Home / Romance / Deep Into Silence / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Deep Into Silence: Chapter 1 - Chapter 10

15 Chapters

Prologue

“Please Dan, tumigil ka na. Lasing ka lang.” Pagpupumiglas ni Christine sa bawat halik na binibigay ni Daniel sa kanya. Iniiwas niya ang kanyang ulo upang hindi siya mahalikan nito sa labi pero mas malakas si Daniel kaya wala siyang magawa kundi ang hayaan na lamang ito. “Paki-usap, tama na.” Pagmamakaawa niya. Nawawalan na siya ng pag-asang patigilin pa si Daniel. Gusto niyang maiyak dahil siya’y naguguluhan sa kanyang nararamdaman. Naglalaban ang kanyang isip at puso. Iniisip niyang mali ang nangyayari sa kanilang dalawa ngayon ngunit ginugusto naman ng kanyang puso ang mga pangyayari. Hindi niya alam kung anong pinagdadaanan ni Daniel. Bilang isang babae na nagmamahal, tinulungan niya ito. Pero mukhang siya pa ang mapapahamak. Hindi siya kilala ng lalaki pero kilalang-kilala niya ito. Kolehiyo pa lang sila, gusto na niya ang ito. Pe
Read more

Chapter One

Hindi malimutan ni Christine ang pangyayaring iyon. Araw-araw ay palagi na lamang niya itong naalala. Malaki rin ang pangamba niya para sa sarili. Natatakot siyang baka magbunga iyon. Lalo na’t hindi pa siya dinadatnan na dapat ay noong isang linggo pa.   “Ate! Gumising ka na raw baka mahuli ka na sa trabaho mo,” tawag ni Chien na naka-uniporme na.   Umungol lang si Christine dahil tinatamad siyang bumangon.     “Bahala ka d’yan.” Nag-spray ito ng kanyang pabango para mas lalong bumango ang kanyang uniporme. Kailangang maging guwapo siya sa paningin ng kanyang mga kaklase.   Napabalikwas ng bangon si Christine nang maamoy ang napakatapang na amoy ng pabango ni Chien. Tumakbo siya palabas ng kuwarto at nakasalubong niya ang ina na kakalabas lang ng banyo.   “Buti at gumising ka na, Christina! Alam mo ba kung anong oras na? Kanina ---” Napatigil ito sa pagsasalita nang
Read more

Chapter Two

“Talaga bang aalis ka na?” tanong ni Rin. Ang kanyang ka-office mate at kaibigan na rin.   Nalulungkot siya sa sinapit ng kaibigan. Alam niya nang buntis ito at apat na buwan na ito. May maliit na umbok na ang kanyang tiyan. Magre-resign siya dahil ayaw niyang ma-stress dahil sa trabaho.   May ipon naman na siya at alam niyang kakasya ito hanggang sa kapanganakan niya. Pumayag ang Mama niya na hindi na gambalain ang ama ng dinadala niya. Pero hindi ito pumayag na siya lang ang gumastos para sa magiging apo. Mahal niya ang kanyang anak kaya hindi niya ito kayang itakwil.   “Oo, ayokong pati si baby ay mabigatan sa mga trabaho ko rito kaya aalis na ako,” may ngiti sa labing sabi ni Christine.   Nalungkot naman si Rin sa sinabi ng kaibigan. “Bibisita ako palagi sa inyo ha? Mag-ingat kayo ni baby.” At niyakap ang kaibigan.   Malungkot na ngumiti ang magkaibigan sa isa’t isa. Gusto ma
Read more

Chapter Three

Huminto si Christine sa pagtakbo. Hinihingal siya at napahawak sa maliit na umbok ng kanyang tiyan. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso. Sumikip ang kanyang dibdib at medyo nahihirapan siyang huminga. “Nakita niya ako…” tulala niyang saad sa sarili. “Nakita niya ako, baby,” sabi niya ulit. Naramdaman niyang uminit at basa ang kanyang mata. Hinaplos niya ang kanyang pisngi at doon niya lang nalaman na umiiyak na pala siya. Hindi matigil sa pagtulo ang kanyang luha habang patuloy pa ring tumatakbo sa isip niya ang pangyayari kanina. “Buwesit kang hormones ka! Tumigil ka!” Mas lalo siyang napaiyak dahil sa inis. Alam niyang hindi siya kilala ng lalaki at hindi siya namukhaan kaya hindi siya dapat mag-alala pa doon. Ilang ulit niyang pinahiran ang luha pero hindi pa rin nauubos iyon. Humahagulgol na siya. “Ate! Hoy ate!” sigaw n
Read more

Chapter Four

Tirik na tirik na ang araw pero wala pa rin siyang mahanap na kompanyang tatanggap sa kanya bilang sekretarya. Iniisip niya tuloy na parang ang ambisiyosa naman niya para piliin ang sekretarya bilang trabaho niya. Hindi naman sa pagmamayabang niya na matalino siya at alam niya kung ano ang trabaho ng isang sekretarya. Malaki ang sinasahod ng isang sekretarya kumpara sa mga ordinaryong empleyado lang ng kompanya. Lalo na’t dumating si Danzi sa buhay niya, kailangan niya talaga magbanat ng buto para matustusan ang pamilya niya. ‘Yong kompanya na pinapasukan niya noon ay hindi naghahanap ng sekretarya kaya wala siyang ibang pagpipilian kundi ang maghanap ng ibang kompanyang tatanggap sa resume niya. Ilang kompanya na ang pinuntahan niya pero hindi pa rin siya matanggap. Napabuntong-hininga na lamang siya at napa-upo sa silya ng karenderyang kinainan niya at uminom ng soft drinks gamit ang straw. 
Read more

