Home / Romance / Stuck With The Billionaire / CHAPTER 118: THE STILLBORN CHILD  

Share

CHAPTER 118: THE STILLBORN CHILD  

Author: Iya Perez
last update Huling Na-update: 2022-09-12 05:54:10

Nang imulat ko ang aking mga mata, puting kulay ng dingding ang bumungad sa aking paningin. Lahat ng gamit sa paligid ay puti pati ang mga kurtina sa silid. Nang tingnan ko ang aking braso ay mayroong nakalagay na IV sa aking pulso. Dama ko ang maliit na karayom na nakabaon doon, ang siyang nagsisilbing supply ng sustansiya sa aking katawan.

Alam ko kung nasaan ako dahil tandang-tanda ko kung anong nangyari sa akin ng gabing iyon. I was hit by a car and I fainted on the street.

“Gising na siya.”

Mabilis kong ibinaling ang aking atensiyon sa taong nagsalita. Si Mama iyon. All I see is a beautiful woman walking towards me. Umupo siya sa tabi ko at marahang hinaplos ang aking pisngi. I looked at the people behind her, there are lots of people inside the room. Hindi lang dalawa o tatlo, kundi nasa anim iyon.

Si Mama, Kuya, Lolo Raoul, Lara, Tito Regan, at ang huli ay si Jacob. Tumagal ang pagtitig ko sa kaniya at hindi nakatakas sa aking paningin ang kaniyang malungkot na hitsura at namum
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Stuck With The Billionaire   CHAPTER 119: THE AVENGING DAUGHTER

    “Sigurado ka bang kaya mo nang pumasok ng kumpanya? Hindi mas okay kung magpapahinga ka muna. Ako muna ang bahala sa mga gawain doon.”Nilingon ko si Lara na kasalukuyang nagbabalat ng mansanas. Kasalukuyan naman akong nagbabasa ng mga dokumentong dinala niya sa akin ngayong araw. Hindi ko inakalang darating sa puntong magiging maayos din ang kaniyang pakikitungo sa akin.Alam naming pareho na nanggaling kami sa hindi pagkakasundo pero dahil sa aksidenteng kinasangkutan ko, naging maayos ang pagtrato sa akin nina Tito Regan at Lara.Halos isang buwan din akong nanatili sa hospital. Ang totoo ay pinakiusapan ko ang doctor kung maaari ba akong lumabas ng mas maaga, ngunit tumanggi ito. Hiling daw ni Lolo Raoul na masigurong ligtas ako at maayos na talaga bago ako nito payagan lumabas ng hospital.Naglagay pa siya ng dalawang guwardiya sa labas at sinabi sa mga ito na bawal pumasok ang wala sa listahan na ibinigay sa mga ito.Sa loob ng isang buwan, pakiramdam ko ay isa akong preso. Mara

    Huling Na-update : 2022-09-13
  • Stuck With The Billionaire   CHAPTER 120: THE BUSINESS SUMMIT

    “Sigurado ka na ba sa desisyon mo tungkol sa bagay na ito? Isusugal mo ang pera mo, lahat ng pinaghirapan mo para lang maisagawa ang event na ito. Why don’t you charge it to the company?” tanong ni Lolo habang nasa meeting kami.“Mabuti na iyon para hindi ko magalaw ang fund ng kumpanya. This is my fight. Ako dapat ang gumagawa ng paraan para gastusan ang event na pinlano kong gawin. Para kahit na maging failure ang event, hindi madadamay ang kumpanya.”Sumimangot si Lara.“I offered Gabby help too, pero hindi niya ito tinanggap.”Bumuntong-hininga si Tito Regan.“You still don’t trust us, do you?”Tipid akong ngumiti.“I do trust you. But this is huge risk. Ayokong madamay kayo. Lahat ng mga businessmen na imbitado, lahat sila ay may koneksiyon sa Holdings. What I am going to do is to persuade them to shift investing to Centre Point instead of DRH. Hindi ko kayo puwedeng idamay rito. This is a war between me and my father. I need to do it alone.”“We do trust you, Gabby. But just in

