SA kabilang banda naman, nakuha ni Manuel ang atensyon ni Cassandra at Cassey nang pumasok ang matanda sa sala kung saan nakaupo ang dalawa.
Agad pinunasan ni Cassandra ang tumulong luha sa kaniyang mga mata upang hindi mapansin ng matanda ang kaniyang pag-iyak. Subalit napansin pa rin iyon ni Manuel na nag-aalalang lumapit sa kanila.
"Oh, ano'ng nangyari sa inyo, Hija?" walang kamalay-malay na tanong ng matanda habang sinusuri pa si Cassey na nakatingin din dito.
"Ah, wala po, napuwing lang ako," pagkakaila naman ni Cassandra at nagkunwang nilamukos ang mga mata.
Napakunot naman ang noo ni Manuel saka muling tiningnan ang apo. "Bakit pati si Cassey umiiyak din?" usisa muli nito.
Napatingin din siya sa mukha ng anak na basa pa rin ng luha ang pisngi. Agad niyang pinunasan iyon gamit ang kaniyang mga palad at bahagyang tumawa upang ipaalam sa matanda na wala lang iyon.
"N-nahulog po kasi ang ice cream na hawak niya kay
INAKALA ni Manuel na tears of joy ang dahilan ng pagluha ni Cassandra ng mga sandaling iyon. Labis ang kasiyahan ng matanda sa isiping tanggap na ito ng dalaga.Ang hindi alam ni Manuel ay magkaiba sila ng kagustuhan ni Cassandra na sa kaibuturan ng kaniyang puso ay mas nanaisin niyang hindi niya ama ang kaharap dahil kapag nangyari iyon ay may pag-asa sila ni Ian at hindi isang kasalanan ang pagkakabuo sa kaniyang anak na si Cassey."Are you alright, Hija?" nag-aalalang tanong pa ni Manuel sa dalaga na hinimas-himas ang likuran niya.Hindi naman siya makatugon dahil sa nagbabara sa kaniyang lalamunan dahil sa labis na pag-iyak. Sa halip ay tinanguan lamang niya ang matanda upang hindi na ito mag-alala pa sa kaniya.Makalipas ang ilang sandali ay nahimasmasan na rin si Cassandra at mabilis na pinunasan ang luha na sumaboy sa kaniyang pisngi."Pasensya na po," saad pa niya sa matanda na agad namang naintindihan nito.&nb
SA pakiwari ni Cassandra ay huminto ang kaniyang mundo sa sinabi ng ina. Hindi niya malaman kung papasubalian ang sinabi nito o aaminin na lamang ang totoo.Ilang beses na napalunok ng laway ang dalaga bago ibinuka ang bibig. "Si Ian po ba ang nagsabi sa iyo?"Umiling ang matanda sa tanong niya. "Narinig ko kayong nag-uusap ni Cassey. Bakit hindi mo sinabi sa akin agad, Cassandra? Bakit kailangan mong ilihim ang katotohanang ang kapatid mo ang nakabuntis sa iyo?" usig pa nito na hindi niya magawang labanan.Napayuko si Cassandra at hindi magawang tingnan ang ina. "Patawarin mo ako, Inay. Hindi ko rin po alam na si Ian ang stepson mo noon. Nalaman lang namin ang totoo noong dumating kami rito," paliwanag ni Cassandra at ipinagtapat sa ina ang mga nangyari sa kanila ni Ian simula nang una silang magkita sa Club Mari hanggang sa muli nilang pagkikita sa Ramson Electronic Company na pagmamay-ari ng binata.
