Tila binibiyak ang ulo ko nang marahang magmulat. Idagdag pang puro puti ang nasa paligid. Mas lalo yata akong nahilo na hindi makaaninag ng kahit anong kulay.
"She's awake. I'll go, just don't let anyone find out that I brought her here."
Nagpantig yata ang mga tainga ko sa narinig at napabalikwas ng bangon. Namilog ang mga mata at tinanaw ang bultong kalalabas lang sa pinto. Marahan pang naglapat ang pinto dahilan upang hindi ko tuluyang makilala ang lalaki.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko at nayakap ang sarili. Umawang pa ang mga labi nang makapa kung gaano kakapal ang puting kumot na bumabalot sa katawan ko.
Kumabog nang mabilis ang puso ko at nahintakutan sa naiisip na maaaring nangyari sa akin. Ni wala akong maalala sa kung paano ako napunta sa ganitong lugar. Hindi ko nga sigurado kung hotel o mental ito! Puro puti lang ang nakikita ko!
Ano ba'ng ginawa mo kagabi sa engagement, Mayu?!
Naipikit ko nang mariin ang mga mata at pilit inalala ang nangyari sa party. Ngunit walang ibang pumapasok sa isipan ko kun'di ang maliit na kahon na walang laman. Pagkatapos ay wala na akong maalala, basta na lang nandilim ang paningin ko.
Sinubukan ko muling isipin kung nagawa ko bang umuwi o lumabas man lang sa venue ngunit wala! Ang huling alaala ko lang talaga ay ang maliit na kahon na walang laman.
Walang laman!
Kusang namilog ang mga mata ko at bibig. Kusa ring dumaloy sa isipan ko ang boses ng matanda.
"The one whose box is empty will be my grandson's fiancée!"
"Shit! I'm the freaking fiancée!" may kalakasang sigaw ko.
"I'm the fiancée! Dear Lord! Ang aga naman ng regalo mo!" Nag-flying kiss pa ako sa kawalan at napawagayway ng mga kamay.
Gumuhit ang malawak na ngiti sa aking labi at mahinhing sinikop ang buhok ko sa likod ng aking tainga. Hindi ko mapigilan ang kiligin na sa wakas, pupwede ng mapalitan ang apelyido ko. Na sa wakas, pwede na akong matanggap ng mga magulang ko!
Ngunit kusa ring naglaho ang ngiti ko matapos maalalang isang Aldo Hendrix ang fiancé ko.
Kung tama ang kalkula ko ay ito rin ang lalaking gustong humabol sa akin. Ang lalaking walang gusot sa katawan, at ang lalaking may dalawang kulay ang mga mata.
Napalunok ako matapos maalala kung gaano katapang at kalakas tingnan ang mga mata nito. Pakiramdam ko ay maaga akong mawawala kung papayag ako sa kasal. Parang isang tingin pa lang niya ay tutumba ka na.
Tutumba sa sarap! Rawr!
Napalabi ako at halos sampalin ang sarili sa kahibangan. Ano'ng sarap? Mistula nga iyong halimaw na handang kunin ang iyong buhay. Kung hindi ko lang alam na tao ang lalaki ay iisipin kong galing ito sa ibang planeta.
"Paano ka na, Mayu?!" inis kong asik sa sarili.
Umiling ako ng ilang beses at ningudngod ang sarili sa malambot na kumot na siyang kinamulat ng mga mata ko.
Paano nga pala ako magpapakasal gayong nandito ako sa hindi malamang lugar?! Idagdag pang nasa kwarto ako kung saan kanina lang ay may nanggaling na lalaki?!
Napakurap ako at napatulala.
Mababaliw na yata ako sa dami ng isipin. Pilit pang sumasagi sa isipan ko na baka may nangyari.
Shit, Mayu!
Pikit-mata kong tinaas ang kumot upang silipin kung buo pa ba ako. Nanginginig ang mga kamay ko at nag-uunahan ang mga alaga kong daga sa d****b. Nagtutulakan pa yata at ayaw nang tigilan sa pagkabog ang d****b ko.
Kagat ang labi habang pikit-mata ko pa ring kinapa ang sarili. Nangunot pa ang noo ko matapos maramdaman ang malabot at makinis na tela. Parang binabad sa fabric conditioner ng sampong beses!