    Huling Na-update : 2022-09-13
  • Stuck With The Billionaire   CHAPTER 121: THE TRAIL  

    “Sinuhulan ba kayo ng taong iyon para hindi na siya makulong?” tanong ko agad sa ina ni Anton pagkapasok ko sa loob ng silid ni Anton. Tahimik silang nakaupo sa sofa. Si Arkin naman ay masama ang tingin sa kaniyang ina.Gulat na tumingin sa akin si Tita Alissa.“Paano mo nalaman, Gabby?”Napansin ko ang pag-krus ng braso ni Arkin sa harapan ng dibdib nito.“Plano sanang kunin ni Mama, dahil wala na talaga kaming pera, Ate. Pero kung kapalit niyon ang paglaya ng lalaking may kasalanan kung bakit nandito si Kuya, hindi nalang. Hindi ko kayang makita na pagala-gala lang sa labas at malaya ang taong gumawa nito sa Kuya ko.”Sinaway agad siya ng kaniyang ina. Lumapit ako kay Arkin at hinawakan ang magkabilang balikat nito.“Tama lang iyong ginawa mo. Tama na hindi niyo tinanggap ang pera.”“Pero paano na kami. Paano na ang buhay namin? Si Anton lang ang inaasahan namin sa aming pamilya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya gumigising. Wala na kaming pera, Gab.”Humugot ako ng malalim na hinin

    Huling Na-update : 2022-09-14
  • Stuck With The Billionaire   CHAPTER 122:  CAUGHT IN THE ACT  

    “Oh my gosh, hindi man lang natatakot sa’yo iyang sekretarya mo na iyan? How could she do that to you? This is insane.”Kanina pa panay ang reklamo ni Lara habang nasa sasakyan kami. Ako ang nagmamaneho kaya hindi ko maiwasang ma-distract sa mga sinasabi niya.“I know what you’re saying, Lara. Please stop, hindi ako makapag-isip nang maayos dahil sa’yo.”Tumawa naman siya.“Pinag-iisipan pa ba kung anong dapat sabihin diyan sa sekretarya mo? Basic lang iyan, Gab. Two words. You’re fired. Ganoon lang.”Bumaling ako sa kaniya at tumitig.“Sa tingin mo ba yun lang ang sasabihin ko sa kaniya at gagawin ko?”Inilagay naman niya ang kaniyang dalawang palad sa kaniyang bibig at nagpanggap na nagulat.“Woah, huwag mong sabihing may plano kang ipahiya ang babaeng iyon sa harapan ng maraming tao?”Kibit-balikat lang ang sinagot ko sa tanong niya.Walang kasiguraduhan. Iyon ay nakadepende sa reaksiyon niya mamaya.Muli kong tiningnan ang aking phone kung saan kasalukuyan nitong tina-tract ang ek

    Huling Na-update : 2022-09-15
  • Stuck With The Billionaire   CHAPTER 123: THE SUCCESSFUL EVENT  

    Mataman kong pinagmasdan ang suot kong damit sa harap ng salamin. Masaya ako na kulay itim ang sinuot kong damit ngayon. Bagay na bagay ito sa kulay ko.Jacob stood behind me while both of his hands are on my shoulders.“Are you ready?” tanong niya habang nakatitig sa akin sa salamin.“Matagal ko itong pinaghandaan, kailangan kong maging handa.”Tumango siya at inalis ang kaniyang kamay sa aking balikat.“I trust that you can pull it off. Ikaw pa ba?”Humarap ako sa kaniya at marahang pinisil ang kaniyang pisngi.“Thank you for reminding me that I can do it.”Tumawa naman siya sa ginawa ko.Sabay kaming lumabas ng condo niya. Siya na rin ang nagmaneho ng sasakyan hanggang makarating kami ng Centre Point building kung saan gaganapin ang one-night summit na ako mismo ang nag-organize.Malayo palang kami, nakita ko agad ang mga nakapilang sasakyan sa labas. Maraming mga tao ang patuloy na pumapasok sa loob ng hall.Bababa palang ako nang sakto namang tumunog ang aking telepono.Nakita ko

