"Safe na ba, Mayu?" tanong ni Alice habang matindi ang kapit niya sa damit ko.
Umiling ako at hindi makapagsalita. Takip ko ang bibig at ilong upang hindi masuka sa amoy ng basura sa harapan. Dito ko hinila kanina si Alice para lang hindi makita ni Aldo.
"Uy, Mayu! Ano na?" kulit nito sa akin.
Umiling ako muli. Lumayo na sa pinagtataguan at agad na nagduwal sa bakanteng lote. Ramdam kong hinagod ni Alice ang likod ko. Nang matapos ay pinunasan ko lang ang bibig ko sa panyo bago pinasingkit ang tingin sa loob ng palengke.
"Hindi na tayo safe dito, Alice. Bumalik na tayo sa bahay kubo. Imposibleng hindi sabihin ni Gueco kay Aldo na nakita niya tayo."
"Sure 'yan. Baka nga kailangan na natin lumipat ng bahay," mungkahi niya.
Agad akong umiling at hinila na siya upang makapagpara ng tricycle.
"Hindi muna. Hindi naman nila madaling mahahanap iyon. Isa pa, sayang iyong binayad natin kay Aling Glenda, Alice."
"Sabagay. Sino ba namang m
"Huwag ka ngang matakot. Normal lang daw ang spotting sa first trimester sabi sa internet."Tinutok nito ang tingin sa hawak na cellphone at muling nag-scroll."Pero kailangan mo pa ring magpatingin sa doktor, Mayu-Rio pala."Mariin akong pumikit at ayaw gumalaw sa kinauupuan ko. Natatakot akong muling duduguin at baka mawala ang baby ko. Nanginginig ang kamay kong yumakap sa aking tiyan. Ni hindi pa nga lumalaki ang tiyan ko ay kukunin na yata ang baby ko.Sa naisip ay bumagsak ang mainit na likido sa aking pisngi. Humikbi ako nang mahina at mas niyakap ang sarili."Mayu! Huwag ka ngang umiyak diyan! Kalma ka lang, okay? Huwag ka munang mag-isip ng masama," pagpapakalma niya ngunit ang mga mata niya ay kababakasan din ng pag-aalala."H-indi ko mapigilan, Alice. P-aano kung, w-ala na p-ala ang b-aby ko?"Nag-aalala siyang tumango at linapitan ako, "Shh, huwag mo munang isipin iyan, Mayu. Magpapatingin ka sa doktor, bukas na bukas din.
"Magtago ka, Mayu," bulong niya matapos mawala sa amin ang tingin ni Aling Glenda."Ah? Saan?" naguguluhang tanong ko."Sa panty ko siguro," sarkastikong sagot niya kaya naman nahampas ko siya sa braso."Baliw."Inirapan ko siya bago luminga-linga sa paligid ngunit wala namang mapagtataguan bukod sa payat na puno.No choice ako at inilang hakbang na lamang iyon. Kahit alam kong bahagya akong kita ay pilit kong pinagkasya ang sarili."Just hold on, baby. Hindi ko hahayaang mahanap tayo ng halimaw mong tatay," bulong ko habang hinaplos ang impis kong tiyan.Sa muling pagsilip ko ay halos kumawala ang puso ko sa kaba matapos makitang kausap na nila si Alice."Just in case, Miss. If you happen to see her here, please notify us," ani Alaric na inabutan pa ng calling card si Alice.Alanganing tumawa si Alice. Mukha siyang tensyonado lalo na noong manginig ang kamay niya matapos kunin ang card."S-ige po. Pero mukhang ma
"Ano?! Lilipat na naman tayo?!" eksaheradang reaksyon ni Alice matapos ako nitong makitang nag-eempake na ng gamit."Hindi na pwede rito, Alice. Nasa paligid lang si Aldo.""Kagagaling mo lang, Mayu. Baka ma-ospital ka na naman diyan sa gusto mo. Pagkatapos ng isang buwan, pwede na tayong lumipat sa Buenavista—""Ngayon na. Hihintayin ko pa bang mahanap ako rito? Hihintayin ko pa bang malaman niyang buntis ako?"Sinulyapan ko siya sandali bago muling nag-empake. Hindi ko hahayaan masulyapan ni Aldo ni dulo ng daliri ko.Dinig kong bumuntong hininga si Alice bago nagsimulang mag-empake."Limang lugar lang ang pwede nating lipatan, Mayu. Pangatlo na niyan itong lilipatan natin. Dalawa na lang ang natitira, please, pumili ka na ng magandang lokasyon para naman kahit paano hindi ka mapagod kalilipat," litanya niya.Nakagat ko ang labi matapos mahimigan na nanenermon na siya. Naiintindihan ko naman na para din sa akin iyon at alam ko