Marahan kong minulat ang isang mata at marahang inalis ang kumot. Tuluyan akong napamulagat at nakahinga nang maluwag.
"You're so blessed, Mayu! Buo ka pa! Buo ka pa-"
Natigil ako matapos marinig ang pagpihit ng doorknob. Kasunod doon ay ang tuluyang pagbukas ng pinto at pagluwa niyon sa lalaking kanina lamang ay laman ng isip ko. Ngunit ngayon ay buhay na buhay at preskong presko na sa suot na khaki short at puting long-sleeve na tinupi hanggang siko. Maging ang buhok ay halatadong bagong ligo at mamasa-masa ang bagsak ng ilang hibla sa noo niya.
Napatitig pa ako sa tatlong bukas na butones ng long-sleeve niya. Tila nang-aakit at hinahalina ang sino man na tititig sa d****b niyang may iilang balahibo.
"You are not panicking that you were kidnapped huh?" Tumalim ang mga mata nitong magka-iba ang kulay na siyang nagpapakaba pa sa akin lalo.
Ang lalim ng berde nitong mata ay halos sumabay sa maulap nitong pilak na mata. Hindi ko alam kung saan itututok ang tingin ko. Kung sa berde ba, o sa kulay mala-pilak na mata
"Speechless?" he asked, then smirked.
Bahagyang tumikwas ang kilay niya bago namulsa ang kamay sa khaki short at lumakad palapit.
Mabilis kong nayakap ang sarili at napahakbang paatras kahit pa hindi sigurado kung may hahakbangan pa ba ako sa kama.
"Afraid? Why are you feeling scared now if you intentionally stole Addison's ring box? Aren't you happy that I'll be your fiancé?" mas lalong tumalim ang mga tingin niya at kulang na lang ay magliyab.
Napakurap ako at hindi na makalma ang puso ko. Idagdag pang nanlalamig ang kalamnan ko sa takot. Ni hindi na pumapasok sa isipan ko ang sinasabi nitong kahon na kinuha ko. Sa pagkaka-alala ko ay wala akong ninakaw na kahon!
"Stop moving. Why don't we just enjoy this mess you made?" hamon niya at lumapit pa sa kama.
Napalunok ako at kusang pumasok sa isipan ang sinasabi nitong enjoyment. Ibig niya bang sabihin ay gagawin namin iyon?
Nangatal ang dila ko at isa pang paghakbang ay tuluyan na akong napasigaw.
"Halimaw!" Iniunat ko ang kamay ko upang hilahin niya ako at hindi tuluyang mahulog ngunit wala siyang ginawa kun'di titigan akong nahuhulog sa sahig.
Mahina pa akong suminghot sa sakit ng balakang ko at binti pagkabagsak. Hindi naman sobra kaya lang ay nabigla yata. Minasahe ko pa ang binti ko bago siya liningon at sinamaan ng tingin.
"Bwisit ka, Kurimaw!" Umirap ako at sinubukang tumayo.
Wala siyang ginawa kun'di ikunot ang noo at naiinip akong pinagmamasdan habang nahihirapang tumayo.
"Addison is far better than you. You're a bit immature. I don't really know how you did it, but you stole the box from her hands-"
"Excuse me?" Tinaasan ko siya ng kilay na kanyang ikinangisi.
Ang sakit na nga sa puso na mas magaling si Ate Addison sa akin ay mas masakit pa sa pagkatao na tawagin akong magnanakaw. Hindi ko alam ngunit ang bigat sa damdamin na ikinukumpara ako kay Ate Addison. Sa Ate ko na buo ang pamilya at may magulang sa tabi niya.
Ano ba'ng laban ko sa babaeng una pa lang ay nagwagi na sa sariling pamilya?
Napangiti ako nang mapait ngunit mabilis ding tinago at ayaw na mapansin pa niya iyon. Baka sabihin niya ay nagpapa-awa ako.
"I don't mind really. It's just that, she looks much sexier than you. Maybe she's way better in bed too compared to you," litanya pa nito.
Napamaang ako at tila sinusubukan yata nito ang pasensya ko. Nanitig pa at hindi hiniwalay sa akin ang mga mata niyang magka-iba.
