Nang matapos ako sa pag-aayos ay tinawagan ko sila Chantal ng mag-text sila sa akin na wala silang prof ngayon. Kinuwento ko sa kanila ang nang-yari at ang pag-alis namin ngayon patungo sa batangas. Pagkatapos ko silang makausap ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Sa sala ko nalang sila hihintayin kaso akala ko ako na ang unang natapos mali pala ako dahil naabutan ko doon si Jace na nakaupo sa mahabang sofa at seryosong nakatingin sa kanyang cellphone. Nang-maramdaman niya ang presensya ko ay nag-angat siya ng tingin. Tinapik-tapik niya ang kanyang tabi, pinaparating na tumabi ako sa kanya. Pero nag-alangan ako. “Nasaan sila mommy at daddy?” Tanong ko dahil baka makita nilang magkatabi kami at iba ang kanilang isipin. “Umalis sila bumalik sa kompanya.” Seryosong sagot niya. “Bumalik sa kompanya? anong gamit nilang sasakyan?” Nag-tataka kong tanong. “Kotse ni Tito, siya na rin ang nag-drive. Kakaalis-alis lang nila. May tumawag kase sa kanila at pinapabalik
Nakahanap din agad kami ng super market. Sumama ulit sa amin si Maricel hindi talaga nag-paiwan. Napailing na lang ako ng makita ko siyang lumapit kay Jace at humawak sa braso nito. Hindi man lang niya naisip na nandito ang girlfriend. Respeto na lang sana sa akin. Tsk, Kumuha na lang ako ng isang cart. Hindi ko kayang sumama sa kanila na gano'n ang kanilang ayos, parang si Maricel pa ang girlfriend kesa sa akin. Tapos ang kalalabasan pa ako ang third wheel. Mas okay na humiwalay na lang ako sa kanila kesa sumama, baka maubos na talaga ang pasensya ko. Nag-taka naman si Jace ng makitang may cart akong dala. “Mahal, bakit kumuha kapa ng cart?” Ngumiti naman ako sa kanya. “Ok ng dalawa ang cart natin para mas mabilis. Anyway may ref ba kayo sa bahay niyo Maricel?” Sabay baling ko kay Maricel na nakahawak pa rin sa braso ng boyfriend ko. “Meron.” Maikleng sagot niya na kinatango ko nalang bago nag-angat ng tingin kay Jace. “Meat section lang ako. Bumili na lang kayo ng i
“Nay! Kamusta na po ang pakiramdam niyo?” Nag-aalalang tanong ni Maricel sa kanyang ina pag-kapasok na pagkapasok sa kwarto nito. Tumigil naman kami ni Jace sa may pinto at hinayaan ang mag-iina na mag-usap-usap muna. Nakamasid lang kami sa kanila. Tila nagulat naman ang matanda sa pag-dating ni Maricel, Hindi niya ata inaasahan na uuwi ang kanyang anak. “Anak, bakit nandito ka? Hindi ba't ngayon ang interview mo sa trabaho?” Akmang tatayo ang ginang ng pigilan siya ng isang dalagita na nasa tabi niya. “Nay, bawal po kayong tumayo. Itataas kona lang ho ang inyong higaan.” “Siya nga, sige itaas mo nalang.” Mabilis namang sumunod ang dalagita at tinaas ang higaan ng ginang. Nang komportable na ito ay agad binalingan ang kanyang anak. “Anak, bakit ka nga narito? Okay lang naman ako hindi naman malala ang aking lagay. Interview mo ngayong araw hindi ba?” Halata sa boses ng ina nila ang pag-aalala at panghihinayang. Kinuha ni Maricel ang kamay ng kanyang ina bago nag-s
