Napansin din naman agad ng mga bata si Ian. Subalit dahil nga hindi kilala ng mga ito ang binata kung kaya imbes na lumapit ang mga ito sa kaniya ay nagsumiksik pa ang mga bata sa sulok at pilit siyang nilalayuan."No, no, hindi ako masamang tao. Tutulungan ko kayong makatakas dito," pilit pa niyang paliwanag sa mga ito. "Please, believe me, kids."Ilang sandali ang lumipas na hindi kumikilos ang mga bata, hanggang sa tumayo ang isang batang babae na nahihinuha niyang nasa walong taong gulang pa lamang. Hawak-hawak nito ang isang batang babae na marahil ay kapatid nito. Marahan itong humakbang palapit sa kaniya ngunit pinigilan ng kapatid nito."Ate, natatakot ako," anito na kumapit nang mahigpit sa binti ng kapatid.Hindi naman nito pinansin ang kapatid na mataman lamang na nakatitig kay Ian. Bakas sa mukha nito ang takot na patuloy na humakbang."T-talaga po bang tutulungan mo kaming makatakas dito?" inosente pa nitong kumpirma sa kaniya.Tinanguan niya ang bata. "Yes, I will help y
Last Updated : 2022-05-07 Read more