"This is going to be a big scope. My brother will surely go crazy if he finds out the truth," muli niyang bigkas.Pinirmi ko ang mga labi bago siya nilingon. He has those same features similar to Aldo and Alaric, and now I wonder why he is doing this."What are you doing here, Apollo?" simpleng tanong ko.Ayaw kong magtaray lalo pa't dahil sa kanya kung bakit hindi pa rin ako nahahanap ni Aldo."I tracked you down. It's funny that you didn't use my card. Nahirapan tuloy akong hanapin ka. Nandito ka lang naman pala. Of all places, bakit dito pa?" Maliit siyang napangisi na tila tinawanan ang sarili niya.Napanguso ako at hindi makasagot. Hindi ko rin kasi alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Sa huli, sinulyapan ko ang kamay niyang nasa tiyan ko pa. Marahan ko iyong tinanggal kung kaya't napatingin siya roon."Aww, I'm sorry. Na-excite lang ako sa pamangkin ko," makahulugang banggit niya.Mabilis kong binitiwan ang kamay niya.
Wala na yatang mas lalakas pa sa kabog ng puso ko. Wala sa loob na kumapit ako sa binti ni Apollo sa kaba."Why don't we eat lunch together with your girlfriend? Don't worry. My treat," alok nito.Mas humigpit ang kapit ko sa binti ni Apollo. Nahihila ko na nga yata ang jeans niya kung kaya't hawak na niya iyon sa waistline.Sinulyapan ako nito at bahagyang binabawi ang binti niya. Pinanlakihan ko siya ng mata at mas hinila ang jeans niya."I'm waiting, Apollo," inip na sambit ni Aldo.Tumawa nang wala sa tono si Apollo at pilit tinataas ang jeans niya. Maging ang binti niya, pilit binabawi."Bro, my new girlfriend is shy. She doesn't want to face anyone." Tumawa pa ito muli sa dulo."Really? Akala ko ay agresibo dahil pinatulan ka. Anyways, what are you doing on this baby's section?" pagdududang tanong nito.Muling tumawa si Apollo at nilahad ang cart na puno ng gamit pang-baby kung kaya't kinurot ko siya muli sa binti. Pinapa
Nabato-balani ako at hindi makakilos sa kinatatayuan. Para bang hinihintay ko na lamang na lumingon si Delton dahil alam kong tapos na ang taguan. Unti-unti, bumagsak ang cellphone na hawak ko sa tainga kasabay ng mga luha ko. Ramdam ko pa ang bahagyang pagsipa ni Arkan na siyang kinaluha ko lalo."Are you excited to meet your father?" mahinang tanong ko at nagawa pang sulyapan ang umbok kong tiyan.Napangiti ako nang mapait lalo na matapos makita ang pares ng black shoes sa harap ko.Tapos na ang pagtatago, Mayu. Bigkas ng utak ko."It's late night, why are you still outside? The baby might caught cold."Namilog ang mga mata ko sa swabeng boses na iyon. Napakurap at agad na nag-angat ng tingin para lamang makita si Gueco na nakangisi sa harap ko."You thought it's Aldo?" paninigurado nito sa akala ko.Awang ang mga labing kumunot ang noo ko at nilingon pa ang likuran niya para makumpirmang hindi nakasunod si Aldo. Umatras ang luha ko
