Share

Chapter 146

last update Last Updated: 2022-05-20 22:36:12

Patuloy na naglalandas sa kaniyang mga mata ang luha na hindi niya mapigilan. Animo dam na umaagos ang sakit ng damdamin na kaniyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.

Laking pagsisisi ni Ian sa lahat ng pasakit na nagawa niya sa ama... na ngayon ay hindi na niya mababawi pa.

Labis ang pangamba ng binata sa maaaring sapitin ni Manuel at baka hindi na niya magawa pang humingi ng tawad sa matanda.

Ayaw man niyang isipin ang posibilidad na hindi na magising pa ang ama ay kitang-kita niya ang reyalidad na nagbabantang sumakop sa kanila.

Ilang sandali sa ganoong ayos si Ian hanggang sa hindi na niya namalayang nakatulog siya sa tabi ni Manuel.

Gayundin, kahit nakapikit ang mga mata ng binata ay patuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata.

Hindi nga nagtagal ay kinuha ang atensyon niya ng mga tapik sa kaniyang ulo mula sa malamig na kamay. Animo dinadama ng kamay na iyon ang malambot niyang buhok na bahagya pang nagulo sa pagkakaayos.

Alam na alam ni Ian na ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 147

    "W-what? What's going on?" tarantang saad ni Ian habang nagpapabaling-baling ng tingin sa nakahigang ama at sa maingay na aparato na nakakabit dito.Hindi niya maunawaan ang mga nangyayari dahil tuliro pa rin siya sa biglaang pagkagising sa mahimbing na pagkakatulog. Maliban pang laking pagtataka ng binata na panaginip lamang ang lahat ng namagitang pag-uusap nila ni Manuel. Hindi siya makapaniwala dahil animo totoong-totoo ang kaniyang mga panaginip.Gayunpaman, bago pa man magbalik sa normal ang pag-iisip ni Ian ay nagmamadali nang pumasok ang mga doktor doon na nakatalaga sa ama. Isa na nga roon si Dr. Sanchez na agad na nilapitan ang aparato na nakakabit kay Manuel. Inalis din nito ang oxygen sa bibig ng matanda saka ilang ulit na sinuri ang puso nito. Madilim ang mukha ng doktor nang hindi marinig ang tibok ng puso ng pasyente. Sinubukan din nitong tingnan ang nakapinid na mga talukap ni Manuel subalit kahit iyon ay hindi na gumagalaw pa.Mabuti na nga lamang na sa tagal niton

    Last Updated : 2022-05-21
  • Into Your Arms Tonight    Chapter 148

    SAMANTALA, sa silid ni Cassandra. Unti-unti nang nagkakamalay ang dalaga. Kumibot ang mga mata niya bago ito dahan-dahang nagmulat. Ang unang nabungaran ng dalaga ang puting kisame ng ospital at ang amoy ng gamot na pangkaraniwan na sa ganoong pagamutan.Nanlalabo pa ang paningin ng dalaga kung kaya hinayaan niya muna ang sariling nakatutok lang sa itaas ng silid. Bagama't ilang beses siyang napakurap-kurap upang alisin ang animo nakaharang sa kaniyang mga mata. Pinakiramdaman din ng dalaga ang sariling katawan. Subalit dahil hindi pa nawawala ang anesthesia na itinurok sa dalaga kung kaya manhid at walang pakiramdam ang katawan niya ngayon.Sinubukan niyang igalaw-galaw ang mga daliri sa kamay at paa. Bagama't wala pa rin siyang pakiramdam ay hindi siya namroblemang igalaw ang mga iyon. Napahinga nang maluwag ang dalaga.Nang tuluyang luminaw ang kaniyang mga mata ay ipinaling niya ang ulo at hinanap ang kaniyang pamilya. Walang ibang laman ang kaniyang isip kung hindi ang anak na

    Last Updated : 2022-05-22
  • Into Your Arms Tonight    Chapter 149

    "Hmm... anong ibig mong sabihin, anak?" naguguluhang tanong naman ni Dolores kay Cassandra dahil sa mga ipinahayag niya rito.Subalit hindi na niya sinagot pa ang matanda at matamis na nginitian na lamang niya ito.Hindi naman napansin ng matanda ang ikinilos niya na mabilis siyang sinang-ayunan."Tama ka, anak. Please, huwag mo na uulitin ito, ako ang aatakihin sa puso sa inyong dalawa ng apo ko, eh," pakiusap pa ng ina sa kaniya na tinawanan naman niya nang mahina."Yes, Inay, huwag ka na pong mag-alala." Tango pa niya rito.Parehong nagtawanan ang mag-ina at doon na nga nagising si Cassey. Nang makita siya nitong gising na ay namilog ang mga mata nito at lumapad ang ngiti."Mommy!" excited na saad pa ng bata at mabilis na kumubabaw kay Cassandra."Ugh!" daing naman niya dahil nasagi ng bata ang sugat niya sa balikat.Nang mga sandaling iyon ay unti-unti nang nawawala ang anesthesia na itinurok sa kaniya kung kaya nararamdaman na niya ang sakit na nagmumula sa kaniyang pinsala."No,

