“Talaga bang aalis ka na?” tanong ni Rin. Ang kanyang ka-office mate at kaibigan na rin.
Nalulungkot siya sa sinapit ng kaibigan. Alam niya nang buntis ito at apat na buwan na ito. May maliit na umbok na ang kanyang tiyan. Magre-resign siya dahil ayaw niyang ma-stress dahil sa trabaho.
May ipon naman na siya at alam niyang kakasya ito hanggang sa kapanganakan niya. Pumayag ang Mama niya na hindi na gambalain ang ama ng dinadala niya. Pero hindi ito pumayag na siya lang ang gumastos para sa magiging apo. Mahal niya ang kanyang anak kaya hindi niya ito kayang itakwil.
“Oo, ayokong pati si baby ay mabigatan sa mga trabaho ko rito kaya aalis na ako,” may ngiti sa labing sabi ni Christine.
Nalungkot naman si Rin sa sinabi ng kaibigan. “Bibisita ako palagi sa inyo ha? Mag-ingat kayo ni baby.” At niyakap ang kaibigan.
Malungkot na ngumiti ang magkaibigan sa isa’t isa. Gusto mang manatili ni Christine pero dahil mas importante ang kapakanan ng dinadala nito ay mas dapat niya itong unahin. Tinulungan ni Rin na dalhin ang mga gamit nito.
Matapos magligpit ay umalis na siya sa building at umuwi sa kanilang bahay.
Nadatnan niya ang ina na hinihilot ang binti. Bumuntonghininga siya nang malalim. Naglakad at tumabi sa ina.
“Ma, dapat dito nalang kayo sa bahay. Huwag na kayong masyadong magpagod. Alam niyo naman pong tumatanda na kayo.”
Inilagay niya sa lamesa ang kanyang gamit at para hilutin ang binti ng kanyang Mama.
Lumaki naman ang mata ng kanyang ina dahil sa biglang pagluhod ni Christine sa harapan niya para masahiin siya. Bigla niya itong inalalayan para tumayo. Mahina namang napatawa si Christine at saka tumayo.
“Ikaw ang dapat na manatili sa bahay dahil buntis ka. Alagaan mo nang mabuti ang katawan mo para maging mas malusog si baby,” sabi ng kanyang ina at pinaupo ulit sa tabi niya.
Sobrang saya niya. Kahit na nagalit ito noong unang nalaman niyang buntis siya ay tinanggap niya ito pa rin ito kalaunan.
Suwerte nilang magkapatid dahil mabait at mapagmahal ang kanilang ina.
“Alam ko na po iyon.” Nakangiting tumayo na siya at pumunta sa kusina.
Kumuha siya ng hilaw na mangga at binalatan ito. Kumuha rin siya ng bagoong tapos ay bumalik sa sala para kainin iyon. Inalok niya ang kanyang ina pero tumanggi ito dahil mas kailangan niya ito.
“Ma, parang gusto kong kumain ng Durian.” Biglang nangasim ang tiyan niya at iyon ang hinahanap at gustong lantakan.
“Alam kong buntis ka, Tina ha? Pero alam mo namang may allergy ka sa prutas na iyon.”
Tama, bawal sa kanya iyon dahil namumula ang maputi niyang kutis tapos may maliliit na pantal ang lumalabas sa kanyang balat nang minsang kumain siya no'n.
“Hindi ko naman kasi kakainin. Aamuyin ko lang,” nakangusong pagmamaktol nito.
Napabuntonghininga ang kanyang ina. Hindi niya kayang matanggihan ang anak dahil gaya ni Christine, nabuntis din naman siya at naranasan niya ang pagkakaroon ng mood swings at cravings ng pagiging buntis.
Tumayo ito at lumabas sa pintuan.
“Salamat Ma!” sigaw ni Christine habang nakangiti at kumakaway pa.
Pinagpatuloy niya ang pagkain ng mangga. Nakaubos ata siya ng lima bago siya tumigil. Nagpalit siya ng damit at binuksan ang TV. Ngayon na lang ulit siya makakapanood ng TV dahil busy sa trabaho nang nakaraan.