Matapos ang madrama naming pag-uusap ni Nanay Meng ay humarap ito kay Kate. “Kate, bumili ka ng makakain sa labas. Pag-meryendahin muna natin sila Kylie bago sila umalis.” Utos nito sa dalagita. “Nay, ‘wag na ho. busog pa po kami.” Awat ni Jace sa matanda. “Opo nay Meng ‘wag na po kayo mag-abala pa. Ayos lang po kami ni Jace.” Nakangiti ko namang sambit. “Sigurado ba kayo? Mahaba-haba ang biyahe niyo mamaya pag-balik ng maynila.” Sabay naman kaming tumango ni Jace. Sumusukong bumuntong hininga ang matanda. “Oh siya sige.” Nag-kwentuhan kaming apa't habang pinag-hihiwa ni Jace ng apple si Nanay Meng. Maraming na-kwento sa amin si nanay Meng. Napaka-sigla nito na parang walang iniindang injury. Kahit sinasaway siya ng kanyang mga anak ay hindi siya sumusunod. Nawiwili itong makipag kwentuhan sa amin. Hanggang sa dumating na ang oras na kailangan na naming umalis. Sabay kaming tumayo ni Jace. “Nanay Meng, mag-pagaling po kayo ha? Inumin niyo po ang mga gamot niyo. M
Nakapangumbaba ako habang nakatingin sa nakatalikod na si Jace. Ang usapan namin ay iinitin niya ang ulam na tinira sa akin. Ang kaso biglang nag-bago ang isip nito at sinabing ipag-luluto na lang niya ako. Hindi ko na siya pinigilan sa gusto niya at hinayaan na lang. Habang nakamasid ako sa kanya bigla akong may naalala. “Mahal, bakit ka pala pinatawag ni Daddy kanina? Anong sinabi niya sa ‘yo? Hindi mo naman ako nireplyan kanina ‘e.” Tanong ko, napansin ko naman na napatigil siya sa ginagawa. “Mahal, okay ka lang?” Nagtataka kong tanong. Humarap naman siya sa akin at alanganin ang ngiti. “A-ah oo ok lang ako, sorry, mahal nawala sa isip ko. Saka may binilin lang naman sa akin si Dad.” Tumango-tango naman ako. Sabi kona nga ba iyon lang ang dahilan kung bakit siya pinatawag. Bumalik na ulit ito sa kanyang ginagawa. Maya-maya pa ay nakangiti itong humarap sa akin ng matapos ang kanyang niluluto. Pesto pasta ang kanyang ginawa. Saktong gusto ko rin kumain ng pasta. “W
Naninibago lang siguro ako at hindi sanay.. Hindi lang naman sa akin umiikot ang mundo niya at hindi din naman kami pwedeng araw-araw talaga magkasama. Kailangan ko rin sanayin ang sarili ko sa ganoon. Sinunod ko ang mga kaibigan ko at hindi na masyado inisip si Jace. Nag-usap na lang kami tungkol sa irereview namin mamaya at sa quiz. MABILIS lumipas ang oras uwian na. kahit papaano naitawid ko naman ang araw na ito ng maayos. Lumabas na kami ng room at nakababa sa building pero walang Jace akong nakita sa bleacher kung saan niya ako laging hinihintay. “Sa tingin ko hindi pumasok si Jace at Kuya Kylde.” Biglang turan ni Trishana ng mapansin nakatingin ako sa bleacher kung saan lagi nandoon si Jace. “Baka nga may inutos si Tita sa kanila kaya hindi nakapasok. Tara na, baka nandoon na rin sa mansion niyo sila kuya Kylde.” Tumango lang ako bilang tugon sa dalawa. Tapos nag-patuloy na kami sa paglalakad patungo sa parking lot. As expected ang driver namin ang sumundo sa a
Third point of view Sa pag-talikod ni Kylie, siya namang lingon ni Kylde sa lalaking kanina pa walang kibo na nakasunod lang ang tingin sa kalalabas lang na dalaga. Nilapitan niya ito at tinapik-tapik sa balikat. “I'm sorry dude. I know it's hard and painful but we have to do it. Please, be strong for her. I know she will understand everything when the time comes. I know you love her very much. Sa ngayon ‘wag mong ipahalata sa kanya na may problema, knowing my sister mabilis makahalata ang isang ‘yon. Hindi siya dapat makahalata na may tinatago tayo dahil masisira ang usapan natin nila Dad. Sulitin na natin ang oras na makakasama natin siya dahil bukas hindi na niya tayo makikita pa.” Mahinang turan nito na siyang kinatango lang ng binata. “Let's go. Nag-hihintay na siya sa atin. Isang movie lang ang panonoorin nating tatlo. Tapos iiwan kona kayong dalawa mamaya. Bibigyan ko kayong dalawa ng oras sa isa't-isa. Sulitin mo ang sandaling makikita at makakasama mo siya.”