    Last Updated : 2022-05-23
  • Into Your Arms Tonight    Chapter 150

    "I-Ian?" nanginginig ang boses ni Dolores ba tawag sa binata. Hinintay niyang sumagot ito sa kaniya subalit nakatulala pa rin ang binata at hindi siya napapansin. "Ian, Hijo?" muling tawag ni Dolores. Subalit animo walang buhay ang binata. Tiningnan niya ang mga mata nito ngunit wala sa focus iyon at wala sa huwisyo. Naintindihan ng matanda na sa labis na shock na nadarama ni Ian kung bakit ito nagkakaganoon. Hindi niya maiwasang mapahikbi. Bagama't mabilis din naman niyang tinakpan ang bibig upang hindi makagawa ng ingay. Bumaling siya ng tingin sa kama kung saan nakahiga si Manuel. Marahan niyang nilapitan ang dating asawa. At sa nanginginig na mga kamay ay inalis niya ang kumot na nakatabing sa mukha nito.Doon na pumalahaw ng iyak si Dolores at hindi nakayanan ang sariling napaluhod na lang sa tabi ng kama."No, Manuel!" bulalas pa niya habang pumapalahaw ng iyak sa biglaang pagkawala ng dating asawa. Maraming pumapasok sa isipan ni Dolores ng mga sandaling iyon, at isa na n

    Last Updated : 2022-05-24
  • Into Your Arms Tonight    Chapter 151

    SA silid ni Cassandra, walang kaalam-alam ang dalaga ang nangyayari ngayon sa kaniyang ina at kay Ian, ang sakit na pinagdaraanan ngayon ng dalawa sa pagkawala ni Manuel. Pareho pang nagtatawanan ang mag-ina habang hinihintay ang pagbabalik ni Dolores at ang inaasahan nilang binili nitong pagkain para sa kanila."Lola's taking her time," kapagdakan ay pansin ni Cassandra at bumaling sa pintuan.Isang oras na ang nakalilipas subalit hindi pa rin bumabalik ang ina. Naisip ng dalaga na hindi ito makasingit sa abalang mga doktor kung kaya natatagal ang ina. Bumuntong-hininga siya at inalis sa isipan ang pag-aalala rito. Marahil ay dahil sa dami ng panganib na pinagdaanan niya kung kaya hindi niya maiwasang kabahan sa kaunting bagay lamang, kahit pa nga ba alam niyang simple lamang ang dahilan niyon. "Well, wala naman sigurong magiging aksidente si Inay since nasa ospital sila ngayon," kumbinsi pa ng dalaga sa sarili. "Oh, you're right, mom," sang-ayon din naman ni Cassey na kinuha ang

    Last Updated : 2022-05-25
  • Into Your Arms Tonight    Chapter 152

    Laking bulalas ni Cassandra sa natuklasan sa anak at hindi pa man siya nakababawi ng pagkabigla nang pumasok ang ina na si Dolores habang puno ng luha ang mga mata. Agad siyang napalingon sa ina. "Bakit ka umiiyak, Inay?" usisa pa niya rito.Hindi naman siya masagot ng matanda dahil sa nagbabarang lalamuna sa labis na pag-iyak. Kumibot-kibot lamang ang bibig nito bago muling papalahaw muli ng iyak. Gayunpaman ay marahan itong lumapit sa kanila. Pagkatapos ay naupo sa katabing upuang kinauupuan ni Cassey. "Lola, what happened?" tanong din naman ng bata nang makaupo ang abuela sa tabi nito. Hinimas-himas pa ni Cassey gamit ang maliliit nitong mga palad ang likuran ni Dolores.Samantalang si Cassandra ay inabot ang tissue paper sa bedside table at inabot iyon sa ina. Naguguluhan man at maraming tanong ang tumatakbo sa isipan ng dalaga ay hinayaan na muna niyang kumalman ang ina bago ito usisain. Maging si Cassey ay hindi na rin umimik at hiniyaan lang na umiyak ang abuela.Ilang sa

