Home / Romance / Into Your Arms Tonight / Kabanata 141 - Kabanata 150

Lahat ng Kabanata ng Into Your Arms Tonight : Kabanata 141 - Kabanata 150

201 Kabanata

Chapter 141

Nang bumukas ang pinto ng operating room at lumabas si Dr. Sanchez, ang nag-opera kay Cassandra, at ang iba pang assisstant ng manggagamot ay agad nang lumapit si Ian sa mga ito. "How is she, doc.," agad niyang tanong kay Dr. Sanchez. "You don't have to worry anymore, Mr. Ramos, ligtas na ang pasyente sa panganib," nakangiting tugon din naman ito sa kaniya. Napahinga na nang maluwag si Ian sa sinabi nito. "Oh, thank you so much, doc.," laking-pasalamat niya rito na magalang naman nitong tinanguan. "Kailangan na lang ng pasyente ng ibayong pahinga sa ngayon," muling wika pa nito saka binalingan ng tingin ang katabing assistant. "Kayo na muna ang bahala rito," utos nito rito."Yes, doc.," sabay-sabay na tugon naman ng mga ito."Maiwan ko na muna kayo rito, Mr. Ramos, marami pa akong pasyenteng kailangang puntahan. Dadalhin na lang sa private room ang wife mo after they clean her," nakangiting saad pa nito sa kaniya.Tinanguan lamang niya bilang tugon si Dr. Sanchez at hindi na iti
last updateHuling Na-update : 2022-05-15
Magbasa pa

Chapter 142

Ilang sandaling napatitig si Ian sa katabing silid dahil sa kuryusidad nang ipinahayag ni Dr. Sanchez. May ideya ang binata na kakilala niya base sa sinabi ng manggagamot ang nasa loob.Nagpasya si Ian na silipin sandali ang tinutukoy ni Dr. Sanchez. Iyon nga lamang ay hindi niya alam ang idadahilan kung bakit siya naroroon kung sakaling mga estranghero ang mga ito?"Ha! Bahala na," anas na lamang niya sa sarili saka nagtuloy-tuloy na sa paglapit sa pintuan. Subalit nahahawakan pa lamang ng binata ang seradura ng pinto nang bumukas ang katabing kuwarto kung saan naroroon si Cassandra. Lumabas mula roon ang dalawang assistant na nagdala sa dalaga roon. Pareho pa silang nagkatinginang tatlo bago niya mabilis na binitiwan ang hawak. Awkward namang napapakamot sa ulo ang dalawa saka mahinang nagsabi na, "Maaari na po kayong pumasok sa loob, sir." Pagkatapos ay niluwangan nito ang pintuan patungo sa kinaroroonan ni Cassandra. "O-okay, thank you," nahihiyang pasalamat niya sa mga ito at
last updateHuling Na-update : 2022-05-16
Magbasa pa

Chapter 143

ONE hour ago, bago ang mga kaganapan sa pagitan ni Manuel at Ian.Nakangiting pumasok si Dr. Sanchez sa silid ng dalawang matanda na si Manuel at Dolores."Hello there, Mr. Ramos, ano po ang pakiramdam n'yo ngayon?" magalang na usisa pa nito habang sinusuri ang dibdib ni Manuel."I'm alright now, doc.," nakangiti rin namang tugon ng matanda rito. "Wala na kaming alalahanin pa kasi ligtas na ang anak namin," habol na imporma pa ni Manuel na bumaling ng tingin kay Dolores na tahimik lamang sa tabi nito."Oh, that's good to here, Mr. Ramos," napapapalakpak pang turan ni Dr. Sanchez sa pasyente nito.Iyon naman talaga ang nais ng manggagamot lalo na sa kalagayan ni Manuel na kung saan ay napakahina ng puso nito. Ang the best medicine para sa kagaya nitong pasyente ay ang magandang balita na makabubuti sa kalusugan nito.Napahinga nang maluwag si Dr. Sanchez bago muling sinuri ang chart kung saan nakasulat ang personal info ng matanda at ang previous treatment na isinagawa sa ibang ospital
last updateHuling Na-update : 2022-05-17
Magbasa pa

