Home / Romance / Into Your Arms Tonight / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of Into Your Arms Tonight : Chapter 91 - Chapter 100

201 Chapters

Chapter 91: Shadow of Trauma

ANIMO hindi humihinga si Cassandra habang nakatutok lamang ang mga mata sa binatang nasa harapan. Maging nang tuluyan itong lumapit sa dalaga at inabot ang kaniyang katawan ay wala siyang nagawa kung hindi ang paunlakan ito. Hindi niya maitatangging kaytagal niyang pinanabikan ang bawat halik at haplos ni Ian sa buo niyang katawan.“I-Ian, should I make you happy too?” nahihiyang mungkahi pa niya sa binata pagkatapos nitong laruin ang kaniyang hangganan. Narinig pa niyang tumawa ang binata saka pinunasan ang lumabas na katas ng dalaga sa bibig nito. Pinamulahan siya ng mukha at mabilis na lumayo ng tingin dito. “I-if you don’t want...” anas pa niyang mabilis na tinakpan ang mukha sa labis na kahihiyan. “That’s not because I don’t want to, darling,” palatak ni Ian habang nakangisi sa kaniya. Pagkatapos ay inalis nito ang mga kamay na nakaharang sa kaniyang mukha at ginawar
last updateLast Updated : 2022-03-21
Read more

Chapter 92: To The Basement

SAMANTALA, sa silid na inokupahan ni Cassandra at Ian ay naalimpungatan ang binata nang marinig ang sigaw ng dalaga. “Ugh!” daing pa niya at nasapo ang bahagyang kumikirot na sintido. Bagama’t nakapikit pa rin ng mga sandaling iyon.Dahil sa pangamba nang mabalitaan niya ang pagkakadukot ni Cassandra kung kaya wala pa siyang pahinga man lang. Sa makatuwid ay ngayon lamang niya nagawang makatulog nang mahimbing ng masiguradong ligtas na sa panganib ang minamahal. Labis ang pangamba ni Ian nang makarating sila sa lokasyong ibinigay ni Cassandra noong ito ay tumawag sa kaniya dahil sa sagupaang dinatnan nila. Subalit nang sa wakas ay mailigtas na niya ito ay animo nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Nang tumalon ang dalaga mula sa puno ng mangga at kaniyang saluhin ay mabilis niya itong ikinulong sa kaniyang mga bisig. Hindi niya rin napigilang hagkan ito dahil sa pangungilila niya sa minamahal. Nang mga sandal
last updateLast Updated : 2022-03-22
Read more

Chapter 93

NAPALUNOK pa ng laway si Ian nang simulang ihakbang ang mga paa papasok sa loob ng basement. Hapon na ng mga sandaling iyon bagama’t maliwanag pa rin ang kapaligiran. Subalit nang makapasok sila sa loob ay bigla silang nilamon ng kadiliman dahil walang liwanag ang nakakapasok man lang. Wala rin siyang makitang bintana na animo nasa ilalim ng lupa ang kanilang kinaroroonan.“Wait, Hijo,” ani Manong Rene at ilang sandali nga lamang ay umilaw na ang kaisa-isang bombilya na nakakabit sa kisame. Subalit dahil sa tagal na panahon nang hindi nagagamit iyon kung kaya naging dim light lang ito at kukurap-kurap pa. Gayunpaman ay sapat na iyon upang makita niya ang loob. Inilibot ni Ian ang paningin. Nakita niya ang iba’t ibang koleksyon ng ama kagaya na lamang ng mga antique na figurine at ilang piraso ng gold ingot. Subalit ang talagang nagpakuha ng kaniyang atensyon ay ang mga nakasabit sa dingding na larawan ng isang babae. 
last updateLast Updated : 2022-03-23
Read more

