Home / All / Deep Into Silence / Chapter Three

Share

Chapter Three

Author: Tineytiny
last update Last Updated: 2021-11-17 11:40:31

Huminto si Christine sa pagtakbo. Hinihingal siya at napahawak sa maliit na umbok ng kanyang tiyan. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso. Sumikip ang kanyang d****b at medyo nahihirapan siyang huminga.

“Nakita niya ako…” tulala niyang saad sa sarili. “Nakita niya ako, baby,” sabi niya ulit.

Naramdaman niyang uminit at b**a ang kanyang mata. Hinaplos niya ang kanyang pisngi at doon niya lang nalaman na umiiyak na pala siya. Hindi matigil sa pagtulo ang kanyang luha habang patuloy pa ring tumatakbo sa isip niya ang pangyayari kanina.

“Buwesit kang hormones ka! Tumigil ka!” Mas lalo siyang napaiyak dahil sa inis.

Alam niyang hindi siya kilala ng lalaki at hindi siya namukhaan kaya hindi siya dapat mag-alala pa doon. Ilang ulit niyang pinahiran ang luha pero hindi pa rin nauubos iyon. Humahagulgol na siya.

“Ate! Hoy ate!” sigaw ni Chien nang mahagilap si Christine na nakatalikod sa kanya.

Naglakad ito palapit sa kanyang Ate. Kakalabitin na sana niya ito nang marinig niya ang napakalakas na palahaw nito.

Napabuntonghininga na lamang si Chien at pumunta sa harap ni Christine saka ito niyakap habang hinahagod ang likod.

Tahimik lang si Chien habang nakikinig sa iyak ng kanyang kapatid. Maraming mga dumadaang tao na nakatingin sa kanila. Iniisip nito na baka pinaiyak ng lalaki ang babae.

“Tahan na, ate. Sino ba nagpaiyak sa’yo?” Pinipigilan ni Chien ang sarili na mainis at magalit dahil baka magbago na naman ang mood ng ate niya at magtampo sa kanya.

Umiling lang si Christine at mas sinubsob ang mukha sa damit ni Chien. Ramdam niyang b**a na ng luha ang d****b niya. Mas matangkad kasi ng kaonti si Chien kaysa kay Christine.

“Sabihin mo na lang sa’kin kung ilang oras ka iiyak,” malumanay na sabi niya. “Aray!” Napasigaw si Chien dahil sa sakit ng pagkakakurot ni Christine sa kanyang tagiliran.

Napahawak si Chien doon at tiningnan si Christine na magkasalubong ang dalawang kilay at nakanguso. Napangiti si Chien dahil sa itsura ng kanyang Ate. Mas gugustuhin pa niyang makitang ganito ang ekspresyon ng mukha ni Christine kaysa makitang naliligo ito sa sariling luha niya.

Mas lalong nagalit si Christine nang makita ang nakangiting mukha ni Chien kaya kumuha siya ng mangga sa supot at binato sa d****b ni Chien bago naglakad papalayo.

Napaigtad naman si Chien at mabilisang kinuha ang mangga sa lupa. Tumakbo siya palapit sa kapatid na mas bumilis pa ang paglalakad. Napatawa na lamang nang mahina si Chien habang nakasunod sa likuran ni Christine.

Lumipas ang mga buwan, naging maayos at maingat naman ang pagdadalang-tao ni Christine. Walang mga komplikasyon at higit sa lahat malusog ang baby na nasa sinapupunan niya.

Hindi na rin inalala ni Christine ang mga pangyayari patungkol kay Daniel. Lagi niyang iniiwasan ang mga newspapers, TV at radyo upang hindi m****a, marinig at makita ang lahat ng tungkol kay Daniel dahil magdadala lang ito ng stress sa dinadala niya.

Sa tuwing nagtatrabaho ang ina ni Christine at pumapasok sa paaralan si Chien ay lagi siyang naiiwan mag-isa. Ngunit, may mga araw din naman na binibita siya ni Rin. Gusto kasi nitong maging ninang. Napag-isipan nito na maaga pa lang dapat mapa-impress na niya ang anak ni Christine kahit hindi pa ito lumalabas.

Isang buwan bago ang kabuwanan ni Christine ay tapos na ang pasukan nila Chien kaya may kasama na palagi ang mag-ina sa bahay.

“Ate, may naisip ka na bang pangalan ni baby?” tanong ni Chien habang nagbabalat ng mangga.

Hindi sumagot si Christine. Napatingin si Chien dito at napailing na lamang siya nang makitang nakatitig ito sa binabalatan niyang Mangga. Agad niyaang tinapos iyon at inilagay sa lamesang kaharap ngayon ni Christine.

“Salamat, Chien.” nakangiting sabi nito at nagsimula nang kumain.

“So, ano nga?”

Napakunot ang noo ni Christine. “Ang ano?” takang tanong din ni Christine at kinagat ang Mangga. Nangasim naman ang mukha niya.

“Tanong ko, kung may naisip ka na bang pangalan ni baby?” inis na sabi nito.

