in wardrobe. Mabilis akong nagbihis. Napili kong isuot ang ternong hoodie jacket. Kaagad ko ring kinuha ang maleta ko. Hindi pa rin maampat ang luha ko habang nilalagay ang mga damit ko sa loob ng maleta. Nang mailagay ko lahat ng damit na dala ko noon ay kaagad akong umalis roon. Umawang naman ang mapulang labi ni Oryrius nang makita niya ang dala ko. "And what do you think you're doing?" Hindi ko siya pinansin.
Nang hilain niya ang aking kamay ay nagpatianod na lamang ako. Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na nagawang mahila ang maleta ko. Hindi na rin ako nagtangkang balikan dahil baka makasagabal pa iyon sa amin. Nagawa ko pang lingunin ang pinagmumulan namin. Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko o namamalikmata lang ulit ako. Nakita ko ang dalawang higanteng hayop na nagpapambuno. Kitang-kita ko rin kung paano marahas na kinagat ng isa sa kanila ang leeg ng isa. Hindi ko lang sigurado kung anong klaseng hayop ang mga iyon. Four-legged animals ang mga iyon at mabalahibo. Hindi ko mawari kung leon ba o malaking aso lang. Bukod sa dalawa ay mayroon pang isa na nakahandusay, hindi na gumagalaw at tila wala nang buhay. Kumabog ang aking dibdib nang mapunta ang tingin ng isa sa mga hayop sa akin. Malayo na kami ngunit tila naabot ng titig nito ang kinaroroonan namin. Labis na nanindig ang balahibo ko nang makita ko ang namumulang mata nito. Nahihintakutan akong nagbawi ng tingin.
Tinapos lamang niya ang halik nang pareho na kaming kapusin ng hininga.Huli na nang ma-realize ko ang nangyari.Bakit ko hinayaang halikan niya ako ng gano’n?Hindi iyon tama.Dapat galit pa rin ako sa kanya.May kasalanan siya sa akin ‘di ba?Hindi porket iniligtas niya ako sa panganip ay okay na.Siya pa rin si Oryrius Delacorte— ang lalaking maaaring maysala sa pagkamatay ng pinakamamahal kong kaibigan.Nasaksihan ko na kanina kung paano siya magalit. At maaaring may mas matindi pa roon.Nang magtama ang aming mga mata ay kitang-kita ko ang sinseridad sa kanyang kulay abong mga mata. Hindi ko rin mawari pero parang may nakita akong lungkot mula roon.Hindi ko lang alam kung tama ako ng pagkakaintindi sa emosyong nakita ko sa kanyang mga mata.“Lora..” mahinang usal niya."Iyong ginawa ko kanina sa mansiyon, believe me, hindi ko talaga sinasadya iyon." Pakiramdam ko ay sinsero siya.Baka nga naman, nabigla lang siya o maaaring na-trigger ko siya kaya niya nagawa iyon.Tila naman ma
Payapa ang aking naging tulog. Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa alapaap. Ngunit ang tila ang naglalakbay kong diwa ay nagising dahil sa malakas na busina ng sasakyan. Napamulat ako ng mata. Awtomatiko kong iginala ang aking paningin. Nang bumaling ako sa aking tabi ay wala na naroon si Oryrius. Nang lumingon ako sa bintana ay kitang-kita ko ang liwanag na tumatagos sa bintana. Mukhang tinanghali na ako ng gising. Bumangon ako sa pagkakahiga, nang mapunta ang ang tingin ko sa aking katawan ay suot ko na ang damit ko kagabi. Hindi ko naiwasan ang panunuyo ang aking lalamunan nang maalala ko ang nangyari kagabi. Hays. Ba’t kasi nagpahalik ako? "Lora?" Kasabay ng pagtawag ay ang pagbukas ng pinto ng silid. Nagtama ang aming mga mata. Ngunit mabilis din akong nag-iwas ng tingin nang maramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi. "Nandiyan na ang sundo natin." Tuluyan itong pumasok sa loob ng silid. Nakakurap-kurap na lamang ako. Nakakahiya 'yong nangyari kagabi. Sobrang nakakah