Para ako nitong nililitis sa klase ng tingin niya. Ginigisa sa mainit na kalan. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit ang daming babaeng nagkukumahog na maging asawa niya samantalang hindi naman kagandahan ang ugali niya.
"I see. Aside from you came from a different blood. I think I am also unblessed, since you are both back. A wall standing-"
"Aba't! Ibig mo bang sabihin ay flat chested ako?!" naiinis kong tanong. Niyakap ko pa ang sarili ko.
Meron naman!
"What else do you expect? Pinagpala? If that is the right term. But sorry, I don't see any, and I might not feel any."
Kita ko ang pag-ingos niya at pag-iling bago tumalikod. Iiwan na yata ako at hindi balak na pakawalan. Sa lahat ng abductor, siya 'tong mapanglait!
Akala ba niya blessing in disguise din siya? Ano ba'ng mali sa pagkatao ko at naiisip niyang hindi ako blessing sa kanya? Lahat na lang yata ng mga lalapit sa akin ay karma ang tingin sa pagkatao ko.
At ayaw ko na ulit na maiiwan na naman ako. Hindi na 'yon makatarungan. Ako ang napili, at tingin ko ay dapat ko iyong ipaglaban.
"Sandali." Pigil ko sa akma niyang paghakbang papunta sa pinto.
Balak yata talaga akong iwanan!
Tumigil ito at bahagya akong nilingon mula sa likod. Tumikwas pa ang kilay niya bago nagsalita. Nangunguna na naman ang mga mata niyang nakakatakot.
"What? Speak. I have no time for sweet chit-chat. Spill it before I send you out and let you live in the nearest island," sa malamig niyang boses.
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tinakbo ang distansya sa pagitan naming dalawa.
Ganoon niya kaayaw makasal at kaya niya akong ipatapon?!
"Sandali lang naman!" Hinigit ko pa ang braso niya na kinatalim lalo ng kanyang tingin, "Madali naman akong kausap. Kung ayaw mo pang magpakasal, okay lang naman sa aking maging sigle pa-"
"For you? Yes. But for my grandfather? Everything needs to be settled before this day ends. So it's better to throw you somewhere he can't find you."
Akmang tatalikod na siya ngunit humarang ako sa harap niya. Gusto kong magprotesta pa ngunit napangunahan ng takot matapos tumitig ang mga mata niya.
Hindi na yata mawawala ang kaba ko sa tuwing titingin ang mga mata niya!
"Pwede naman nating subukan. Baka mag-work-out," pilit ko pa.
"O kaya naman, pwede namang one year lang tapos divorce na tayo," dagdag ko pa.
Sinubukan kong lumapit ngunit halos magdikit na ang mga kilay niya kaya naman tumigil ako at nakagat ang sariling dila.
"It's a no, Darling," tukoy nito sa kasal, "You don't even look appetizing-"
"I'm good in bed too!" Halos mapapikit ako matapos maisigaw iyon.
Umaalpas ang kagustuhan kong manatiling fiancée niya kahit na wala akong alam sa kama. Baka lang naman kapag ako na ang fiancee niya ay magkumahog na si Nanay at Tatay na akuin ako. Na, bigyan ako ng kumpletong pamilya.
Natahimik siya at pinasadahan pa ako lalo ng tingin at tila hindi naniniwala. Tinatagan ko ang loob ko at desidido na sa naiisip na plano. Puwede pa naman sigurong magbago ang isip niya.
Huminga ako nang malalim bago naglumikot ng tingin. Ano ba'ng pampalakas ng loob ang pwede?
"Uhm, bigyan mo lang ako ng brandy, o kaya whisky. Basta alak, iyong tipong lasing ako. Sige na, para naman mapatunayan ko sa'yo!" Lakas loob pa akong nag-angat ng tingin at tumitig na naman sa mga mata niyang natatakluban ng init.
Kita kong kumibot ang labi niya at nagpipigil yatang mangiti o matawa. Ngunit kumilos din siya at tumungo sa isang kabinet. Naglabas ng alak na hindi pamilyar sa akin. Basta kulay brown. Ang swabe niya pang tingnan habang bitbit 'yon sa maugat niyang mga kamay.