Tumango si Christine at binaba muna ang hawak na Mangga. “Dahil babae si baby, napag-isipan ko na ang ipangalan sa kanya ay Fellineria.”

Pumangit naman ang mukha ni Chien nang marinig ang pangalan. “Insulto ang pangalan, Ate,” sabi niya at saka nag-isip. “Mas mabuting I-combine mo ‘yong pangalan mo at ng daddy ni baby.”

Napatigil si Christine sa pagsubo ng Mangga dahil sa sinabi ni Chien. Bigla siyang nalungkot. Napansin iyon ni Chien kaya naalarma siya at umayos ng upo.

“Oy ate, kung ayaw mo naman hindi kita pipilitin. Anak mo ‘yan, e.”

Naisip ni Christine na maganda rin namang ideya ang sinabi ni Chien pero hindi lang talaga niya mapigilang malungkot sa tuwing naaalala niya si Daniel. Umiling siya at tumingin kay Chien saka ay ngumiti.

“May point ka rin naman sa sinabi mo. Pag-iisipan kong mabuti ang pangalan ni baby,” masayang sabi ni Christine at kumuha agad ng mangga.

Napailing na lamang si Chien dahil hindi niya maintindihan ang pabago bagong mood ng mga buntis.

Kabuwanan na niya kaya mas matindi ang pag-iingat ni Christine. Ang ina niya’y piniling manatili sa bahay. Masyado silang excited na lumabas ang baby. may kuna, damit, at lampin na ring nakahanda.

“Ma, para akong preso. Nasa sala lang ako. Hindi ako makalabas kasi nakabantay kayo ni Chien,” pagreklamo ni Christine.

“Tumigil ka d’yan, Tina ha.”

Napasimangot na lang si Christine at kumain ng mangga. Wala naman siyang sakit pero kung makaalalay ang dalawa sa kanya ay para siyang mababasag.

“Aray, Ma!” d***g ni Christine sabay hawak sa kanyang tiyan.

Nataranta naman ang kanyang Mama kaya nagmadali itong lumapit sa kanya. Tinapik niya si Chien para tulungan siyang alalayan ang kapatid pero napatawa si Christine kaya nagtaka ang dalawa sa inasta nito.

Napahagalpak sa tawa si Christine. “Joke lang, Ma.” At tawa pa ulit.

Babatukan sana siya ng kanyang Mama pero naalala nito na buntis pala ang anak kaya pinigilan na lang niya ang kanyang sarili.

“Tigil tigilan mo ako, Tina.” Bumalik ito sa kusina para ihanda ang kanilang pananghalian.

“Oo na po.”

Nagpa-music na lang siya para marelax ulit siya. Naniniwala rin kasi siya na kapag nakikinig ng music ang buntis magiging singer ang anak.

Narinig niya ang pagbukas ni Chien sa TV kaya tumingin siya roon pero umirap siya nang makita ang mukha ni Daniel.

“Bakit ba palaging mukha ng lalaking ‘yan ang nasa TV?”

Napatingin si Chien sa kanya. “Alam mo Ate, napapansin ko na ayaw mo sa mukha ni Daniel de Villa?”

“Palagi na lang kasi siya ang pinapalabas sa TV. Hindi naman guwapo.”

“Malamang Ate, siya ang kauna-unahang young businessman sa Pilipinas na naging bilyonaryo tapos kakaulat lang kahapon na engaged na raw sila ni Roxanne Galendo, isang artista,” Pagtatanggol ni Chien sa lalaki na pinapalabas sa TV.

“Dami mong alam!” malditang sigaw ni Christine at inikot ang mata.

Pangarap kasi ni Chien na maging katulad ni Daniel na isang successful businessman kaya ang kinuha niyang kurso ngayong darating na klase sa kolehiyo ay Business Management.

Mas lalong nainis si Christine nang marinig iyon kay Chien. Engaged na silang dalawa. Iniisip niya na magiging rason na niya ito na hindi ipakilala ang anak sa ama pero nagagalit siya sa iniisip niya.

“Basta ang pangit ng mukha niya!” si Christine sabay talikod.

Pinabayaan na lang siya ni Chien dahil iniisip niyang buntis lang ang kapatid niya kaya nagkakaganyan.

“Tina, Chien, kakain na.”

Tumayo na si Christine pero napa-upo ulit nang biglang sumakit ang kanyang tiyan. Namimilipit siya sa sakit.

“Ma! Lalabas na ata si baby!”

“Naku, Tina ha? 'wag mo akong pinagloloko.”

“Ma!” naiiyak na sabi ni Christine sa inang inaakalang pina-prank na naman siya.

Tiningnan niya ang anak at nabigla siya dahil pumutok na ang panubigan nito. Nataranta siyang tumawag ng kapit-bahay. Tumulong agad itong ipasakay sa tricycle na pagmamay-a*i ng kanilang kapit-bahay.