    Huling Na-update : 2022-09-15
  • Stuck With The Billionaire   CHAPTER 124: THE WINNER

    “I can’t believe you ran away from me earlier! Bukod pa roon, hindi mo ba naisip ang labis na pag-aalala namin sa inyong dalawa? Hindi ako nakatulog buong gabi dahil wala ka. My god, Gabriella Mari, I almost lose my mind last night.”Nakanguso lang ako habang nakikinig na sermon ni Jacob sa akin.Una sa lahat, hindi naman talaga namin sinadya ni Lara na hindi magsabi sa kanila. Kason ga lang, masyado kaming nadala sa kuwentuhan namin kagabi at sinabayan pa namin ito ng pag-inom kaya ganoon ang nangyari sa amin.Bukod sa panenermon ni Jacob sa akin ngayon, nasermonan na rin kaming dalawa ng pinsan ko nina Tito Regan at Lolo. At mamaya, panigurado, kapag nalaman ni Kuya ang nangyari, pupuntahan ako niyon at pagagalitan.“Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko sinasadya. We’re rushing to go to the office dahil sa sinabi niyo ni Jace. Ikaw nga ang dadapat sisihin ko eh, napahiya tuloy kami sa mga staff ng kumpanya dahil doon kami dumiretso na pumunta.”Jacob sighed exasperatedly.“At n

    Huling Na-update : 2022-09-16
  • Stuck With The Billionaire   CHAPTER 125: THE ACQUISITION

    “How do you feel?” nakangising tanong sa akin ni Lara habang nasa labas kami ng DRH.Seryoso akong nakatingin sa halos tatlumpung palapag ng gusaling iyon. Lahat iyon ay pag-aari ng aking ama na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita.Inabot ako ng halos isang taon para makuha ang pangarap ko na ito.Noong bata ako, wala akong ibang gusto kundi makapagtapos ng pag-aaral, makapag-trabaho, at magkaroon ng pera para masundan ko si Papa sa UK. Pero kaya pala siya umalis ay dahil hindi niya ako tunay na anak. Wala akong ideya na ganito ang kahahantungan ng buhay ko. Hindi ko inasahan na makikilala ko si Jacob at lalong hindi ko inasahan ang mga rebelasyon tungkol sa buhay ko.Pero nandito na ako. Malayo na ang narating ko. Hindi na ako papayag na may sumira sa mga plano ko. Dahil pinaghirapan ko iyon.“I’m happy but I’m a bit sad. Pinaghirapan ni Papa na itayo ang kumpanyang ito. Pinagpaguran niya ito. Pero sa bandang huli, nakuha ko ang kumpanya na kaniyang pinundar sa loob ng napa

    Huling Na-update : 2022-09-17
  • Stuck With The Billionaire   CHAPTER 126: THE MOTHER SHE GREW UP WITH

    Kabado akong nakasakay ng sasakyan ni Jacob. Ilang linggo na ang lumilipas, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi ni Jacob kung saan kami pupunta. Hindi ko maiwasang kabahan at hindi ko rin alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.“Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Jacob nang makita niyang hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.Pilit naman akong tumango.“Oo naman, ayos lang. Pero hindi mo ba talaga sasabihin sa akin kung saan tayo pupunta?”Huminto ang sasakyan namin sa daan, hinihintay na bumalik sa normal ang trapiko dahil traffic sa oras na iyon.“Pupunta tayo sa Mama mo.”Kumunot ang aking noo.“Kay Mama? Bakit, nandito ba siya sa Manila? Sa pagkakaalam ko ay nasa Cebu siya.”Umiling si Jacob.“Hindi si Tita Ariella ang tinutukoy ko, Gab.”Mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang sinabi niya. Nang mapagtanto ko kung anong nasa isip niya ay saka ako marahang napatango.“Ang tinutukoy mo ay si Miss Diana Samonte?” mahinang tanong ko.Sa totoo lang, hindi ko a