Habang papaakyat ng hagdan si Kylde ay unti-unting kumuyom ang kamao niya. Habang naiisip niyang aalis sila mamaya ni Jace at maiiwan na walang alam ang kanyang kapatid ay nag-pupunos sa galit ang kanyang kalooban. Hindi man siya naging mabuting kapatid kay Kylie ay ayaw niyang nasasaktan ito. Hindi deserved ng kanyang kapatid ang masaktan at maging mukhang t*nga. kaso ano ang magagawa niya kung ito ang gusto ng kanilang magulang. Baka kapag lalo siyang tumutol ay mas lumala pa ang mang-yari sa kanyang kapatid at kaibigan. “D*mn it!” Gigil niyang turan. Isang kasinungalingan ang sinabi niya sa kapatid kanina noong nandoon sila sa dining area. Walang katotohanan lahat ng sinabi niya na sa kompanya sila namalagi buong mag-hapon at may pinagawa sa kanila ang daddy nila. Ang totoo ay inasikaso nila ni Jace ang pag-alis mamayang madaling araw. Lilipad sila pa-c*nada. Nahanda na lahat ng magulang nila ang kakailanganin nilang dalawa kapag nandoon na sila. Naalala niy
Tumigil ako at tinignan ang oras kinse minutos na lang bago mag-alas dose. “Don‘t say that, Wife. Tanggap ko ang lahat sa ‘yo, Mahal kita dahil ikaw si Kylie Madelyn Montemayor—Buenaventura. Ang babaeng minahal ko simula noon at hanggang ngayon. Ang asawa ko. Pakinggan mo akong mabuti, ako naman. “No matter what happened to us, pag-layuin man tayo ng tadhana ulit. Ikaw at ikaw pa rin ang gugustuhin kong maging asawa. Alam kong hanggang ngayon hindi mo pa ako napapatawad pero handa akong mag-hintay kahit taon pa yan! But, please. Don‘t leave me and stay by my side. Okay na ako doon. Kuntento na ako. Please, don't do this. Kung gusto mong lumipat ng kwarto sa bahay, sige. Ipapaayos ko ang katapat ng kwarto natin. Kung ayaw mo ng bahay na iyon, sige mag-hanap tayo ng iba. Sabihin mo lang kung anong gusto mo. Basta...wag mo lang akong iiwan..Hindi ko kayang malayo ka sa akin..please Kylie...” Napasinghap ako ng marinig ko siyang humikbi sa kabilang linya, tapos ay biglang l
KYLIE Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, Bumungad sa aking ang puting ceiling. Where am I? Tinignan ko ang aking gilid at nakitang may dextrose na nakabit sa akin. Nasa hospital ako. And then Unti-unti kong naalala ang nangyari sa amin sa hotel! Na pabalikwas ako ng bangon at tinignan ang paligid walang tao sa kwartong kinaroroonan ko, Where is Jace? Napangiwi ako ng sumakit ng matindi ang ulo ko. Saktong bumukas naman ang pinto ng kwartong tinutuluyan ko. "Sh*t, Wife!" Napadilat ako ng marinig ang boses ni Jace. "J-Jace.."Mahinang tawag ko sa pangalan niya habang nangingilid ang luha. Akala ko ay mapapahamak na siya. Wala sa sariling pinalo ko naman siya sa kanyang dibdib. "I hate you! I hate you! Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala sa ginawa mo?! Paano kung napahamak ka? Edi magiging byuda ako ng maaga ha!" Naiiyak kong sabi, naramdaman ko naman ang mahigpit niyang yakap sa akin. "Shh, Don't cry. I'm sorry kung pinag-alala kita. Ginawa