“Ano bang magandang panoorin?” bulong niya habang nililipat ang mga channels kahit dalawang channel lang naman ang mayroon sila.
Nahinto siya sa paglipat nang lumabas sa TV ang mukha ni Daniel. Napatitig siya rito. Nakangiti ito habang nakatingin kay Roxanne.
Nagkabalikan na pala sila. Pinatay niya na ang TV dahil wala namang magandang panoorin lalo na dahil mukha ng lalaking iyon ang nakita niya sa TV.
Tinitigan niya ang maliit na umbok sa kanyang tiyan. Napangiti siya ng malaki at hinaplos ito nang marahan. Pumikit pa siya at pinakiramdam ang sanggol na nabubuhay sa kanyang sinapupunan.
“Promise baby, kahit wala kang papa, may mama ka naman at lola tapos may tito. Hindi mo na kailangan pa ng papa,” kausap niya sa kanyang tiyan. Hinahaplos pa niya ito.
Minabuti niyang magpa-music na lang para ma-relax siya at si baby. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang kanyang ina kasama si Chien.
“Mama!” sigaw niya at kinuha ang dala nitong Durian.
“Huwag kang tumakbo, Tina baka mapaano ang baby sa sinapupunan mo!” tarantang sigaw ng kanyang ina at naglakad nang mabilis palapit kay Christine.
“Oy ate, bigyan mo ‘ko niyan!” si Chien. Pero inirapan lang siya ni Christine. “Ang damot mo! Hindi kita bibigyan ng Mangga!”
Binuksan ni Christine ang Durian at inamoy ito. Sobrang saya niya kasi lahat ng gusto niya binibigay ng ina at kapatid niya. Inamoy niya ito ulit at binuksan ang Durian.
Naisipan niyang tawagin si Chien at ibigay ang kalahati ng Durian upang hindi ito magalit sa kanya o kaya baka hindi na siya nito pansinin at tulungan kapag may favor siyang ipapagawa sa kapatid.
“Chien, halika sa’yo na ‘to!” Lumabas naman agad si Chien sa kuwarto at kinuha ang kalahating Durian na ibinigay ng ate niya.
Nakatingin lang sa kanila ang kanilang Mama na naka-upo sa sala. Umupo si Chien sa silya katabi ang kanyang Mama at binigyan din ng Durian.
“Tina, kumusta naman ang check-up mo kay Lydia?” Lumapit si Christine sa kanyang ina at ibinigay ang Durian dahil hindi na niya ito gusto.
Bago kasi umuwi galing sa pinagtratrabaho'an niya ay pumunta na muna siya sa Ninang niya upang magpacheck-up dahil 2nd trimester na niya sa kanyang pagbubuntis.
“Ayos naman po. Ganoon pa rin naman, Ma. Malusog daw si baby. Wala naman daw dapat ipag-alala.” Tinapik niya ang kamay ni Chien nang makita niya itong kumukuha na naman ng Durian. “Kay mama iyan!”
Pinanlisikan ni Christine ng tingin si Chien. Umayos na lang ng upo si Chien at naghihintay na ibigay ng ina nila sa kanya ang hati niya.
“Ma, matutulog muna ako.” si Christine.
Tumango lang ang kanyang ina. Nagkaroon naman ng pagkakataon si Chien para kunin ang Durian na ibinigay ni Christine sa kanyang Mama. Masaya nitong nilantakan ang Durian.
------------
Malalim ang kanyang iniisip habang umiinom ng mag-isa sa bar. Maingay ang paligid pero parang wala siyang marinig dahil sa lalim ng iniisip. Tumungga ulit siya at sumenyas sa bartender na bigyan siya ng isa pa. Pang limang baso na niya ito pero hindi pa rin siya natitinag. Malalim pa rin ang kanyang iniisip.
“Hey, baby.” sabay kindat ng babaeng halos makita na ang kaluluwa kung manamit. “Do you want to heat up this cold evening in the bed, hmm?” dagdag pa ng babae habang nilalapit ang mukha sa leeg ni Daniel.
