NAPALUNOK pa ng laway si Ian nang simulang ihakbang ang mga paa papasok sa loob ng basement. Hapon na ng mga sandaling iyon bagama’t maliwanag pa rin ang kapaligiran. Subalit nang makapasok sila sa loob ay bigla silang nilamon ng kadiliman dahil walang liwanag ang nakakapasok man lang. Wala rin siyang makitang bintana na animo nasa ilalim ng lupa ang kanilang kinaroroonan.
“Wait, Hijo,” ani Manong Rene at ilang sandali nga lamang ay umilaw na ang kaisa-isang bombilya na nakakabit sa kisame.
Subalit dahil sa tagal na panahon nang hindi nagagamit iyon kung kaya naging dim light lang ito at kukurap-kurap pa. Gayunpaman ay sapat na iyon upang makita niya ang loob.
Inilibot ni Ian ang paningin. Nakita niya ang iba’t ibang koleksyon ng ama kagaya na lamang ng mga antique na figurine at ilang piraso ng gold ingot. Subalit ang talagang nagpakuha ng kaniyang atensyon ay ang mga nakasabit sa dingding na larawan ng isang babae.
HINDI na namalayan ni Ian na nakaidlip na pala siya sa kinauupuan. Nagising lamang siya nang tamaan ng liwanag na nagmumula sa haring araw ang kaniyang mukha. Agad pa siyang napatayo dahil sa pagkabigla at nagpalinga-linga sa paligid. Nakita niya ang limang tauhan na ipinadala ng ama kagabi na patuloy pa ring nagbabantay sa labas ng kanilang resthouse.Napahinga siya nang maluwag na walang nangyaring kakaiba habang wala siyang malay. Pagkatapos ay sinipat niya ang relo na pambisig, alas-sais y media na ng umaga ng mga sandaling iyon. Hindi niya akalaing nakatulog siya ng mahabang oras nang hindi niya namamalayan.“Arck!” impit pa ng binata nang iinat ang mga kasu-kasuan dahil sa paninigas nito sa mahabang pagkakaupo niya roon.Pagkaraan nga niyon ay mabilis na siyang umakyat sa second floor upang suriin ang natutulog na dalaga. Subalit nang pagbukas niya ng pintuan ay nabungaran niya itong gising na habang nakaupo at nakasandal sa headboa
TAHIMIK lang ang dalawa habang kumakain ng gabing iyon. Nang pagpasok nila sa kusina kanina ay nabungaran nila ang iba’t ibang putahe ng pagkain na nakalatag lamang sa lamesa. Marahil ay pagkain iyon ng mga tauhan sa labas na nagbabantay sa buong kabahayan. Napansin pa ni Ian ang mga pagkain sa plato na hindi natapos kainin ng kung sino man. Isang malaking misteryo sa kaniya kung ano ang tunay na nangyari sa mga ito na hindi na nagawa pang tapusin ang kinakain?Nangalumbaba si Ian at malalim ang iniisip habang nginunguya ang pagkain sa bibig.“What’s going on here?” pipi pa niyang saad sa sarili.“Ian, may problema ba?” untag naman sa kaniya ni Cassandra nang mapansin ang pangamba sa kaniyang mukha.Nagdadalawang-isip si Ian na ibahagi sa dalaga ang pangamba. Subalit mas maiging ipaalam na niya rito ang nakaambang panganib sa kanilang buhay upang makapaghanda rin ito. Mas better din na pareho silang ma
MABILIS ang mga hakbang ni Ian patungo sa direksyon ng silid ng dalawang matanda. Halos takbuhin na nga niya ito makarating lang doon.“Follow me!” tawag pa niya sa doktor na may buhat pa rin kay Raid samantalang siya ay si Cassandra.Pagdating nila sa harapan ng silid ay malakas niyang sinipa ang pintuan. Hindi naman ito naka-lock kung kaya madaling nabuksan. Agad siyang pumasok sa loob at nagpalinga-linga sa buong paligid. Hinahanap ang hidden door na sinasabi ni Manang Bell na lagusan patungong basement. Subalit wala siyang makitang pintuan doon kahit maliit man lang.“Sir, what are we going here?” nagtatakang tanong naman sa kaniya ng doktor na nakasunod sa kaniya. Humihingal pa ito habang buhat-buhat sa likuran ang detective.Halos ramdam na ramdam nila ang init ng apoy sa labas sa bahaging iyon ng kabahayan. Narinig pa nila ang pagbagsak ng isang haligi sa may living room na tinupok ng apoy.&ld
