Nasa harapan ko ang salamin, nakatitig sa aking repleksyon. Kaharap ko ang isang maganda, sopistikada at mapang-akit na babae. Ibang-iba sa dating mukhang mahinhin, mala-anghel at inosente. Ako ba talaga ito?“Sigurado ka na ba rito, Gianna?” Napalingon ako sa taong nasa likod ko. Hinarap ko si Tiya Isabel at tiningnan ang nag-aalalang mukha niya. “Hindi ko po alam, Tiya. Natatakot po ako, baka hindi ko po kayanin,” kinakabahan kong wika sa kaniya. “Hindi ba, kailangan mo ng pera? Ito na ang solusyon mo, Gianna. Mapapagamot mo na si Ate at maiaahon mo na sila sa kahirapan. Mas malaki ang kitaan dito, sasayaw ka lang at magpapa-table– ilang libo na ang maiuuwi mo, easy money, hindi ba?” sabi niya at napangisi sa akin. Kita kong napabuga ito ng usok kaya nalalanghap ko ang amoy ng kaniyang sigarilyo. Isang stripper ng club ang papasukin kong trabaho. Dito rin nagtra-trabaho ang aking
Last Updated : 2021-12-06 Read more