Hinawakan ng babae ang kanyang balikat pababa sa kanyang tiyan. Kinagat ng babae ang kanyang labi sa pag-aakalang tatayuan si Daniel pero wala pa ring ekspresyon ang mukha nito. Medyo naiinis na ang babae pero dahil kailangan niya ng pera sa gabing iyon. Ginapang ng babae ang kanyang dalawang kamay pababa sa pantalon ni Daniel.
Tinabig ni Daniel ang kamay ng babae para umalis, kaya walang nagawa ang babae kundi ang mainis at maglakad palayo. Wala siya sa mood para makipaglampungan lalo na at hindi maalis sa isip niya ang nakasiping niya tatlong buwan na ang nakalilipas. He knows that it’s not Roxanne.
After that night, nakita niya ang punit na bestida na paniguradong galing sa nakasiping niya. He can’t forget the scent of her hair and the softness of her skin. Every moan of that girl is like an audio tape, still repeating in his head. But unfortunately, he doesn’t know who she is? He never saw her face due to his drunkenness.
Tumayo na siya at lumabas sa bar. Naglalakad siya pabalik sa condo unit niya. Malapit lang kasi ang bar sa condo niya kaya lalakarin na lang niya.
Medyo lasing na siya kaya hindi na masyadong malinaw ang kanyang paningin.
“Hello, Chien?” rinig niyang may nagsasalita sa unahan. May dala itong supot ng Mangga at kita niyang buntis ito.
Idinilat niya ang kanyang mata nang maayos para tingnan ang babae.
“Oo na nga pauwi na ako. Bumili lang ako ng Mangga kasi nagugutom na naman si baby… bye,” iritadong saad ni Christine at saka hinawakan ang maliit na umbok sa tiyan.
Dahil sa hindi niya maaninag ang mukha nito ay naglakad na lang siya ng diretso. Hindi nakatingin ang babae sa kanya kaya nagkabanggaan sila. Nabigla naman si Daniel kaya mabuti’t nasalo niya ito. Tunulungan niyang makatayo nang maayos ang babae at nag-sorry pero nakatitig lang ang babae sa kanya.
“I’m sorry.”
Pero nakatitig pa rin ito sa kanya. Minabuti niyang maglakad na pero napatigil siya nang maamoy ang pamilyar na bangong nanggagaling sa buhok ng babae.
This scent.
Pero paglingon niya nagmamadali nang maglakad paalis ang babae. Susundan pa sana niya ito pero nagpasya siyang hindi na lang dahil lasing siya at baka matumba lang siya kapag tinakbo pa niya ito.
Nagkibit na lang siya ng balikat at nagpatuloy sa paglakad. Nang marating niya ang condo ay nagpalit siya ng damit.
Isasara na sana niya ang kanyang closet ngunit nakita niya ang dress na napunit. Itinago niya ito rito dahil may parte sa kanya na gusto pang makita ang babae.
“Who are you?” pabulong na tanong niya bago isinara ang closet.
Ibinagsak niya ang kanyang sarili sa kama at tumingin sa kisame. Bumalik sa kanya ang araw na iyon kung saan dito niya nakita ang pulang marka na nakita niya. The girl he slept with that night was a virgin.
Naramdaman niyang nag-vibrate ang kanyang phone sa lamesa kung saan nandoon ang kanyang lamp shade. Kinuha niya ito at sinagot ang tawag.
“Hello baby, where are you?” Boses ni Roxanne ang kanyang narinig.
After the announcement last week that Roxanne - a famous actress - and him was in a relationship again. Wala na siyang naramdaman pang pagmamhal para sa babae. He is just doing this to forget that girl but it did not really help anything. Nothing.
“I’m at my condo. I’m sleeping Rox,” walang gana niyang sagot.
“Oh, maybe tomorrow, then? I love you. Bye.” disappointed na saad ni Roxanne sa kabilang linya.
“Bye.”
Pinatay na niya agad ang phone at natulog na. He’s tired. Maaga pa siya bukas para sa isang meeting.
