Share

Chapter 139

last update Huling Na-update: 2022-05-13 19:49:30

Nanlalaki ang mga mata ni Ian habang marahan niyang inaangat ang kamay na nanlilimahid sa dugo.

Nang makita niya ang pulang likido sa kaniyang kamay ay hindi niya napigilan ang panginginig ng kaniyang buong katawan.

Pagkatapos ay ibinaling ni Ian ang mga mata patungo sa anak na nakatayo sa may tabi niya. Mataman din itong nakatingin sa kaniyang kamay.

Kita ang takot sa mga mata ni Cassey habang nakatingin kay Ian. Nabitawan din nito ang hawak na kahoy habang hindi maiwasan ang pagtulo ng mga luha.

"D-daddy..." anas ng bata habang nakatingin sa kaniya.

Hindi maunawaan ni Ian ang nararamdaman ng mga sandaling iyon nang marinig niya ang sinabi ng anak. Hanggang ngayon kasi ay malinaw pa rin sa isipan ng binata ang pagtanggi nito sa kaniya kanina.

Labis na kasiyahan ang namumutawi sa buong damdamin ni Ian habang nakatitig sa bata.

"Yeah, I'm your daddy, baby," ang saad niya pa rito at matamis na ngumiti.

Tuluyan na ngang pumalahaw ng iyak si Cassey at tinakbo ng maliliit nitong mga p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 140

    Nang makarating sila sa ospital ay agad nila na dinala sa emergency room si Cassandra. At ilang sandali nga lamang ang lumipas nang ipasok ang dalaga sa operating room. Tahimik na nakabantay ang mag-ama sa labas ng operating room ng dalaga. Pareho silang hindi mapakali sa kinauupuang dalawa habang matamang naghihintay sa resulta ng operasyon. Hindi malaman ni Ian kung ilang oras silang naghintay roon. Maging ang anak na si Cassey ay tahimik lamang na nakabantay sa ina at hindi nagrereklamo sa discomfort na nararamdaman. Bagama't nang mapatitig siya sa anak at makitang hawak nito at iniinda ang nasugatang kamay kanina nang hawakan nito ang dos por dos ay agad niyang nilapitan ang anak."Oh, no, Cassey," anas pa ni Ian habang sinusuri ang kamay ng anak."I'm okay, dad," ang wika naman ng bata na animo matanda habang iniinda ang sakit na nararamdaman."No, this is not okay," tanggi naman niya rito saka hinawakan ang kamay ng anak. "Let's go, ipagamot natin sa pretty nurse ang kamay mo

    Huling Na-update : 2022-05-14
  • Into Your Arms Tonight    Chapter 141

    Nang bumukas ang pinto ng operating room at lumabas si Dr. Sanchez, ang nag-opera kay Cassandra, at ang iba pang assisstant ng manggagamot ay agad nang lumapit si Ian sa mga ito. "How is she, doc.," agad niyang tanong kay Dr. Sanchez. "You don't have to worry anymore, Mr. Ramos, ligtas na ang pasyente sa panganib," nakangiting tugon din naman ito sa kaniya. Napahinga na nang maluwag si Ian sa sinabi nito. "Oh, thank you so much, doc.," laking-pasalamat niya rito na magalang naman nitong tinanguan. "Kailangan na lang ng pasyente ng ibayong pahinga sa ngayon," muling wika pa nito saka binalingan ng tingin ang katabing assistant. "Kayo na muna ang bahala rito," utos nito rito."Yes, doc.," sabay-sabay na tugon naman ng mga ito."Maiwan ko na muna kayo rito, Mr. Ramos, marami pa akong pasyenteng kailangang puntahan. Dadalhin na lang sa private room ang wife mo after they clean her," nakangiting saad pa nito sa kaniya.Tinanguan lamang niya bilang tugon si Dr. Sanchez at hindi na iti