"This is 70 percent alcohol content whis-"
Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya at basta na lang inagaw ang alak sa kanya. Binuksan at walang sinayang na oras upang lumagok mula sa bote. Halos mapaiyak pa ako sa pait at init niyon sa lalamunan ko.
Pagkatapos nito ay hindi na ako iinom pa ng alak!
Binaba ko iyon sa lapag nang hindi na ako halos makalunok. Pinunasan ko pa ang tumulo sa gilid ng labi ko bago siya nilingon na nagsasalubong ang kilay. Nagdidilim ang kanyang tingin at umiigting ang panga.
"I surely don't want a drunken wife," deklara niya.
Kita ko ang pag-iling nito at pag-ingos, "Much more, a crazy wife. You are not qualified, Miss."
Ngunit hindi na ako tinatablan ng kahit anong tapang niya. Nahihilo man at binabalot ng pagkauhaw ay sa kanya lang ang buong atensyon ko.
"But you want a satisfying wife, Aldo. And here I am." Ngumisi pa ako bago lumapit sa kanya.
Isang beses siyang napaatras ngunit sa pangalawa ay hindi ko na pinagbigyan. Kusa kong hinatak ang batok niya at agad na hinalikan nang malalim ang awang niyang mga labi. Hindi hinayaan ang kahit na ano mang hangin na dumaan sa pagitan naming dalawa.
|Y_S|
Hindi ko maramdaman ang paggalaw ng mga labi niya kaya naman mas pinalalim ko ang halik sa ritmong ako lang ang may alam. Marahan ko pang hinatak ang suot niyang long-sleeve hanggang sa siya na mismo ang tuluyang humapit sa bewang ko at magpalalim ng halik.Gustong kong mapangisi sa ginawa niya ngunit hindi ko magawa. Gusto ko siyang kantiyawan at asarin ngunit mukhang ako na ang kanyang natatangay.Ramdam ko ang mahigpit at mas paghapit niya sa aking katawan. Tila hindi ako nito balak na pakawalan. Lihim akong napangiti at marahang lumayo. Kinagat nang bahagya ang ibabang labi niya na kanyang ikinaungol.Sinubukan ko muling ibalik ang tapang at lakas ng loob."If I satisfy you, you'll accept me as your fiancée. Deal?" I whispered and looked at him with lust.Rinig ko ang mahinang pagtutol niya ngunit siya rin mismo ang kumabig sa batok ko at humalik nang malalim. Ramdam ko pa ang dila niyang pilit nagsusumiksik sa mga labi ko. Tila hindi ti
"Are you really gonna throw me away?" hindi makapaniwalang tanong ko habang tinatanaw ang chopper sa harapan."Guess what? I have decided." Ngumisi siya at marahang hinaklit ang braso ko makalapit lang sa chopper."Sandali lang, Aldo! Hayaan mo muna akong magpaalam sa Nanay Rosario ko! Isa pa nasarapan ka naman kaya-"Napatigil ako matapos niyang tumigil at salubungin ng berde at pilak niyang mga mata ang tingin ko. Ni hindi rin umangat ang gilid ng kanyang labi na siyang nakapagbigay ng kilabot sa akin."Uh, baka lang naman may palugit pa ng ilang araw bago mo ako ipatapon sa isla. Hindi pa nga ako nakakapagtrabaho-""That's the point. That's why I'll keep you." Humakbang siya muli habang tangay ako."What do you mean?!" may kalakasang sigaw ko upang marinig niya at hindi matalo sa ingay ng chopper.Pilit ko ring sinikop nang mabuti ang suot na bestidang
Nanatili akong nakayuko at kumukuyom ang kamao.Tell them I'm your freaking fiancée, Aldo!Gusto kong isigaw iyon ngunit nanatili lamang sa isipan ko. Hinihintay kung ano ang sasabihin niya."She's what?" ani muli ng ginang, inip na sa sasabihin ni Aldo.Gusto kong unahang magsalita si Aldo ngunit tingnan pa lamang ang mga mata niya, tumtiklop na ang dila ko."She's Mayu..."Nahigit ko ang hininga at nakagat ang ibabang labi sa lambing ng boses niya kumpara kanina na nakakikilabot. Handa na nga akong ngumiti sa lahat dahil pakiramdam ko maayos ang sasabihin niya."She's my secretary," sa malamig na niyang boses muli.Tila ako pinagbagsakan ng langit at lupa. Maayos nga ang pakilala ngunit sa inasahan ko. Ang akala ko ay sasabihin niyang fiancée niya ako. Umasa akong nag-iba na ang desisyon niya ngunit hindi.
