NAISIP ni Joshua, kung hindi niya mapapatay ngayon ang dalaga, bakit hindi niya muna paglaruan ito sa paraang gusto niya? Bagama’t ang pinaka-goal talaga ng binata ay ang maakit ito at maangkin, subalit mas masisiyahan siya kung bumigay ito sa paraang hindi niya pinipilit at hindi gumagamit ng dahas. Nakikini-kinita na niya ang magiging ekspresyon ni Ian kapag nalaman nitong niloko ng babaeng muling pinagkatiwalaan. “Ilang buwan ka na bang nagbabakasyon dito?” kapagdakan ay tanong niya sa dalaga kahit na alam niyang ilang araw pa lang itong nagbabakasyon doon, base na rin sa report sa kaniya ni Carlos. “Three days pa lang kaya ako dito,” tugon din naman nito.“Si Ian ang nagdala sa ‘yo rito?” muling usisa niya. “Yeah,” anito.“Then, why he isn’t here?” aniya pa. Naghahanap siya ng dahilan upang pagdudahan nito ang kaibigan at up
Last Updated : 2022-02-27 Read more