NANG tuluyang makalapit si Joshua sa dalaga ay kinuha niya ang maleta nito at inilagay sa likuran ng kaniyang sasakyan. Pagkatapos ay pinagbuksan pa niya ang dalaga ng pintuan sa passenger seat at doon niya ito pinaupo.
“We can rest in the middle of the road kapag pagod ka na,” kapagdakan ay suhestyon nito noong ikinakabit na niya ang sariling seatbelt.
Matamis siyang ngumiti rito saka pinaandar ang sasakyan. “It’s alright, I can manage,” ang tipid niyang tugon.
Ang hindi alam ni Cassandra ay saglit lamang ang biyahe nila at ilang oras lamang ang tatakbuhin sapagkat hindi naman kalayuan ang Tarlac sa kinaroroonan nila ngayon. Of course hindi rin niya ipinaalam sa dalaga na hindi talaga sila uuwi ng Manila sa mga sandaling iyon at sa halip ay dadalhin niya ito sa hideout niya.
Ilang sandali ang lumipas ay binabagtas na ng dalawa ang daan palabas ng Pampanga. Wala rin silang imikan ng dalaga bagaman at paminsa
ILANG sandaling natigilan si Joshua nang maalala ang kaniyang nakaraan. Nang maramdaman niya ang pagbaba ng sasakyan at paglapit ni Cassandra sa kaniyang tabi ay saka pa lamang siya nagbalik sa kasalukuyan.“Let’s go,” kapagdakan ay ganyak niya sa dalaga at nagpatiuna na rito sa paglalakad.Nang malapit na siya sa bodega ay nagmamadaling lumabas ang dalawang tauhan niyang si Noli at Gabo. Ito ang namamahalang maglinis ng hideout niya roon na madalas ay ginagamit din naman ng mga ito kapag may natitipuhang babae. Dinadala ng mga ito iyon sa hideout at doon pinagsasamantalahan hanggang sa mamatay.Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bodega. Ilang tao na rin ang namatay sa gusali na iyon na kung sakaling may magmumulto roon ay hindi na siya magugulat pa.Maliban pang sa likuran niyon ay may malaking hukay kung saan inililibing ng dalawang tauhan ang bangkay ng mga biktima na halos karamihan ay mga babae.Gayunp
NANG masabi na ni Joshua kay Ian ang mga kondisyones niya rito ay agad na niyang pinutol ang tawag. Bagama’t binanggit niya rito na unang pakawalan si Carlos na spy ng kaniyang ama ay umaasa siyang hindi sundin ni Ian.Subalit kalahati ng kaniyang isipan ay gusto rin niyang makawala ang lalaki at makita sa mukha nito ang pag-asa na makaliligtas sa kamay ng mga Ramos. Maliban pang sigurado si Joshua na sa kaniya ito tutungo upang humingi ng tulong sa kaligtasan ng sarili nitong buhay. Ngunit malalaman lamang nitong siya pala mismo ang kikitil dito.“Ahh, I want to see his hope and despair,” bulong pa ni Joshua sa sarili habang nakikini-kinita sa isip ang itsura ni Carlos.Pagkaraan ng ilang sandali ay muli siyang nag-dial sa kaniyang cellphone. Mabilis din namang sumagot ang sa kabilang linya.“Hello... Brother?” bungad ni Stephanie na animo nahihirapang magsalita.Nakaririnig din siya ng boses ng lalaki na
BUMALING si Joshua ng tingin sa dalawa niyang tauhan na pareho pang pinupunasan ang laway na tumutulo sa gilid ng bibig ng mga ito. Halata sa mukha ng dalawa ang pagkatakam na matikman ang dalaga.“Yes, boss,” agad namang tugon ni Gabo at nagmamadaling kinuha sa bag ang maliit na bote na may lamang pink liquid.Pagkatapos ay magalang nitong inabot sa kaniya ang drugs habang malapad ang ngisi. Nahihinuha na ng dalawang tauhan ang balak niyang gawin sa kanilang biktima at excited na ang mga ito sa mangyayari.Well, iyon naman talaga ang plano niya. Balak niyang dumihan si Cassandra hanggang sa naisin na ng dalaga na magpatiwakal ito nang kusa. Gusto rin niyang makita sa mukha ni Ian ang pagkadisgusto at ang pagkawala ng pagmamahal nito sa babae.Hindi mapigilan ni Joshua ang labis na kasiyahang nadarama. Hindi na siya makapaghintay na maisakatuparan ang masamang balak.“Hindi kaya mamatay ‘yan, boss, sa dami ng nil
