Hindi nakapagsalita ang mga kausap ni Marion dahil sa pagkabigla. Nakatitig lang ang mga ito sa kaniya, halatang hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Kahit ituring ng mga ito na isang biro ang mga salitang binitawan niya, hindi iyon nakakatawa. May kapangyarihan pa rin ang mga ito, lalo na sa mga lugar na sinasakupan ng mga ito. “Excuse me… Miss Viray,” si Mayor Enriquez ang unang nakabawi. “Baka nakakalimutan mo na hindi lang ikaw ang anak ng negosyante dito –” “Well, kung napapansin niyo, wala ako sa mood para makipagplastikan at i-filter ang mga sinasabi ko kaya didiretsahin ko na kayo… Maam/Sir.” Pilit na ngumiti si Marion. “Dahil sa hindi niyo pagsunod sa protocol ng security namin, nagkaroon ng isang insidente… Na sisiguruhin ko sa inyong magiging dahilan ng pagbagsak ng karera niyo sa pulitika kung hindi kayo makikipag-cooperate sakin.” “T-teka, Miss Marion. Narinig mo naman na siguro ang mga balita, di ba? Kailangan ko ng bodyguard na palaging kasama
Read more