Sana pala hindi na ako tumuloy, Sana sinunod ko ’yung pag-aalinlangan ko kanina. Napakagat ako sa ibabang labi habang gumagapang. Nang-hihina na ako. Pawis na pawis na rin ako, ang hirap sumagap ng hangin dahil malalaking tao ang mga lalaking kasama namin. “You alright, Bunso? Jus hold on a little, we're almost there.” Nag-aalalang sabi ni Kuya. Hindi na ako sumagot dahil nang-hihina na talaga ako. Nang mapansin konang maliwanag doon kong napag-tanto na sobrang lapit na namin. “Tabi! tabi!” Sigaw ni Kuya. Nakalabas na siya pero bumalik siya para matulungan na ako makalabas. Hinawakan niya ako sa braso saktong doon na talaga naubos ang lakas ko at hindi na nakagalaw. “Sh*t, Hilahin niyo na ako! Dahan-dahan lang!” Sigaw ni kuya. Buti na lang putik ang dinaanan namin kaya mabilis lang akong mahihila ni kuya papalabas. “Oh my god, ang putla ni Kylie! Sino may tubig?!” Narinig kong sabi ni Chantal ng makalabas na ako. Akmang itatayo ako ni Kuya ng unahan siya ni Jace na naka
Last Updated : 2022-07-23 Read more