NAKAKAPAHINGA pa lamang ng ilang sandali si Joshua at kasalukuyang nag-aalmusal ng mga oras na iyon nang humahangos na nilapitan siya ng dalagang isa sa mga katiwala nila.“Señorito, may mga pulis sa labas,” agad na wika nito na may pag-aalala ang tinig.“Hmm...” ang tanging turan ng binata at matamang tinitigan ito.Dahil sa magdamag na kaguluhang nangyari sa kanilang mansyon kung kaya maging ang mga tauhan at katiwala ay hindi pa rin nakapagpapahinga. Kita sa mukha ng mga ito ang pagod at kaba sa susunod na mangyayari sa kanila.Naiintindihan naman niya ito kahit papaano dahil hindi lahat ng kanilang katiwala ay alam ang tunay nilang pagkatao. Lihim at tanging mga bodyguard lamang nila ang may alam sa tunay nilang kulay.Hindi niya sinagot ang katiwala na nasa kaniyang harapan pa rin at sa halip ay matamis lamang itong nginitian. Binitiwan niya ang hawak na kutsara’t tinidor at nangalum
MABIGAT ang tensyon sa pagitan ng dalawang grupo. Habang nakatutok ang sandata ng bawat isang tauhan ni Joshua ay hindi naman makakilos sa kinatatayuan ang grupo ni Ian. Alam ng mga itong talo sila kung magkaka-engkwentro sila sa mga oras na iyon at hindi nila masisiguro ang kaligtasang ng isa’t isa.Pinagpapawisan na ng malamig si Ian sa kabang nadarama. Pinagsisihan ng binata ang padalos-dalos na pagbanggit niya na ililigtas si Don Ismael. Hindi niya akalaing unstable ang pag-iisip ni Joshua ng mga sandaling iyon. Bagama’t nahihinuha niyang tila may problema sa pag-iisip ang dating kaibigan base na rin sa pakikipag-usap nito sa kaniya kanina, ay hindi naman niya akalaing sa simpleng salita lamang ng binata ay magagawa na nitong paslangin sila.Marahan niyang iniangat sa harapan ang mga kamay upang ipaalam dito na hindi sila lalaban.“C-calm down, Joshua,” mahinahon bagama’t may halong kaba na wika pa niya rito.&n
MARIING nakagat ni Ian ang ibabang labi sa pahayag ni Don Ismael na isa silang mga magnanakaw. Bagama’t nauunawaan niya kung ano ang pinanghuhugutan nito ay hindi pa rin niya matanggap na malalim na pala ang lamat na kinikimkim ng pamilya Alarcon sa kanilang mag-ama. Kung sana lamang ay maagang nagkaunawaan ang dalawang matanda ay hindi na sila umabot pa sa ganitong punto. Maliban pa roon ay ang ipinagtapat ni Joshua sa kaniya kanina na pagmamaltrato ng sariling ama rito ay hindi niya mapaniwalaan. Hindi niya ma-imagine kung gaanong hirap ang tinamo nito habang lumalaki at nagkakaisip.Tiim-bagang at mariing napapikit si Ian nang gumunita sa kaniyang isipan ang malakas na halakhak ni Joshua noong sila ay maliit pa, sampung taon siya noon nang muling magbalik sa Pilipinas ang pamilya Alarcon at dito na nanirahan.Dahil magkaedad sila ng binata kung kaya madali niyang nakasundo ito. Maliban pang madalas sa kanila ang mag-anak kung kaya nakasanayan niya ang pr