MABILIS na tumakbo si Ian patungo sa direksyon kung saan nanggaling ang tinig ni Cassandra. Ang lakas pa ng kabog ng dibdib ng binata habang pinapanalangin na sana’y walang nangyaring masama sa mga ito, lalong-lalo na sa minamahal.Nang makarating siya basement ay agad din naman niyang nabungaran ang nakasalampak sa sahig na dalaga habang bakas sa mukha nito ang takot at pagkasindak. Nanginginig din ang buo nitong katawan habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa harapan nito—sa bahaging may nakahandusay na katawan habang inaagusan ng dugo.Dumako ang mga mata ni Ian sa tinitingnan ng dalaga at malakas na lamang siyang napamura nang makilala ang nakahandusay na lalaki na walang iba kung hindi ang doktor na kasama nila.Agad niyang nilapitan ang doktor at sinuri ito. Dahil sa nangyaring pagsabog kanina ng tangke ng LPG kung kaya yumanig ang buong kabahayan, at hindi niyon pinalampas ang basement kung saan sila naroroon ngayon.Ba
NANG tuluyang buksan ni Raid ang pintuan ng secret vault at tahimik na lumabas doon ay napalunok na lang ng laway si Ian sa tensyong nararamdaman. Mahigpit pang magkasalikop ang mga palad nila ni Cassandra habang hinihintay ang binata.Sa kabilang banda naman, nang makalabas si Raid ay sinalubong ito ng malamig na hangin. Medyo madilim na sa bahaging iyon ng kinaroroonan nila at wala namang nakikitang kalaban ang binata.Muling pumihit si Raid pabalik sa vaul upang tawagin na ang dalawa. “You can come out...” natigilan ang binata nang makarinig nang kaluskos hindi kalayuan sa gawi nila.Agad na nagtago ang binata sa mga halaman dahil katabi lamang niyon ang mini garden ni Manang Bell.“Do we still need to burn this back?” narinig pa ng binata ang tinig ng isa.“Well, that’s the boss’s order,” kibit-balikat na tugon naman ng kasamahan.Tahimik lamang si detective na nagta
SA pakiwari ni Ian ay hindi siya humihinga ng mga sandaling iyon habang pinakikinggan ang usapan ng mga lalaki, lalo na ng marinig niya ang pangalan ng kaniyang ama na si Manuel. Mariin pa niyang naikuyom ang mga kamao sa matinding galit na nararamdaman.“Ouch!” daing ni Cassandra nang hindi niya namalayan na nahigpitan na pala niya ang pagkakahawak sa kamay nito.“Oh, sorry, Cass,” agad niyang paumanhin dito at binitiwan ang mga kamay ng dalaga.“It’s alright, just calm down, okay?” mahinahong tugon naman ng dalaga at nginitian pa siya. Ipinatong nito ang nasaktang kamay sa kaniyang balikat upang bigyan siya ng lakas sa mga suliraning kaniyang kunahaharap.Huminga nang malalim si Ian bago ginantihan ng ngiti ang dalaga. Tama ito, sa sandaling iyon ay kinakailangan niyang huminahon at maging malamig ang ulo upang makapag-isip.“Yeah, thank you so much,” pasalamat niya kay Cassa
BIGLANG inakbayan na animo sinasakal ni Ian si Raid saka hinila ito palayo kay Cassandra. Nagulat naman ang binata at lumingon pang muli sa dalaga habang nagtatanong ang mga mata sa kung ano ang nangyayari kay Ian?“Hoy, saan kayo pupunta?” tawag naman ng dalaga bagama’t pabulong lang iyon upang hindi sila marinig ng mga lalaki na hindi rin naman kalayuan sa kanila.“I don’t know,” bulong na tugon din naman ni Raid at binalak lumayo sa kaniya subalit mahigpit ang pagkakakapit ni Ian sa binata.Nakasunod naman si Cassandra sa kanila subalit sumenyas siya rito na huwag susunod dahil may pag-uusapan silang importante ni Raid.“Just stay there, Cass. And please hide well,” habilin pa niya rito.Nakabusangot ang mukhang tumango na lamang ito sa sinabi niya. Halatang hindi masaya ang dalaga sa pang-iiwan nila rito. Gayunpaman, kahit naguguluhan ay huminto ito at sinundan na lamang si