LABIS ang pangambang nadarama ni Cassandra nang mapagtanto na nawawala sa kanilang bahay ang anak na si Cassey. Bagama't naalala niyang nakita niya itong nakatayo kanina hindi kalayuan sa kanila ay naisip niyang sumunod ito kina Ian at sa ama nito. Subalit ngayong hinahanap na niya ang bata ay hindi naman na niya makita kahit ang anino nito.Kanina, makalipas ang ilang minutong pag-uusap nila ng kaniyang ina na si Dolores ay naisipan na ng dalawa na pumasok sa loob ng kabahayan. Sa likod-bahay sila dumaan patungong kusina sapagkat nakita nila sa bintana ang mag-ama na nasa sala ng mga sandaling iyon. Upang hindi nila maistorbo ang mga ito at dahil na rin sa awkwardness na kanilang nararamdaman kung haharapin nila ang mga ito kung kaya umiwas na muna ang mag-ina sa dalawa. Bukod pang siguradong uusisain ni Manuel si Dolores at hindi alam ng matanda kung ano ang ipaliliwanag nito rito.Gayunpaman, bago sila maghiwalay ni Dolores ay pinilit niyang mangako ito na hin
MAHINAHON ang bawat hakbang ni Ian habang hawak niya sa kanang kamay si Cassandra. Ramdam pa ng binata ang panginginig ng dalaga dahil sa hindi maitagong kaba at pag-aalala sa nawawalang anak.Nauunawaan ni Ian ang ipinagkakaganoon ni Cassandra sapagkat ina ito. Iyon din ang dahilan kung kaya hindi niya masabi rito na huwag itong mag-alala sa anak dahil hindi rin naman ito makikinig at daragdagan lang niya ang suliranin ng dalaga.Bumuntong-hininga si Ian saka binilisan ang mga hakbang. Hindi rin naman nagmabagal si Cassandra na patuloy na nililingon ang bawat dinaraanan nila at nagbabaka-sakaling matanawan si Cassey.Makalipas ang ilang sandali ay nagpasya si Ian na tawagan ang ama na nasa kabilang direksyon nila."Hello, Hijo," bungad ni Manuel nang sagutin nito ang kaniyang tawag."Hello, Dad, kumusta kayo dyan?" agad na usisa naman niya rito."Hindi pa rin namin siya makita, Hijo. How about you two there?" tugon naman nito.
NAG-IGTING ang panga ni Ian sa pambabalewala sa kaniya ng pulis. Muli niya itong nilapitan at malakas na sinuntok ang lamesa nito upang kuhanin ang atensyon ng aroganteng alagad ng batas."Hey, what kind of service is this? I told you, we need your help, damn it!" galit na saad niya rito at matapang itong tinitigan.Ilang segundong nakipagsukatan ng tingin sa kaniya ang lalaki bago nito kusang ibinaba ang paningin. Marahil ay naiisip pa rin nito ang serbisyo at tungkulin nito sa mga kagaya nilang sibilyan.Muling tumayo ang lalaki at hinarap ang binata. "Sir, sinabi ko rin ho na pumila kayo sa front desk dahil may proseso po tayong sinusunod dito sa presinto," paliwanag nito sa magalang na paraan bagama't halata sa boses na nagpipigil lamang.Huminga nang malalim si Ian at nasapo ang batok upang hindi tumaas ang dugo sa kaharap. Pagkatapos ay inilibot ang paningin sa buong presinto. Naghahanap siya ng isang pulis na hindi abala sa gawain, mas
"What do you mean, Cass?" muling usisa ni Ian sa dalaga pagkatapos nilang makaupo sa isang sulok ng presinto.Dahil pinagtitinginan na ang dalawa sa loob kung kaya nagpasya ang binata na maupo na muna na malayo sa mga mata ng mga tumitingin sa kanila upang makiusyoso. Mabuti na nga lamang na malaki ang gusali na kinaroroonan nila kung kaya may bahaging hindi masyadong dinaraanan ng tao.Sa dulo ng hallway ng presinto pumuwesto ang dalawa. May waiting chair doon na maaari nilang maupuan. Bagama't nagtataka siyang hindi sila pinigilan ng mga pulis na naroon dahil mukhang off limit ang kinaroroonan nila ngayon.Bumuntong-hininga si Ian dahil hindi iyon ang una niyang dapat isipin kung hindi ang ipinahayag ni Cassandra kanina sa kaniya. Gusto niyang malaman kung ano ang sinasabi nitong lihim kaya may hinala ang dalaga kung bakit nawawala ang anak nitong si Cassey.Gayunpaman, kahit ilang beses na niyang inusisa ito ay hindi pa rin niya