Huminto si Christine sa pagtakbo. Hinihingal siya at napahawak sa maliit na umbok ng kanyang tiyan. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso. Sumikip ang kanyang dibdib at medyo nahihirapan siyang huminga.“Nakita niya ako…” tulala niyang saad sa sarili. “Nakita niya ako, baby,” sabi niya ulit.Naramdaman niyang uminit at basa ang kanyang mata. Hinaplos niya ang kanyang pisngi at doon niya lang nalaman na umiiyak na pala siya. Hindi matigil sa pagtulo ang kanyang luha habang patuloy pa ring tumatakbo sa isip niya ang pangyayari kanina.“Buwesit kang hormones ka! Tumigil ka!” Mas lalo siyang napaiyak dahil sa inis.Alam niyang hindi siya kilala ng lalaki at hindi siya namukhaan kaya hindi siya dapat mag-alala pa doon. Ilang ulit niyang pinahiran ang luha pero hindi pa rin nauubos iyon. Humahagulgol na siya.“Ate! Hoy ate!” sigaw n
Tirik na tirik na ang araw pero wala pa rin siyang mahanap na kompanyang tatanggap sa kanya bilang sekretarya. Iniisip niya tuloy na parang ang ambisiyosa naman niya para piliin ang sekretarya bilang trabaho niya.Hindi naman sa pagmamayabang niya na matalino siya at alam niya kung ano ang trabaho ng isang sekretarya. Malaki ang sinasahod ng isang sekretarya kumpara sa mga ordinaryong empleyado lang ng kompanya. Lalo na’t dumating si Danzi sa buhay niya, kailangan niya talaga magbanat ng buto para matustusan ang pamilya niya.‘Yong kompanya na pinapasukan niya noon ay hindi naghahanap ng sekretarya kaya wala siyang ibang pagpipilian kundi ang maghanap ng ibang kompanyang tatanggap sa resume niya.Ilang kompanya na ang pinuntahan niya pero hindi pa rin siya matanggap. Napabuntong-hininga na lamang siya at napa-upo sa silya ng karenderyang kinainan niya at uminom ng soft drinks gamit ang straw.
Sa tahimik na opisina ay makikita ang isang lamesang tambak ng mga papeles. Sa likod ng mga papeles na iyon ay may nakaupong si Daniel na kanina pa tulala sa mga papeles sa kanyang harapan. “Why did I just fire my secretary?” tanong niya sa kanyang sarili na mukhang nagsisisi pa sa ginawa. Isang buwan ang nakalilipas matapos mawalan siya ng sekretary sa kadahilanang dumadagdag ito sa kanyang isipin. Palagi na lamang itong kinukulit siyang magtrabaho gayong wala siyang ganang gumawa ng kahit na ano. Puno ang isipan niya sa kung sino ang babaeng nakasama niya sa gabi noong siyam na buwan na ang nakalilipas. Kahit isang taon pa ang lumipas ay hindi pa rin mawala sa isipan niya ang pangyayaring iyon. Gusto niyang makita ang mukha ng babaeng iyon at baka sakaling maalala niya ngunit kahit sinong babae ang makita niya sa daan, kompanya at sa mga bar ay hindi pa rin niya ito mahanap. “You really mes
Biglang pumasok si Adrian na ayos na ayos. Napataas ang kilay ni Daniel nang makita ang postura ng kaibigan.“Dan, can you let Christine roam around the company?”“And why should I do that?”“Since it’s her first day. Let her not work for today.” Ngumiti ito ng pagkalaki-laki.“No,” prenteng sagot ni Daniel at tumingin sa kanyang laptop.“Come on, bro! I like her.”Umiling lang si Daniel at binalewala ang sinabi ni Adrian.“Remember when I told you that I had a one night stand with someone.” Umayos ito ng upo at tiningnan si Adrian na umayos din ng upo.Tumango si Adrian. Na-ikwento kasi ni Daniel kay Adrian ang tungkol sa gabing iyon. Si Adrian din ay curious kung sino nga ba ang babaeng ayaw magpakita kay Daniel. Ang iniisip kasi ni Adrian
