"What do you mean, Mommy? Paanong si Ate Addison iyon?"Litong lito ako at kahit may nabubuong konklusyon sa isip ko ay gusto kong marinig iyon mismo sa bibig ni Mommy.Napapikit ito nang mariin. Pagmulat ng mga mata niya ay punong-puno iyon ng pagsisisi."Sad to say, nag-alaga ako ng anak ng iba habang napabayaan ko ang sarili kong anak," may pagsisising bigkas nito.Umawang ang mga labi ko at naramdaman ang sakit sa dibdib ko. Ilang beses akong kumurap upang hindi tumulo ang luha ko ngunit hindi ako nagwagi. Tahimik na nagpagbasakan ang mga iyon.Imbis kasi na matuwa ako na ako lang pala ang nag-iisang anak niya ay mas nasasaktan ako na nagawa niyang mas piliin ang anak ng iba kaysa sa akin.Agad niyang inabot ang kamay ko matapos makita ang pagbagsak ng mga luha ko."I'm really really really sorry, Mayu. S-orry kung napabayaan ka ni Mommy. H-indi ko naman ginustong mangyari ang lahat ng ito sa'yo kahit pa ako ang pasimuno ng ibang kasakitan mo sa buhay. Ayoko lang na idamay ka ni F
"Nakagagaan pala sa pakiramdam kapag ganito," wala sa loob na bigkas ni Daddy habang kumakain sa hawak niyang ice cream.Napatitig ako sa abocado ice cream na hawak, nasa apa iyon. "Sana pala, noon pa ako nagpaka-ama," dagdag nito.Napayuko ito at ramdam ko ang bigat sa damdamin niya. Napaiwas ako ng tingin at napabuntong hininga."Pwede pa naman po, hindi nga lang ngayon," mahinang bigkas ko. "Maghihintay ako, Anak. Hihintayin ko hanggang sa matanggap mo na ako bilang ama mo. Marami akong pagkukulang pero handa akong bumawi," anitong halos manginig pa ang boses.Napalunok ako. Alam ko namang pareho lang sila ng motibo ni Mommy. Pareho lang naman nila akong gusto ngayon dahil asawa ko na si Aldo pero kahit ganoon, gusto kong isipin na totoo si Daddy.Kung pagbabasehan lang naman ang pagiging magulang, si Daddy ang laging nandiyan at updated sa buhay ko kahit pa hindi ko ito nakakasama sa mga importanteng okasyon sa buhay ko. Na-appreciate ko naman ang mga panahon na nagrerenta siya
"Aldo, tama na nga!" protesta ko matapos nitong hindi tumigil.Ngunit hindi ito nakinig at nagpatuloy lang dahilan upang mapa-halakhak ako. "Tama na kasi! H-indi na ako makahinga, kakain pa ako." Napanguso ako at hinawakan na ang dalawang kamay niya ngunit mahina lang siyang tumawa mula sa likod ko."Ang bad mo ah! Bahala ka kapag na-dislocate si baby," pagbabanta ko.Sandali siyang natigilan at lumipat sa harap ko, "What? Is there a thing called dislocation in pregnancy?"Nangunot ang noo niya at tila ba litong-lito. Kusa akong nangisi at kumibit balikat."Meron na ngayon—""You're bluffing," aniyang lumalapit na naman at pinupuntirya ang tagiliran ko."Aldo nga!" Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tanging ngisi ang sinagot niya sa akin."Gutom ako. Kung sanang pinakain mo ako kagabi, wala sana ngayon tayo sa kusina kahit madaling araw pa.""You could have stopped me from making love to you earlier in the night. Hindi mo sana ako pinapagalitan ngayon. I am just being a professional l