"Yeah, I knew it," ang mahinahong tugon ni Ian kay Cassandra.Muling bumaling sa kaniyang harapan si Ian kung saan tanging puting dingding lamang ng presinto ang kaniyang nasisilayan. Wala naman talaga siyang partikular na tinitingnan sa bahaging iyon, sa makatuwid pa nga ay animo sa kawalan siya nakatingin.Maging ang isipan ng binata ay blangko at wala siyang ibang maisip. Laking sorpresa nga dahil mahinahon pa rin siya kahit nalaman na niya ang totoo mula sa bibig mismo ng dalaga. Noong una ay inakala niyang makararamdam siya ng galit o hindi kaya ay susumbatan niya si Cassandra kung bakit ngayon lang nito sinabi sa kaniya ang lahat? Subalit sa sandaling iyon ay kapayapaan lamang ang tanging nararamdaman niya na sa wari ba ay kalmado muna ang panahon bago dumating ang bagyo upang liparin sila.Pagkalipas ng ilang sandali ay malalim na bumuntong-hininga si Ian. Pagkatapos ay muli siyang bumaling ng tingin sa dalaga na sa ngayon ay nakayukong
Ginanyak sina Ian at Cassandra ng dalawang pulis patungong monitoring room ng presinto na kinaroroonan nila ngayon. Habang tahimik silang nakasunod sa mga ito ay napansin niya ang mga pulis na naroroon na pawang hindi makatingin sa kanilang mga mata. Maging ang lalaking pinagtanungan nila kanina ay nakayuko nang maparaan sila sa gawi nito.Bahagyang napangisi si Ian sa inaakto ng mga ito ngayon dahil sa ginawa sa kanila kanina."Hmp! Serves you right," aniya pa ng binata bago natuloy-tuloy na sa pagsunod sa dalawang matandang nasa unahan.Pagpasok nila sa loob ng monitoring room ay tumambad sa kanilang mga mata ang maraming screen ng iba't ibang CCTV na nakakalat sa buong lugar ng Quezon City.Ilang sandali silang nakatingin lamang sa mga sasakyan at tao sa screen na paroo't parito at pawang mga abala sa kaniya-kaniyang ginagawa. Pagkatapos niyon ay kinuha ang atensyon nila ng kaibigang pulis ni Supt. De Guzman na nagpakilala kanina sa k
—One week laterNakapako sa kinatatayuan si Ian habang nakatunghay sa harapan ng gate kung saan nakatira si Cassandra. Lumipas na ang ilang minuto na nasa ganoong tagpo lamang siya na hindi magawang pindutin ang door bell na nasa harapan lang niya.Malalim siyang huminga upang alisin ang kaba sa dibdib. Sampung beses na nga yata niyang ginawa iyon subalit ayaw pa rin siyang lapitan ng lakas ng loob upang muling harapin ang iniwanang minamahal. “Damn it! Make up your mind, Ian Ramos!” kastigo niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Subalit hindi pa man niya lubos na nakokolekta ang sarili nang kuhanin ng isang boses sa kaniyang likuran ang kaniyang atensyon.“Excuse me po, may kailangan po ba kayo sa amin?” untag ng isang maliit na boses.Agad itong nilingon ni Ian upang magulat lamang nang makita sa harapan ang pamilyar na mukha datapwat iyon ang una nilang pagkikita—Si Rai, ang bunso niyang anak.Naestatwa ang binata habang matamang nakatingin sa batang nasa harapan na nakati
Hindi makapaniwala si Cassey nang bumulagta sa kaniyang harapan si James habang pumupulandit ang masaganang dugo nito sa gitna ng noo kung saan tumama ang bala ng baril ni Benjamine. “Shit! What’s going on?” bulalas pa ng dalaga na muling ipinaling ang ulo sa harapan ng monitor screen kung saan naroroon pa rin ang ginang habang prenteng nakaupo sa sariling upuan. “You don’t have to concern yourself with him, Milady. This is our job and our life. If our master wants us dead, we willingly sacrifice ourselves unconditionally to the Rostchild family,” ang pahayag ni Benjamine habang pinupunasan ang kamay na hindi naman nabahiran ng dugo ng kasamahan. Nanginig ang mga mata ng dalaga sa ipinahayag nito at wala sa loob na bumulong, “You psycho.” Biglang humakhak nang malakas si Benjamine na animo isang biro ang sinabi niya. Narinig din niya ang palatak ng matanda habang marahang napapailing-iling.“You still have a lot to learn, child,” ang saad ni Donya Esmeralda bago binalingan ang lal