Ilang beses na hindi ako pinatulog noong sinabi niyang, he would drag me onto his bed. Hindi ko alam kung bakit naging ganoon ang isip niya at hindi ko na balak pang seryosohin iyon lalo pa't masama ang pakiramdam ko."Dito, kailangan nila ng sekretarya." Tinuro ni Alice ang pangalan ng kumpanya mula sa diyaryo.Naningkit ang mga mata ko at tumango na lamang ngunit ang pakiramdam ko ay namimigat at umiikot ang aking paligid.Sinubukan ko pang hilutin ang sentido ko, nagbabakasakaling mawala ang pagkahilo."Nangyari sa'yo? Naumutla ka, Mayu." Napatayo ito at agad pa akong nilapitan sa mesa."Uhm, nasusuka ako, Alice. Kanina pang madaling araw-" Napatakip ako ng bibig matapos maramdaman ang pagsusuka."Huh? Food poison ba?"Hindi ko na siya sinagot at basta na lang dumiretso sa lababo. Dinuwal ang puro laway lang naman.Nanlalamig ang pakiramdam ko at halos mamawis nang malamig ang aking noo."Nay Rosario, si Mayu na food
"Aldo, this is not good. This is inappropriate." Sinubukan ko siyang muling itulak ngunit hinuli lamang niya ang aking mga labi."Shh. They might hear you," he warned me in between his kisses.Wala sa loob na napaungol ako matapos maramdaman ang paglalakbay ng halik niya sa aking panga patungo sa aking leeg."Hush, Sweetie," He reminded, and that made me bite my lips harshly when I felt his hand caress my thigh."Mayu! Let's talk!"Napamulat ako muli sa boses ni Ate Stella. Nataranta nang marinig ang pagpasok nito sa banyo. Muli ko pang sinubukang itulak si Aldo ngunit naipirmi lamang ako nito sa pader at muling inatake ang aking mga labi. Nahagip pa ng tingin ko ang braso niyang sumandig sa pader mahalikan lamang ako nang mas malalim.He sipped my tongue and that made me fist his hair, wanting more of it."Mayu! Hindi ako nakikipagbiruan!" mas malakas na sigaw ni Ate Stella.Ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin. Ma
"Work, Sweetie. I'm waiting," basa ko sa text nito.Napailing ako at napairap. Kahit unknown number ang nag-text ay malinaw pa sa distilled water kung kanino iyon galing. Hindi naman ako magtataka na nakuha ni Aldo ang numero ko. Lahat naman yata kaya niyang paikutin sa palad niya. Ngunit hindi ako.Napangisi ako matapos isang linggo na itong hindi nakakahirit. Araw-araw pa ang text niya at pag-aabang sa aking lumabas sa elevator ngunit dinededma ko. Seryoso ako nang sabihin kong huli na iyon, depende na lang kung maghimala.Singsing muna sa daliri ko bago ulit bumigay sa kanya. Hindi naman pwedeng nakikinabang ito sa katawan ng libre habang ako ay hindi pa rin tanggap ng mga magulang ko. Kung may pagkakataon nga lang na puntahan ang matandang Castellanos ay ginawa ko na. Baka kung ito na ang mag-alok ng kasal ay susunggaban ko rin.Napatigil ako sa harap ng elevator matapos maramdaman ang pag-vibrate ng hawak kong cellphone. Tumaas pa ang kilay ko nang b
Napapangisi ako matapos maalala ang nangyari kahapon. Idagdag pa ang pawis na pawis na istura ni Aldo nang iabot niya ang pritong lumpiang toge.Ni hindi man nga lang ako napatalon sa nakamamatay niyang tingin. Gustong-gusto ko pa ngang pagmasdan ang galit sa magkaiba niyang mga mata.Paulit-ulit sa isipan ko ang reaksyon niyang galit at nakasimangot na siyang kinatutuwa ko. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit na-a-addict ako ngayon sa ganoon niyang reaksyon kumpara dati na halos ikalabas iyon ng puso ko sa takot.Nakagat ko ang labi matapos lumitaw sa isipan ko ang pawis at hubad na katawan ni Aldo habang siya ay galit na galit.Napanguso ako sa kiliting naramdaman sa tiyan. Huminga nang malalim bago mabilis na hinablot ang shoulder bag at nagmadaling lumabas. Agad ko ring pinara ang taxing paparating at agad na sumakay."Mayu! Sabay ako!" si Alice na tumatakbo palapit kaya't pinigilan ko ang driver sa akmang pagmamaneho."Bilisan mo,