Gusto kong magalit kay Alice dahil sa ginawa niya ngunit bumalik ang nurse para sabihing isasalang na ako. Sa huli, mariin ko siyang tiningnan. Kagat nito ang daliri sa bibig at bakas sa mukha niya ang pagsisi.Huminga ako nang malalim at pinagpasa-Diyos na lang ang kaligtasan naming mag-ina. Pilit kong kinakalma ang puso sa durasyon niyon kahit pa gusto kong magwala. Ni hindi ko nga alam kung paano natapos o kung narinig ko bang umiyak si Arkan. Ang alam ko lang, gusto kong tumayo, bumalik sa kaninang kwarto at magpahinga. Hindi ko nga sigurado kung nakatulog ba ako. Basta ang alam ko, nalingat ako sa boses ni Alice at isa pang boses lalaki."Is she alright?""Hindi ko sigurado. Siguro. Sandali nga, paano ba hawakan iyong baby?""I don't know. I have never held a baby my whole life. We'll call the nurse.""Gago! Mang-iistorbo ka pa ng iba—""Of course. Hindi pwedeng hindi tayo mag-ingat sa paghawak kay Arkan. That's my nephew we
"Ah? Huwag mong sabihing sinabi mo na kay Aldo? Apollo naman!"Gusto kong maiyak sa sitwasyon. Paano na lang kung basta kunin ni Aldo si Arkan? Malamang na hindi ako isasama at baka ipatapon pa ako sa malayo."Apollo, please naman. Hayaan mo munang makasama ko ang anak ko at huwag mo namang basta na lang ipaalam sa Kuya mo," pakiusap ko sa kaniya.Sumeryoso ito. Bahagyang salubong ang kilay habang hawak ang paa ni Arkan."I cannot keep it for long, Miss Selvestre. Sabihin ko man o hindi, malalaman pa rin ni Kuya.""Paanong hindi niya malalaman, sinabi mo na nga. Pinapabayad mo pa ang bills sa kanya! Iyon pa lang, ilalagay na niya sa utang ko."Nagtaka ako nang kagatin nito ang labi sa pagpipigil matawa."Do you really think I will tell him now? Hindi. You have his black card, use it. Waste his money, it's all okay. Let him think I was wasting his money," mungkahi nito na kinaawang ng mga labi ko."Ayoko," matatag kong bigkas.
Aldo Hendrix CastellanosI still clearly remember Mayu, whom I saw at the party's garden. Honestly, the first time I saw her, I was sure she was definitely not my type. Glancing at her gown, I knew then she would be one of the candidates. Kaya naman ako na mismo ang naghanap kay Addison upang ibigay ang kahon na patago ko pang kinuha kay Lolo.Hindi ko rin naman gusto ang plano nito at wala sa isip ko ang magpakasal. And who would be happy in an arranged marriage? No one. And so, as much as I could, I tried my best to give the box to the person I somehow liked. I didn't know and I was unaware that fate played me so very well. Wala rin akong plano sa unang gabi kun'di ang takutin siya ngunit mukhang may mas plano ang tadhana sa aming dalawa at hinayaan na may mangyari at maulol ako sa kanya.Oras-oras kong pinapagalitan ang sarili dahil doon. At halos murahin ko ang sarili matapos hindi makuntento sa isang gabi na halos gabi-gabi na lang itong nasa isip ko at pilit ginugulo ang sistem
Walang tigil ang kaba ko sa takot na baka may balak na naman itong masama. Ni hindi ko nga namalayan na na-dial ko ang numero ni Addison. Huli na at hindi ko na ma-end call matapos marinig ang maarte niyang boses. Nawala tuloy kay Stella ang atensyon ko at nalipat sa cellphone."Now, you called me. What, Cheap Bitch?" anitong tingin ko ay umiirap pa sa kabilang linya.Napairap din tuloy ako, "Napindot lang. As if namang tatawagan kita. Bye—""Wait! Don't hang up yet!" pigil nito dahilan upang hindi ko pindutin ang end call."What, Maarteng Bitch?" pagtataray ko.Dinig kong umismid ito ngunit tumikhim din."I'm sorry."Nangunot ang noo ko at tila nabingi. Tama ba ang narinig ko?"Ano?""Ang sabi ko, I'm sorry!" malakas nitong sigaw na kinangiwi ko at nagpasakit sa tainga ko, "I'm sorry nga pero kung ayaw mo, then don't!"Napailing ako. Paano ko naman tatanggapin ang sorry na ganito?"Not forgiven—""Who cares? Nag-sorry lang naman ako dahil ayokong iwan kami ulit ni Mommy. Tss," aniya