    Huling Na-update : 2022-05-15
  • Into Your Arms Tonight    Chapter 142

    Ilang sandaling napatitig si Ian sa katabing silid dahil sa kuryusidad nang ipinahayag ni Dr. Sanchez. May ideya ang binata na kakilala niya base sa sinabi ng manggagamot ang nasa loob.Nagpasya si Ian na silipin sandali ang tinutukoy ni Dr. Sanchez. Iyon nga lamang ay hindi niya alam ang idadahilan kung bakit siya naroroon kung sakaling mga estranghero ang mga ito?"Ha! Bahala na," anas na lamang niya sa sarili saka nagtuloy-tuloy na sa paglapit sa pintuan. Subalit nahahawakan pa lamang ng binata ang seradura ng pinto nang bumukas ang katabing kuwarto kung saan naroroon si Cassandra. Lumabas mula roon ang dalawang assistant na nagdala sa dalaga roon. Pareho pa silang nagkatinginang tatlo bago niya mabilis na binitiwan ang hawak. Awkward namang napapakamot sa ulo ang dalawa saka mahinang nagsabi na, "Maaari na po kayong pumasok sa loob, sir." Pagkatapos ay niluwangan nito ang pintuan patungo sa kinaroroonan ni Cassandra. "O-okay, thank you," nahihiyang pasalamat niya sa mga ito at

    Huling Na-update : 2022-05-16
  • Into Your Arms Tonight    Chapter 143

    ONE hour ago, bago ang mga kaganapan sa pagitan ni Manuel at Ian.Nakangiting pumasok si Dr. Sanchez sa silid ng dalawang matanda na si Manuel at Dolores."Hello there, Mr. Ramos, ano po ang pakiramdam n'yo ngayon?" magalang na usisa pa nito habang sinusuri ang dibdib ni Manuel."I'm alright now, doc.," nakangiti rin namang tugon ng matanda rito. "Wala na kaming alalahanin pa kasi ligtas na ang anak namin," habol na imporma pa ni Manuel na bumaling ng tingin kay Dolores na tahimik lamang sa tabi nito."Oh, that's good to here, Mr. Ramos," napapapalakpak pang turan ni Dr. Sanchez sa pasyente nito.Iyon naman talaga ang nais ng manggagamot lalo na sa kalagayan ni Manuel na kung saan ay napakahina ng puso nito. Ang the best medicine para sa kagaya nitong pasyente ay ang magandang balita na makabubuti sa kalusugan nito.Napahinga nang maluwag si Dr. Sanchez bago muling sinuri ang chart kung saan nakasulat ang personal info ng matanda at ang previous treatment na isinagawa sa ibang ospital

    Huling Na-update : 2022-05-17
  • Into Your Arms Tonight    Chapter 144

    "Lola, please wait for me!" tawag ni Cassey kay Dolores na mabilis na hinabol ang abuela sa pasilyo ng ospital.Dahil nagmamadali ang matanda kung kaya hindi nito narinig ang apo."Oh, apo?" nagulat pa na ani ni Dolores nang tuluyang maabutan ni Cassey. "Bakit ka sumunod sa akin?" nag-aalalang tanong pa nito saka natigilan sa mga sinabi.Dahil alam ni Dolores kung gaano ka-sensitive ang apo sa bawat sabihin dito ng matatanda kung kaya naisip nito na baka magdamdam ang apo at akalaing itinatakwil na ito ng abuela.Ayaw nang dagdagan pa ni Dolores ang suliranin sa isipan ni Cassey sapagkat sa komplikadong sitwasyon ng mga ito at ng mga magulang, ang magagawa na lamang ng matanda ay ang suportahan at gabayan ang apo.Mabilis na lumuhod si Dolores upang magtagpo sila ng apo at buong pagmamahal na niyakap ang bata."I'm sorry, apo, wala akong ibig sabihin sa sinabi ko. Nag-aalala lang ako na baka maligaw kang mag-isa rito sa ospital," paliwanag ng matanda habang hinihimas-himas ang likod n

    Huling Na-update : 2022-05-18
  • Into Your Arms Tonight    Chapter 145

    Hindi na nabilang pa ni Ian kung ilang oras siyang naghihintay sa pagbukas ng pinto ng silid ng ama. Maging hindi rin siya kumikilos sa kinauupuan, nakayuko at nakatunghay lamang doon. Walang ibang iniisip ang binata kung hindi ang kaligtasan ng ama, ang taimtim na panalangin na ngayon lamang niya ginawa sa tanang buhay niya."Oh Lord, please, alam kong marami akong naging pagkukulang sa iyo, but right now, isa lang po ang hinihiling ko... please, Lord, don't take him from me," ani pa ni Ian sa sarili habang mariing nakapikit at magkasalikop ang mga kamay. Tumatakbo ang oras na nasa ganoong ayos lamang ang binata. At nang tuluyang magbukas ang pinto at iluwa niyon si Dr. Sanchez at ang mga assistant nito ay agad siyang napatalon sa kinauupuan. Mabilis siyang lumapit sa doktor. "Doc, how's my dad?" tanong agad ng binata rito. Ilang segundo muna ang pinalipas ni Dr. Sanchez bago nito sinagot ang binata. Ilang beses pa nitong pinunasan ang pawis sa noo at bakas sa mukha ng doktor ang