    Last Updated : 2022-05-26
  • Into Your Arms Tonight    Chapter 153

    Subalit hindi pa man nagtatagal na nakalalabas si Cassey nang muling mapatingin sa nakapinid na pintuan sina Dolores at Cassandra sa biglaang pagpasok ng bata.Inakala ng dalaga na hindi nito natagpuan si Ian sa labas ng ospital kung kaya bumalik na lang ito sa kanilang silid.Ngunit nagulat na lamang ang dalawa nang makitang tahimik na lumuluha si Cassey.Hindi nila iyon napansin agad kanina nang pumasok ito dahil nakayuko ang bata at hindi sila matingnan ng diretso.Nahihinuha nilang mag-ina na may nangyaring hindi kaaya-aya sa bata nang lumabas ito.Iyon nga lamang ay hindi nila matukoy kung ano ang dahilan sapagkat saglit lamang itong nawala sa kanilang paningin."What's wrong, my love?" malamyos na usisa pa ni Cassandra sa anak at sumenyas dito na lumapit. "Come here to mommy."Tahimik din namang lumapit ang bata sa kaniya at naupo sa kama na kinahihigaan niya."Ano ang problema, apo?" tanong din ng abuela rito na pinunasan pa ng mga palad ang basang pisngi ng bata."Daddy hates

    Last Updated : 2022-05-27
  • Into Your Arms Tonight    Chapter 154

    MAKALIPAS ang ilang araw ay nabalitaan na lamang ni Cassandra kay Dr. Sanchez na nailabas na ang bangkay ni Manuel.Pareho pang nabigla ang mag-ina sapagkat simula nang magising si Cassandra pagkatapos niyang operahan ay hindi man lang nagpakita sa kaniya ang binata.Dahil sa ikinikilos nito kung kaya may hinala ang dalaga na may sama ito ng loob sa kanila sa pagkawala ng ama nito.Siguro nga'y kahit siya kung sakaling mawala ang ina ay maghahanap din siya ng masisisi kagaya na lamang ng ginawa nila nang mawala ang kaniyang Itay na si Albert.Imbes na tanggapin nila ang pagkakamali dahil na rin sa kagagawan ng kaniyang Itay ay ibinaling nila ng Inay ang sisi kay Manuel na gusto lamang pigilan ang ilegal na trabaho ng ama.Kung kaya ngayon ay hindi nila masisi si Ian kung sakaling sila ang sinisisi nito sa pagkawala ng ama."Hays!" malalim na napabuntong-hininga si Cassandra dahil animo naninikip ang dibdib niya.Nang makaalis si Dr. Sanchez pagkatapos siyang suriin at dalawa na lamang

    Last Updated : 2022-05-28

Latest chapter

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 201

    —One week laterNakapako sa kinatatayuan si Ian habang nakatunghay sa harapan ng gate kung saan nakatira si Cassandra. Lumipas na ang ilang minuto na nasa ganoong tagpo lamang siya na hindi magawang pindutin ang door bell na nasa harapan lang niya.Malalim siyang huminga upang alisin ang kaba sa dibdib. Sampung beses na nga yata niyang ginawa iyon subalit ayaw pa rin siyang lapitan ng lakas ng loob upang muling harapin ang iniwanang minamahal. “Damn it! Make up your mind, Ian Ramos!” kastigo niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Subalit hindi pa man niya lubos na nakokolekta ang sarili nang kuhanin ng isang boses sa kaniyang likuran ang kaniyang atensyon.“Excuse me po, may kailangan po ba kayo sa amin?” untag ng isang maliit na boses.Agad itong nilingon ni Ian upang magulat lamang nang makita sa harapan ang pamilyar na mukha datapwat iyon ang una nilang pagkikita—Si Rai, ang bunso niyang anak.Naestatwa ang binata habang matamang nakatingin sa batang nasa harapan na nakati