Chapter 94

HINDI na namalayan ni Ian na nakaidlip na pala siya sa kinauupuan. Nagising lamang siya nang tamaan ng liwanag na nagmumula sa haring araw ang kaniyang mukha. Agad pa siyang napatayo dahil sa pagkabigla at nagpalinga-linga sa paligid. Nakita niya ang limang tauhan na ipinadala ng ama kagabi na patuloy pa ring nagbabantay sa labas ng kanilang resthouse.Napahinga siya nang maluwag na walang nangyaring kakaiba habang wala siyang malay. Pagkatapos ay sinipat niya ang relo na pambisig, alas-sais y media na ng umaga ng mga sandaling iyon. Hindi niya akalaing nakatulog siya ng mahabang oras nang hindi niya namamalayan. “Arck!” impit pa ng binata nang iinat ang mga kasu-kasuan dahil sa paninigas nito sa mahabang pagkakaupo niya roon. Pagkaraan nga niyon ay mabilis na siyang umakyat sa second floor upang suriin ang natutulog na dalaga. Subalit nang pagbukas niya ng pintuan ay nabungaran niya itong gising na habang nakaupo at nakasandal sa headboa
last updateLast Updated : 2022-03-24
Read more

Chapter 95: Entrapment

TAHIMIK lang ang dalawa habang kumakain ng gabing iyon. Nang pagpasok nila sa kusina kanina ay nabungaran nila ang iba’t ibang putahe ng pagkain na nakalatag lamang sa lamesa. Marahil ay pagkain iyon ng mga tauhan sa labas na nagbabantay sa buong kabahayan. Napansin pa ni Ian ang mga pagkain sa plato na hindi natapos kainin ng kung sino man. Isang malaking misteryo sa kaniya kung ano ang tunay na nangyari sa mga ito na hindi na nagawa pang tapusin ang kinakain?Nangalumbaba si Ian at malalim ang iniisip habang nginunguya ang pagkain sa bibig. “What’s going on here?” pipi pa niyang saad sa sarili.“Ian, may problema ba?” untag naman sa kaniya ni Cassandra nang mapansin ang pangamba sa kaniyang mukha.  Nagdadalawang-isip si Ian na ibahagi sa dalaga ang pangamba. Subalit mas maiging ipaalam na niya rito ang nakaambang panganib sa kanilang buhay upang makapaghanda rin ito. Mas better din na pareho silang ma
last updateLast Updated : 2022-03-25
Read more

Chapter 96

MABILIS ang mga hakbang ni Ian patungo sa direksyon ng silid ng dalawang matanda. Halos takbuhin na nga niya ito makarating lang doon. “Follow me!” tawag pa niya sa doktor na may buhat pa rin kay Raid samantalang siya ay si Cassandra. Pagdating nila sa harapan ng silid ay malakas niyang sinipa ang pintuan. Hindi naman ito naka-lock kung kaya madaling nabuksan. Agad siyang pumasok sa loob at nagpalinga-linga sa buong paligid. Hinahanap ang hidden door na sinasabi ni Manang Bell na lagusan patungong basement. Subalit wala siyang makitang pintuan doon kahit maliit man lang. “Sir, what are we going here?” nagtatakang tanong naman sa kaniya ng doktor na nakasunod sa kaniya. Humihingal pa ito habang buhat-buhat sa likuran ang detective.Halos ramdam na ramdam nila ang init ng apoy sa labas sa bahaging iyon ng kabahayan. Narinig pa nila ang pagbagsak ng isang haligi sa may living room na tinupok ng apoy. &ld
last updateLast Updated : 2022-03-26
Read more

Chapter 97: Rivalry Instinct

MABILIS na tumakbo si Ian patungo sa direksyon kung saan nanggaling ang tinig ni Cassandra. Ang lakas pa ng kabog ng dibdib ng binata habang pinapanalangin na sana’y walang nangyaring masama sa mga ito, lalong-lalo na sa minamahal.Nang makarating siya basement ay agad din naman niyang nabungaran ang nakasalampak sa sahig na dalaga habang bakas sa mukha nito ang takot at pagkasindak. Nanginginig din ang buo nitong katawan habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa harapan nito—sa bahaging may nakahandusay na katawan habang inaagusan ng dugo. Dumako ang mga mata ni Ian sa tinitingnan ng dalaga at malakas na lamang siyang napamura nang makilala ang nakahandusay na lalaki na walang iba kung hindi ang doktor na kasama nila.Agad niyang nilapitan ang doktor at sinuri ito. Dahil sa nangyaring pagsabog kanina ng tangke ng LPG kung kaya yumanig ang buong kabahayan, at hindi niyon pinalampas ang basement kung saan sila naroroon ngayon. Ba
last updateLast Updated : 2022-03-27
Read more