Walang tigil ang kaba ko sa takot na baka may balak na naman itong masama. Ni hindi ko nga namalayan na na-dial ko ang numero ni Addison. Huli na at hindi ko na ma-end call matapos marinig ang maarte niyang boses. Nawala tuloy kay Stella ang atensyon ko at nalipat sa cellphone."Now, you called me. What, Cheap Bitch?" anitong tingin ko ay umiirap pa sa kabilang linya.Napairap din tuloy ako, "Napindot lang. As if namang tatawagan kita. Bye—""Wait! Don't hang up yet!" pigil nito dahilan upang hindi ko pindutin ang end call."What, Maarteng Bitch?" pagtataray ko.Dinig kong umismid ito ngunit tumikhim din."I'm sorry."Nangunot ang noo ko at tila nabingi. Tama ba ang narinig ko?"Ano?""Ang sabi ko, I'm sorry!" malakas nitong sigaw na kinangiwi ko at nagpasakit sa tainga ko, "I'm sorry nga pero kung ayaw mo, then don't!"Napailing ako. Paano ko naman tatanggapin ang sorry na ganito?"Not forgiven—""Who cares? Nag-sorry lang naman ako dahil ayokong iwan kami ulit ni Mommy. Tss," aniya
Aldo Hendrix CastellanosI still clearly remember Mayu, whom I saw at the party's garden. Honestly, the first time I saw her, I was sure she was definitely not my type. Glancing at her gown, I knew then she would be one of the candidates. Kaya naman ako na mismo ang naghanap kay Addison upang ibigay ang kahon na patago ko pang kinuha kay Lolo.Hindi ko rin naman gusto ang plano nito at wala sa isip ko ang magpakasal. And who would be happy in an arranged marriage? No one. And so, as much as I could, I tried my best to give the box to the person I somehow liked. I didn't know and I was unaware that fate played me so very well. Wala rin akong plano sa unang gabi kun'di ang takutin siya ngunit mukhang may mas plano ang tadhana sa aming dalawa at hinayaan na may mangyari at maulol ako sa kanya.Oras-oras kong pinapagalitan ang sarili dahil doon. At halos murahin ko ang sarili matapos hindi makuntento sa isang gabi na halos gabi-gabi na lang itong nasa isip ko at pilit ginugulo ang sistem
"Hindi na ako masaya, Mateo! Gusto kong bumalik na sa asawa ko!"Madiin kong tinakpan ang mga tainga sa sigaw ni Nanay."Sa tingin mo ba natutuwa pa ako sa ganitong sitwasyon, Yura?! Hindi!"Mas nagsumiksik ako sa sulok ng pader sa sigaw ni Tatay. Heto at mag-a-away na naman sila. Dumadagundong sa kaba ang puso ko at hindi mapigilan ang panginginig ng mga labi.Sa tuwing nangyayari ito ay tila ako kinakapusan ng hininga ngunit umaasa pa ring magiging maayos sila."Dear God, please, bind my parents with love and no hatred. Gusto ko po na buo kami at hindi magkahiwa-hiwalay, Papa G," mahinang usal ko bago pumikit.Ngunit namulat rin ako sa malakas na paghampas ni Tatay sa mesa. Mas lalo pa akong sumiksik sa pader dahil doon. Hindi mapigilang umalpas ang mahihinang hikbi sa aking mga labi sa kaba at takot na nararamdaman."Bakit kasi binuhay mo pa it
"Mayu, babae ka! Bakit ka nand'yan? Umuwi ka na nga! Kapag nalaman ng Nanay mo na pumunta ka diyan sa engagement chuchu na 'yan, pagagalitan ka!" si Alice mula sa kabilang linya.Kusang umikot ang mga mata ko paitaas sa sinabi nito. Hindi na naman nito mapigilan ang sariling bibig."Hindi ko pwedeng suwayin si Tatay-""Ano'ng Tatay? Gaga ka! Gagamitin ka lang niyan! Alam mo namang pabagsak na ang negosyo ng Tatay mo! Tapos ano? Ikaw ang ibebenta diyan sa matandang bilyonaryo-""Shut up, Lice. Wala namang masama na dumalo . Isa pa, hindi ako qualified na maging fiancée," humina pa ang boses ko sa dulo.Nanikip ang dibdib ko at mas piniga iyon matapos marinig ang buntonghininga niya sa kabilang linya.Sinong lalaki ba ang gugustuhing mapangasawa ang babaeng anak sa labas ng parehong magulang? Wala."Hindi mo naman kailangang ipagsiksikan ang sarili mo
