Home / Romance / My Bittersweet Mistake / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of My Bittersweet Mistake: Chapter 11 - Chapter 20

130 Chapters

KABANATA 10

"Take it easy, Aldo." Lumayo ako at sumiksik sa bintana.Dinig ko ang marahas niyang buntong hininga ngunit hindi ko siya pinansin. Tahimik akong kumain ng fried isaw."Why is it so hard to have a conversation with you these days, Mayu?""Huh?" Nilingon ko siya at nasalubong lamang ang kaseryosohan sa magka-ibang kulay ng kanyang mga mata."Maybe because we are not married, Aldo? Tingin mo?" sarkastiko kong bigkas.Natahimik siya at hindi kumibo kaya't mahina akong natawa. Ano pa ba ang aasahan mo sa taong takot sa commitment? Wala."See? Hindi ka na nakakibo. Let's just say that I am not free until you are married to me, Mr. CEO," I mocked as I ate the last stick of fried isaw.Tinapon ko sa basurahan ang plastic cup bago siya hinarap. Hinuli ko ang tingin niya at nginisihan."Hindi ko naman kukunin ang
last updateLast Updated : 2022-02-14
Read more

KABANATA 11

"I am not in the mood, Aldo."Binawi ko ang palapulsuhan ko at humalukipkip. Sinulyapan ko rin ang magarbong restaurant. Iilang tao nga lang ang nasa loob niyon.I heard him sigh and saw him purse his lips."This might be the last time, Mayu. After this, you'll be free."Nangunot ang noo ko sa sinabi niya at balak na magtanong ngunit muli lamang niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at hinila ako papasok sa loob.Aminin ko man o hindi, nagwala ang tiyan ko nang maglapag na sila ng pagkain sa mesa. Ni hindi ko alam ang pangalan ng mga iyon, basta ang alam ko gutom na gutom ako at naglalaway sa nakahapag."Eat slowly, Mayu," mahinahong paalala niya matapos kong kumagat sa hita ng manok.Nag-angat ako sa kanya ng tingin. Hindi siya kumakain kun'di nakatitig lang sa akin.Tahimik kong binaba ang manok, nagpunas ng bibig gamit ang tisyu bago umayos ng umupo."Tell me right away if there's a problem, Aldo. Baka ipapapatay mo na
last updateLast Updated : 2022-02-16
Read more

KABANATA 12

Tila hinahati ang ulo ko sa sakit nang gumising ako. Malabo pa ang paningin ko at halos liyo ngunit naaninag ko ang nurse sa gilid kung kaya't binalak kong bumangon."Ma'am, dahan-dahan lang po. Huwag po ninyong biglain ang sarili ninyo."Mabilis nitong hinawakan ang balikat ko upang tulungan akong maupo. Hirap akong huminga ngunit mas matatag ang kagustuhan kong makalabas na sa kwarto."Ma'am, hindi pa po kayo pwedeng lumabas. Hintayin po natin si Doktora. Magpahinga na po muna kayo."Wala akong nagawa kun'di ang sumandal sa hinihigaan nang bumukas ang pinto. Pinilit kong huminga nang malalim upang kahit paano ay maging malinaw ang nangyayari sa paligid ko."Good afternoon, Miss Selvestre. I'm Doctor Sylvaine. I'm glad you're awake. How are you feeling?" malugod nitong tanong.Pinakatitigan ko ang doktorang kulay hazelnut ang buhok. Seksi ito, m
last updateLast Updated : 2022-02-20
Read more