Wala akong sinayang na sandali. Matapos kong pagdikit-dikitin ang punit na calling card ay nagawa ko namang makuha ang numero. "Sumagot ka, please." Bulalas ko habang palakad-lakad sa loob ng silid. Nakatatlong dial na ako ngunit hindi sinagot ni Toto ang tawag ko. Kaya naman tila nabuhayan ako ng loob nang tanggapin nito ang tawag ko sa pang-apat na dial ko. ["Hello."] Hindi ko naiwasan ang mapakunot-noo nang marinig ko ang boses ng isang babae sa kabilang linya. "H-Hello."Nag-aalangan kong turan. Argh! Mukhang mali pa yata ako ng natawagang numero. ["Hello po, sino po sila?"] Mahina akong napatikhim bago magsalita. "Is this Antony Ostria's number?" Lakas-loob kong tanong. Wish ko lang na hindi ako nagkamali. ["Opo. Sino po sila?"] "I am his friend. Can I speak to him?" ["Pasensya na po. Malabo pong mangyari ang gusto niyo ma'am."] Hindi ko naman naiwasang mapakunot-noo dahil sa narinig ko. ["Hindi niyo pa ba nababalitaan ang nangyari ma'am? Mahigit isang linggo n
Tagos sa puso ang binitawang salita ni Oryrius Delacorte pero pilit kong tinigasan ang puso ko. Ano bang malay ko kung umaakting ang lintek? Umiiling akong humakbang at iniwan siya. Narinig ko pa ang ilang ulit na pagtawag niya sa pangalan ko ngunit hindi ko iyon pinansin. Kaagad akong nagtungo sa walk in wardrobe at nagbihis. Nagsuot ako ng pantalon at puting T-shirt na pinatungan ko ng itim na hoodie jacket. "Please don't leave, Lora." Pagmamakaawa niya. Humarang din siya sa pintuan ng silid upang hindi ako makadaan. "Let me breathe, Rius. Bigyan mo ako ng space at time para mag-isip!" Mariin kong turan. "Bibigyan naman kita ng space at time pero hindi mo naman kailangan umalis ng mansion." "Pwede ba? Hayaan mo na lang ako. Hayaan mo akong umalis!" Itinulak ko siya upang makalabas ako ng kwarto. Muntikan pa siyang mabuwal ngunit hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paghakbang paalis. "It's almost midnight, Lora. It's already dangerous outside." Naramdaman ko ang p
Walang imik kong tinanggal ang kamay ni Oryrius na nakahawak sa siko ko at saka ko siya tuluyang hinarap. "Tell me what I need to do, bumalik ka lang. Lahat gagawin ko, magkaayos lang tayo." Nagsusumamo, hindi lamang ang kanyang tinig kundi maging ang kanyang mga mata. "Hayaan mo muna akong mag-isip, Rius." Pinilit kong maging mahinahon. Mahina siyang napabuntong-hininga at napayuko. "If that's what you want." Mahina niyang turan. Nang hindi siya umimik ay sinamantala ko iyon upang tuluyan na akong pumasok sa hotel room na aking inuukopa. Apat na oras na wala kong ginawa sa loob ng silid kundi humilata lamang. Laman pa rin ng isip ko ang mga salitang binitawan ni Oryrius. Nangungunsumi rin ako kung paano ko sasabihin ang lahat kay Uncle Connor. I don't want to disappoint him. Ako ang nagpumilit na kailangan kong makalapit kay Oryrius upang mag-imbestiga tapos palpak naman pala ako. Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang katok sa pinto. Puno ako ng pagtataka na tum
“Of course, I know.”Tila panandaliang tumigil ang ikot ng mundo ko nang makita ang pagdausdos ng luha sa pisngi ni Loralee. Sinamantala niya iyon upang tuluyang mabawi ang kamay niyang hawak ko. Mabilis din niyang pinunas ang luhang tila hindi niya sinasadyang mapakawalan.“Alam mo ang alin? Tell me, anong nalalaman m—“ Hindi ko na nagawang matapos ang sasabihin ko nang tumunog nag cellphone ko.“Someone is calling.” Namamaos niyang turan kasabay ng pagguhit ng pilit na ngiti sa kanyang labi.“No. We need to talk.” Mabilis kong pinindot ang decline kahit hindi ko na sinuri kung sino ang tumatawag.Mas mahalaga ito kaysa kung sinumang tumatawag.Kailangan naming mag-usap.Hindi pwedeng hayaan ko lang ‘yon. Dahil pa rin kaya ito sa nangyari sa gubat?And she knows what?May nalaman ba siya sa gubat na hindi ko alam?At saka para saan ang lungkot na nakita ko sa kanyang mga mata?Bakit siya naluha?“Dapat sinagot mo yung tawag. Eme lang naman yung sinabi ko kaya huwag mong masyadong in