Tila binibiyak ang ulo ko nang marahang magmulat. Idagdag pang puro puti ang nasa paligid. Mas lalo yata akong nahilo na hindi makaaninag ng kahit anong kulay."She's awake. I'll go, just don't let anyone find out that I brought her here."Nagpantig yata ang mga tainga ko sa narinig at napabalikwas ng bangon. Namilog ang mga mata at tinanaw ang bultong kalalabas lang sa pinto. Marahan pang naglapat ang pinto dahilan upang hindi ko tuluyang makilala ang lalaki.Mas lalong nanlaki ang mga mata ko at nayakap ang sarili. Umawang pa ang mga labi nang makapa kung gaano kakapal ang puting kumot na bumabalot sa katawan ko.Kumabog nang mabilis ang puso ko at nahintakutan sa naiisip na maaaring nangyari sa akin. Ni wala akong maalala sa kung paano ako napunta sa ganitong lugar. Hindi ko nga sigurado kung hotel o mental ito! Puro puti lang ang nakikita ko!Ano ba'ng ginawa mo kagabi sa engagemen
Aldo Hendrix CastellanosI still clearly remember Mayu, whom I saw at the party's garden. Honestly, the first time I saw her, I was sure she was definitely not my type. Glancing at her gown, I knew then she would be one of the candidates. Kaya naman ako na mismo ang naghanap kay Addison upang ibigay ang kahon na patago ko pang kinuha kay Lolo.Hindi ko rin naman gusto ang plano nito at wala sa isip ko ang magpakasal. And who would be happy in an arranged marriage? No one. And so, as much as I could, I tried my best to give the box to the person I somehow liked. I didn't know and I was unaware that fate played me so very well. Wala rin akong plano sa unang gabi kun'di ang takutin siya ngunit mukhang may mas plano ang tadhana sa aming dalawa at hinayaan na may mangyari at maulol ako sa kanya.Oras-oras kong pinapagalitan ang sarili dahil doon. At halos murahin ko ang sarili matapos hindi makuntento sa isang gabi na halos gabi-gabi na lang itong nasa isip ko at pilit ginugulo ang sistem
Walang tigil ang kaba ko sa takot na baka may balak na naman itong masama. Ni hindi ko nga namalayan na na-dial ko ang numero ni Addison. Huli na at hindi ko na ma-end call matapos marinig ang maarte niyang boses. Nawala tuloy kay Stella ang atensyon ko at nalipat sa cellphone."Now, you called me. What, Cheap Bitch?" anitong tingin ko ay umiirap pa sa kabilang linya.Napairap din tuloy ako, "Napindot lang. As if namang tatawagan kita. Bye—""Wait! Don't hang up yet!" pigil nito dahilan upang hindi ko pindutin ang end call."What, Maarteng Bitch?" pagtataray ko.Dinig kong umismid ito ngunit tumikhim din."I'm sorry."Nangunot ang noo ko at tila nabingi. Tama ba ang narinig ko?"Ano?""Ang sabi ko, I'm sorry!" malakas nitong sigaw na kinangiwi ko at nagpasakit sa tainga ko, "I'm sorry nga pero kung ayaw mo, then don't!"Napailing ako. Paano ko naman tatanggapin ang sorry na ganito?"Not forgiven—""Who cares? Nag-sorry lang naman ako dahil ayokong iwan kami ulit ni Mommy. Tss," aniya