MAKALIPAS ang ilang sandaling kalokohan ng dalawa ay abala na ang mga ito. Habang seryosong nagtuturo si Raid kung paanong gagamitin ni Ian ang baril na ibinigay ng binata sa kaniya ay mataman naman siyang nakikinig dito.Subalit dahil nga limited lang ang kanilang bala at wala pang silencer kung kaya binigyan lamang siya ni detective ng instruction kung paano aasintahin ang kalaban.Sa tingin naman ni Ian ay nakuha niya at naintindihan ang bawat turo ni Raid sa kaniya. Bagama’t muling nanginig ang mga kamay niya sa nadaramang kaba dahil sa nalalapit na pag-atake nila.Nang handa na ang dalawang binata ay pinagplanuhan na ng mga ito ang gagawin. Ang suhestyon ni Raid ay sneak-fire-run ang diskarte na kung saan ihihiwalay nila ang mga kalaban sa isa’t isa at lihim na tambangan ito.Sapagkat doble ang kanilang kalaban kung kaya iyon ang the best method na naiisip nila. Maliban pang mga professional killer ang mga ito kung
—One week laterNakapako sa kinatatayuan si Ian habang nakatunghay sa harapan ng gate kung saan nakatira si Cassandra. Lumipas na ang ilang minuto na nasa ganoong tagpo lamang siya na hindi magawang pindutin ang door bell na nasa harapan lang niya.Malalim siyang huminga upang alisin ang kaba sa dibdib. Sampung beses na nga yata niyang ginawa iyon subalit ayaw pa rin siyang lapitan ng lakas ng loob upang muling harapin ang iniwanang minamahal. “Damn it! Make up your mind, Ian Ramos!” kastigo niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Subalit hindi pa man niya lubos na nakokolekta ang sarili nang kuhanin ng isang boses sa kaniyang likuran ang kaniyang atensyon.“Excuse me po, may kailangan po ba kayo sa amin?” untag ng isang maliit na boses.Agad itong nilingon ni Ian upang magulat lamang nang makita sa harapan ang pamilyar na mukha datapwat iyon ang una nilang pagkikita—Si Rai, ang bunso niyang anak.Naestatwa ang binata habang matamang nakatingin sa batang nasa harapan na nakati
Hindi makapaniwala si Cassey nang bumulagta sa kaniyang harapan si James habang pumupulandit ang masaganang dugo nito sa gitna ng noo kung saan tumama ang bala ng baril ni Benjamine. “Shit! What’s going on?” bulalas pa ng dalaga na muling ipinaling ang ulo sa harapan ng monitor screen kung saan naroroon pa rin ang ginang habang prenteng nakaupo sa sariling upuan. “You don’t have to concern yourself with him, Milady. This is our job and our life. If our master wants us dead, we willingly sacrifice ourselves unconditionally to the Rostchild family,” ang pahayag ni Benjamine habang pinupunasan ang kamay na hindi naman nabahiran ng dugo ng kasamahan. Nanginig ang mga mata ng dalaga sa ipinahayag nito at wala sa loob na bumulong, “You psycho.” Biglang humakhak nang malakas si Benjamine na animo isang biro ang sinabi niya. Narinig din niya ang palatak ng matanda habang marahang napapailing-iling.“You still have a lot to learn, child,” ang saad ni Donya Esmeralda bago binalingan ang lal
