Home / Romance / Stuck With The Billionaire / Chapter 111 - Chapter 120

All Chapters of Stuck With The Billionaire: Chapter 111 - Chapter 120

136 Chapters

CHAPTER 111: BASHING GONE WRONG  

“Tita Clarisse, please not here,” agad na sabi ni Jace na kagaya ni Jacob ay nakaharang sa akin ngayon. As if both of them we’re protecting me from the woman who seemed to be mad at seeing me.“I heard that your fiancée as well is a Del Rio, Jace. Hindi talaga kayo nakinig sa mga pangaral ko sa inyo bago ako nag-migrate ng US.”I was confused of the woman’s attitude. Ito ang unang beses ko siyang nakita and yet, kung makapagsalita siya sa akin ay dinaig niya pang ilang dekada na kaming magkakilala.“Excuse me po, ano pong ibig niyong sabihin sa sinabi niyo?”Napalingon sa akin sina Jacob, Janina, at Jace. Kung inaakala nilang hindi ako sasagot porket matanda na ang babaeng nasa aming harapan, puwes nagkakamali sila.If I could talk back to my dad, well, I could talk back to other people as well. And I don’t care if she’s a Castillo.Humakbang pa siya palapit sa akin at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.“You’re young. You seemed smart. Pero sigurado ka ba rito sa pamangkin ko? o b
last updateLast Updated : 2022-09-07
Read more

CHAPTER 112: IN THE HUT

Hindi na umapela pa si Jacob. Nang makarating kami sa maliit na kubo na walang tao ay agad akong humarap sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay.“So...” panimula ko habang nakatingin sa kaniya.Gulong-gulo ang kaniyang tingin sa akin.“You said you wanted to do it in the seashore.”Tumango naman ako.“Kaya nga.”“If so, why are we here in the hut?”I bit my lip and tried to hide my smile.“I don’t think I can do it here in General Luna. Maraming tao sa paligid at sa totoo lang, I’m worried that someone might caught us. Kaya dito kita dinala. Malapit din naman sa dagat itong kubo.”He laughs.“Paano kapag bumalik dito yung may-ari ng kubo? Ganoon din iyon, mahuhuli rin tayo.”Pinameywangan ko siya.“Paano kung hindi? It’s late night already. Hindi na iyon babalik.”He sighed and stared at me.“You really want to do it here?” he asked.I nod.“I want to try.”There’s a moment of silence before he grabbed me by the arm and pulled me towards him.“We’re supposed to be talking, why on e
last updateLast Updated : 2022-09-08
Read more

CHAPTER 113: UNFAMILIAR TIREDNESS

Maaga kaming umalis ng General Luna kinabukasan. Ang plano ni Jacob ay sa San Isidro na kami manatili hanggang linggo ng umaga para magkaroon kami ng pagkakataon na mabisita ang mga kaibigan niya na naging kaibigan ko na rin.Magmula nang magising kami hanggang sa biyahe ay hindi na kami nagkikibuan. Nasa isip ko pa rin ang nangyari kagabi at siya naman ay abala sa pagsagot ng mga tawag sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan kaya hindi ko na siya kinausap pa.Nakatulog ako sa biyahe at kusa ring nagising nang maramdaman kong bumabagal na ang takbo ng sasakyan.Pagkahinto nito ay nauna na akong bumaba at kinuha ang mga gamit ko sa backseat. Nauna na rin akong pumasok sa loob.“Gabriella.”Agad akong lumingon sa aking likuran nang marinig ang pagtawag ni Jacob sa akin.“Hmm?”“Aalis muna ako. Kailangan ko lang puntahan sa Del Carmen. Pinatatawag ako ni Mama. Gusto mo bang sumama sa akin?”Tipid akong ngumiti sa kaniya saka marahang umiling.“Pagod ako, Jake. Next time nalang.”Tumango naman
last updateLast Updated : 2022-09-08
Read more