KABANATA 13

"Are we clear, Mayu? Abort the baby and go somewhere far away from here," matatag na bigkas ni Mommy.Napalunok ako at mahinang tumango habang ang mga luha ko ay kusang bumagsak sa aking mga pisngi."Mas mabuti iyon, Mayu. Wala na rin namang mag-aalaga sa'yo. Wala na si Rosario," ani pa nito bago tuluyang lumabas ng kwarto.Kinuyom ko ang mga kamao at hindi maiwasang magtagis ng mga ngipin ko sa galit. Masama kong tiningnan ang pinto at doon binuhos ang galit na nararamdaman ko para sa taong nagluwal sa aking ngunit siya rin namang nagtapon sa akin.Marahas kong pinunasan ang aking mga luha. Pumikit nang mariin bago pinulot ang envelop na puno ng salapi. Humigpit ang hawak ko roon. Ayaw ko man ay alam kong kakailanganin ko pa rin iyon.Bumagsak ang tingin ko sa impis kong tiyan. Marahan ko iyong hinaplos ngunit natigilan matapos maalala ang sinabi ni Mommy.Nilayo ko na ang palad doon dahil alam kong hindi ko na pwede pang mahalin ang batang
last updateLast Updated : 2022-02-24
Read more

KABANATA 14

Gustong manginig ng kamay ko at halos manghina ang mga tuhod ko. Ayaw ko ring tingnan ang lalaking nasa harap ko. Kanina ay tinangay ko ito sa labas upang hindi makiusyoso ang ibang tao. Ngayon namang nakasandal ako sa sasakyan niya at nasa harap ko siya ay hindi ako makapagsimulang magsalita."Condolence—""I don't need your condolence," malamig kong tugon.Ramdam ko ang matalim niyang titig. Nahagip din ng tingin ko na galit itong namewang."Fine. I didn't go here for that," he coldy said as well."Then what, Aldo? Ano? Pababalikin mo ako sa opisina dahil sa namatayan ako? Sorry, but no," matatag kong bigkas.Nagbago na ang daloy ng isip ko. Kahit  pa ibalik niya ako bilang fiancée niya ay hindi ko na rin tatanggapin. For what? Para muling saktan ng mga magulang ko? Hindi na. Ayoko ko na."No, Sweetie. I d
last updateLast Updated : 2022-02-28
Read more

KABANATA 15

"Bakit, Mayu? Bakit mo ipapalaglag ang baby mo?" naluluhang tanong niya."Huh? Ano, Alice?" naguguluhan ko siyang nilingon dahil sa tanong niya."Hindi ba utos ng Mommy mo na kailangan mong i-pa-abort ang baby? Pagkatapos ay lumayo rito?"Umawang ang mga labi ko at natigilan. Oo nga pala't ganoon ang plano. Lumunok ako at huminga nang malalim."Kailangan, Alice. Kailangan kong gawin," nanghihinang bigkas ko.Napatitig ako sa makapal na envelop na galing kay Mommy. Napahawak sa tiyan ko habang ang puso ko ay binugso ng kakaibang sakit."Pero baby mo 'yan, Mayu. Pamilya mo. Kung sakali, siya na lang ang meron ka. Siya na lang mananatili sa'yo—""Hindi na importante sa ngayon 'yan, Alice. Ang importante ngayon ay makalayo rito."Nagpatuloy ako sa pagsiksik ng damit sa backpack at iilang importanteng dokumento bago iyon mabilis na sinara. Tapos na ako ngunit natutulala pa rin si Alice sa akin."Mayu, makinig ka please.
last updateLast Updated : 2022-02-28
Read more

KABANATA 16

"Two months advance, one month deposit. Anim na libo lahat." Nilahad pa ng landlady na si Aling Glenda ang mga palad niya.Nagkatinginan kami ni Alice at sabay ding tiningnan ang kubo sa harapan."Dalawang libo ang renta niyan? Niyang kahoy na 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Alice.Ako man ay hindi makapaniwala sa halaga. Kung titingnan ay malakas na ihip na lang ng hangin ay tutumba na ang kubo sa harapan kaya lang wala na kaming choice, maggagabi na at heto lang ang malapit."Kung ayaw ninyo ay maghanap kayo ng iba!"Nanlaki ang mga mata ko at agad na pinigilan sa braso ang ginang nang akma itong aalis. Tumawa ako nang alanganin at pinanlakihan ng mata si Alice. Nakakaintindi itong tumawa at agad na umangkla sa braso ng Ginang."Aling Glenda naman, joke lang iyon. Ang ganda nga nitong kubo mansyon mo! Naku, pasadong-pasado na 'to. Worth the price talaga!" Sumenyas pa siya ng money sign na kinatuwa ng Ginang."Mukha lang iyang
last updateLast Updated : 2022-03-01
Read more