“What the fuck!” Hindi naiwasan ni Cassey ang mapamura nang malakas sa isiniwalat ni Donya Esmeralda.Bagama’t may hinala siya una pa lang na may kailangan ito sa dalaga subalit wala sa hinagap niya na gusto siya nitong maging tagapagmana.“Are you kidding me?!” bulalas pa ng dalaga na hindi a rin makapaniwala.Gayunpaman ay walang makikitaang anumang ekspresyon ang mukha ng matanda na patuloy lamang na nakatingin sa kaniya na senyales na seryoso ito sa mga binitiwang salita. Makalipas nga lamang ang ilang segundo ay muli nang kumalma ang puso ni Cassey at mabilis niyang natakpan ang sariling bibig bago tumikhim. “Are... are you serious?” paninigurado pa niyang tanong sa matanda na marahan naman nitong tinanguan. “Why me?”“You have the potential to lead our family,” maikling tugon naman nito. Napalunok ng laway ang dalaga bago niya mariing naikuyom ang nanghihinang kamao. “You want me to lead your family but you tried to kill my own family,” matalim na protesta niya rito. Hindi
“Who’s he?” ang tanong ni Cassey sa isipan habang hindi inilalayo ang paningin sa papalapit na bagong panauhin. Inihahanda niya ang sarili kung may bigla itong gawin sa kaniya kung kaya kahit nakakubabaw pa rin siya sa katunggaling si James ay hindi niya magawang ilayo ang paningin sa paarating. Limang hakbang na lang ang layo nito.Apat na hakbang. Hindi pa rin nawawala ang casual at prenteng ngiti nito sa labi. Tatlong hakbang. Inaanalisa ng dalaga ang bawat kumpas ng kamay nito. Dalawang hakbang. At tuluyan na ngang huminto sa kaniyang harapan ang lalaki. Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya habang malapad ang ngiting nakasilay sa mga labi, bagama’t malamig at nagbabadya ng panganib ang ibinubuga ng mga mata nito. Pagkaraan ay inilagay ng lalaki ang dalawang mga kamay sa sariling bulsa na animo sinasabi sa kaniyang wala itong gagawing kakaiba sa kaniya. Pagkatapos ay saka nito ibinuka ang mga bibig upang kausapin ang dalaga.“Can you let him go, Milady,” saad nitong baha
“Sir Benjamin?” anas ng isang bantay habang nakatunghay sa bagong dating na lalaki.“Yeah, it is Sir Benjamin,” tatango-tango namang tugon ng katabi habang mataman ding nakatingin sa lalaki.“Ha? Why is Sir Benjamin here?” tanong naman ng isa pa nitong katabi.Pare-pareho lang ang bulung-bulungan ng mga naroon habang nakatingin sa bagong dating na lalaki bagama’t hindi nito pinagtuunan ng pansin ang mga ito.“What? Why this bastard here?” ang hindi makapaniwalang saad naman ni Ian sa isipan habang napaatras pa ng isang hakbang sa pagkabigla nang makita si Benjamin.Tandang-tanda pa ng binata pagkatapos mamatay ng ama ay ipinagpatuloy niya ang pag-iimbestiga sa Black Organization na nasa likod ng mga hindi magagandang nangyayari sa kaniyang pamilya.Nagkaroon sila ng clue ni Supt. De Guzman nang mahuli nito ng buhay ang isa sa mga leader ng grupo na dumukot kay Cassey at sa mga bata. Noong una ay iginigiit nito na mga child trafficker ang grupo na kinabibilangan nito subalit hindi siy
“What... this crazy!” hindi makapaniwalang bulalas ng isang lalaki habang matamang nanonood sa dalawa.“Yeah, I can’t believe this too,” segunda naman ng katabi nito.“Well, is she really a normal girl?” singit din ng isa sa mas mahinang boses.“Yeah, I thought she’s just a kid who caught stealing here,” tatango-tangong sang-ayon naman ng isa pa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.“Hey, don’t underestimate her. Remember she’s the one who found me and buy me a gun,” sita naman ng firearm dealer na pinagbilhan ng dalaga sa back alley. “Yeah, you have a point, dude. And don’t forget that she killed our newbies,” sang-ayon naman ng isa na sumuri sa dalawang bantay na pinatay ng dalaga kanina.“But who really is she?” ang tanong ng unang nagsalitang lalaki na matamang nakatingin sa dalaga.“Who knows,” kibit-balikat na tugon naman ng mga kasamahan na itinuon na ang pansin sa dalawang naglalaban sa gitna. Of course, hindi iyon naririnig lahat ni Cassey sapagkat nakatuon ang pan