CHAPTER 114: BEACH, PLEASE  

“I can’t believe you did that to me. Iniwan mo ako sa kabilang kuwarto,” masama ang loob na sabi ni Jacob habang nakapameywang siya sa harapan ko nang umagang iyon.Kagigising ko palang at halos hindi pa kaya ng katawan kong bumangon pero napilitan akong tumayo dahil kay Jacob.“I need space. Literal na space. Ang laki mo kasing tao. Tapos ang hilig mo pang maniksik. Kaya lumipat ako ng kuwarto.”Ang kaninang naniningkit na mga mata nito ay mas lalo pang naningkit nang marinig niya ang sinabi ko.Hindi na ito nagsalita bagkus ay tumalikod agad ito nang hindi man lang nagsasabi.Tumayo na ako ng kama kahit masakit ang ulo ko para lang masundan siya. Saka ko lang napansin na bahagya pang madilim ang paligid. Nang tumingin ako sa orasan, doon ko napagtantong alas singko palang ng umaga.Pagod akong bumuntong-hininga at naglakad patungo sa kusina. Ngunit sa pinto palang ay nagkasalubungan na kaming dalawa. Panay ang irap niya sa akin. Sinundan ko siya nang tingin. Kumunot ang aking noo na
last updateLast Updated : 2022-09-09
Read more

CHAPTER 115: SENSITIVITY AND MORNING SICKNESS

Bago kami umuwi ng siyudad, binisita muna namin ang kaniyang mga kaibigan. Humingi pa ng paumanhin si Jacob sa ama ni Yael dahil hindi siya nakapunta sa handaan nito para sa kaarawan ng matandang lalaki.One thing that I noticed about myself when I came back to Manila is that my body starts craving sleep. Mas nagiging lamang na ang pagtulog ko kaysa sa aking pag-aaral sa gabi. Hindi naman ganito ang katawan ko. Halos sanay na akong matulog ng ilang oras lang dahil marami akong ginagawa.Even at work, I feel sleepy. Minsan, nahuhuli ko ang sarili ko na nakakaidlip sa couch ng opisina ko. However, mayroong advantage ang nangyayari sa akin. Mas lalo akong naging alerto, sensitibo, at mas naging palaban ako.Makalipas ang isang buwan, mas napansin kong mas naging epektibo ang pamamahala ko sa kumpanya. Tumaas ang sale ng kumpanya kumpara sa mga nakalipas na buwan sa buong taon. Hindi ko alam kung anong uri ng suwerte ang tumama sa akin at naging sunod-sunod ang pasok ng investor sa kumpa
last updateLast Updated : 2022-09-10
Read more

CHAPTER 116: PREGNANCY

Magkasiklop ang aking kamay habang nakaupo sa upuan kaharap ng Doctor na nag-asikaso sa akin para sa general check-up na ginawa sa akin. Nasa harap ko naman si Jacob na abala sa pagtitipa sa kaniyang telepono. Kanina pa rin siya nakakatanggap ng mga tawag pero sinasadya niyang hindi sagutin ang mga ito.“Kailangang ka ba sa trabaho? Mauna ka na kayang umuwi?”Nag-angat siya nang tingin at umiling.“Hindi na, sandali na rin lang naman. Resulta nalang ang hinihintay natin, makakauwi na rin tayo.”Halos mag-iisang oras na kami rito sa hospital. Marami kasing proseso na kailangang pagdaanan bago matapos ang lahat. Mabuti nalang at maasikaso ang doctor na nirekomenda sa amin ng kaibigan ni Jacob.“Pasensiya ka na ha, naabala pa tuloy kita.”Huminto siyang muli sa pagtitipa at hinawakan niya ang kamay ko.“Hindi mo ako naaabala. Never kang naging abala sa akin, Gab. Makakapasok din tayo sa trabaho, we’ll just have to wait for the result of your check-up.”Isang marahang tango ang binigay ko
last updateLast Updated : 2022-09-11
Read more

CHAPTER 117: PREGNANCY MAYHEM  

“So, anong sinabi sa’yo ni Kuya?” agad na tanong ko kay Jacob pagkalabas ng kapatid sa unit ko. Dumaan lang kasi ito para dumalaw sandali at kailangan pa niyang pumasok sa hospital.Ngumisi siya sa akin.“Strictly confidential,” aniya saka sa muling naglakad papasok ng kusina.Sinimangutan ko naman siya.“May sinabi ba siyang hindi maganda? Tinakot ka ba niya?”Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa akin.“He just told me that I should take good care of you, especially now that you are pregnant.”Naningkit ang mga mata ko.“Sigurado ka bang iyon lang ang sinabi niya?”Humugot siya ng malalim na hininga.“May dahilan ba para magsinungaling ako sa’yo?”Agad akong nagkibit-balikat para inisin siya. But then, Jacob is older than I am. Ilang taon ang pagitan naming dalawa. Puwede niyang sabihin sa akin na okay lang siya kahit ang totoo ay hindi naman. Magaling siyang magtago ng emosyon. Magaling siyang maglihim ng tunay niyang nararamdaman. Kaya hindi na ako magtataka kung may lihim sil
last updateLast Updated : 2022-09-11
Read more