    Huling Na-update : 2022-09-17

Pinakabagong kabanata

  • Stuck With The Billionaire   EPILOGUE

    JACOB’S POV“Aminin mo na pare, kaya mo siya gusto kasi nakikita mo sa kaniya si Gabriella,” saad ni Martin habang kasalukuyan kaming nag-iinuman sa labas ng condo niya. May balcony roon na maliit at iyon ang ginagawa naming tambayan sa tuwing magyayaya siya ng inom.Gustuhin ko man siyang yayain na uminom sa labas, tumatanggi siya dahil ayaw niyang mag-alala si Kathy sa kaniya. Such a loyal man to her woman. Like I am for my first love, Gabriella Mari Benitez Del Rio.Umiling ako sa sinabi ni Martin at inabot ang panibagong bote ng alak at binuksan iyon.“Ang tagal na noon, pare. Hindi ka pa talaga nakaka-move on? Have you even bed other women? Kasi ako, hindi ako naniniwala sa mga balita lalo na yung galing lang sa mga tabloids. Laman ka palagi no’n eh.”Mahina akong tumawa.“Yung totoo, pare? Virgin ka pa yata eh!”Inis na kumuha ako ng piraso ng popcorn at binato ko iyon sa kaniya.“Siraulo. Siyempre hindi na. I had tried that too.”Umangat ang kilay ng kaibigan ko.“Oh, bakit par

  • Stuck With The Billionaire   CHAPTER 135: THE BEACH TRIP

    “Ang sabi ko, gusto kong umuwi ng Siargao. Bakit tayo nandito?” kunot-noong tanong ko nang lumanding ang private chopper na sinakyan namin sa isang isla sa Palawan.Hindi ko mapigilang mainis dahil nililipad ng hangin ang buhok ko. Nasa bag ko pa naman ang mga ponytails ko. Parang walang narinig si Jacob sa mga sinabi ko at ipinagpatuloy lang niya ang pagbababa ng mga gamit namin sa chopper.“Hello? May kausap ba ako? Jacob, ano na?”Nang marinig niyang tinawag ko ang kaniyang pangalan ay kumunot ang noo niya. Tinuro niya ang kaniyang tenga at umiling. Sumesenyas na hindi niya naririnig ang sinasabi ko dahil maingay ang ingay ng elesi ng chopper. Hindi pa rin kasi ito humihinto, o mas tamang sabihin na wala itong planong huminto.Masama ang aking hitsura na nakahalukipkip sa isang tabi. Hinayaan ko lang na siya ang mag-asikaso ng mga gamit namin. Inikot ko naman ang aking paningin sa paligid. Halos walang bahay sa lugar na iyon maliban sa malaking rest house na sigurado akong pag-aari

  • Stuck With The Billionaire   CHAPTER 134: GETTING THE FINAL REVENGE

    Matagal kong pinag-isipan kong pinag-isipan kung paano ako makakaganti kay Sabrina. Pinag-aralan kong mabuti ang bawat detalye ng gagawin ko, tinitingnan ko kung magiging epektibo ba ito.“Sigurado ka bang kaya mong mag-isa? Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng back-up ha?”Umiling ako kay Lara nang sabihin niya iyon.“Why not? Hindi ba nga may kasabihan na two is better than one.”Mahina akong tumawa na ikinakunot ng kaniyang noo.“You think I will let you do this with me? Come on, Lara. We’re both pregnant. Isa pa, plano ko ito. Ayokong idamay ka rito. Mamaya itakwil pa ako ni Jace bilang kaibigan kapag may nangyaring masama sa’yo.”She grinned.“You care for me but you don’t care for yourself, huh?”“Sino namang nagsabing hindi ko iniingatan ang sarili ko? Come on, you know better, Lara.”Katatapos lang namin magtrabaho sa araw na iyon at hinihintay nalang namin ang aming mga sundo. As usual, mas maarte pa sa aming dalawa ang mga tatay ng aming mga anak. They won’t let us drive

