Share

KABANATA 9

Author: Yenoh Smile
last update Last Updated: 2022-02-12 18:27:38

Napapangisi ako matapos maalala ang nangyari kahapon. Idagdag pa ang pawis na pawis na istura ni Aldo nang iabot niya ang pritong lumpiang toge.

Ni hindi man nga lang ako napatalon sa nakamamatay niyang tingin. Gustong-gusto ko pa ngang pagmasdan ang galit sa magkaiba niyang mga mata.

Paulit-ulit sa isipan ko ang reaksyon niyang galit at nakasimangot na siyang kinatutuwa ko. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit na-a-addict ako ngayon sa ganoon niyang reaksyon kumpara dati na halos ikalabas iyon ng puso ko sa takot.

Nakagat ko ang labi matapos lumitaw sa isipan ko ang pawis at hubad na katawan ni Aldo habang siya ay galit na galit.

Napanguso ako sa kiliting naramdaman sa tiyan. Huminga nang malalim bago mabilis na hinablot ang shoulder bag at nagmadaling lumabas. Agad ko ring pinara ang taxing paparating at agad na sumakay.

"Mayu! Sabay ako!" si Alice na tumatakbo palapit kaya't pinigilan ko ang driver sa akmang pagmamaneho.

"Bilisan mo,

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Sasaki Yuzuki
ano supalpal ka ngayon
goodnovel comment avatar
Sasaki Yuzuki
ang kapal ng mukha mo mayu wala kang pinagkaiba sa mga kapatid mo
goodnovel comment avatar
Sasaki Yuzuki
ang lakas ng loob ako lang nahiya sayo mayo dapat sa umpisa dun ka ngmatigas medyo maganda sana dating kaso bumukaka ka agad at ikaw pa ng habol ng kasal ha ha ha kaloka
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • My Bittersweet Mistake   KABANATA 10

    "Take it easy, Aldo." Lumayo ako at sumiksik sa bintana.Dinig ko ang marahas niyang buntong hininga ngunit hindi ko siya pinansin. Tahimik akong kumain ng fried isaw."Why is it so hard to have a conversation with you these days, Mayu?""Huh?" Nilingon ko siya at nasalubong lamang ang kaseryosohan sa magka-ibang kulay ng kanyang mga mata."Maybe because we are not married, Aldo? Tingin mo?" sarkastiko kong bigkas.Natahimik siya at hindi kumibo kaya't mahina akong natawa. Ano pa ba ang aasahan mo sa taong takot sa commitment? Wala."See? Hindi ka na nakakibo. Let's just say that I am not free until you are married to me, Mr. CEO," I mocked as I ate the last stick of fried isaw.Tinapon ko sa basurahan ang plastic cup bago siya hinarap. Hinuli ko ang tingin niya at nginisihan."Hindi ko naman kukunin ang

    Last Updated : 2022-02-14
  • My Bittersweet Mistake   KABANATA 11

    "I am not in the mood, Aldo."Binawi ko ang palapulsuhan ko at humalukipkip. Sinulyapan ko rin ang magarbong restaurant. Iilang tao nga lang ang nasa loob niyon.I heard him sigh and saw him purse his lips."This might be the last time, Mayu. After this, you'll be free."Nangunot ang noo ko sa sinabi niya at balak na magtanong ngunit muli lamang niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at hinila ako papasok sa loob.Aminin ko man o hindi, nagwala ang tiyan ko nang maglapag na sila ng pagkain sa mesa. Ni hindi ko alam ang pangalan ng mga iyon, basta ang alam ko gutom na gutom ako at naglalaway sa nakahapag."Eat slowly, Mayu," mahinahong paalala niya matapos kong kumagat sa hita ng manok.Nag-angat ako sa kanya ng tingin. Hindi siya kumakain kun'di nakatitig lang sa akin.Tahimik kong binaba ang manok, nagpunas ng bibig gamit ang tisyu bago umayos ng umupo."Tell me right away if there's a problem, Aldo. Baka ipapapatay mo na