"Aldo, tama na nga!" protesta ko matapos nitong hindi tumigil.Ngunit hindi ito nakinig at nagpatuloy lang dahilan upang mapa-halakhak ako. "Tama na kasi! H-indi na ako makahinga, kakain pa ako." Napanguso ako at hinawakan na ang dalawang kamay niya ngunit mahina lang siyang tumawa mula sa likod ko."Ang bad mo ah! Bahala ka kapag na-dislocate si baby," pagbabanta ko.Sandali siyang natigilan at lumipat sa harap ko, "What? Is there a thing called dislocation in pregnancy?"Nangunot ang noo niya at tila ba litong-lito. Kusa akong nangisi at kumibit balikat."Meron na ngayon—""You're bluffing," aniyang lumalapit na naman at pinupuntirya ang tagiliran ko."Aldo nga!" Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tanging ngisi ang sinagot niya sa akin."Gutom ako. Kung sanang pinakain mo ako kagabi, wala sana ngayon tayo sa kusina kahit madaling araw pa.""You could have stopped me from making love to you earlier in the night. Hindi mo sana ako pinapagalitan ngayon. I am just being a professional l
"Nakagagaan pala sa pakiramdam kapag ganito," wala sa loob na bigkas ni Daddy habang kumakain sa hawak niyang ice cream.Napatitig ako sa abocado ice cream na hawak, nasa apa iyon. "Sana pala, noon pa ako nagpaka-ama," dagdag nito.Napayuko ito at ramdam ko ang bigat sa damdamin niya. Napaiwas ako ng tingin at napabuntong hininga."Pwede pa naman po, hindi nga lang ngayon," mahinang bigkas ko. "Maghihintay ako, Anak. Hihintayin ko hanggang sa matanggap mo na ako bilang ama mo. Marami akong pagkukulang pero handa akong bumawi," anitong halos manginig pa ang boses.Napalunok ako. Alam ko namang pareho lang sila ng motibo ni Mommy. Pareho lang naman nila akong gusto ngayon dahil asawa ko na si Aldo pero kahit ganoon, gusto kong isipin na totoo si Daddy.Kung pagbabasehan lang naman ang pagiging magulang, si Daddy ang laging nandiyan at updated sa buhay ko kahit pa hindi ko ito nakakasama sa mga importanteng okasyon sa buhay ko. Na-appreciate ko naman ang mga panahon na nagrerenta siya
"What do you mean, Mommy? Paanong si Ate Addison iyon?"Litong lito ako at kahit may nabubuong konklusyon sa isip ko ay gusto kong marinig iyon mismo sa bibig ni Mommy.Napapikit ito nang mariin. Pagmulat ng mga mata niya ay punong-puno iyon ng pagsisisi."Sad to say, nag-alaga ako ng anak ng iba habang napabayaan ko ang sarili kong anak," may pagsisising bigkas nito.Umawang ang mga labi ko at naramdaman ang sakit sa dibdib ko. Ilang beses akong kumurap upang hindi tumulo ang luha ko ngunit hindi ako nagwagi. Tahimik na nagpagbasakan ang mga iyon.Imbis kasi na matuwa ako na ako lang pala ang nag-iisang anak niya ay mas nasasaktan ako na nagawa niyang mas piliin ang anak ng iba kaysa sa akin.Agad niyang inabot ang kamay ko matapos makita ang pagbagsak ng mga luha ko."I'm really really really sorry, Mayu. S-orry kung napabayaan ka ni Mommy. H-indi ko naman ginustong mangyari ang lahat ng ito sa'yo kahit pa ako ang pasimuno ng ibang kasakitan mo sa buhay. Ayoko lang na idamay ka ni F
Hindi ko alam kung desido talaga si Aldo sa pangingibang bansa namin pero mas desido akong makausap ulit si Mommy. Ang tagal kong hinintay ang reply niya. Akala ko nga ay tatanggi ito ngunit um-oo naman.Ilang beses akong binalaan ni Aldo na huwag lumabas ng bahay, kaso mas nananaig ang kagustuhan kong maliwanagan kay Mommy. Ang problema ko na lang ay kung saan iiwan si Arkan. Ayoko isama dahil baka mamaya may panganib nga sa paligid."Mama, bakit mo po ako iiwan kay Tita Alice?" may himig pagdududang tanong ni Arkan.Napataas ang kilay ko at patay malisyang hinawakan ang kamay niya."May bibilhin lang ako, Baby. Babalik din ako agad.""Ng hindi ako kasama, Mama? Does Daddy know about this?" mala-imbestigador ang tono nito.Napaubo ako bago tumawa nang alanganin."Of course, Baby. Always updated si Daddy mo," pagsisinungaling ko."Really, Mama? Then why are you leaving me here? Or maybe, we should call Daddy and ask him to take me here."Bahagyang namilog ang mga mata ko. Pagkaraan ay