"Take it easy, Aldo." Lumayo ako at sumiksik sa bintana.Dinig ko ang marahas niyang buntong hininga ngunit hindi ko siya pinansin. Tahimik akong kumain ng fried isaw."Why is it so hard to have a conversation with you these days, Mayu?""Huh?" Nilingon ko siya at nasalubong lamang ang kaseryosohan sa magka-ibang kulay ng kanyang mga mata."Maybe because we are not married, Aldo? Tingin mo?" sarkastiko kong bigkas.Natahimik siya at hindi kumibo kaya't mahina akong natawa. Ano pa ba ang aasahan mo sa taong takot sa commitment? Wala."See? Hindi ka na nakakibo. Let's just say that I am not free until you are married to me, Mr. CEO," I mocked as I ate the last stick of fried isaw.Tinapon ko sa basurahan ang plastic cup bago siya hinarap. Hinuli ko ang tingin niya at nginisihan."Hindi ko naman kukunin ang
Aldo Hendrix CastellanosI still clearly remember Mayu, whom I saw at the party's garden. Honestly, the first time I saw her, I was sure she was definitely not my type. Glancing at her gown, I knew then she would be one of the candidates. Kaya naman ako na mismo ang naghanap kay Addison upang ibigay ang kahon na patago ko pang kinuha kay Lolo.Hindi ko rin naman gusto ang plano nito at wala sa isip ko ang magpakasal. And who would be happy in an arranged marriage? No one. And so, as much as I could, I tried my best to give the box to the person I somehow liked. I didn't know and I was unaware that fate played me so very well. Wala rin akong plano sa unang gabi kun'di ang takutin siya ngunit mukhang may mas plano ang tadhana sa aming dalawa at hinayaan na may mangyari at maulol ako sa kanya.Oras-oras kong pinapagalitan ang sarili dahil doon. At halos murahin ko ang sarili matapos hindi makuntento sa isang gabi na halos gabi-gabi na lang itong nasa isip ko at pilit ginugulo ang sistem
Walang tigil ang kaba ko sa takot na baka may balak na naman itong masama. Ni hindi ko nga namalayan na na-dial ko ang numero ni Addison. Huli na at hindi ko na ma-end call matapos marinig ang maarte niyang boses. Nawala tuloy kay Stella ang atensyon ko at nalipat sa cellphone."Now, you called me. What, Cheap Bitch?" anitong tingin ko ay umiirap pa sa kabilang linya.Napairap din tuloy ako, "Napindot lang. As if namang tatawagan kita. Bye—""Wait! Don't hang up yet!" pigil nito dahilan upang hindi ko pindutin ang end call."What, Maarteng Bitch?" pagtataray ko.Dinig kong umismid ito ngunit tumikhim din."I'm sorry."Nangunot ang noo ko at tila nabingi. Tama ba ang narinig ko?"Ano?""Ang sabi ko, I'm sorry!" malakas nitong sigaw na kinangiwi ko at nagpasakit sa tainga ko, "I'm sorry nga pero kung ayaw mo, then don't!"Napailing ako. Paano ko naman tatanggapin ang sorry na ganito?"Not forgiven—""Who cares? Nag-sorry lang naman ako dahil ayokong iwan kami ulit ni Mommy. Tss," aniya