    Last Updated : 2022-02-16
  • My Bittersweet Mistake   KABANATA 12

    Tila hinahati ang ulo ko sa sakit nang gumising ako. Malabo pa ang paningin ko at halos liyo ngunit naaninag ko ang nurse sa gilid kung kaya't binalak kong bumangon."Ma'am, dahan-dahan lang po. Huwag po ninyong biglain ang sarili ninyo."Mabilis nitong hinawakan ang balikat ko upang tulungan akong maupo. Hirap akong huminga ngunit mas matatag ang kagustuhan kong makalabas na sa kwarto."Ma'am, hindi pa po kayo pwedeng lumabas. Hintayin po natin si Doktora. Magpahinga na po muna kayo."Wala akong nagawa kun'di ang sumandal sa hinihigaan nang bumukas ang pinto. Pinilit kong huminga nang malalim upang kahit paano ay maging malinaw ang nangyayari sa paligid ko."Good afternoon, Miss Selvestre. I'm Doctor Sylvaine. I'm glad you're awake. How are you feeling?" malugod nitong tanong.Pinakatitigan ko ang doktorang kulay hazelnut ang buhok. Seksi ito, m

    Last Updated : 2022-02-20
  • My Bittersweet Mistake   KABANATA 13

    "Are we clear, Mayu? Abort the baby and go somewhere far away from here," matatag na bigkas ni Mommy.Napalunok ako at mahinang tumango habang ang mga luha ko ay kusang bumagsak sa aking mga pisngi."Mas mabuti iyon, Mayu. Wala na rin namang mag-aalaga sa'yo. Wala na si Rosario," ani pa nito bago tuluyang lumabas ng kwarto.Kinuyom ko ang mga kamao at hindi maiwasang magtagis ng mga ngipin ko sa galit. Masama kong tiningnan ang pinto at doon binuhos ang galit na nararamdaman ko para sa taong nagluwal sa aking ngunit siya rin namang nagtapon sa akin.Marahas kong pinunasan ang aking mga luha. Pumikit nang mariin bago pinulot ang envelop na puno ng salapi. Humigpit ang hawak ko roon. Ayaw ko man ay alam kong kakailanganin ko pa rin iyon.Bumagsak ang tingin ko sa impis kong tiyan. Marahan ko iyong hinaplos ngunit natigilan matapos maalala ang sinabi ni Mommy.Nilayo ko na ang palad doon dahil alam kong hindi ko na pwede pang mahalin ang batang

    Last Updated : 2022-02-24
  • My Bittersweet Mistake   KABANATA 14

    Gustong manginig ng kamay ko at halos manghina ang mga tuhod ko. Ayaw ko ring tingnan ang lalaking nasa harap ko. Kanina ay tinangay ko ito sa labas upang hindi makiusyoso ang ibang tao. Ngayon namang nakasandal ako sa sasakyan niya at nasa harap ko siya ay hindi ako makapagsimulang magsalita."Condolence—""I don't need your condolence," malamig kong tugon.Ramdam ko ang matalim niyang titig. Nahagip din ng tingin ko na galit itong namewang."Fine. I didn't go here for that," he coldy said as well."Then what, Aldo? Ano? Pababalikin mo ako sa opisina dahil sa namatayan ako? Sorry, but no," matatag kong bigkas.Nagbago na ang daloy ng isip ko. Kahit pa ibalik niya ako bilang fiancée niya ay hindi ko na rin tatanggapin. For what? Para muling saktan ng mga magulang ko? Hindi na. Ayoko ko na."No, Sweetie. I d

    Last Updated : 2022-02-28
  • My Bittersweet Mistake   KABANATA 15

    "Bakit, Mayu? Bakit mo ipapalaglag ang baby mo?" naluluhang tanong niya."Huh? Ano, Alice?" naguguluhan ko siyang nilingon dahil sa tanong niya."Hindi ba utos ng Mommy mo na kailangan mong i-pa-abort ang baby? Pagkatapos ay lumayo rito?"Umawang ang mga labi ko at natigilan. Oo nga pala't ganoon ang plano. Lumunok ako at huminga nang malalim."Kailangan, Alice. Kailangan kong gawin," nanghihinang bigkas ko.Napatitig ako sa makapal na envelop na galing kay Mommy. Napahawak sa tiyan ko habang ang puso ko ay binugso ng kakaibang sakit."Pero baby mo 'yan, Mayu. Pamilya mo. Kung sakali, siya na lang ang meron ka. Siya na lang mananatili sa'yo—""Hindi na importante sa ngayon 'yan, Alice. Ang importante ngayon ay makalayo rito."Nagpatuloy ako sa pagsiksik ng damit sa backpack at iilang importanteng dokumento bago iyon mabilis na sinara. Tapos na ako ngunit natutulala pa rin si Alice sa akin."Mayu, makinig ka please.