    Huling Na-update : 2022-05-19
  • Into Your Arms Tonight    Chapter 146

    Patuloy na naglalandas sa kaniyang mga mata ang luha na hindi niya mapigilan. Animo dam na umaagos ang sakit ng damdamin na kaniyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.Laking pagsisisi ni Ian sa lahat ng pasakit na nagawa niya sa ama... na ngayon ay hindi na niya mababawi pa. Labis ang pangamba ng binata sa maaaring sapitin ni Manuel at baka hindi na niya magawa pang humingi ng tawad sa matanda. Ayaw man niyang isipin ang posibilidad na hindi na magising pa ang ama ay kitang-kita niya ang reyalidad na nagbabantang sumakop sa kanila. Ilang sandali sa ganoong ayos si Ian hanggang sa hindi na niya namalayang nakatulog siya sa tabi ni Manuel. Gayundin, kahit nakapikit ang mga mata ng binata ay patuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Hindi nga nagtagal ay kinuha ang atensyon niya ng mga tapik sa kaniyang ulo mula sa malamig na kamay. Animo dinadama ng kamay na iyon ang malambot niyang buhok na bahagya pang nagulo sa pagkakaayos. Alam na alam ni Ian na ang

    Huling Na-update : 2022-05-20
  • Into Your Arms Tonight    Chapter 147

    "W-what? What's going on?" tarantang saad ni Ian habang nagpapabaling-baling ng tingin sa nakahigang ama at sa maingay na aparato na nakakabit dito.Hindi niya maunawaan ang mga nangyayari dahil tuliro pa rin siya sa biglaang pagkagising sa mahimbing na pagkakatulog. Maliban pang laking pagtataka ng binata na panaginip lamang ang lahat ng namagitang pag-uusap nila ni Manuel. Hindi siya makapaniwala dahil animo totoong-totoo ang kaniyang mga panaginip.Gayunpaman, bago pa man magbalik sa normal ang pag-iisip ni Ian ay nagmamadali nang pumasok ang mga doktor doon na nakatalaga sa ama. Isa na nga roon si Dr. Sanchez na agad na nilapitan ang aparato na nakakabit kay Manuel. Inalis din nito ang oxygen sa bibig ng matanda saka ilang ulit na sinuri ang puso nito. Madilim ang mukha ng doktor nang hindi marinig ang tibok ng puso ng pasyente. Sinubukan din nitong tingnan ang nakapinid na mga talukap ni Manuel subalit kahit iyon ay hindi na gumagalaw pa.Mabuti na nga lamang na sa tagal niton

    Huling Na-update : 2022-05-21

Pinakabagong kabanata

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 201

    —One week laterNakapako sa kinatatayuan si Ian habang nakatunghay sa harapan ng gate kung saan nakatira si Cassandra. Lumipas na ang ilang minuto na nasa ganoong tagpo lamang siya na hindi magawang pindutin ang door bell na nasa harapan lang niya.Malalim siyang huminga upang alisin ang kaba sa dibdib. Sampung beses na nga yata niyang ginawa iyon subalit ayaw pa rin siyang lapitan ng lakas ng loob upang muling harapin ang iniwanang minamahal. “Damn it! Make up your mind, Ian Ramos!” kastigo niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Subalit hindi pa man niya lubos na nakokolekta ang sarili nang kuhanin ng isang boses sa kaniyang likuran ang kaniyang atensyon.“Excuse me po, may kailangan po ba kayo sa amin?” untag ng isang maliit na boses.Agad itong nilingon ni Ian upang magulat lamang nang makita sa harapan ang pamilyar na mukha datapwat iyon ang una nilang pagkikita—Si Rai, ang bunso niyang anak.Naestatwa ang binata habang matamang nakatingin sa batang nasa harapan na nakati