NANGINGINIG ang buong katawan ni Joshua nang marinig ang balita mula sa mga tauhan sa kanilang villa sa Tarlac. Ipinaalam lang naman kasi ng mga ito na nakatakas ang kanilang hostage na si Cassandra sa pinagtataguan nilang hideout. Bukod pang natagpuang patay sa lumang bodega ang iniwanan niyang dalawang tauhan.Hindi niya akalaing nagkukunwari lang si Ian na hindi pa nito alam ang tunay na kinaroroonan ng dalaga base sa pag-aalala nito kanina. Iyon pala ay inuubos lamang nito ang oras niya upang ma-rescue si Cassandra at upang hindi siya maghinala.“Damn it!” marahas na mura ni Joshua sa sarili dahil sa inaakalang napaglalangan siya ni Ian.Nang mahimasmasan na ang binata ay lihim niyang sinulyapan si Ian na nakatingin din sa kaniya ng mga sandaling iyon habang nagtataka pa rin ang mukha.Nangunot ang noo ni Joshua sa nakikita na tila hindi nauunawaan ng binata ang ipinagkak
ILANG minuto ring nakipag-usap si Joshua sa mga tauhan sa kabilang linya ng telepono dahil marami siyang tinanong at inusisa sa mga ito kagaya na lamang kung paanong natagpuan ng mga ito ang dalawang tauhan na iniwan niya kanina sa kanilang hideout?Nabanggit ng mga itong nakahandusay at may tama ng baril sa gitna ng ulo ang dalawa. Nahihinuha rin ng mga tauhan na ilang minuto pa lamang na namamatay ang mga ito bago sila dumating sa lumang bodega sapagkat sariwa pa ang dugong umagos sa sahig. Mainit pa rin ang bangkay nang matagpuan ang mga ito.Ipinadetalye pa ni Joshua ang itsura ng dalawang bangkay sa mga tauhan at ang itsura ng buong bodega. Sinabi naman ng mga itong walang kakaiba roon maliban na lamang sa pagkaing natapon na dala pa ng isang katiwala.Habang nakikinig si Joshua sa report ng mga ito ay napagtanto niyang hindi planado ang pagkaka-rescue kay Cassandra. Maliban pang nang kausapin niya ang katiwala na nagdala ng pagkain sa dalawang tauhan
—One week laterNakapako sa kinatatayuan si Ian habang nakatunghay sa harapan ng gate kung saan nakatira si Cassandra. Lumipas na ang ilang minuto na nasa ganoong tagpo lamang siya na hindi magawang pindutin ang door bell na nasa harapan lang niya.Malalim siyang huminga upang alisin ang kaba sa dibdib. Sampung beses na nga yata niyang ginawa iyon subalit ayaw pa rin siyang lapitan ng lakas ng loob upang muling harapin ang iniwanang minamahal. “Damn it! Make up your mind, Ian Ramos!” kastigo niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Subalit hindi pa man niya lubos na nakokolekta ang sarili nang kuhanin ng isang boses sa kaniyang likuran ang kaniyang atensyon.“Excuse me po, may kailangan po ba kayo sa amin?” untag ng isang maliit na boses.Agad itong nilingon ni Ian upang magulat lamang nang makita sa harapan ang pamilyar na mukha datapwat iyon ang una nilang pagkikita—Si Rai, ang bunso niyang anak.Naestatwa ang binata habang matamang nakatingin sa batang nasa harapan na nakati
Hindi makapaniwala si Cassey nang bumulagta sa kaniyang harapan si James habang pumupulandit ang masaganang dugo nito sa gitna ng noo kung saan tumama ang bala ng baril ni Benjamine. “Shit! What’s going on?” bulalas pa ng dalaga na muling ipinaling ang ulo sa harapan ng monitor screen kung saan naroroon pa rin ang ginang habang prenteng nakaupo sa sariling upuan. “You don’t have to concern yourself with him, Milady. This is our job and our life. If our master wants us dead, we willingly sacrifice ourselves unconditionally to the Rostchild family,” ang pahayag ni Benjamine habang pinupunasan ang kamay na hindi naman nabahiran ng dugo ng kasamahan. Nanginig ang mga mata ng dalaga sa ipinahayag nito at wala sa loob na bumulong, “You psycho.” Biglang humakhak nang malakas si Benjamine na animo isang biro ang sinabi niya. Narinig din niya ang palatak ng matanda habang marahang napapailing-iling.“You still have a lot to learn, child,” ang saad ni Donya Esmeralda bago binalingan ang lal