"Aldo, tama na nga!" protesta ko matapos nitong hindi tumigil.Ngunit hindi ito nakinig at nagpatuloy lang dahilan upang mapa-halakhak ako. "Tama na kasi! H-indi na ako makahinga, kakain pa ako." Napanguso ako at hinawakan na ang dalawang kamay niya ngunit mahina lang siyang tumawa mula sa likod ko."Ang bad mo ah! Bahala ka kapag na-dislocate si baby," pagbabanta ko.Sandali siyang natigilan at lumipat sa harap ko, "What? Is there a thing called dislocation in pregnancy?"Nangunot ang noo niya at tila ba litong-lito. Kusa akong nangisi at kumibit balikat."Meron na ngayon—""You're bluffing," aniyang lumalapit na naman at pinupuntirya ang tagiliran ko."Aldo nga!" Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tanging ngisi ang sinagot niya sa akin."Gutom ako. Kung sanang pinakain mo ako kagabi, wala sana ngayon tayo sa kusina kahit madaling araw pa.""You could have stopped me from making love to you earlier in the night. Hindi mo sana ako pinapagalitan ngayon. I am just being a professional l
"Nakagagaan pala sa pakiramdam kapag ganito," wala sa loob na bigkas ni Daddy habang kumakain sa hawak niyang ice cream.Napatitig ako sa abocado ice cream na hawak, nasa apa iyon. "Sana pala, noon pa ako nagpaka-ama," dagdag nito.Napayuko ito at ramdam ko ang bigat sa damdamin niya. Napaiwas ako ng tingin at napabuntong hininga."Pwede pa naman po, hindi nga lang ngayon," mahinang bigkas ko. "Maghihintay ako, Anak. Hihintayin ko hanggang sa matanggap mo na ako bilang ama mo. Marami akong pagkukulang pero handa akong bumawi," anitong halos manginig pa ang boses.Napalunok ako. Alam ko namang pareho lang sila ng motibo ni Mommy. Pareho lang naman nila akong gusto ngayon dahil asawa ko na si Aldo pero kahit ganoon, gusto kong isipin na totoo si Daddy.Kung pagbabasehan lang naman ang pagiging magulang, si Daddy ang laging nandiyan at updated sa buhay ko kahit pa hindi ko ito nakakasama sa mga importanteng okasyon sa buhay ko. Na-appreciate ko naman ang mga panahon na nagrerenta siya
"What do you mean, Mommy? Paanong si Ate Addison iyon?"Litong lito ako at kahit may nabubuong konklusyon sa isip ko ay gusto kong marinig iyon mismo sa bibig ni Mommy.Napapikit ito nang mariin. Pagmulat ng mga mata niya ay punong-puno iyon ng pagsisisi."Sad to say, nag-alaga ako ng anak ng iba habang napabayaan ko ang sarili kong anak," may pagsisising bigkas nito.Umawang ang mga labi ko at naramdaman ang sakit sa dibdib ko. Ilang beses akong kumurap upang hindi tumulo ang luha ko ngunit hindi ako nagwagi. Tahimik na nagpagbasakan ang mga iyon.Imbis kasi na matuwa ako na ako lang pala ang nag-iisang anak niya ay mas nasasaktan ako na nagawa niyang mas piliin ang anak ng iba kaysa sa akin.Agad niyang inabot ang kamay ko matapos makita ang pagbagsak ng mga luha ko."I'm really really really sorry, Mayu. S-orry kung napabayaan ka ni Mommy. H-indi ko naman ginustong mangyari ang lahat ng ito sa'yo kahit pa ako ang pasimuno ng ibang kasakitan mo sa buhay. Ayoko lang na idamay ka ni F
Hindi ko alam kung desido talaga si Aldo sa pangingibang bansa namin pero mas desido akong makausap ulit si Mommy. Ang tagal kong hinintay ang reply niya. Akala ko nga ay tatanggi ito ngunit um-oo naman.Ilang beses akong binalaan ni Aldo na huwag lumabas ng bahay, kaso mas nananaig ang kagustuhan kong maliwanagan kay Mommy. Ang problema ko na lang ay kung saan iiwan si Arkan. Ayoko isama dahil baka mamaya may panganib nga sa paligid."Mama, bakit mo po ako iiwan kay Tita Alice?" may himig pagdududang tanong ni Arkan.Napataas ang kilay ko at patay malisyang hinawakan ang kamay niya."May bibilhin lang ako, Baby. Babalik din ako agad.""Ng hindi ako kasama, Mama? Does Daddy know about this?" mala-imbestigador ang tono nito.Napaubo ako bago tumawa nang alanganin."Of course, Baby. Always updated si Daddy mo," pagsisinungaling ko."Really, Mama? Then why are you leaving me here? Or maybe, we should call Daddy and ask him to take me here."Bahagyang namilog ang mga mata ko. Pagkaraan ay