CHAPTER 118: THE STILLBORN CHILD  

Nang imulat ko ang aking mga mata, puting kulay ng dingding ang bumungad sa aking paningin. Lahat ng gamit sa paligid ay puti pati ang mga kurtina sa silid. Nang tingnan ko ang aking braso ay mayroong nakalagay na IV sa aking pulso. Dama ko ang maliit na karayom na nakabaon doon, ang siyang nagsisilbing supply ng sustansiya sa aking katawan.Alam ko kung nasaan ako dahil tandang-tanda ko kung anong nangyari sa akin ng gabing iyon. I was hit by a car and I fainted on the street.“Gising na siya.”Mabilis kong ibinaling ang aking atensiyon sa taong nagsalita. Si Mama iyon. All I see is a beautiful woman walking towards me. Umupo siya sa tabi ko at marahang hinaplos ang aking pisngi. I looked at the people behind her, there are lots of people inside the room. Hindi lang dalawa o tatlo, kundi nasa anim iyon.Si Mama, Kuya, Lolo Raoul, Lara, Tito Regan, at ang huli ay si Jacob. Tumagal ang pagtitig ko sa kaniya at hindi nakatakas sa aking paningin ang kaniyang malungkot na hitsura at namum
last updateLast Updated : 2022-09-12
Read more

CHAPTER 119: THE AVENGING DAUGHTER

“Sigurado ka bang kaya mo nang pumasok ng kumpanya? Hindi mas okay kung magpapahinga ka muna. Ako muna ang bahala sa mga gawain doon.”Nilingon ko si Lara na kasalukuyang nagbabalat ng mansanas. Kasalukuyan naman akong nagbabasa ng mga dokumentong dinala niya sa akin ngayong araw. Hindi ko inakalang darating sa puntong magiging maayos din ang kaniyang pakikitungo sa akin.Alam naming pareho na nanggaling kami sa hindi pagkakasundo pero dahil sa aksidenteng kinasangkutan ko, naging maayos ang pagtrato sa akin nina Tito Regan at Lara.Halos isang buwan din akong nanatili sa hospital. Ang totoo ay pinakiusapan ko ang doctor kung maaari ba akong lumabas ng mas maaga, ngunit tumanggi ito. Hiling daw ni Lolo Raoul na masigurong ligtas ako at maayos na talaga bago ako nito payagan lumabas ng hospital.Naglagay pa siya ng dalawang guwardiya sa labas at sinabi sa mga ito na bawal pumasok ang wala sa listahan na ibinigay sa mga ito.Sa loob ng isang buwan, pakiramdam ko ay isa akong preso. Mara
last updateLast Updated : 2022-09-13
Read more

CHAPTER 120: THE BUSINESS SUMMIT

“Sigurado ka na ba sa desisyon mo tungkol sa bagay na ito? Isusugal mo ang pera mo, lahat ng pinaghirapan mo para lang maisagawa ang event na ito. Why don’t you charge it to the company?” tanong ni Lolo habang nasa meeting kami.“Mabuti na iyon para hindi ko magalaw ang fund ng kumpanya. This is my fight. Ako dapat ang gumagawa ng paraan para gastusan ang event na pinlano kong gawin. Para kahit na maging failure ang event, hindi madadamay ang kumpanya.”Sumimangot si Lara.“I offered Gabby help too, pero hindi niya ito tinanggap.”Bumuntong-hininga si Tito Regan.“You still don’t trust us, do you?”Tipid akong ngumiti.“I do trust you. But this is huge risk. Ayokong madamay kayo. Lahat ng mga businessmen na imbitado, lahat sila ay may koneksiyon sa Holdings. What I am going to do is to persuade them to shift investing to Centre Point instead of DRH. Hindi ko kayo puwedeng idamay rito. This is a war between me and my father. I need to do it alone.”“We do trust you, Gabby. But just in
last updateLast Updated : 2022-09-13
Read more
PREV
1
...
91011121314
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status