  • Stuck With The Billionaire   CHAPTER 133: THE REAL VILLAIN  

    “Are you okay?” tanong sa akin ni Jacob nang mapansin niyang hindi ako mapakali sa aking puwesto. Kanina pa kasi ako galaw nang galaw. Panay rin ang tingin ko ng oras sa suot kong wristwatch.It took me five full days to decide if I’ll be visiting Papa in the hospital or not. Halos isang taon ko rin siyang hindi nakita. Wala akong alam tungkol sa kalagayan niya. Wala ring alam ang pamilya ko kung saan siya nagpunta. Kaya lahat kami ay nagulat nang malaman ang tungkol sa kalagayan niya.“Have you read the news about Sabrina Acosta?”Kumunot ang aking noo nang marinig ang pangalang binanggit ni Jacob.Umiling naman ako at tumitig sa kaniya, hinihintay na ituloy niya ang kaniyang sasabihin. Nang huminto sandali ang sasakyan ay tumingin siya sa akin.“She left the country after your father collapsed. Iyon lang ang sinabi sa akin ng isa sa mga kaibigan kong malapit din sa pamilya Acosta. Mukhang may malaking dahilan kung bakit inatake ang Papa mo. At naniniwala ako na isa sa mga dahilan no

  • Stuck With The Billionaire   CHAPTER 132: THE NEW BLESSING IN THE FAMILY  

    After losing my first child last year, I never thought that it’d be possible for me to bear another child in my stomach. Hindi ko ito inasahan, lalo na si Jacob.Hawak namin ang papel na naglalaman ng test results na ginawa ng doctor ilang oras na ang nakalilipas. Nakatitig lang kami roon, parehong nanginginig ang aming mga kamay. Hinawakan niya ang akin at dinala ang likuran nito sa kaniyang labi para halikan.Napansin ko rin na halos maluha-luha siya. Dala siguro ng kaniyang emosyon na nararamdaman sa kasalukuyan. Nasa kaniyang sasakyan kaming dalawa at tahimik na nakaupo.“I can’t believe this,” he said and kissed the back of my hand once more.“Me either. Hindi ko alam kung dapat ko bang tawagan agad sina Mama at Kuya o hindi muna.”“I think it’s better if we surprise them.”His idea was good. Kaya ng sumunod na araw ay pareho kaming nag-take ng leave sa aming mga trabaho. We organized a little party for just for our family and close friends. We sent invitations na kami mismo ang

  • Stuck With The Billionaire   CHAPTER 131: THE NEW CHAPTER

    Mahigpit akong niyakap ni Jacob pagkahiga niya sa tabi ko. Kumpara sa aming dalawa, alam kong siya ang mas pagod, dahil kinailangan pa niya akong linisan pagkatapos naming magniig. Matagal din naming hindi nagawa ang bagay na iyon dahil sa dami na ring nangyari. And when we do it this time, pakiramdam ko ay unang beses namin iyong dalawa. Jacob is always subtle with his moves. Kaya hindi ako nahirapan.We did it three times this time. Binabawi ang mga pagkakataong hindi namin nagawa iyon.“You really don’t have to do it, Jake,” sabi ko saka bumaling nang tingin sa kaniya. Kababalik niya lang sa kama dahil itinapon niya ang wet wipes sa basurahan sa banyo.Wala pa rin akong suot na damit sa ilalim ng kumot kaya bumangon siyang muli para hinaan ang aircon. Pagkahiga niya, yumakap siya sa akin at hinalikan ako muli sa labi. Matagal ang halikan naming dalawa. Iyong tipong kahit na kanina pa namin ginagawa iyon, wala pa ring nagbabago sa alab na nararamdaman namin sa isa’t-isa.“Halos hind