“Earth to Mister Oryrius Delacorte.” Kumaway sa tapat ng aking mga mata si Loralee dahilan upang mapakurap ako. Awtomatiko rin akong nakapaiwas ng tingin. Kung bakit ba naman kasi hindi ko naiwasang makulong sa malalim na pag-iisip habang nakatitig ako sa kanya. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Naaayon pa ba ang lahat nang ito sa propesiya? May nararamdaman akong habag, panghihinayang at higit sa lahat, lungkot. Mga damdaming hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman. Napabuga ako ng hangin. Naramdaman ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin. “Ayos ka lang ba?”Naulinigan ko ang pag-aalala sa tinig niya. “Yeah. I’m fine.” Bahagya akong tumango. “Sure ka? Eh para kang namaligno kanina diyan eh. At tapos ano ‘yon, ha? May kasama pang buntong hininga?” “I’m okay.” Sinubukan kong salubungin ang tingin niya. Umaasang sa gano’ng paraan ay makukumbinsi ko siya. “Sige nga, eh bakit tulala mode ka kanina?” Bahagya itong nakakunot-noo. Ipiniksi ko ang aking
Flashback….“Tandaan mo nawa palagi ang sinasabi ko, Oryrius. Huwag mong kakalimutan ang nasa libro.” Marahan akong tumango.“Opo, ama. Hindi ako makakalimot. Itinakda ako upang isakaturapan ang propesiya.”Mula sa pagkakatitig sa sa labas ng sasakyan ay hinarap ako ng aking ama. Sumalubong sa akin ang kulay abo nitong mga mata na katulad ng akin. Masasalamin na ang katandaan nito dahil sa namumuti na nitong buhok at nangungulubot na balat. Ngunit sa kabila no’n ay makikita pa rin ang kakasigan nitong taglay dahil sa aristokrado nitong ilong at maputing balat. Hindi nito inalis ang pagkakatitig niya sa akin, na para bang sa gano’ng paraan ay maitatatak sa akin ang kanyang sasabihin.“Panahon mismo ang pumili sa’yo, anak. At hindi mo pwedeng biguin ang tadhana, hindi mo pwedeng biguin ang ating lahi. Tandaan mo nawa palagi, iyan.”Muli akong tumango.“Opo, ama.”Hindi ko na rin mabilang kung ilang ulit ko na bang narinig ang mga salitang iyon mula sa kanya. Mula nang magkaisip ako ay
ORYRIUS DELACORTE’S POVMariin akong napapikit nang humataw sa likod ko ang latigo. Napakuyom ako ng kamao ngunit hindi ko hinayaang may kumawala na kahit anong ungol mula sa akin. Ramdam na ramdam ko ang hapdi lalo pa’t wala akong suot na pang-itaas na damit. At saka, pang-ilang hagupit na ba iyon? Sampu? Labin-lima? Bente?Well, hindi ko na rin alam.Isa lang ang natitiyak ko, humahapdi na ang likod ko dahil sa nagdurugong sugat.“Ano na? Wala ka bang planong magmakaawa, Oryrius?” Nanggigigil ang tinig ni Casfir kasabay ng muli niyang paghataw ng latigo sa likod ko.Muli na lamang kumuyom ang mga kamay kong nakatali sa itaas. Gumuhit ang tapang sa aking mga mata kasabay ng aking pagmulat.Umigting ang panga ko bago ako nagsalita. Matapang kong sinalubong ang kanyang nagbabagang titig. “Kahit kailan, hinding-hindi ako magmamakaawa sa’yo, Casfir!”At kahit kailan, hindi ko hahayaang magmukha akong mahina lalo na sa harapan niya.Nanggigigil naman na napahiyaw ang lalaki kasunod ay
Panghihina. Iyan ang nararamdaman ko nang magkaroon ako ng malay. Napaungol ako kasabay na pag-angat ko ng tingin. Nasa ilalim ako ng isang puno. Nakatayo ay nakatali paitaas ang dalawa kong mga kamay.Pinilit kong magpumiglas ngunit mahigpit ang pagkakatali ng mga kamay ko.Sinubukan kong sumigaw ngunit hindi ako nagtagumpay dahil maging ang bibig ko ay nakabusal ng tela.Iginala ko ang paningin ko ngunit wala akong makitang presensya ng kahit sinuman.Sa di kalayuan, mula sa kinaroonan ko ay Mayroong bungalow house na gawa sa tabla ang dingding at yero ang bubong gayunpaman, hindi ko nga lang alam kung may tao roon.Sinubukan ko ulit ang magpumiglas ngunit hindi pa rin ako nagtagumpay.Taena! Napapadyak na lang ako nang maramdaman ko ang hapdi sa pulsuhan ko.Paano ako ngayon makakaalis dito?Napaluha na lamang ako. Nanghihina ang katawan ko at ngayon pati na rin ang loob ko.Anong parusa ang ibibigay nila sa akin?Hindi na ba ako makakaalis dito?Buntong-hininga na lamang akong n