“What the fuck!” Hindi naiwasan ni Cassey ang mapamura nang malakas sa isiniwalat ni Donya Esmeralda.Bagama’t may hinala siya una pa lang na may kailangan ito sa dalaga subalit wala sa hinagap niya na gusto siya nitong maging tagapagmana.“Are you kidding me?!” bulalas pa ng dalaga na hindi a rin makapaniwala.Gayunpaman ay walang makikitaang anumang ekspresyon ang mukha ng matanda na patuloy lamang na nakatingin sa kaniya na senyales na seryoso ito sa mga binitiwang salita. Makalipas nga lamang ang ilang segundo ay muli nang kumalma ang puso ni Cassey at mabilis niyang natakpan ang sariling bibig bago tumikhim. “Are... are you serious?” paninigurado pa niyang tanong sa matanda na marahan naman nitong tinanguan. “Why me?”“You have the potential to lead our family,” maikling tugon naman nito. Napalunok ng laway ang dalaga bago niya mariing naikuyom ang nanghihinang kamao. “You want me to lead your family but you tried to kill my own family,” matalim na protesta niya rito. Hindi
“Who’s he?” ang tanong ni Cassey sa isipan habang hindi inilalayo ang paningin sa papalapit na bagong panauhin. Inihahanda niya ang sarili kung may bigla itong gawin sa kaniya kung kaya kahit nakakubabaw pa rin siya sa katunggaling si James ay hindi niya magawang ilayo ang paningin sa paarating. Limang hakbang na lang ang layo nito.Apat na hakbang. Hindi pa rin nawawala ang casual at prenteng ngiti nito sa labi. Tatlong hakbang. Inaanalisa ng dalaga ang bawat kumpas ng kamay nito. Dalawang hakbang. At tuluyan na ngang huminto sa kaniyang harapan ang lalaki. Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya habang malapad ang ngiting nakasilay sa mga labi, bagama’t malamig at nagbabadya ng panganib ang ibinubuga ng mga mata nito. Pagkaraan ay inilagay ng lalaki ang dalawang mga kamay sa sariling bulsa na animo sinasabi sa kaniyang wala itong gagawing kakaiba sa kaniya. Pagkatapos ay saka nito ibinuka ang mga bibig upang kausapin ang dalaga.“Can you let him go, Milady,” saad nitong baha
“Sir Benjamin?” anas ng isang bantay habang nakatunghay sa bagong dating na lalaki.“Yeah, it is Sir Benjamin,” tatango-tango namang tugon ng katabi habang mataman ding nakatingin sa lalaki.“Ha? Why is Sir Benjamin here?” tanong naman ng isa pa nitong katabi.Pare-pareho lang ang bulung-bulungan ng mga naroon habang nakatingin sa bagong dating na lalaki bagama’t hindi nito pinagtuunan ng pansin ang mga ito.“What? Why this bastard here?” ang hindi makapaniwalang saad naman ni Ian sa isipan habang napaatras pa ng isang hakbang sa pagkabigla nang makita si Benjamin.Tandang-tanda pa ng binata pagkatapos mamatay ng ama ay ipinagpatuloy niya ang pag-iimbestiga sa Black Organization na nasa likod ng mga hindi magagandang nangyayari sa kaniyang pamilya.Nagkaroon sila ng clue ni Supt. De Guzman nang mahuli nito ng buhay ang isa sa mga leader ng grupo na dumukot kay Cassey at sa mga bata. Noong una ay iginigiit nito na mga child trafficker ang grupo na kinabibilangan nito subalit hindi siy
“What... this crazy!” hindi makapaniwalang bulalas ng isang lalaki habang matamang nanonood sa dalawa.“Yeah, I can’t believe this too,” segunda naman ng katabi nito.“Well, is she really a normal girl?” singit din ng isa sa mas mahinang boses.“Yeah, I thought she’s just a kid who caught stealing here,” tatango-tangong sang-ayon naman ng isa pa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.“Hey, don’t underestimate her. Remember she’s the one who found me and buy me a gun,” sita naman ng firearm dealer na pinagbilhan ng dalaga sa back alley. “Yeah, you have a point, dude. And don’t forget that she killed our newbies,” sang-ayon naman ng isa na sumuri sa dalawang bantay na pinatay ng dalaga kanina.“But who really is she?” ang tanong ng unang nagsalitang lalaki na matamang nakatingin sa dalaga.“Who knows,” kibit-balikat na tugon naman ng mga kasamahan na itinuon na ang pansin sa dalawang naglalaban sa gitna. Of course, hindi iyon naririnig lahat ni Cassey sapagkat nakatuon ang pan