    Last Updated : 2022-02-28
  • My Bittersweet Mistake   KABANATA 16

    "Two months advance, one month deposit. Anim na libo lahat." Nilahad pa ng landlady na si Aling Glenda ang mga palad niya.Nagkatinginan kami ni Alice at sabay ding tiningnan ang kubo sa harapan."Dalawang libo ang renta niyan? Niyang kahoy na 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Alice.Ako man ay hindi makapaniwala sa halaga. Kung titingnan ay malakas na ihip na lang ng hangin ay tutumba na ang kubo sa harapan kaya lang wala na kaming choice, maggagabi na at heto lang ang malapit."Kung ayaw ninyo ay maghanap kayo ng iba!"Nanlaki ang mga mata ko at agad na pinigilan sa braso ang ginang nang akma itong aalis. Tumawa ako nang alanganin at pinanlakihan ng mata si Alice. Nakakaintindi itong tumawa at agad na umangkla sa braso ng Ginang."Aling Glenda naman, joke lang iyon. Ang ganda nga nitong kubo mansyon mo! Naku, pasadong-pasado na 'to. Worth the price talaga!" Sumenyas pa siya ng money sign na kinatuwa ng Ginang."Mukha lang iyang

    Last Updated : 2022-03-01
  • My Bittersweet Mistake   KABANATA 17

    "Safe na ba, Mayu?" tanong ni Alice habang matindi ang kapit niya sa damit ko.Umiling ako at hindi makapagsalita. Takip ko ang bibig at ilong upang hindi masuka sa amoy ng basura sa harapan. Dito ko hinila kanina si Alice para lang hindi makita ni Aldo."Uy, Mayu! Ano na?" kulit nito sa akin.Umiling ako muli. Lumayo na sa pinagtataguan at agad na nagduwal sa bakanteng lote. Ramdam kong hinagod ni Alice ang likod ko. Nang matapos ay pinunasan ko lang ang bibig ko sa panyo bago pinasingkit ang tingin sa loob ng palengke."Hindi na tayo safe dito, Alice. Bumalik na tayo sa bahay kubo. Imposibleng hindi sabihin ni Gueco kay Aldo na nakita niya tayo.""Sure 'yan. Baka nga kailangan na natin lumipat ng bahay," mungkahi niya.Agad akong umiling at hinila na siya upang makapagpara ng tricycle."Hindi muna. Hindi naman nila madaling mahahanap iyon. Isa pa, sayang iyong binayad natin kay Aling Glenda, Alice.""Sabagay. Sino ba namang m

    Last Updated : 2022-03-02

Latest chapter

  • My Bittersweet Mistake   WAKAS

    Aldo Hendrix CastellanosI still clearly remember Mayu, whom I saw at the party's garden. Honestly, the first time I saw her, I was sure she was definitely not my type. Glancing at her gown, I knew then she would be one of the candidates. Kaya naman ako na mismo ang naghanap kay Addison upang ibigay ang kahon na patago ko pang kinuha kay Lolo.Hindi ko rin naman gusto ang plano nito at wala sa isip ko ang magpakasal. And who would be happy in an arranged marriage? No one. And so, as much as I could, I tried my best to give the box to the person I somehow liked. I didn't know and I was unaware that fate played me so very well. Wala rin akong plano sa unang gabi kun'di ang takutin siya ngunit mukhang may mas plano ang tadhana sa aming dalawa at hinayaan na may mangyari at maulol ako sa kanya.Oras-oras kong pinapagalitan ang sarili dahil doon. At halos murahin ko ang sarili matapos hindi makuntento sa isang gabi na halos gabi-gabi na lang itong nasa isip ko at pilit ginugulo ang sistem

  • My Bittersweet Mistake   KABANATA 91

    Walang tigil ang kaba ko sa takot na baka may balak na naman itong masama. Ni hindi ko nga namalayan na na-dial ko ang numero ni Addison. Huli na at hindi ko na ma-end call matapos marinig ang maarte niyang boses. Nawala tuloy kay Stella ang atensyon ko at nalipat sa cellphone."Now, you called me. What, Cheap Bitch?" anitong tingin ko ay umiirap pa sa kabilang linya.Napairap din tuloy ako, "Napindot lang. As if namang tatawagan kita. Bye—""Wait! Don't hang up yet!" pigil nito dahilan upang hindi ko pindutin ang end call."What, Maarteng Bitch?" pagtataray ko.Dinig kong umismid ito ngunit tumikhim din."I'm sorry."Nangunot ang noo ko at tila nabingi. Tama ba ang narinig ko?"Ano?""Ang sabi ko, I'm sorry!" malakas nitong sigaw na kinangiwi ko at nagpasakit sa tainga ko, "I'm sorry nga pero kung ayaw mo, then don't!"Napailing ako. Paano ko naman tatanggapin ang sorry na ganito?"Not forgiven—""Who cares? Nag-sorry lang naman ako dahil ayokong iwan kami ulit ni Mommy. Tss," aniya

