MAGKATABI ang dalawa sa mahabang sofa sa sala nina Cassandra. Ilang minuto na silang nakaupo lamang doon at walang imikan sa isa’t isa, gaputok man lang. Samantalang ang kanilang mga magulang na sina Manuel at Dolores ay animo walang alam sa tumatakbo sa kanilang mga isipan na masaya pang sa wakas ay nagkita na ang magkapatid. Sa pakiwari din ni Cassandra ng mga sandaling iyon ay huminto ang pagtakbo ng utak niya sa mga natuklasan—at alam niyang ganoon din si Ian na doble pa ang nasa isipan ngayon dahil sa nalamang may anak na ang dalaga. “Mabuti naman, Anak, at nakauwi ka na. Sobra ang aking pag-aalala na hindi na kita matawagan sa cellphone mo,” kapagdakan ay saad ni Dolores na bahagya pang tumulo ang luha bagama’t mabilis din namang pinunasan. “S-sorry, Inay, naiwala ko po kasi ang cellphone ko,” ang mahinang tugon naman ng dalaga rito. Bahagya pang yumuko si Cassandra upang hindi makita
Huling Na-update : 2022-04-05 Magbasa pa