“A-ah, Excuse me ladies, but my wife is here.” Nauutal niyang sabi bago hinawi ang mga babae sa kanyang harap. Masama ang tingin ko sa kanya. Napalunok siya ng i-abot sa akin ang white whine na hawak. Akma niya sana akong hahawakan sa bewang ng umusod ako, tapos ngumisi habang tinitignan ang hawak na wine. nilalaro-laro ko iyon sa aking kamay, Pinapaikot-ikot ng dahan-dahan. Ayoko sa lahat nilalandi ang pag-mamay ari ko. Alam ng mahahaderang babae na ito na may asawa na ang kanilang kaharap pero lumalandi pa rin! Mukhang gustong maging kabit ng mga ito ah? Pasalamat na lang ako hindi katulad ng iba si Jace na bibigay agad. At papatusin ang kalandian ng mga ito. Hindi lang ako natuwa dahil pinag-hintay niya ako sa table namin tapos makikita ko siyang may kausap na mga babae! “Ladies, you know her, right? She‘s Kylie Buenaventura my wife and one of the famous model in the country.” Pakilala sa akin ni Jace. Famous model huh? Binalingan ko ang mga babaeng nasa ha
KYLIE point of view (8 months later..) Hindi ko akalain na ganito kabilis dumaan ang araw. It‘s been 8 months already ng makasal kami ni Jace. Parang noong isang araw lang galit na galit ako sa kanya at ayaw ko siya makita. Halos, gusto ko na nga siyang isumpa. Pero ngayon na nakakasama ko siya unti-unting bumabalik ang Jace na kilala at minahal ko. So far our marriage is working well. Our routine is still the same, busy with work, but this time I'm helping him because I'm his wife. I have also finished my pending shoot with Tita Aaliyah's company, Now they have re-released the photo of me and Trishana, Chantal on the billboard in edsa, taytay and C5 with a caption at the bottom "The Trio Queens of Dela Cerna Corp." The magazine has also been released. Last week they just finished launching their new jewelry and bags. That's what my friends and I modeled. Somehow my sched has loosened up in the last eight months. Panaka-nakang photoshoot na lang, kaya pwede k
Kylie point of view DALAWANG araw n ang lumipas simula ng mag-kasakit si Jace. Back to work na ulit kaming dalawa. Ilang beses ko siyang sinabihan na ‘wag aabusuhin ang sarili sa trabaho. Puro tango lang naman ang sinagot sa akin. Ngayon nandito ako sa kompanya nila Tita Aaliyah para sa isang photoshoot. Jeans and denim jacket ang bagong labas nila Tita Aaliyah na pang outfit of the day. Iyon ang imomodel namin ngayon. Tapos na kaming ayusan nila Trishana kaya pina-pwesto na kami ng photographer sa gitna. Pose lang kami ng pose na tatlo hanggang sa mag-palit na ulit ng jeans at demim. Ito lang ang nakakapagod kapag modelo ka. Iyong papalit palit ng damit. Last shoot na ng biglang lumapit sa akin si Mira, hawak niya ang aking cellphone. Sinama ko siya ngayon para may assistant ako incase na may tumawag sa akin sa head department ng accounting. If may mga katanungan sila sa naging utos ko. “What is it, Mira?” Agad kong tanong ng makalapit siya. “Someone i
Gulat ko siyang nilingon tapos nag-aalalang lumapit sa kanya. “Oh my gosh, Jace! Ang taas taas ng lagnat mo! Ano bang ginawa mo?” Tanong ko sa kanya. “S-shh, D-don‘t worry wife, ipapahinga ko lang ito t-tapos gagaling na ako.” Mahina at namamaos niyang sabi. Akma itong tatayo sana kaso bumaksak siya. He‘s very weak! Mabilis ko naman siyang inalalayan para maka-sandal sa headboard ng kama namin. Tinanggal ko na rin ang suot niyang kurbata, Sinunod ko ang sapatos niya. Hindi ko inalis ang medyas. Kailangan niyang mapag-pawisan. “No, hindi ako naniniwala sa sinasabi mong itutulog mo lang tapos gagaling ka na. Wait me here. Papatayin ko lang ang aircon para mapag-pawisan ka. Sakto mag-dadala sila manang ng pagkain. Humigop ka ng sabaw tapos kumain ng konti para maka-inom ng gamot. Okay? No but, Jace Mateo. Over fatigue ka, masyado mong inabuso ang katawan mo sa trabaho.” Mahaba kong sabi. Medyo galit ang boses dahil nag-aalala ako sa kanya. Mabilis akong bumaba sa kama a