  • My Bittersweet Mistake   KABANATA 90

    "Aldo, tama na nga!" protesta ko matapos nitong hindi tumigil.Ngunit hindi ito nakinig at nagpatuloy lang dahilan upang mapa-halakhak ako. "Tama na kasi! H-indi na ako makahinga, kakain pa ako." Napanguso ako at hinawakan na ang dalawang kamay niya ngunit mahina lang siyang tumawa mula sa likod ko."Ang bad mo ah! Bahala ka kapag na-dislocate si baby," pagbabanta ko.Sandali siyang natigilan at lumipat sa harap ko, "What? Is there a thing called dislocation in pregnancy?"Nangunot ang noo niya at tila ba litong-lito. Kusa akong nangisi at kumibit balikat."Meron na ngayon—""You're bluffing," aniyang lumalapit na naman at pinupuntirya ang tagiliran ko."Aldo nga!" Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tanging ngisi ang sinagot niya sa akin."Gutom ako. Kung sanang pinakain mo ako kagabi, wala sana ngayon tayo sa kusina kahit madaling araw pa.""You could have stopped me from making love to you earlier in the night. Hindi mo sana ako pinapagalitan ngayon. I am just being a professional l

  • My Bittersweet Mistake   KABANATA 89

    "Nakagagaan pala sa pakiramdam kapag ganito," wala sa loob na bigkas ni Daddy habang kumakain sa hawak niyang ice cream.Napatitig ako sa abocado ice cream na hawak, nasa apa iyon. "Sana pala, noon pa ako nagpaka-ama," dagdag nito.Napayuko ito at ramdam ko ang bigat sa damdamin niya. Napaiwas ako ng tingin at napabuntong hininga."Pwede pa naman po, hindi nga lang ngayon," mahinang bigkas ko. "Maghihintay ako, Anak. Hihintayin ko hanggang sa matanggap mo na ako bilang ama mo. Marami akong pagkukulang pero handa akong bumawi," anitong halos manginig pa ang boses.Napalunok ako. Alam ko namang pareho lang sila ng motibo ni Mommy. Pareho lang naman nila akong gusto ngayon dahil asawa ko na si Aldo pero kahit ganoon, gusto kong isipin na totoo si Daddy.Kung pagbabasehan lang naman ang pagiging magulang, si Daddy ang laging nandiyan at updated sa buhay ko kahit pa hindi ko ito nakakasama sa mga importanteng okasyon sa buhay ko. Na-appreciate ko naman ang mga panahon na nagrerenta siya

  • My Bittersweet Mistake   KABANATA 88.2

    "What do you mean, Mommy? Paanong si Ate Addison iyon?"Litong lito ako at kahit may nabubuong konklusyon sa isip ko ay gusto kong marinig iyon mismo sa bibig ni Mommy.Napapikit ito nang mariin. Pagmulat ng mga mata niya ay punong-puno iyon ng pagsisisi."Sad to say, nag-alaga ako ng anak ng iba habang napabayaan ko ang sarili kong anak," may pagsisising bigkas nito.Umawang ang mga labi ko at naramdaman ang sakit sa dibdib ko. Ilang beses akong kumurap upang hindi tumulo ang luha ko ngunit hindi ako nagwagi. Tahimik na nagpagbasakan ang mga iyon.Imbis kasi na matuwa ako na ako lang pala ang nag-iisang anak niya ay mas nasasaktan ako na nagawa niyang mas piliin ang anak ng iba kaysa sa akin.Agad niyang inabot ang kamay ko matapos makita ang pagbagsak ng mga luha ko."I'm really really really sorry, Mayu. S-orry kung napabayaan ka ni Mommy. H-indi ko naman ginustong mangyari ang lahat ng ito sa'yo kahit pa ako ang pasimuno ng ibang kasakitan mo sa buhay. Ayoko lang na idamay ka ni F