Walang nang atrasan ‘to.Nandito na rin naman ako kaya bakit pa ako aatras?Humakbang ako palapit sa dulo ng Hardin. Mula sa kinaroonan ko ay ilang hakbang na lamang ang layo ko sa masukal sa gubat.Iginala ko ang aking paningin. Halos wala akong maaninag dahil sa yabong ng mga puno. Mas maganda sana kung sa umaga sana ako narito. Bawal daw ang pumarito dahil trespassing. Pero sino namang magbabawal? Mukha namang walang nakatira rito. Mukhang wala ring CCTV sa paligid.Walang makakakita kaya sinong magbabawal?Iginala ko ang paningin ko. Ni wala nga akong makita na signage na ‘no trespassing’. Kahit nga bakod wala. Para namang hindi totoo ang sinabi ni Oryrius.Hays. Ayaw lang yata niya na pumunta ako rito eh.Naiiling akong iginala ang paningin ko. Ngunit hindi ko napigil ang paggapang ng kilabot sa katawan ko nang may makita akong dalawang kulay pulang bilog sa kakahuyan. Hula ko ay mata iyon ng hayop.Awtomatikong naapatras ang mga paa ko.Tila biglang bumalik sa alaala ko ang
Paano ako pupuslit?Paano ko pupuntahan ang dulo ng Hardin na walang nakakapansin sa akin?Paano at kailan ko gagawin ang plano ko?Iyan ang mga tanong na umuukilkil sa aking isipan habang nakatanaw sa bintana at pinagmamasdan ang malawak na hardin. Sa lawak pa naman nito ay tiyak ay matatagalan ako bago maabot ang dulo.Kaya hindi ko talaga maisip kung paano ko gagawin ang plano.Halos hindi ko na rin namalayan ang paglipas ng oras dahil sa kaiisip sa dapat gawin.Napabuga ako ng hangin kasabay ng pagtingala ko. Sa ginawa kong iyon ay sumalubong sa aking mga mata ang bilog na buwan at hindi ko napigilang mapahanga sa ganda ng nito. Napakalaki nito at napakaliwanag.Hindi ko mawari ngunit nakakahalina ito sa aking paningin.Pasado alas nuebe na rin ng gabi ngunit mag-isa pa rin ako dito sa silid. Wala pa si Oryrius. At maaaring hindi siya makauwi dahil mayroon daw itong aasikasuhin sa negosyo. Mukhang may problema yata ang lintek sa trabaho. Muling napunta ang tingin ko sa hardin.
Hindi pwedeng hindi masagot ang katanungan ko.Kinabukasan, nang makaalis si Oryrius patungo sa trabaho ay wala akong sinayang na sandali. Agad kong tinungo ang kwarto ng second wife niya. At dahil nakapaghalungkat na ako noon sa gamit ng babae ay agad kong tinungo ang sadya ko. Walang iba kundi ang sketch pad nito sa loob ng drawer. Laking pasalamat ko lang dahil naroon pa iyon.“Hihiramin ko muna ‘to saglit ha?” Parang timang na kausap ko sa litrato ng babae na nakasabit sa dingding.Maamo ang mukha nito. Hugis almond ang mga mata nitong malamlam. Neat bun ang pagkakapusod ng buhok nito. Light lang ang make up nito. Bagay na bagay rin ang nude lipstick nito sa kanyang mukha.Mukha siyang mabait.Sayang at hindi ko siya nakilala.At hindi ko mawari ngunit para bang nakita ko na ito.Parang pamilyar siya sa akin .“Pasensya ka na, ha. Alam ko naman na importante sa’yo ‘to bilang artist pero kailangan ko lang talaga.”Tumitig ako sa larawan kahit alam ko naman na hindi iyon sasagot.“
“Wolf?” Hindi ko napigilang maulit. Pakiramdam ko kasi ay nabangag ako at iba na pagkakaintindi ko sa sinabi ni Oryrius. “Yes.” Tila balewala nitong sagot. Nang mapasadahan ko ng tingin si Carmelou ay nakita ko ang paglunok nito. Hindi rin nagtagal ang titig ko sa kanya dahil agad siyang nag-iwas ng tingin. Muli ko na lamang ibinalik ang tingin ko sa painting na nakasabit sa dingding. “May gano’n ba talagang hayop?” Hindi ko inalis ang tingin ko sa painting na nasa harap ko. “It’s not the animal, Lora. Iba ang tinutukoy ko.” Kunot-noong bumalik ang tingin ko kay Oryrius. “So, ano? Sasabihin mong human wolf?” Hindi ko naiwasan ang pag-alpas ng mahinang tawa. Ano pa bang nais niyang tukuyin kung hindi iyon, ‘di ba? Familiar ako sa ganoong klase ng nilalang dahil na rin sa mga palabas sa telebisyon. Hindi naman nabago ang ekspresyon ni Oryrius. Sa halip ay sinalubong nito ang aking tingin. “ What if I say yes?” Punong-puno ng kaseryosohan ang kanyang mukha