Chapter 144

"Lola, please wait for me!" tawag ni Cassey kay Dolores na mabilis na hinabol ang abuela sa pasilyo ng ospital.Dahil nagmamadali ang matanda kung kaya hindi nito narinig ang apo."Oh, apo?" nagulat pa na ani ni Dolores nang tuluyang maabutan ni Cassey. "Bakit ka sumunod sa akin?" nag-aalalang tanong pa nito saka natigilan sa mga sinabi.Dahil alam ni Dolores kung gaano ka-sensitive ang apo sa bawat sabihin dito ng matatanda kung kaya naisip nito na baka magdamdam ang apo at akalaing itinatakwil na ito ng abuela.Ayaw nang dagdagan pa ni Dolores ang suliranin sa isipan ni Cassey sapagkat sa komplikadong sitwasyon ng mga ito at ng mga magulang, ang magagawa na lamang ng matanda ay ang suportahan at gabayan ang apo.Mabilis na lumuhod si Dolores upang magtagpo sila ng apo at buong pagmamahal na niyakap ang bata."I'm sorry, apo, wala akong ibig sabihin sa sinabi ko. Nag-aalala lang ako na baka maligaw kang mag-isa rito sa ospital," paliwanag ng matanda habang hinihimas-himas ang likod n
last updateHuling Na-update : 2022-05-18
Magbasa pa

Chapter 145

Hindi na nabilang pa ni Ian kung ilang oras siyang naghihintay sa pagbukas ng pinto ng silid ng ama. Maging hindi rin siya kumikilos sa kinauupuan, nakayuko at nakatunghay lamang doon. Walang ibang iniisip ang binata kung hindi ang kaligtasan ng ama, ang taimtim na panalangin na ngayon lamang niya ginawa sa tanang buhay niya."Oh Lord, please, alam kong marami akong naging pagkukulang sa iyo, but right now, isa lang po ang hinihiling ko... please, Lord, don't take him from me," ani pa ni Ian sa sarili habang mariing nakapikit at magkasalikop ang mga kamay. Tumatakbo ang oras na nasa ganoong ayos lamang ang binata. At nang tuluyang magbukas ang pinto at iluwa niyon si Dr. Sanchez at ang mga assistant nito ay agad siyang napatalon sa kinauupuan. Mabilis siyang lumapit sa doktor. "Doc, how's my dad?" tanong agad ng binata rito. Ilang segundo muna ang pinalipas ni Dr. Sanchez bago nito sinagot ang binata. Ilang beses pa nitong pinunasan ang pawis sa noo at bakas sa mukha ng doktor ang
last updateHuling Na-update : 2022-05-19
Magbasa pa

Chapter 146

Patuloy na naglalandas sa kaniyang mga mata ang luha na hindi niya mapigilan. Animo dam na umaagos ang sakit ng damdamin na kaniyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.Laking pagsisisi ni Ian sa lahat ng pasakit na nagawa niya sa ama... na ngayon ay hindi na niya mababawi pa. Labis ang pangamba ng binata sa maaaring sapitin ni Manuel at baka hindi na niya magawa pang humingi ng tawad sa matanda. Ayaw man niyang isipin ang posibilidad na hindi na magising pa ang ama ay kitang-kita niya ang reyalidad na nagbabantang sumakop sa kanila. Ilang sandali sa ganoong ayos si Ian hanggang sa hindi na niya namalayang nakatulog siya sa tabi ni Manuel. Gayundin, kahit nakapikit ang mga mata ng binata ay patuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Hindi nga nagtagal ay kinuha ang atensyon niya ng mga tapik sa kaniyang ulo mula sa malamig na kamay. Animo dinadama ng kamay na iyon ang malambot niyang buhok na bahagya pang nagulo sa pagkakaayos. Alam na alam ni Ian na ang
last updateHuling Na-update : 2022-05-20
Magbasa pa

Chapter 147

"W-what? What's going on?" tarantang saad ni Ian habang nagpapabaling-baling ng tingin sa nakahigang ama at sa maingay na aparato na nakakabit dito.Hindi niya maunawaan ang mga nangyayari dahil tuliro pa rin siya sa biglaang pagkagising sa mahimbing na pagkakatulog. Maliban pang laking pagtataka ng binata na panaginip lamang ang lahat ng namagitang pag-uusap nila ni Manuel. Hindi siya makapaniwala dahil animo totoong-totoo ang kaniyang mga panaginip.Gayunpaman, bago pa man magbalik sa normal ang pag-iisip ni Ian ay nagmamadali nang pumasok ang mga doktor doon na nakatalaga sa ama. Isa na nga roon si Dr. Sanchez na agad na nilapitan ang aparato na nakakabit kay Manuel. Inalis din nito ang oxygen sa bibig ng matanda saka ilang ulit na sinuri ang puso nito. Madilim ang mukha ng doktor nang hindi marinig ang tibok ng puso ng pasyente. Sinubukan din nitong tingnan ang nakapinid na mga talukap ni Manuel subalit kahit iyon ay hindi na gumagalaw pa.Mabuti na nga lamang na sa tagal niton
last updateHuling Na-update : 2022-05-21
Magbasa pa