Two weeks past.. After the issue died down. Jace and I started to work again. Siya na palipat-lipat dahil sa dami ng business niya, pupunta ng hotel para icheck ang kalagayan doon, pupunta sa Cafe, sa resorts. Hindi ko akalain na grabe pala talaga kayaman si Don Sebestien. Tapos sa kompanya Isa o dalawang araw lang ata siyang pumupunta para icheck ang mga dapat niyang gawin. Habang ako naman ay nag-simula na sa shoot sa kompanya nila tita Aaliyah. Noong nakaraang linggo ay pumirma na kami ng kontrata nila Chantal. Balik photoshoot ako this week and next week. Pareho na kaming busy ni Jace, bibihira na rin tumugma ang oras naming dalawa pero ayos lang. Atleast in the end of the day mag-kikita at magkakasama pa rin kami kahit na minsan late akong nakakauwi o kahit siya sa bahay namin. So, dahil nag-kita-kita kaming apa't nila Trishana na-kwento ko na sa kanila ang nang-yari sa mga nakalipas na linggo. Hindi naman sila makapaniwala na kasal na kami ng dating Ex ko. Actuall
Matapos kumain nila manang ng almusal ay pilit nila akong pinapa-upo at sila na ang mag-luluto ng almusal namin. Pero hindi ako nag-patalo. I don‘t but I want to cook breakfast for Jace. Siguro, pasasalamat ko na rin sa tulong na ginawa niya para sa amin. Sa huli sumuko rin sila manang, Iniwan nila ako sa kusina at ginawa na ang iba nilang gagawin. Napangiti naman ako dahil wala ng nangungulit sa akin. I cooked bacon, scramble eggs and hotdogs. I noticed that there was still rice in the fridge, It looked like we had leftover rice from last night. Okay pa naman ‘yung kanin kaya isasangag ko nalang siya para hindi sayang. I finished the dish first so I followed the friend rice. I was enjoying what I was doing. Nang may tumikhim sa aking likod. Gulat naman akong napalingon doon. And there Jace was leaning against the side of the door with his arms crossed and looking at me with a smile. “You look enjoying.” Umalis siya sa pagkakahilig sa pader tapos naka-pamu
Pilit kong pinakalma ang boses, ayokong ipahalata sa kanya na hindi ako mapakali. “How did you buy my books if you are in Canada? Then how did you know that I have published a book?” Oh, gosh. buti na lang hindi ako nautal. Mas humigpit ang yakap niya sa akin. What is happening to me? Hindi ba dapat talaga lumalayo na ako sa yakap niya? Bakit gustong gusto ko pa ang nang-yayari? Sh*t, Kylie. Alalahanin mo isang taon lang ang kasal niyo. If ever na matapos agad ang problema ay pwede mo naman ipa-aga ang divorce niyo. I have my ways, Love. I have someone who reported to me, what is happening to you here. And during your first book signing at MOA. I even came home here using Don Sebastien's plane, I was able to go to the philippines and immediately returned to canada that day. Umuwi ako to support you. And about sa mga libro mo kung paano ako nakakabili, Thanks to the help of Kylde's friend. Sila ang nag-titiyaga pumila kapag may book signing ka.” What?! ang mga kaibigan