“What the fuck!” Hindi naiwasan ni Cassey ang mapamura nang malakas sa isiniwalat ni Donya Esmeralda.Bagama’t may hinala siya una pa lang na may kailangan ito sa dalaga subalit wala sa hinagap niya na gusto siya nitong maging tagapagmana.“Are you kidding me?!” bulalas pa ng dalaga na hindi a rin makapaniwala.Gayunpaman ay walang makikitaang anumang ekspresyon ang mukha ng matanda na patuloy lamang na nakatingin sa kaniya na senyales na seryoso ito sa mga binitiwang salita. Makalipas nga lamang ang ilang segundo ay muli nang kumalma ang puso ni Cassey at mabilis niyang natakpan ang sariling bibig bago tumikhim. “Are... are you serious?” paninigurado pa niyang tanong sa matanda na marahan naman nitong tinanguan. “Why me?”“You have the potential to lead our family,” maikling tugon naman nito. Napalunok ng laway ang dalaga bago niya mariing naikuyom ang nanghihinang kamao. “You want me to lead your family but you tried to kill my own family,” matalim na protesta niya rito. Hindi
“Who’s he?” ang tanong ni Cassey sa isipan habang hindi inilalayo ang paningin sa papalapit na bagong panauhin. Inihahanda niya ang sarili kung may bigla itong gawin sa kaniya kung kaya kahit nakakubabaw pa rin siya sa katunggaling si James ay hindi niya magawang ilayo ang paningin sa paarating. Limang hakbang na lang ang layo nito.Apat na hakbang. Hindi pa rin nawawala ang casual at prenteng ngiti nito sa labi. Tatlong hakbang. Inaanalisa ng dalaga ang bawat kumpas ng kamay nito. Dalawang hakbang. At tuluyan na ngang huminto sa kaniyang harapan ang lalaki. Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya habang malapad ang ngiting nakasilay sa mga labi, bagama’t malamig at nagbabadya ng panganib ang ibinubuga ng mga mata nito. Pagkaraan ay inilagay ng lalaki ang dalawang mga kamay sa sariling bulsa na animo sinasabi sa kaniyang wala itong gagawing kakaiba sa kaniya. Pagkatapos ay saka nito ibinuka ang mga bibig upang kausapin ang dalaga.“Can you let him go, Milady,” saad nitong baha
“Sir Benjamin?” anas ng isang bantay habang nakatunghay sa bagong dating na lalaki.“Yeah, it is Sir Benjamin,” tatango-tango namang tugon ng katabi habang mataman ding nakatingin sa lalaki.“Ha? Why is Sir Benjamin here?” tanong naman ng isa pa nitong katabi.Pare-pareho lang ang bulung-bulungan ng mga naroon habang nakatingin sa bagong dating na lalaki bagama’t hindi nito pinagtuunan ng pansin ang mga ito.“What? Why this bastard here?” ang hindi makapaniwalang saad naman ni Ian sa isipan habang napaatras pa ng isang hakbang sa pagkabigla nang makita si Benjamin.Tandang-tanda pa ng binata pagkatapos mamatay ng ama ay ipinagpatuloy niya ang pag-iimbestiga sa Black Organization na nasa likod ng mga hindi magagandang nangyayari sa kaniyang pamilya.Nagkaroon sila ng clue ni Supt. De Guzman nang mahuli nito ng buhay ang isa sa mga leader ng grupo na dumukot kay Cassey at sa mga bata. Noong una ay iginigiit nito na mga child trafficker ang grupo na kinabibilangan nito subalit hindi siy