"Leave the country? Pero ayaw kong umalis, Aldo." Iyon agad ang bungad ko pagkapasok namin sa loob bahay.Ayoko talagang umalis. Hindi ngayon na ganito ang nangyayari. Gusto ko pang makausap nang masinsinan si Mommy. Bigla, gusto kong idiskubre at alamin ang sinabi nitong first love niya si Daddy."I don't doubt if we can really have a peaceful life here after everything. I don't want to risk your pregnancy—what's that?"Natigilan ito at natutok ang tingin sa gilid ng labi ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at agad iyong tinakpan. Balak ko na ngang umatras ngunit agad nitong nahawakan ang siko ko. Paglingon ko sa kanya ay malamig na ang tingin niya at marahang tinanggal ang kamay ko ns nakatakip sa aking labi."Did she do that to you?" his cold voice sent nervousness to my heart.Nahigit ko ang hininga at natakot magsalita. Natatakot akong sabihin na si Mommy kahit na walang takot ako nitong sinampal kanina. Ayokong pagbuntunan nito ng galit si Mommy, hindi sa ngayon."Tell me or I
May pagtitimpi kong pinunasan ang gilid ng labi ko. Ayaw ko sanang magalit sa araw na ito pero kung ganito ang salubong sa akin, tapos ang pasensya ko."Napakawalang kwenta mong anak! Sana hindi ka na lang nabuhay-""Edi sana hindi kayo lumandi sa iba para hindi ako nabuo!" may inis na sagot ko na nagpatigil dito."Sana nga hindi na lang ako nabuhay kung iiwan lang din naman ako na parang pusa ng mga magulang ko," may kalamigang bigkas ko.Kahit masakit sa dibdib na sabihin iyon ay pilit kong pinatatag ang titig ko. Hindi ko makita ang punto na nagbubuhos siya ng sama ng loob gayong ako ang maraming dapat isumbat sa kanya.Naningkit ang tingin niya sa akin," How dare you?" hindi makapaniwalang bigkas niya."Ganyan ba ang ginawa sa'yo ng pera? Sumasagot ng magulang? Bakit? Ganyan ka rin bang pinalaki ni Rosario?"Naikuyom ko ang mga kamao at nagtagis ang aking mga ngipin."Mali oh kayo. Ganito po niyo ako pinalaki," may diing bigkas ko, "Isa pa, huwag po ninyong idamay si Nanay Rosario
Hindi yata matatapos ang araw na ito ay maghahalo ang balat sa tinalupan.Kahit ipilit kong ikalma ang sarili ay nanggigil ako sa tuwing nasusulyapan si Ate Addison.Tumikhim ako at binaklas ang braso ni Aldo mula sa pagkakapulupot sa bewang ko."Let's go Arkan. Let's go swimming. May aayusin pa ang Daddy mo," malamig kong bigkas bago tumayo at pilit inaabot ang kamay ni Arkan na tumayo na rin at humawak sa kamay ko.Ngunit bago pa man ako tuluyang makahakbang paalis sa mesa ay nahawakan na ni Aldo ang palapulsuhan ko. Natigilan ako at nabitiwan ang kamay ni Arkan."Alaric, get my son please," malamig nitong utos sa kapatid.Tahimik na sumunod si Alaric na binuhat si Arkan. Ni hindi man lang nagreklamo ang anak ko.Nanlalaki ang mga mata kong binalingin si Aldo."Aalis din ako, Aldo." Pilit kong binabawi ang kamay ko mula sa kanya ngunit humigpit nang bahagya ang hawak niya."Stay here. We'll leave here together," aniya kung kaya't bahagya akong kumalma.Kaya lang ay pabagsak na hinam