Mabilis at walang pag-aalinlangang dinaluhan ni Cassey ang ama na walang magawa sa pagkakasakal ni James. Dahil sa taglay na lakas ng lalaki kung kaya hindi makapanlaban si Ian. Maliban pang hindi ito makapaniwala na kayang saktan ng katiwala na nagbabantay sa binata. Maging ang mga bodyguard na nakapalibot sa dalawa ay laking gulat din sa ginawa ng leader ng mga ito kung kaya nang biglang pumasok sa eksena ang dalaga ay hindi agad nakahuma ang mga ito. Agad na pumuwesto si Cassey sa likurang tagiliran ni James. Pagkatapos ay kumuha siya ng buwelo at malakas itong sinipa roon upang mapakawalan ang ama. Ngunit mabilis din ang kilos ni James na sinalag ang mga binti niya gamit ang isa nitong kamay na animo ba ay inaasahan na nito iyon.Saglit siyang natigilan sa ginawa nito ngunit hindi siya nawalan ng loob.Dahil hawak-hawak ng lalaki ang kanang binti ng dalaga kung kaya ginamit niya ang dalawang kamay at mabilis niyang inabot ang ulo nito. Balak ng dalaga na baliin ang leeg ni Jam
“W-wha...” hindi na naituloy ng dalawang bantay ang gulat nang makita si Cassey dahil sa bilis ng galaw ng dalaga. Segundo lamang ang kinailangan niya nang baliin ang leeg ng isa habang malakas na sinipa sa mukha ang kasamahan nito. Bagama’t hindi napuruhan ang pangalawang lalaki ay na-out of balance naman ito dahil hindi inasahan ang pagtambang niya sa mga ito. Gayunpaman ay hindi nag-aksaya ng oras si Cassey at hindi niya hinayaang makahuma sa pagkabigla ang natitirang kalaban. Mabilis niyang dinaluhan ito at walang pag-aalinlangan na itinusok niya ang dalawang daliri sa gitna ng leeg nito.Nabutas niya ang malambot na bahagi ng katawang iyon ng lalaki at lumusot ang mga daliri ng dalaga. Nang hugutin niya iyon ay pumulandit pa ang masaganang dugo na mabilis niya namang iniwasan upang hindi siya madumihan.Nanlalaki ang mga mata ng lalaking nakatingin sa kaniya habang pinipigilan ang pag-agos ng sariling pulang likido.Hindi naman niya inalis ang paningin dito hanggang sa mawala
Muling inalala ni Cassey ang mga sinabi ng ama kanina. “It’s all about your lola,” panimula ng binata.“Lola Dolores?” nagtatakang tanong pa niya.“No, hindi mo na siya naabutan, and even me, hindi ko na siya nakita pa. My biological mother, Kristina,” tugon naman nito.“Oh, alright.” Tango naman ni Cassey na pinakinggan na muna ang sasabihin ng ama bago ito gambalain.“First of all, do you still remember when you kidnapped? Then someone shot your monther on her shoulder.”“Yes.” Tipid na tango naman niya.“Hindi iyon ang unang nanganib ang buhay niya... and me...” Napalunok ng laway si Cassey sa antipisasyon ng susunod na sasabihin pa ng ama. “Noong una ay ang akala namin ay kagagawan iyon lahat ng kaibigan ng lolo mo, si Ismael Alarcon. But when your lolo died, I investigated all the possibilities, at napag-alaman ko na isang misteryosong lalaki ang nasa likod ng Black Organization na kinabibilangan ni Uncle Ismael,” mahabang turan ni Ian. Sinabi ng ama na ipinangako nitong aali