“Dito nalang po, sir,” saad ni Christine. Huminto si Daniel sa isang eskinita. Tiningnan niya si Christine na inaayos ang kanyang mga gamit. Sinilip ni Daniel at pilit na hinahanap kung saan nakatira si Christine. “Is this really your place?” tanong ni Daniel bago binaling kay Christine ang tingin. Napahinto si Christine sa kanyang ginagawa at agad itinuro ang kanyang bahay. Isa itong bahay na gawa sa kahoy, hindi kalakihan pero kasya naman silang apat. Nang mapagtanto ni Christine ang ginawa niyang pagturo ay agad siyang napapikit. Hindi dapat niya itinuro ang direksiyon ng bahay nila. “Thank you po sa paghatid, sir.” Ngumiti siya at binuksan ang pinto. Hindi pa siya nakakababa ay narinig ang napakalakas na iyak ni Danzi. Tiningnan ni Christine si Daniel at malimit na ngumiti. Kinakabahan ito, baka maghinala si Daniel. Napayuko siya at nagdadasal
Nang mahanap at makuha ni Daniel ang selpon ni Chien ay agad niyang hinanap ang pangalan ni Christine. Hindi niya mahanap ang Christine o anumang mauugnaay sa pangalan ni Christine maliban nalang sa “Tintenenen”. Napailing na lamang siya at tinawagan ito.Mabuti’t namukhaan ni Daniel si Chien. Pina-background check niya ang buong pamilya ni Christine dahil lamang sa pag-iisip na si Christine ang babaeng nakatalik niya noon. Dahil dito, nakilala agad niya si Chien.Ang pakay sana ni Daniel ay ibalik ang naiwang file folder sa inuupuan ni Christine kanina. Hindi niya inaasahang makita niya si Chien na nasaksak. Kahit ayaw man niya itong tulungan, wala siyang magagawa nang sumakay ito sa kotse..“Chien nasaan kana? Ang gatas ni Danzi at gamot ni mama?”Ang bungad agad ni Christine pagkatapos sagutin ang tawag. Marami pa itong sinabi sa kabilang linya. Napapamura pa it
Isang linggo na ang nakalipas matapos ang pagkakasaksak ni Chien. Balik sa normal ang lahat. Papasok at uuwi siya sa kanilang bahay ngunit hinahatid siya ni Daniel tuwing na gagabihan sila sa kompanya.Tanghali na at palabas na si Christine ng kompanya upang kumain sa isang pinakamalapit na karenderya. Alas dose na ng tanghali, kanina pa kumakalam ang kanyang sikmura. Galing sa isang meeting si Daniel kaya hindi pa siya nakakakain. Paglabas ng kompanya ay nakita niya ang pamilyar na kotseng nakaabang sa harap niya.Ibinaba nito ang bintana ng kotse at masayang kinaway ang kamay kay Christine. Napangiti si Christine at naglakad palapit sa kotse ni Adrian.“Lunch?” kaswal na tanong nito habang tinataas-baba ang kanyang kilay.Napatawa naman ng mahina si Christine at tumango. Tiningnan niya si Adrian at naghihintay na yayain siya nitona sumabay silang kumain.Mas n
Sumisikat na ang araw nang marinig niya ang malakas na ingay ng alarm clock sa kanyang kwarto. Pinatay niya ito at agad na bumangon.Pagod siya galing sa trabaho lalo na’t siya ang nagpapatakbo nito habang nasa ospital ang kanyang daddy. Habang nakapikit ang mata, napahikab siya.Kung tutuusin gusto niya pang humiga at matulog nalang sa tanang buhay ngunit hindi niya pwedeng gawin iyon lalo na’t nasa krisis ang kompanya ng pamilya nila.Tumayo na siya. Naligo at nagsuot ng kanyang formal attire. Pagdating niya sa hapag-kainan. Nakita niya ang nakababata niyang kapatid.Samuel Lax Dizon. Ang kapatid niya ay isang batang may ADHD (Attention Deficit Hyperactivity Disorder). 4 years old ito ng malaman ng pamilya na may sakit ito. Iniluwal siyang premature at ito ang pinaniniwalaang dahilan kung bakit ito nagkaroon ng ADHD.“Good morning Sam,” bati niya sa kapa