  • Stuck With The Billionaire   CHAPTER 130: LOVING YOU, DESPITE OF…  

    Malaki ang nagbago sa akin magmula nang bumalik ako sa kumpanya. May mga pagkakataong hindi ako makapag-focus sa trabaho kaya palagi akong napapagalitan ng pinsan ko.Ako pa rin naman ang humahawak sa mga malalaking meetings. Ako pa rin ang nag-aasikaso ng karamihan sa kumpanya. Pero hindi na ako katulad ng dati na binibigay ko lahat ng oras na mayroon ako para sa trabahong iyon.May mga pagkakataon na naiisip kong pansamantalang lumiban muna sa Centre Point para mabigyan ko ng mas maraming oras ang DRH pati na rin ang chains of bars na iniwan sa akin ni Mama. Ang kaso, wala pa akong lakas ng loob na sabihin kay Lolo ang tungkol doon.“Are you happy right now?” tanong ni Kathy habang kasalukuyan ko siyang tinutulungan sa pagbe-bake ng ginagawa niyang cookies. “Generally, I am. Wala namang raso para hindi maging masaya, hindi ba?”Huminto siya sa paglalagay ng mga lutong cookies sa Tupperware container at tumingin sa akin nang diretso.“Okay, you’re happy generally. Pero kumusta naman

  • Stuck With The Billionaire   CHAPTER 129: THE ANGEL AND THE SUNSET  

    Noong nasa college ako, akala ko ang isa sa mga pinakamasakit na mararanasan ko ay ang ma-bully ng mga kaklase ko. Iyong palaging pinagtatawanan. Dahil ang sabi nga nila, bayarang babae ako dahil nakikita nila akong pumapasok sa bar na pagmamay-ari ni Mama. Akala nila, doon ako nagtatrabaho bilang waitress o bilang isang pick-up girl.Isa lang ang kaibigan ko noon na nagtatanggol sa akin. Si Angelo na hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kung nasaan na.Palaging sinasabi sa akin ni Mama na sa akin niya ipapamana ang mga negosyo niya kapag nawala siya. Dahil bukod sa akin, wala naman siyang ibang anak o pamilya na puwedeng mag-asikaso nito.Ilang beses akong tumanggi noon dahil ang plano ko ay sumunod kay Papa sa UK. Pero iba ang nangyari sa akin. Sa ibang landas ako dinala ng aking tadhana.Sakay ng wheelchair na tulak ng kaniyang personal nurse, napansin ko ang mga folders na nakapatong sa ibabaw ng binti ng aking ina. May maliit din na kahon doon.“Oh, Ma. Para saan ang mga i

  • Stuck With The Billionaire   CHAPTER 128: FILLING THE GAPS

    Sa loob ng kalahating araw ay nanatili si Papa sa bahay. Masaya itong nakipagkuwentuhan sa amin nina Yaya Gina habang si Mama ay masaya lang na nakamasid sa amin. Bago gumabi ay nagpaalam na rin ito. Nabanggit ni Papa na kasama niya ang kaniyang asawa at ang dalawang anak nila sa kanilang bakasyon dito sa Pilipinas.“Hanggang kailan po kayo mananatili rito sa Pilipinas?” tanong ko nang ihatid ko sa labas ng gate si Papa.“Isang buwan lang kami rito. Pinuntahan lang namin ang Lolo at Lola ng Tita Maya mo. Babalik din kami agad dahil magsisimula na muli ang pasukan. Yung dalawang kapatid mo, masyadong masipag sa kanilang pag-aaral at ayaw lumiban sa klase. Plano ko ngang magtagal sana.”Napangiti ako nang marinig ang kaniyang sinabi. I’m glad that even though we’re not blood related, he’s still treating me as his daughter.“I’ve heard a lot about you. Diana told me what happened years ago. Masaya ako na lumaki ka na isang mabuting bata at hindi mo pa rin tinalikuran si Diana sa kabila n

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status