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 200

    Hindi makapaniwala si Cassey nang bumulagta sa kaniyang harapan si James habang pumupulandit ang masaganang dugo nito sa gitna ng noo kung saan tumama ang bala ng baril ni Benjamine. “Shit! What’s going on?” bulalas pa ng dalaga na muling ipinaling ang ulo sa harapan ng monitor screen kung saan naroroon pa rin ang ginang habang prenteng nakaupo sa sariling upuan. “You don’t have to concern yourself with him, Milady. This is our job and our life. If our master wants us dead, we willingly sacrifice ourselves unconditionally to the Rostchild family,” ang pahayag ni Benjamine habang pinupunasan ang kamay na hindi naman nabahiran ng dugo ng kasamahan. Nanginig ang mga mata ng dalaga sa ipinahayag nito at wala sa loob na bumulong, “You psycho.” Biglang humakhak nang malakas si Benjamine na animo isang biro ang sinabi niya. Narinig din niya ang palatak ng matanda habang marahang napapailing-iling.“You still have a lot to learn, child,” ang saad ni Donya Esmeralda bago binalingan ang lal

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 199

    “What the fuck!” Hindi naiwasan ni Cassey ang mapamura nang malakas sa isiniwalat ni Donya Esmeralda.Bagama’t may hinala siya una pa lang na may kailangan ito sa dalaga subalit wala sa hinagap niya na gusto siya nitong maging tagapagmana.“Are you kidding me?!” bulalas pa ng dalaga na hindi a rin makapaniwala.Gayunpaman ay walang makikitaang anumang ekspresyon ang mukha ng matanda na patuloy lamang na nakatingin sa kaniya na senyales na seryoso ito sa mga binitiwang salita. Makalipas nga lamang ang ilang segundo ay muli nang kumalma ang puso ni Cassey at mabilis niyang natakpan ang sariling bibig bago tumikhim. “Are... are you serious?” paninigurado pa niyang tanong sa matanda na marahan naman nitong tinanguan. “Why me?”“You have the potential to lead our family,” maikling tugon naman nito. Napalunok ng laway ang dalaga bago niya mariing naikuyom ang nanghihinang kamao. “You want me to lead your family but you tried to kill my own family,” matalim na protesta niya rito. Hindi

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 198

    “Who’s he?” ang tanong ni Cassey sa isipan habang hindi inilalayo ang paningin sa papalapit na bagong panauhin. Inihahanda niya ang sarili kung may bigla itong gawin sa kaniya kung kaya kahit nakakubabaw pa rin siya sa katunggaling si James ay hindi niya magawang ilayo ang paningin sa paarating. Limang hakbang na lang ang layo nito.Apat na hakbang. Hindi pa rin nawawala ang casual at prenteng ngiti nito sa labi. Tatlong hakbang. Inaanalisa ng dalaga ang bawat kumpas ng kamay nito. Dalawang hakbang. At tuluyan na ngang huminto sa kaniyang harapan ang lalaki. Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya habang malapad ang ngiting nakasilay sa mga labi, bagama’t malamig at nagbabadya ng panganib ang ibinubuga ng mga mata nito. Pagkaraan ay inilagay ng lalaki ang dalawang mga kamay sa sariling bulsa na animo sinasabi sa kaniyang wala itong gagawing kakaiba sa kaniya. Pagkatapos ay saka nito ibinuka ang mga bibig upang kausapin ang dalaga.“Can you let him go, Milady,” saad nitong baha

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 197

    “Sir Benjamin?” anas ng isang bantay habang nakatunghay sa bagong dating na lalaki.“Yeah, it is Sir Benjamin,” tatango-tango namang tugon ng katabi habang mataman ding nakatingin sa lalaki.“Ha? Why is Sir Benjamin here?” tanong naman ng isa pa nitong katabi.Pare-pareho lang ang bulung-bulungan ng mga naroon habang nakatingin sa bagong dating na lalaki bagama’t hindi nito pinagtuunan ng pansin ang mga ito.“What? Why this bastard here?” ang hindi makapaniwalang saad naman ni Ian sa isipan habang napaatras pa ng isang hakbang sa pagkabigla nang makita si Benjamin.Tandang-tanda pa ng binata pagkatapos mamatay ng ama ay ipinagpatuloy niya ang pag-iimbestiga sa Black Organization na nasa likod ng mga hindi magagandang nangyayari sa kaniyang pamilya.Nagkaroon sila ng clue ni Supt. De Guzman nang mahuli nito ng buhay ang isa sa mga leader ng grupo na dumukot kay Cassey at sa mga bata. Noong una ay iginigiit nito na mga child trafficker ang grupo na kinabibilangan nito subalit hindi siy