"A-ang sabi ko po, Danzi Chris po, sir De Villa." Ngumiti pa siya ng pilit at umiiwas sa mga mata ni Daniel dahil natatakot siyang mabasa ito ng lalaki.Narinig niyang bumuntong-hininga si Daniel at ilang beses tumango. Mukhang naniwala naman si Daniel sa sinabi niyang palusot."Is that so?" ang nasabi lamang ni Daniel. "Your child is beautiful, Ms. Monte. She looks like you," pag-iiba ng topic ni Daniel.Napapikit si Christine. Akala niya hindi na ito magsasalita pa. Umaasa siyang hindi na ibubuka ni Daniel ang bibig niya dahil ganoong klaseng tao naman si Daniel. Hindi niya pag-uusapan ang mga walang kwentang bagay."Mas nakikita ko po 'yong mukha ng papa niya kaysa sa akin. There are some features na nakuha niya sa akin but I think mas marami siyang nakuha sa papa niya," nakangiting sagot ni Christine.Habang sinasabi ang mga pangungusap na iyon, nakatingin lang si Christine sa pilikmata, matangos na
“Good morning, Christine!” bungad ni Adrian ng lumabas si Christine sa elevator.Nagulat si Christine sa bating iyon ni Adrian pero agad din namang napatawa. Naglakad na si Christine habang nakasunod naman si Adrian sa kanya.“Sabay ulit tayong mag-lunch mamaya.” Napailing si Christine at binigyan ng malungkot na ekspresyon si Adrian.“I’m sorry to tell you but Ms. Monte will be coming with me this lunch.”Napalingin si Adrian sa kanyang likod habang napaangat naman ang ulo ni Christine. Nasa harap nila ngayon si Daniel na nanlilisik ang dalawang mata na nakatingin kay Adrian.“Good morning, sir.” Tumayo si Christine at agad na yumuko.“Daniel, ma’boy!” sigaw ni Adrian at inakbayan si Daniel.Tiningnan ni Daniel ang kamay ni Adrian na nakasampa sa kanyang balikat. Tinaasan niya ito ng kilay at humakbang paharap upang maalis ang pagkakaakbay nito sa kanya.
Bumuntong-hininga siya. Inayos ang sarili upang hindi mahalata ng daddy niya na lasing siya. Inilagay niya sa kanyang tenga ang cellphone at bumati. “Yes, dad?” malumanay na tanong niya. “Sophia, ‘wag kang bumisita dito sa ospital hangga’t alam kong may binabalak kang masama sa akin at sa kompanya!”sigaw ng kanyang daddy. Nailayo ni Sophia ang cellphone dahil sa lakas na sigaw ng kanyang daddy. Hindi niya namalayan na umaagos na pala ang kanyang luha. “Dad, I’m not plotting anything to you or the company,” Pagmamatigas niya habang ingat na hindi marinig ng daddy ang kanyang mga hikbi. “Don’t play innocent, Sophia! I know all of your terror actions inside the company. You are not capable of succeeding my company. Samuel is way better than you.” Napahinto siya sa paglalakad at eksaktong nasa isang bench siya. Umupo siya doon.
“Hindi ko papayagan na makuha ng isang taong katulad mo ang kompanyang ‘to,” matigas na saad ni Sophia. “At mas lalong hindi ko hahayaang bilogon mo ng husto si daddy,” dagdag pa niya.Michael Limbayo, ang kaibigan at nagtatrabaho sa kompanya ng daddy niya. Tatlumpong taon na itong nagtatrabaho sa kompanya. Kilala nito ang ina ni Sophia at Samuel dahil magkaibigan ito noon.“Tanggapin mo na lamang hija na kahit anong talino at determinasyon ang mayroon ka, hindi ka magiging tagapagmana ng kompanya.” Sabay ngisi ng malademonyo.Kinalma niya ang sarili nang maramdamang sasabog na siya sa galit. Pinikit niya ang mata habang nakayuko at ang nakakuyom na mga kamay ay tinigil na niya.“Don’t forget this, Tito. Kapag nalaman ni daddy ang ginawa mo kay mommy…” Hinto niya sabay taas ng kilay a tingin sa mga mata ng lalaking kaharap. “Mag