Chapter Five

Sa tahimik na opisina ay makikita ang isang lamesang tambak ng mga papeles. Sa likod ng mga papeles na iyon ay may nakaupong si Daniel na kanina pa tulala sa mga papeles sa kanyang harapan.   “Why did I just fire my secretary?” tanong niya sa kanyang sarili na mukhang nagsisisi pa sa ginawa.   Isang buwan ang nakalilipas matapos mawalan siya ng sekretary sa kadahilanang dumadagdag ito sa kanyang isipin. Palagi na lamang itong kinukulit siyang magtrabaho gayong wala siyang ganang gumawa ng kahit na ano.   Puno ang isipan niya sa kung sino ang babaeng nakasama niya sa gabi noong siyam na buwan na ang nakalilipas. Kahit isang taon pa ang lumipas ay hindi pa rin mawala sa isipan niya ang pangyayaring iyon. Gusto niyang makita ang mukha ng babaeng iyon at baka sakaling maalala niya ngunit kahit sinong babae ang makita niya sa daan, kompanya at sa mga bar ay hindi pa rin niya ito mahanap.   “You really mes
Read more

Chapter Six

Biglang pumasok si Adrian na ayos na ayos. Napataas ang kilay ni Daniel nang makita ang postura ng kaibigan. “Dan, can you let Christine roam around the company?” “And why should I do that?” “Since it’s her first day. Let her not work for today.” Ngumiti ito ng pagkalaki-laki. “No,” prenteng sagot ni Daniel at tumingin sa kanyang laptop. “Come on, bro! I like her.” Umiling lang si Daniel at binalewala ang sinabi ni Adrian. “Remember when I told you that I had a one night stand with someone.” Umayos ito ng upo at tiningnan si Adrian na umayos din ng upo. Tumango si Adrian. Na-ikwento kasi ni Daniel kay Adrian ang tungkol sa gabing iyon. Si Adrian din ay curious kung sino nga ba ang babaeng ayaw magpakita kay Daniel. Ang iniisip kasi ni Adrian
Read more

Chapter Seven

“Dito nalang po, sir,” saad ni Christine.   Huminto si Daniel sa isang eskinita. Tiningnan niya si Christine na inaayos ang kanyang mga gamit. Sinilip ni Daniel at pilit na hinahanap kung saan nakatira si Christine.   “Is this really your place?” tanong ni Daniel bago binaling kay Christine ang tingin.   Napahinto si Christine sa kanyang ginagawa at agad itinuro ang kanyang bahay. Isa itong bahay na gawa sa kahoy, hindi kalakihan pero kasya naman silang apat.   Nang mapagtanto ni Christine ang ginawa niyang pagturo ay agad siyang napapikit. Hindi dapat niya itinuro ang direksiyon ng bahay nila.   “Thank you po sa paghatid, sir.” Ngumiti siya at binuksan ang pinto.   Hindi pa siya nakakababa ay narinig ang napakalakas na iyak ni Danzi. Tiningnan ni Christine si Daniel at malimit na ngumiti. Kinakabahan ito, baka maghinala si Daniel. Napayuko siya at nagdadasal
Read more

Chapter Eight

Nang mahanap at makuha ni Daniel ang selpon ni Chien ay agad niyang hinanap ang pangalan ni Christine.  Hindi niya mahanap ang Christine o anumang mauugnaay sa pangalan ni Christine maliban nalang sa “Tintenenen”. Napailing na lamang siya at tinawagan ito. Mabuti’t namukhaan ni Daniel si Chien. Pina-background check niya ang buong pamilya ni Christine dahil lamang sa pag-iisip na si Christine ang babaeng nakatalik niya noon. Dahil dito, nakilala agad niya si Chien. Ang pakay sana ni Daniel ay ibalik ang naiwang file folder sa inuupuan ni Christine kanina. Hindi niya inaasahang makita niya si Chien na nasaksak. Kahit ayaw man niya itong tulungan, wala siyang magagawa nang sumakay ito sa kotse..“Chien nasaan ka na? Ang gatas ni Danzi at gamot ni mama?” Ang bungad agad ni Christine pagkatapos sagutin ang tawag. Marami pa itong sinabi sa kabilang linya. Napapamura pa it
Read more

Chapter Nine

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang pagkakasaksak ni Chien. Balik sa normal ang lahat. Papasok at uuwi siya sa kanilang bahay ngunit hinahatid siya ni Daniel tuwing na gagabihan sila sa kompanya. Tanghali na at palabas na si Christine ng kompanya upang kumain sa isang pinakamalapit na karenderya. Alas dose na ng tanghali, kanina pa kumakalam ang kanyang sikmura. Galing sa isang meeting si Daniel kaya hindi pa siya nakakakain. Paglabas ng kompanya ay nakita niya ang pamilyar na kotseng nakaabang sa harap niya. Ibinaba nito ang bintana ng kotse at masayang kinaway ang kamay kay Christine. Napangiti si Christine at naglakad palapit sa kotse ni Adrian. “Lunch?” kaswal na tanong nito habang tinataas-baba ang kanyang kilay. Napatawa naman ng mahina si Christine at tumango. Tiningnan niya si Adrian at naghihintay na yayain siya nito na sumabay silang kumain. Mas n
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status