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 200

    Hindi makapaniwala si Cassey nang bumulagta sa kaniyang harapan si James habang pumupulandit ang masaganang dugo nito sa gitna ng noo kung saan tumama ang bala ng baril ni Benjamine. “Shit! What’s going on?” bulalas pa ng dalaga na muling ipinaling ang ulo sa harapan ng monitor screen kung saan naroroon pa rin ang ginang habang prenteng nakaupo sa sariling upuan. “You don’t have to concern yourself with him, Milady. This is our job and our life. If our master wants us dead, we willingly sacrifice ourselves unconditionally to the Rostchild family,” ang pahayag ni Benjamine habang pinupunasan ang kamay na hindi naman nabahiran ng dugo ng kasamahan. Nanginig ang mga mata ng dalaga sa ipinahayag nito at wala sa loob na bumulong, “You psycho.” Biglang humakhak nang malakas si Benjamine na animo isang biro ang sinabi niya. Narinig din niya ang palatak ng matanda habang marahang napapailing-iling.“You still have a lot to learn, child,” ang saad ni Donya Esmeralda bago binalingan ang lal

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 199

    “What the fuck!” Hindi naiwasan ni Cassey ang mapamura nang malakas sa isiniwalat ni Donya Esmeralda.Bagama’t may hinala siya una pa lang na may kailangan ito sa dalaga subalit wala sa hinagap niya na gusto siya nitong maging tagapagmana.“Are you kidding me?!” bulalas pa ng dalaga na hindi a rin makapaniwala.Gayunpaman ay walang makikitaang anumang ekspresyon ang mukha ng matanda na patuloy lamang na nakatingin sa kaniya na senyales na seryoso ito sa mga binitiwang salita. Makalipas nga lamang ang ilang segundo ay muli nang kumalma ang puso ni Cassey at mabilis niyang natakpan ang sariling bibig bago tumikhim. “Are... are you serious?” paninigurado pa niyang tanong sa matanda na marahan naman nitong tinanguan. “Why me?”“You have the potential to lead our family,” maikling tugon naman nito. Napalunok ng laway ang dalaga bago niya mariing naikuyom ang nanghihinang kamao. “You want me to lead your family but you tried to kill my own family,” matalim na protesta niya rito. Hindi

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 198

    “Who’s he?” ang tanong ni Cassey sa isipan habang hindi inilalayo ang paningin sa papalapit na bagong panauhin. Inihahanda niya ang sarili kung may bigla itong gawin sa kaniya kung kaya kahit nakakubabaw pa rin siya sa katunggaling si James ay hindi niya magawang ilayo ang paningin sa paarating. Limang hakbang na lang ang layo nito.Apat na hakbang. Hindi pa rin nawawala ang casual at prenteng ngiti nito sa labi. Tatlong hakbang. Inaanalisa ng dalaga ang bawat kumpas ng kamay nito. Dalawang hakbang. At tuluyan na ngang huminto sa kaniyang harapan ang lalaki. Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya habang malapad ang ngiting nakasilay sa mga labi, bagama’t malamig at nagbabadya ng panganib ang ibinubuga ng mga mata nito. Pagkaraan ay inilagay ng lalaki ang dalawang mga kamay sa sariling bulsa na animo sinasabi sa kaniyang wala itong gagawing kakaiba sa kaniya. Pagkatapos ay saka nito ibinuka ang mga bibig upang kausapin ang dalaga.“Can you let him go, Milady,” saad nitong baha

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 197

    “Sir Benjamin?” anas ng isang bantay habang nakatunghay sa bagong dating na lalaki.“Yeah, it is Sir Benjamin,” tatango-tango namang tugon ng katabi habang mataman ding nakatingin sa lalaki.“Ha? Why is Sir Benjamin here?” tanong naman ng isa pa nitong katabi.Pare-pareho lang ang bulung-bulungan ng mga naroon habang nakatingin sa bagong dating na lalaki bagama’t hindi nito pinagtuunan ng pansin ang mga ito.“What? Why this bastard here?” ang hindi makapaniwalang saad naman ni Ian sa isipan habang napaatras pa ng isang hakbang sa pagkabigla nang makita si Benjamin.Tandang-tanda pa ng binata pagkatapos mamatay ng ama ay ipinagpatuloy niya ang pag-iimbestiga sa Black Organization na nasa likod ng mga hindi magagandang nangyayari sa kaniyang pamilya.Nagkaroon sila ng clue ni Supt. De Guzman nang mahuli nito ng buhay ang isa sa mga leader ng grupo na dumukot kay Cassey at sa mga bata. Noong una ay iginigiit nito na mga child trafficker ang grupo na kinabibilangan nito subalit hindi siy