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 196

    “What... this crazy!” hindi makapaniwalang bulalas ng isang lalaki habang matamang nanonood sa dalawa.“Yeah, I can’t believe this too,” segunda naman ng katabi nito.“Well, is she really a normal girl?” singit din ng isa sa mas mahinang boses.“Yeah, I thought she’s just a kid who caught stealing here,” tatango-tangong sang-ayon naman ng isa pa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.“Hey, don’t underestimate her. Remember she’s the one who found me and buy me a gun,” sita naman ng firearm dealer na pinagbilhan ng dalaga sa back alley. “Yeah, you have a point, dude. And don’t forget that she killed our newbies,” sang-ayon naman ng isa na sumuri sa dalawang bantay na pinatay ng dalaga kanina.“But who really is she?” ang tanong ng unang nagsalitang lalaki na matamang nakatingin sa dalaga.“Who knows,” kibit-balikat na tugon naman ng mga kasamahan na itinuon na ang pansin sa dalawang naglalaban sa gitna. Of course, hindi iyon naririnig lahat ni Cassey sapagkat nakatuon ang pan

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 195

    Mabilis at walang pag-aalinlangang dinaluhan ni Cassey ang ama na walang magawa sa pagkakasakal ni James. Dahil sa taglay na lakas ng lalaki kung kaya hindi makapanlaban si Ian. Maliban pang hindi ito makapaniwala na kayang saktan ng katiwala na nagbabantay sa binata. Maging ang mga bodyguard na nakapalibot sa dalawa ay laking gulat din sa ginawa ng leader ng mga ito kung kaya nang biglang pumasok sa eksena ang dalaga ay hindi agad nakahuma ang mga ito. Agad na pumuwesto si Cassey sa likurang tagiliran ni James. Pagkatapos ay kumuha siya ng buwelo at malakas itong sinipa roon upang mapakawalan ang ama. Ngunit mabilis din ang kilos ni James na sinalag ang mga binti niya gamit ang isa nitong kamay na animo ba ay inaasahan na nito iyon.Saglit siyang natigilan sa ginawa nito ngunit hindi siya nawalan ng loob.Dahil hawak-hawak ng lalaki ang kanang binti ng dalaga kung kaya ginamit niya ang dalawang kamay at mabilis niyang inabot ang ulo nito. Balak ng dalaga na baliin ang leeg ni Jam

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 194

    “W-wha...” hindi na naituloy ng dalawang bantay ang gulat nang makita si Cassey dahil sa bilis ng galaw ng dalaga. Segundo lamang ang kinailangan niya nang baliin ang leeg ng isa habang malakas na sinipa sa mukha ang kasamahan nito. Bagama’t hindi napuruhan ang pangalawang lalaki ay na-out of balance naman ito dahil hindi inasahan ang pagtambang niya sa mga ito. Gayunpaman ay hindi nag-aksaya ng oras si Cassey at hindi niya hinayaang makahuma sa pagkabigla ang natitirang kalaban. Mabilis niyang dinaluhan ito at walang pag-aalinlangan na itinusok niya ang dalawang daliri sa gitna ng leeg nito.Nabutas niya ang malambot na bahagi ng katawang iyon ng lalaki at lumusot ang mga daliri ng dalaga. Nang hugutin niya iyon ay pumulandit pa ang masaganang dugo na mabilis niya namang iniwasan upang hindi siya madumihan.Nanlalaki ang mga mata ng lalaking nakatingin sa kaniya habang pinipigilan ang pag-agos ng sariling pulang likido.Hindi naman niya inalis ang paningin dito hanggang sa mawala

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 193

    Muling inalala ni Cassey ang mga sinabi ng ama kanina. “It’s all about your lola,” panimula ng binata.“Lola Dolores?” nagtatakang tanong pa niya.“No, hindi mo na siya naabutan, and even me, hindi ko na siya nakita pa. My biological mother, Kristina,” tugon naman nito.“Oh, alright.” Tango naman ni Cassey na pinakinggan na muna ang sasabihin ng ama bago ito gambalain.“First of all, do you still remember when you kidnapped? Then someone shot your monther on her shoulder.”“Yes.” Tipid na tango naman niya.“Hindi iyon ang unang nanganib ang buhay niya... and me...” Napalunok ng laway si Cassey sa antipisasyon ng susunod na sasabihin pa ng ama. “Noong una ay ang akala namin ay kagagawan iyon lahat ng kaibigan ng lolo mo, si Ismael Alarcon. But when your lolo died, I investigated all the possibilities, at napag-alaman ko na isang misteryosong lalaki ang nasa likod ng Black Organization na kinabibilangan ni Uncle Ismael,” mahabang turan ni Ian. Sinabi ng ama na ipinangako nitong aali

DMCA.com Protection Status