Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Kuya, Gulat na gulat siya ng makita akong nandoon. “Kylie, What are you doing here? Hindi ka dapat nandito.” Malumanay na sabi niya. Umiling naman ako. “Alam ko na kuya, Ako ang unang sinabihan ni Dad. Please, stop this tignan mo ang ginawa mo. Nanira ka ng gamit. Sana hinintay mo nalang sila Dad. Papunta na sila dito.” Humakbang ako palapit sa kanila, binitawan naman nila Jace si Kuya. Hinila ko ito papalayo sa pinto, nagpa-ubaya naman siya. “Hindi ka dapat gumawa ng eksena dito kuya, Sana pinigilan mo ang sarili mo. Look, ang daming nakakita ng ginawa mo. Ang daming nag-vivideo sa‘yo.” Ginala naman niya ang tingin sa paligid. Tinaasan niya ng kilay ang mga estudyanteng nakatingin sa amin. “Tss, pakealam ko sa kanila kung may video sila? Mas maganda nga ‘yon, para malaman nila ang totoo na ang babaeng nagtatago sa loob ng room na ‘yan ang may sala! Hindi ako natatakot at kung nag-aalala ka naman na baka mapagalitan ako ni Dean dahi
Last Updated : 2022-07-14 Read more