"Aldo, tama na nga!" protesta ko matapos nitong hindi tumigil.Ngunit hindi ito nakinig at nagpatuloy lang dahilan upang mapa-halakhak ako. "Tama na kasi! H-indi na ako makahinga, kakain pa ako." Napanguso ako at hinawakan na ang dalawang kamay niya ngunit mahina lang siyang tumawa mula sa likod ko."Ang bad mo ah! Bahala ka kapag na-dislocate si baby," pagbabanta ko.Sandali siyang natigilan at lumipat sa harap ko, "What? Is there a thing called dislocation in pregnancy?"Nangunot ang noo niya at tila ba litong-lito. Kusa akong nangisi at kumibit balikat."Meron na ngayon—""You're bluffing," aniyang lumalapit na naman at pinupuntirya ang tagiliran ko."Aldo nga!" Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tanging ngisi ang sinagot niya sa akin."Gutom ako. Kung sanang pinakain mo ako kagabi, wala sana ngayon tayo sa kusina kahit madaling araw pa.""You could have stopped me from making love to you earlier in the night. Hindi mo sana ako pinapagalitan ngayon. I am just being a professional l
"Nakagagaan pala sa pakiramdam kapag ganito," wala sa loob na bigkas ni Daddy habang kumakain sa hawak niyang ice cream.Napatitig ako sa abocado ice cream na hawak, nasa apa iyon. "Sana pala, noon pa ako nagpaka-ama," dagdag nito.Napayuko ito at ramdam ko ang bigat sa damdamin niya. Napaiwas ako ng tingin at napabuntong hininga."Pwede pa naman po, hindi nga lang ngayon," mahinang bigkas ko. "Maghihintay ako, Anak. Hihintayin ko hanggang sa matanggap mo na ako bilang ama mo. Marami akong pagkukulang pero handa akong bumawi," anitong halos manginig pa ang boses.Napalunok ako. Alam ko namang pareho lang sila ng motibo ni Mommy. Pareho lang naman nila akong gusto ngayon dahil asawa ko na si Aldo pero kahit ganoon, gusto kong isipin na totoo si Daddy.Kung pagbabasehan lang naman ang pagiging magulang, si Daddy ang laging nandiyan at updated sa buhay ko kahit pa hindi ko ito nakakasama sa mga importanteng okasyon sa buhay ko. Na-appreciate ko naman ang mga panahon na nagrerenta siya
"What do you mean, Mommy? Paanong si Ate Addison iyon?"Litong lito ako at kahit may nabubuong konklusyon sa isip ko ay gusto kong marinig iyon mismo sa bibig ni Mommy.Napapikit ito nang mariin. Pagmulat ng mga mata niya ay punong-puno iyon ng pagsisisi."Sad to say, nag-alaga ako ng anak ng iba habang napabayaan ko ang sarili kong anak," may pagsisising bigkas nito.Umawang ang mga labi ko at naramdaman ang sakit sa dibdib ko. Ilang beses akong kumurap upang hindi tumulo ang luha ko ngunit hindi ako nagwagi. Tahimik na nagpagbasakan ang mga iyon.Imbis kasi na matuwa ako na ako lang pala ang nag-iisang anak niya ay mas nasasaktan ako na nagawa niyang mas piliin ang anak ng iba kaysa sa akin.Agad niyang inabot ang kamay ko matapos makita ang pagbagsak ng mga luha ko."I'm really really really sorry, Mayu. S-orry kung napabayaan ka ni Mommy. H-indi ko naman ginustong mangyari ang lahat ng ito sa'yo kahit pa ako ang pasimuno ng ibang kasakitan mo sa buhay. Ayoko lang na idamay ka ni F
Hindi ko alam kung desido talaga si Aldo sa pangingibang bansa namin pero mas desido akong makausap ulit si Mommy. Ang tagal kong hinintay ang reply niya. Akala ko nga ay tatanggi ito ngunit um-oo naman.Ilang beses akong binalaan ni Aldo na huwag lumabas ng bahay, kaso mas nananaig ang kagustuhan kong maliwanagan kay Mommy. Ang problema ko na lang ay kung saan iiwan si Arkan. Ayoko isama dahil baka mamaya may panganib nga sa paligid."Mama, bakit mo po ako iiwan kay Tita Alice?" may himig pagdududang tanong ni Arkan.Napataas ang kilay ko at patay malisyang hinawakan ang kamay niya."May bibilhin lang ako, Baby. Babalik din ako agad.""Ng hindi ako kasama, Mama? Does Daddy know about this?" mala-imbestigador ang tono nito.Napaubo ako bago tumawa nang alanganin."Of course, Baby. Always updated si Daddy mo," pagsisinungaling ko."Really, Mama? Then why are you leaving me here? Or maybe, we should call Daddy and ask him to take me here."Bahagyang namilog ang mga mata ko. Pagkaraan ay