Chapter 98

NANG tuluyang buksan ni Raid ang pintuan ng secret vault at tahimik na lumabas doon ay napalunok na lang ng laway si Ian sa tensyong nararamdaman. Mahigpit pang magkasalikop ang mga palad nila ni Cassandra habang hinihintay ang binata.Sa kabilang banda naman, nang makalabas si Raid ay sinalubong ito ng malamig na hangin. Medyo madilim na sa bahaging iyon ng kinaroroonan nila at wala namang nakikitang kalaban ang binata. Muling pumihit si Raid pabalik sa vaul upang tawagin na ang dalawa. “You can come out...” natigilan ang binata nang makarinig nang kaluskos hindi kalayuan sa gawi nila. Agad na nagtago ang binata sa mga halaman dahil katabi lamang niyon ang mini garden ni Manang Bell. “Do we still need to burn this back?” narinig pa ng binata ang tinig ng isa.“Well, that’s the boss’s order,” kibit-balikat na tugon naman ng kasamahan. Tahimik lamang si detective na nagta
last updateLast Updated : 2022-03-28
Read more

Chapter 99

SA pakiwari ni Ian ay hindi siya humihinga ng mga sandaling iyon habang pinakikinggan ang usapan ng mga lalaki, lalo na ng marinig niya ang pangalan ng kaniyang ama na si Manuel. Mariin pa niyang naikuyom ang mga kamao sa matinding galit na nararamdaman.“Ouch!” daing ni Cassandra nang hindi niya namalayan na nahigpitan na pala niya ang pagkakahawak sa kamay nito. “Oh, sorry, Cass,” agad niyang paumanhin dito at binitiwan ang mga kamay ng dalaga. “It’s alright, just calm down, okay?” mahinahong tugon naman ng dalaga at nginitian pa siya. Ipinatong nito ang nasaktang kamay sa kaniyang balikat upang bigyan siya ng lakas sa mga suliraning kaniyang kunahaharap.Huminga nang malalim si Ian bago ginantihan ng ngiti ang dalaga. Tama ito, sa sandaling iyon ay kinakailangan niyang huminahon at maging malamig ang ulo upang makapag-isip. “Yeah, thank you so much,” pasalamat niya kay Cassa
last updateLast Updated : 2022-03-29
Read more

Chapter 100: Bromance

BIGLANG inakbayan na animo sinasakal ni Ian si Raid saka hinila ito palayo kay Cassandra. Nagulat naman ang binata at lumingon pang muli sa dalaga habang nagtatanong ang mga mata sa kung ano ang nangyayari kay Ian?“Hoy, saan kayo pupunta?” tawag naman ng dalaga bagama’t pabulong lang iyon upang hindi sila marinig ng mga lalaki na hindi rin naman kalayuan sa kanila. “I don’t know,” bulong na tugon din naman ni Raid at binalak lumayo sa kaniya subalit mahigpit ang pagkakakapit ni Ian sa binata. Nakasunod naman si Cassandra sa kanila subalit sumenyas siya rito na huwag susunod dahil may pag-uusapan silang importante ni Raid. “Just stay there, Cass. And please hide well,” habilin pa niya rito. Nakabusangot ang mukhang tumango na lamang ito sa sinabi niya. Halatang hindi masaya ang dalaga sa pang-iiwan nila rito. Gayunpaman, kahit naguguluhan ay huminto ito at sinundan na lamang si
last updateLast Updated : 2022-03-30
Read more
PREV
1
...
89101112
...
21
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status