“What... this crazy!” hindi makapaniwalang bulalas ng isang lalaki habang matamang nanonood sa dalawa.“Yeah, I can’t believe this too,” segunda naman ng katabi nito.“Well, is she really a normal girl?” singit din ng isa sa mas mahinang boses.“Yeah, I thought she’s just a kid who caught stealing here,” tatango-tangong sang-ayon naman ng isa pa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.“Hey, don’t underestimate her. Remember she’s the one who found me and buy me a gun,” sita naman ng firearm dealer na pinagbilhan ng dalaga sa back alley. “Yeah, you have a point, dude. And don’t forget that she killed our newbies,” sang-ayon naman ng isa na sumuri sa dalawang bantay na pinatay ng dalaga kanina.“But who really is she?” ang tanong ng unang nagsalitang lalaki na matamang nakatingin sa dalaga.“Who knows,” kibit-balikat na tugon naman ng mga kasamahan na itinuon na ang pansin sa dalawang naglalaban sa gitna. Of course, hindi iyon naririnig lahat ni Cassey sapagkat nakatuon ang pan
Mabilis at walang pag-aalinlangang dinaluhan ni Cassey ang ama na walang magawa sa pagkakasakal ni James. Dahil sa taglay na lakas ng lalaki kung kaya hindi makapanlaban si Ian. Maliban pang hindi ito makapaniwala na kayang saktan ng katiwala na nagbabantay sa binata. Maging ang mga bodyguard na nakapalibot sa dalawa ay laking gulat din sa ginawa ng leader ng mga ito kung kaya nang biglang pumasok sa eksena ang dalaga ay hindi agad nakahuma ang mga ito. Agad na pumuwesto si Cassey sa likurang tagiliran ni James. Pagkatapos ay kumuha siya ng buwelo at malakas itong sinipa roon upang mapakawalan ang ama. Ngunit mabilis din ang kilos ni James na sinalag ang mga binti niya gamit ang isa nitong kamay na animo ba ay inaasahan na nito iyon.Saglit siyang natigilan sa ginawa nito ngunit hindi siya nawalan ng loob.Dahil hawak-hawak ng lalaki ang kanang binti ng dalaga kung kaya ginamit niya ang dalawang kamay at mabilis niyang inabot ang ulo nito. Balak ng dalaga na baliin ang leeg ni Jam
“W-wha...” hindi na naituloy ng dalawang bantay ang gulat nang makita si Cassey dahil sa bilis ng galaw ng dalaga. Segundo lamang ang kinailangan niya nang baliin ang leeg ng isa habang malakas na sinipa sa mukha ang kasamahan nito. Bagama’t hindi napuruhan ang pangalawang lalaki ay na-out of balance naman ito dahil hindi inasahan ang pagtambang niya sa mga ito. Gayunpaman ay hindi nag-aksaya ng oras si Cassey at hindi niya hinayaang makahuma sa pagkabigla ang natitirang kalaban. Mabilis niyang dinaluhan ito at walang pag-aalinlangan na itinusok niya ang dalawang daliri sa gitna ng leeg nito.Nabutas niya ang malambot na bahagi ng katawang iyon ng lalaki at lumusot ang mga daliri ng dalaga. Nang hugutin niya iyon ay pumulandit pa ang masaganang dugo na mabilis niya namang iniwasan upang hindi siya madumihan.Nanlalaki ang mga mata ng lalaking nakatingin sa kaniya habang pinipigilan ang pag-agos ng sariling pulang likido.Hindi naman niya inalis ang paningin dito hanggang sa mawala
Muling inalala ni Cassey ang mga sinabi ng ama kanina. “It’s all about your lola,” panimula ng binata.“Lola Dolores?” nagtatakang tanong pa niya.“No, hindi mo na siya naabutan, and even me, hindi ko na siya nakita pa. My biological mother, Kristina,” tugon naman nito.“Oh, alright.” Tango naman ni Cassey na pinakinggan na muna ang sasabihin ng ama bago ito gambalain.“First of all, do you still remember when you kidnapped? Then someone shot your monther on her shoulder.”“Yes.” Tipid na tango naman niya.“Hindi iyon ang unang nanganib ang buhay niya... and me...” Napalunok ng laway si Cassey sa antipisasyon ng susunod na sasabihin pa ng ama. “Noong una ay ang akala namin ay kagagawan iyon lahat ng kaibigan ng lolo mo, si Ismael Alarcon. But when your lolo died, I investigated all the possibilities, at napag-alaman ko na isang misteryosong lalaki ang nasa likod ng Black Organization na kinabibilangan ni Uncle Ismael,” mahabang turan ni Ian. Sinabi ng ama na ipinangako nitong aali