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 196

    “What... this crazy!” hindi makapaniwalang bulalas ng isang lalaki habang matamang nanonood sa dalawa.“Yeah, I can’t believe this too,” segunda naman ng katabi nito.“Well, is she really a normal girl?” singit din ng isa sa mas mahinang boses.“Yeah, I thought she’s just a kid who caught stealing here,” tatango-tangong sang-ayon naman ng isa pa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.“Hey, don’t underestimate her. Remember she’s the one who found me and buy me a gun,” sita naman ng firearm dealer na pinagbilhan ng dalaga sa back alley. “Yeah, you have a point, dude. And don’t forget that she killed our newbies,” sang-ayon naman ng isa na sumuri sa dalawang bantay na pinatay ng dalaga kanina.“But who really is she?” ang tanong ng unang nagsalitang lalaki na matamang nakatingin sa dalaga.“Who knows,” kibit-balikat na tugon naman ng mga kasamahan na itinuon na ang pansin sa dalawang naglalaban sa gitna. Of course, hindi iyon naririnig lahat ni Cassey sapagkat nakatuon ang pan

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 195

    Mabilis at walang pag-aalinlangang dinaluhan ni Cassey ang ama na walang magawa sa pagkakasakal ni James. Dahil sa taglay na lakas ng lalaki kung kaya hindi makapanlaban si Ian. Maliban pang hindi ito makapaniwala na kayang saktan ng katiwala na nagbabantay sa binata. Maging ang mga bodyguard na nakapalibot sa dalawa ay laking gulat din sa ginawa ng leader ng mga ito kung kaya nang biglang pumasok sa eksena ang dalaga ay hindi agad nakahuma ang mga ito. Agad na pumuwesto si Cassey sa likurang tagiliran ni James. Pagkatapos ay kumuha siya ng buwelo at malakas itong sinipa roon upang mapakawalan ang ama. Ngunit mabilis din ang kilos ni James na sinalag ang mga binti niya gamit ang isa nitong kamay na animo ba ay inaasahan na nito iyon.Saglit siyang natigilan sa ginawa nito ngunit hindi siya nawalan ng loob.Dahil hawak-hawak ng lalaki ang kanang binti ng dalaga kung kaya ginamit niya ang dalawang kamay at mabilis niyang inabot ang ulo nito. Balak ng dalaga na baliin ang leeg ni Jam

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 194

    “W-wha...” hindi na naituloy ng dalawang bantay ang gulat nang makita si Cassey dahil sa bilis ng galaw ng dalaga. Segundo lamang ang kinailangan niya nang baliin ang leeg ng isa habang malakas na sinipa sa mukha ang kasamahan nito. Bagama’t hindi napuruhan ang pangalawang lalaki ay na-out of balance naman ito dahil hindi inasahan ang pagtambang niya sa mga ito. Gayunpaman ay hindi nag-aksaya ng oras si Cassey at hindi niya hinayaang makahuma sa pagkabigla ang natitirang kalaban. Mabilis niyang dinaluhan ito at walang pag-aalinlangan na itinusok niya ang dalawang daliri sa gitna ng leeg nito.Nabutas niya ang malambot na bahagi ng katawang iyon ng lalaki at lumusot ang mga daliri ng dalaga. Nang hugutin niya iyon ay pumulandit pa ang masaganang dugo na mabilis niya namang iniwasan upang hindi siya madumihan.Nanlalaki ang mga mata ng lalaking nakatingin sa kaniya habang pinipigilan ang pag-agos ng sariling pulang likido.Hindi naman niya inalis ang paningin dito hanggang sa mawala

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 193

    Muling inalala ni Cassey ang mga sinabi ng ama kanina. “It’s all about your lola,” panimula ng binata.“Lola Dolores?” nagtatakang tanong pa niya.“No, hindi mo na siya naabutan, and even me, hindi ko na siya nakita pa. My biological mother, Kristina,” tugon naman nito.“Oh, alright.” Tango naman ni Cassey na pinakinggan na muna ang sasabihin ng ama bago ito gambalain.“First of all, do you still remember when you kidnapped? Then someone shot your monther on her shoulder.”“Yes.” Tipid na tango naman niya.“Hindi iyon ang unang nanganib ang buhay niya... and me...” Napalunok ng laway si Cassey sa antipisasyon ng susunod na sasabihin pa ng ama. “Noong una ay ang akala namin ay kagagawan iyon lahat ng kaibigan ng lolo mo, si Ismael Alarcon. But when your lolo died, I investigated all the possibilities, at napag-alaman ko na isang misteryosong lalaki ang nasa likod ng Black Organization na kinabibilangan ni Uncle Ismael,” mahabang turan ni Ian. Sinabi ng ama na ipinangako nitong aali

DMCA.com Protection Status