Gusto kong ilaban ang karapatan ko at paghihirap ko ngunit hindi ko maibuka ang mga labi sa nararamdamang galit ni Aldo.Tumuloy kami sa resthouse. Inabutan ako ng roba ni Baron bago sila lumabas ni Manong Ruben kasama si Arkan na nagtatakang nakamasid sa amin kanina ni Aldo. Nakadungaw pa ito bago sumara ang pinto."Am I stupid, Mayu? No. You made me fucking stupid!"Napaigtad ako sa sigaw niya. Nawala lahat ng tapang ko at naikuyom lang ang kamao. Humigpit din ang hawak ko sa robang ni hindi ko maisuot."I kept searching for six freaking years! But all this time, you are here at my home, living life with my son," hindi makapaniwalang bigkas niya.Dinig ko pa ang tawa niyang walang sigla at kita ang pag-iling niya. Inis niyang nasabunot ang buhok, namewang, at tumingala habang nakapikit nang mariin."It's not my fault, it's yours. Sariling desisyon mo ang maghanap," lakas loob kong bigkas kahit sa mahinang boses lang.Tumigil siya at
Last Updated : 2022-03-29 Read more