"Leave the country? Pero ayaw kong umalis, Aldo." Iyon agad ang bungad ko pagkapasok namin sa loob bahay.Ayoko talagang umalis. Hindi ngayon na ganito ang nangyayari. Gusto ko pang makausap nang masinsinan si Mommy. Bigla, gusto kong idiskubre at alamin ang sinabi nitong first love niya si Daddy."I don't doubt if we can really have a peaceful life here after everything. I don't want to risk your pregnancy—what's that?"Natigilan ito at natutok ang tingin sa gilid ng labi ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at agad iyong tinakpan. Balak ko na ngang umatras ngunit agad nitong nahawakan ang siko ko. Paglingon ko sa kanya ay malamig na ang tingin niya at marahang tinanggal ang kamay ko ns nakatakip sa aking labi."Did she do that to you?" his cold voice sent nervousness to my heart.Nahigit ko ang hininga at natakot magsalita. Natatakot akong sabihin na si Mommy kahit na walang takot ako nitong sinampal kanina. Ayokong pagbuntunan nito ng galit si Mommy, hindi sa ngayon."Tell me or I
May pagtitimpi kong pinunasan ang gilid ng labi ko. Ayaw ko sanang magalit sa araw na ito pero kung ganito ang salubong sa akin, tapos ang pasensya ko."Napakawalang kwenta mong anak! Sana hindi ka na lang nabuhay-""Edi sana hindi kayo lumandi sa iba para hindi ako nabuo!" may inis na sagot ko na nagpatigil dito."Sana nga hindi na lang ako nabuhay kung iiwan lang din naman ako na parang pusa ng mga magulang ko," may kalamigang bigkas ko.Kahit masakit sa dibdib na sabihin iyon ay pilit kong pinatatag ang titig ko. Hindi ko makita ang punto na nagbubuhos siya ng sama ng loob gayong ako ang maraming dapat isumbat sa kanya.Naningkit ang tingin niya sa akin," How dare you?" hindi makapaniwalang bigkas niya."Ganyan ba ang ginawa sa'yo ng pera? Sumasagot ng magulang? Bakit? Ganyan ka rin bang pinalaki ni Rosario?"Naikuyom ko ang mga kamao at nagtagis ang aking mga ngipin."Mali oh kayo. Ganito po niyo ako pinalaki," may diing bigkas ko, "Isa pa, huwag po ninyong idamay si Nanay Rosario
Hindi yata matatapos ang araw na ito ay maghahalo ang balat sa tinalupan.Kahit ipilit kong ikalma ang sarili ay nanggigil ako sa tuwing nasusulyapan si Ate Addison.Tumikhim ako at binaklas ang braso ni Aldo mula sa pagkakapulupot sa bewang ko."Let's go Arkan. Let's go swimming. May aayusin pa ang Daddy mo," malamig kong bigkas bago tumayo at pilit inaabot ang kamay ni Arkan na tumayo na rin at humawak sa kamay ko.Ngunit bago pa man ako tuluyang makahakbang paalis sa mesa ay nahawakan na ni Aldo ang palapulsuhan ko. Natigilan ako at nabitiwan ang kamay ni Arkan."Alaric, get my son please," malamig nitong utos sa kapatid.Tahimik na sumunod si Alaric na binuhat si Arkan. Ni hindi man lang nagreklamo ang anak ko.Nanlalaki ang mga mata kong binalingin si Aldo."Aalis din ako, Aldo." Pilit kong binabawi ang kamay ko mula sa kanya ngunit humigpit nang bahagya ang hawak niya."Stay here. We'll leave here together," aniya kung kaya't bahagya akong kumalma.Kaya lang ay pabagsak na hinam