Chapter 148

SAMANTALA, sa silid ni Cassandra. Unti-unti nang nagkakamalay ang dalaga. Kumibot ang mga mata niya bago ito dahan-dahang nagmulat. Ang unang nabungaran ng dalaga ang puting kisame ng ospital at ang amoy ng gamot na pangkaraniwan na sa ganoong pagamutan.Nanlalabo pa ang paningin ng dalaga kung kaya hinayaan niya muna ang sariling nakatutok lang sa itaas ng silid. Bagama't ilang beses siyang napakurap-kurap upang alisin ang animo nakaharang sa kaniyang mga mata. Pinakiramdaman din ng dalaga ang sariling katawan. Subalit dahil hindi pa nawawala ang anesthesia na itinurok sa dalaga kung kaya manhid at walang pakiramdam ang katawan niya ngayon.Sinubukan niyang igalaw-galaw ang mga daliri sa kamay at paa. Bagama't wala pa rin siyang pakiramdam ay hindi siya namroblemang igalaw ang mga iyon. Napahinga nang maluwag ang dalaga.Nang tuluyang luminaw ang kaniyang mga mata ay ipinaling niya ang ulo at hinanap ang kaniyang pamilya. Walang ibang laman ang kaniyang isip kung hindi ang anak na
last updateHuling Na-update : 2022-05-22
Magbasa pa

Chapter 149

"Hmm... anong ibig mong sabihin, anak?" naguguluhang tanong naman ni Dolores kay Cassandra dahil sa mga ipinahayag niya rito.Subalit hindi na niya sinagot pa ang matanda at matamis na nginitian na lamang niya ito.Hindi naman napansin ng matanda ang ikinilos niya na mabilis siyang sinang-ayunan."Tama ka, anak. Please, huwag mo na uulitin ito, ako ang aatakihin sa puso sa inyong dalawa ng apo ko, eh," pakiusap pa ng ina sa kaniya na tinawanan naman niya nang mahina."Yes, Inay, huwag ka na pong mag-alala." Tango pa niya rito.Parehong nagtawanan ang mag-ina at doon na nga nagising si Cassey. Nang makita siya nitong gising na ay namilog ang mga mata nito at lumapad ang ngiti."Mommy!" excited na saad pa ng bata at mabilis na kumubabaw kay Cassandra."Ugh!" daing naman niya dahil nasagi ng bata ang sugat niya sa balikat.Nang mga sandaling iyon ay unti-unti nang nawawala ang anesthesia na itinurok sa kaniya kung kaya nararamdaman na niya ang sakit na nagmumula sa kaniyang pinsala."No,
last updateHuling Na-update : 2022-05-23
Magbasa pa

Chapter 150

"I-Ian?" nanginginig ang boses ni Dolores ba tawag sa binata. Hinintay niyang sumagot ito sa kaniya subalit nakatulala pa rin ang binata at hindi siya napapansin. "Ian, Hijo?" muling tawag ni Dolores. Subalit animo walang buhay ang binata. Tiningnan niya ang mga mata nito ngunit wala sa focus iyon at wala sa huwisyo. Naintindihan ng matanda na sa labis na shock na nadarama ni Ian kung bakit ito nagkakaganoon. Hindi niya maiwasang mapahikbi. Bagama't mabilis din naman niyang tinakpan ang bibig upang hindi makagawa ng ingay. Bumaling siya ng tingin sa kama kung saan nakahiga si Manuel. Marahan niyang nilapitan ang dating asawa. At sa nanginginig na mga kamay ay inalis niya ang kumot na nakatabing sa mukha nito.Doon na pumalahaw ng iyak si Dolores at hindi nakayanan ang sariling napaluhod na lang sa tabi ng kama."No, Manuel!" bulalas pa niya habang pumapalahaw ng iyak sa biglaang pagkawala ng dating asawa. Maraming pumapasok sa isipan ni Dolores ng mga sandaling iyon, at isa na n
last updateHuling Na-update : 2022-05-24
Magbasa pa
PREV
1
...
1314151617
...
21
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status