Mabilis at walang pag-aalinlangang dinaluhan ni Cassey ang ama na walang magawa sa pagkakasakal ni James. Dahil sa taglay na lakas ng lalaki kung kaya hindi makapanlaban si Ian. Maliban pang hindi ito makapaniwala na kayang saktan ng katiwala na nagbabantay sa binata. Maging ang mga bodyguard na nakapalibot sa dalawa ay laking gulat din sa ginawa ng leader ng mga ito kung kaya nang biglang pumasok sa eksena ang dalaga ay hindi agad nakahuma ang mga ito. Agad na pumuwesto si Cassey sa likurang tagiliran ni James. Pagkatapos ay kumuha siya ng buwelo at malakas itong sinipa roon upang mapakawalan ang ama. Ngunit mabilis din ang kilos ni James na sinalag ang mga binti niya gamit ang isa nitong kamay na animo ba ay inaasahan na nito iyon.Saglit siyang natigilan sa ginawa nito ngunit hindi siya nawalan ng loob.Dahil hawak-hawak ng lalaki ang kanang binti ng dalaga kung kaya ginamit niya ang dalawang kamay at mabilis niyang inabot ang ulo nito. Balak ng dalaga na baliin ang leeg ni Jam
“W-wha...” hindi na naituloy ng dalawang bantay ang gulat nang makita si Cassey dahil sa bilis ng galaw ng dalaga. Segundo lamang ang kinailangan niya nang baliin ang leeg ng isa habang malakas na sinipa sa mukha ang kasamahan nito. Bagama’t hindi napuruhan ang pangalawang lalaki ay na-out of balance naman ito dahil hindi inasahan ang pagtambang niya sa mga ito. Gayunpaman ay hindi nag-aksaya ng oras si Cassey at hindi niya hinayaang makahuma sa pagkabigla ang natitirang kalaban. Mabilis niyang dinaluhan ito at walang pag-aalinlangan na itinusok niya ang dalawang daliri sa gitna ng leeg nito.Nabutas niya ang malambot na bahagi ng katawang iyon ng lalaki at lumusot ang mga daliri ng dalaga. Nang hugutin niya iyon ay pumulandit pa ang masaganang dugo na mabilis niya namang iniwasan upang hindi siya madumihan.Nanlalaki ang mga mata ng lalaking nakatingin sa kaniya habang pinipigilan ang pag-agos ng sariling pulang likido.Hindi naman niya inalis ang paningin dito hanggang sa mawala
Muling inalala ni Cassey ang mga sinabi ng ama kanina. “It’s all about your lola,” panimula ng binata.“Lola Dolores?” nagtatakang tanong pa niya.“No, hindi mo na siya naabutan, and even me, hindi ko na siya nakita pa. My biological mother, Kristina,” tugon naman nito.“Oh, alright.” Tango naman ni Cassey na pinakinggan na muna ang sasabihin ng ama bago ito gambalain.“First of all, do you still remember when you kidnapped? Then someone shot your monther on her shoulder.”“Yes.” Tipid na tango naman niya.“Hindi iyon ang unang nanganib ang buhay niya... and me...” Napalunok ng laway si Cassey sa antipisasyon ng susunod na sasabihin pa ng ama. “Noong una ay ang akala namin ay kagagawan iyon lahat ng kaibigan ng lolo mo, si Ismael Alarcon. But when your lolo died, I investigated all the possibilities, at napag-alaman ko na isang misteryosong lalaki ang nasa likod ng Black Organization na kinabibilangan ni Uncle Ismael,” mahabang turan ni Ian. Sinabi ng ama na ipinangako nitong aali