“Sigurado ka bang sasama ka? Liliban ka sa klase. Ako na lang ang uuwi.” Umiling naman ako. “Sa tingin mo makakapag focus ako sa klase mamaya kung alam kong may nang-yaring hindi maganda? At base na pag-tawag sa 'yo ni mommy. Nandoon sila sa bahay. Kaya sasama ako sa ’yo.” Determinado kong sambit. Napabuntong hininga naman siya bago tumango. “Okay, sige.” Bumaling naman ako kela Chantal at Trishana. Nakakaintinding tumango silang dalawa. “Go, kami ng bahala mag-sabi sa prof natin.” “Yeah, kami na rin bahala sa notes mo. Sige na, umalis na kayo ni Jace. Mag-iingat kayo. Balitaan niyo rin kami kung anong nang-yari.” “Thanks, girls. Oo mag-tetext ako sa inyo mamaya. Mauuna na kami.” Lumapit ako sa kanila para ibeso sila bago kami nag-mamadaling umalis ni Jace. Lakad takbo na ang ginawa namin para lang makarating sa parking lot. Kahit nag-mamadali nagawa pa rin akong pag-buksan ng pinto ni Jace, bago siya mabilis na umikot sa driver seat. Hingal na hingal k
Last Updated : 2022-08-02 Read more