  • My Bittersweet Mistake   KABANATA 88.1

    Hindi ko alam kung desido talaga si Aldo sa pangingibang bansa namin pero mas desido akong makausap ulit si Mommy. Ang tagal kong hinintay ang reply niya. Akala ko nga ay tatanggi ito ngunit um-oo naman.Ilang beses akong binalaan ni Aldo na huwag lumabas ng bahay, kaso mas nananaig ang kagustuhan kong maliwanagan kay Mommy. Ang problema ko na lang ay kung saan iiwan si Arkan. Ayoko isama dahil baka mamaya may panganib nga sa paligid."Mama, bakit mo po ako iiwan kay Tita Alice?" may himig pagdududang tanong ni Arkan.Napataas ang kilay ko at patay malisyang hinawakan ang kamay niya."May bibilhin lang ako, Baby. Babalik din ako agad.""Ng hindi ako kasama, Mama? Does Daddy know about this?" mala-imbestigador ang tono nito.Napaubo ako bago tumawa nang alanganin."Of course, Baby. Always updated si Daddy mo," pagsisinungaling ko."Really, Mama? Then why are you leaving me here? Or maybe, we should call Daddy and ask him to take me here."Bahagyang namilog ang mga mata ko. Pagkaraan ay

  • My Bittersweet Mistake   KABANATA 87

    "Leave the country? Pero ayaw kong umalis, Aldo." Iyon agad ang bungad ko pagkapasok namin sa loob bahay.Ayoko talagang umalis. Hindi ngayon na ganito ang nangyayari. Gusto ko pang makausap nang masinsinan si Mommy. Bigla, gusto kong idiskubre at alamin ang sinabi nitong first love niya si Daddy."I don't doubt if we can really have a peaceful life here after everything. I don't want to risk your pregnancy—what's that?"Natigilan ito at natutok ang tingin sa gilid ng labi ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at agad iyong tinakpan. Balak ko na ngang umatras ngunit agad nitong nahawakan ang siko ko. Paglingon ko sa kanya ay malamig na ang tingin niya at marahang tinanggal ang kamay ko ns nakatakip sa aking labi."Did she do that to you?" his cold voice sent nervousness to my heart.Nahigit ko ang hininga at natakot magsalita. Natatakot akong sabihin na si Mommy kahit na walang takot ako nitong sinampal kanina. Ayokong pagbuntunan nito ng galit si Mommy, hindi sa ngayon."Tell me or I

  • My Bittersweet Mistake   KABANATA 86

    May pagtitimpi kong pinunasan ang gilid ng labi ko. Ayaw ko sanang magalit sa araw na ito pero kung ganito ang salubong sa akin, tapos ang pasensya ko."Napakawalang kwenta mong anak! Sana hindi ka na lang nabuhay-""Edi sana hindi kayo lumandi sa iba para hindi ako nabuo!" may inis na sagot ko na nagpatigil dito."Sana nga hindi na lang ako nabuhay kung iiwan lang din naman ako na parang pusa ng mga magulang ko," may kalamigang bigkas ko.Kahit masakit sa dibdib na sabihin iyon ay pilit kong pinatatag ang titig ko. Hindi ko makita ang punto na nagbubuhos siya ng sama ng loob gayong ako ang maraming dapat isumbat sa kanya.Naningkit ang tingin niya sa akin," How dare you?" hindi makapaniwalang bigkas niya."Ganyan ba ang ginawa sa'yo ng pera? Sumasagot ng magulang? Bakit? Ganyan ka rin bang pinalaki ni Rosario?"Naikuyom ko ang mga kamao at nagtagis ang aking mga ngipin."Mali oh kayo. Ganito po niyo ako pinalaki," may diing bigkas ko, "Isa pa, huwag po ninyong idamay si Nanay Rosario

  • My Bittersweet Mistake   KABANATA 85

    Hindi yata matatapos ang araw na ito ay maghahalo ang balat sa tinalupan.Kahit ipilit kong ikalma ang sarili ay nanggigil ako sa tuwing nasusulyapan si Ate Addison.Tumikhim ako at binaklas ang braso ni Aldo mula sa pagkakapulupot sa bewang ko."Let's go Arkan. Let's go swimming. May aayusin pa ang Daddy mo," malamig kong bigkas bago tumayo at pilit inaabot ang kamay ni Arkan na tumayo na rin at humawak sa kamay ko.Ngunit bago pa man ako tuluyang makahakbang paalis sa mesa ay nahawakan na ni Aldo ang palapulsuhan ko. Natigilan ako at nabitiwan ang kamay ni Arkan."Alaric, get my son please," malamig nitong utos sa kapatid.Tahimik na sumunod si Alaric na binuhat si Arkan. Ni hindi man lang nagreklamo ang anak ko.Nanlalaki ang mga mata kong binalingin si Aldo."Aalis din ako, Aldo." Pilit kong binabawi ang kamay ko mula sa kanya ngunit humigpit nang bahagya ang hawak niya."Stay here. We'll leave here together," aniya kung kaya't bahagya akong kumalma.Kaya lang ay pabagsak na hinam

DMCA.com Protection Status