SA kabilang banda naman, nakuha ni Manuel ang atensyon ni Cassandra at Cassey nang pumasok ang matanda sa sala kung saan nakaupo ang dalawa. Agad pinunasan ni Cassandra ang tumulong luha sa kaniyang mga mata upang hindi mapansin ng matanda ang kaniyang pag-iyak. Subalit napansin pa rin iyon ni Manuel na nag-aalalang lumapit sa kanila. "Oh, ano'ng nangyari sa inyo, Hija?" walang kamalay-malay na tanong ng matanda habang sinusuri pa si Cassey na nakatingin din dito. "Ah, wala po, napuwing lang ako," pagkakaila naman ni Cassandra at nagkunwang nilamukos ang mga mata.Napakunot naman ang noo ni Manuel saka muling tiningnan ang apo. "Bakit pati si Cassey umiiyak din?" usisa muli nito. Napatingin din siya sa mukha ng anak na basa pa rin ng luha ang pisngi. Agad niyang pinunasan iyon gamit ang kaniyang mga palad at bahagyang tumawa upang ipaalam sa matanda na wala lang iyon."N-nahulog po kasi ang ice cream na hawak niya kay
Terakhir Diperbarui : 2022-04-16 Baca selengkapnya