"Leave the country? Pero ayaw kong umalis, Aldo." Iyon agad ang bungad ko pagkapasok namin sa loob bahay.Ayoko talagang umalis. Hindi ngayon na ganito ang nangyayari. Gusto ko pang makausap nang masinsinan si Mommy. Bigla, gusto kong idiskubre at alamin ang sinabi nitong first love niya si Daddy."I don't doubt if we can really have a peaceful life here after everything. I don't want to risk your pregnancy—what's that?"Natigilan ito at natutok ang tingin sa gilid ng labi ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at agad iyong tinakpan. Balak ko na ngang umatras ngunit agad nitong nahawakan ang siko ko. Paglingon ko sa kanya ay malamig na ang tingin niya at marahang tinanggal ang kamay ko ns nakatakip sa aking labi."Did she do that to you?" his cold voice sent nervousness to my heart.Nahigit ko ang hininga at natakot magsalita. Natatakot akong sabihin na si Mommy kahit na walang takot ako nitong sinampal kanina. Ayokong pagbuntunan nito ng galit si Mommy, hindi sa ngayon."Tell me or I
May pagtitimpi kong pinunasan ang gilid ng labi ko. Ayaw ko sanang magalit sa araw na ito pero kung ganito ang salubong sa akin, tapos ang pasensya ko."Napakawalang kwenta mong anak! Sana hindi ka na lang nabuhay-""Edi sana hindi kayo lumandi sa iba para hindi ako nabuo!" may inis na sagot ko na nagpatigil dito."Sana nga hindi na lang ako nabuhay kung iiwan lang din naman ako na parang pusa ng mga magulang ko," may kalamigang bigkas ko.Kahit masakit sa dibdib na sabihin iyon ay pilit kong pinatatag ang titig ko. Hindi ko makita ang punto na nagbubuhos siya ng sama ng loob gayong ako ang maraming dapat isumbat sa kanya.Naningkit ang tingin niya sa akin," How dare you?" hindi makapaniwalang bigkas niya."Ganyan ba ang ginawa sa'yo ng pera? Sumasagot ng magulang? Bakit? Ganyan ka rin bang pinalaki ni Rosario?"Naikuyom ko ang mga kamao at nagtagis ang aking mga ngipin."Mali oh kayo. Ganito po niyo ako pinalaki," may diing bigkas ko, "Isa pa, huwag po ninyong idamay si Nanay Rosario
Hindi yata matatapos ang araw na ito ay maghahalo ang balat sa tinalupan.Kahit ipilit kong ikalma ang sarili ay nanggigil ako sa tuwing nasusulyapan si Ate Addison.Tumikhim ako at binaklas ang braso ni Aldo mula sa pagkakapulupot sa bewang ko."Let's go Arkan. Let's go swimming. May aayusin pa ang Daddy mo," malamig kong bigkas bago tumayo at pilit inaabot ang kamay ni Arkan na tumayo na rin at humawak sa kamay ko.Ngunit bago pa man ako tuluyang makahakbang paalis sa mesa ay nahawakan na ni Aldo ang palapulsuhan ko. Natigilan ako at nabitiwan ang kamay ni Arkan."Alaric, get my son please," malamig nitong utos sa kapatid.Tahimik na sumunod si Alaric na binuhat si Arkan. Ni hindi man lang nagreklamo ang anak ko.Nanlalaki ang mga mata kong binalingin si Aldo."Aalis din ako, Aldo." Pilit kong binabawi ang kamay ko mula sa kanya ngunit humigpit nang bahagya ang hawak niya."Stay here. We'll leave here together," aniya kung kaya't bahagya akong kumalma.Kaya lang ay pabagsak na hinam