KABANATA 17

"Safe na ba, Mayu?" tanong ni Alice habang matindi ang kapit niya sa damit ko.Umiling ako at hindi makapagsalita. Takip ko ang bibig at ilong upang hindi masuka sa amoy ng basura sa harapan. Dito ko hinila kanina si Alice para lang hindi makita ni Aldo."Uy, Mayu! Ano na?" kulit nito sa akin.Umiling ako muli. Lumayo na sa pinagtataguan at agad na nagduwal sa bakanteng lote. Ramdam kong hinagod ni Alice ang likod ko. Nang matapos ay pinunasan ko lang ang bibig ko sa panyo bago pinasingkit ang tingin sa loob ng palengke."Hindi na tayo safe dito, Alice. Bumalik na tayo sa bahay kubo. Imposibleng hindi sabihin ni Gueco kay Aldo na nakita niya tayo.""Sure 'yan. Baka nga kailangan na natin lumipat ng bahay," mungkahi niya.Agad akong umiling at hinila na siya upang makapagpara ng tricycle."Hindi muna. Hindi naman nila madaling mahahanap iyon. Isa pa, sayang iyong binayad natin kay Aling Glenda, Alice.""Sabagay. Sino ba namang m
last updateLast Updated : 2022-03-02
Read more

KABANATA 18

"Huwag ka ngang matakot. Normal lang daw ang spotting sa first trimester sabi sa internet."Tinutok nito ang tingin sa hawak na cellphone at muling nag-scroll."Pero kailangan mo pa ring magpatingin sa doktor, Mayu-Rio pala."Mariin akong pumikit at ayaw gumalaw sa kinauupuan ko. Natatakot akong muling duduguin at baka mawala ang baby ko. Nanginginig ang kamay kong yumakap sa aking tiyan. Ni hindi pa nga lumalaki ang tiyan ko ay kukunin na yata ang baby ko.Sa naisip ay bumagsak ang mainit na likido sa aking pisngi. Humikbi ako nang mahina at mas niyakap ang sarili."Mayu! Huwag ka ngang umiyak diyan! Kalma ka lang, okay? Huwag ka munang mag-isip ng masama," pagpapakalma niya ngunit ang mga mata niya ay kababakasan din ng pag-aalala."H-indi ko mapigilan, Alice. P-aano kung, w-ala na p-ala ang b-aby ko?"Nag-aalala siyang tumango at linapitan ako, "Shh, huwag mo munang isipin iyan, Mayu. Magpapatingin ka sa doktor, bukas na bukas din.
last updateLast Updated : 2022-03-03
Read more

KABANATA 19

"Magtago ka, Mayu," bulong niya matapos mawala sa amin ang tingin ni Aling Glenda."Ah? Saan?" naguguluhang tanong ko."Sa panty ko siguro," sarkastikong sagot niya kaya naman nahampas ko siya sa braso."Baliw."Inirapan ko siya bago luminga-linga sa paligid ngunit wala namang mapagtataguan bukod sa payat na puno.No choice ako at inilang hakbang na lamang iyon. Kahit alam kong bahagya akong kita ay pilit kong pinagkasya ang sarili."Just hold on, baby. Hindi ko hahayaang mahanap tayo ng halimaw mong tatay," bulong ko habang hinaplos ang impis kong tiyan.Sa muling pagsilip ko ay halos kumawala ang puso ko sa kaba matapos makitang kausap na nila si Alice."Just in case, Miss. If you happen to see her here, please notify us," ani Alaric na inabutan pa ng calling card si Alice.Alanganing tumawa si Alice. Mukha siyang tensyonado lalo na noong manginig ang kamay niya matapos kunin ang card."S-ige po. Pero mukhang ma
last updateLast Updated : 2022-03-04
Read more
PREV
123456
...
13
DMCA.com Protection Status