Madali lang silang nakarating sa ospital dahil tatlong kanto lang naman ang layo ng ospital sa kanila. Pagpasok sa delivery room ay hindi mapakali ang Mama niya sa labas. Palakad lakad lang ito.

“Ma, tumigil ka nga. Magiging ok lang si Ate at si baby.” Tumigil na ang kaniyang Mama at umupo sa tabi ni Chien.

Hinawakan ni Chien ang kamay ng ina para pakalmahin ito. Nerbiyosa kasi ang kanyang Mama kaya ganito na lang kung mag-react.

Halos kalahating oras bago lumabas si Lydia. Tumayo agad si Riza at lumapit.

“Lyd...” aniya.

“Ok lang si Christine at saka si baby nasa nursery room na. Maya-maya ay ililipat na sa ibang room si Christine.”

Napahinga naman si Riza. Pumunta si Riza at si Chien sa nursery room. Nakita nila roon ang maraming baby pero ang napansin niya ay ang baby na nilagyan ng Christine’s baby. Ang ninang niya siguro ang napaligay niyon.

Napaiyak sa tuwa si Riza ng makita ang kanyang apo. Babae ang kanyang apo. Hinaplos ni Chien ang likod ng kanyang mama. Sobrang saya niyang makita ito kahit nasa labas lang siya.

Nailipat na si Christine sa room at napangalanan na rin ang baby. Siya si Danzi Chris De Villa. Nagdalawang-isip siya kung apelyido niya o apelyido ni Daniel ang ilalagay pero sa huli mas gusto niyang kay Daniel na lang ang gamitin kahit hindi sila kasal at hindi siya nito kilala.

“Anak, tapatin mo nga ako. Sino ba talaga ang ama ni Danzi?” tanong ng Mama niya habang kalong niya si Danzi.

“Ma, hindi na importante iyon.”

“Bakit iba ang apelyido niya? Bakit hindi Monte?”

Napabuntonghininga si Christine. Wala na siyang magagawa pa. Malalaman at malalaman pa rin ng Mama niya iyon. Tiningnan niya si Chien na may halong pagdududa dahil sa apelyido ni Danzi.

“Ate, magka-apelyido si Danzi at si Daniel de Villa. Hindi naman sa sinasabi kong siya ang---- “

“Tama... Si Daniel de Villa ang ama ni Danzi, Ma. Siya ang gumalaw sa akin.” Hindi makatingin niyang sabi.

Hindi makasagot ang dalawang taong nakatitig lang kay Christine. Napaiyak si Christine habang umiiling.

“Ma, kahit po mayaman si Daniel, engaged na po siya. Hindi ko po gustong makialam pa sa kanila at ayaw kong maramdaman ni Danzi na hindi siya mahal ng ama niya.”

Niyakap lamang siya ng kanyang ina na iniintindi ang sitwasyon ng anak. Si Chien ay nakatayo at nakatitig pa rin kay Christine. Bigla itong sumigaw at tumawa ng malakas.

“Wow, Ate! Jackpot ka!”

Manghang-mangha ito sa narinig. Hindi makapaniwalang tumingin siya sa kapatid. Lumapit siya rito at umupo sa monoblock chair.

“Paano?” pilyong tanong ni Chien.

“Puwede ba, Chien? Tigil-tigilan mo ako.”

Bumusangot naman ang mukha ni Chien dahil ayaw ikuwento ng kapatid sa kanya kung paano nangyari ito.

Napailing si Christine dahil hindi man lang nito nababasa ang kalagayan ng Ate niya bagkus ay masaya pa itong ang ama ni Danzi ay ang hinahangaan niyang businessman.

“Hoy, Chien! bayad na ba ang bills ng Ate mo? Aalis na tayo.” Tumango lang ang lalaki at kinuha ang bag sa higaan.

Isang linggo silang nanatili sa ospital bago sabihin ni Lydia na puwede nang umuwi si Christine. Sobrang nanghina si Christine nang mailabas niya si Danzi pero worth it naman kasi malusog si Danzi.

Sa kanilang daan pauwi sa bahay hindi pa rin tumitigil si Chien na magtanong tungkol sa kanila ni Daniel at Christine pero hinahayaan niya lang ito at iniirapan.

Nang makarating sa bahay ay pinadede na muna ni Christine si Danzi dahil gutom na ito. Nang matapos ay nakatulog na ito. Inilagay niya ang bata sa kuna bago umupo sa sala. Parang kinuha lahat ni Danzi ang lakas ni Christine dahil sa pagdede.

Tumabi si Riza sa kanya at niyakap niya ito. Ngumiti lang si Christine bago niyakap ang ina.

“Alam kong alam mong mahirap maging ina lalo na’t ikaw lang mag-isa ang bubuhay sa kanya pero nandito lang ako palagi, kami ni Chien.” Kumalas ito sa pagkakayap at inayos niya ang hibla ng buhok ni Christine na tumatabing sa kanyang mukha.

Tumango si Christine sa kanyang ina at niyakap itong muli. Kalaunan ay nakatulog si Christine sa pagbabantay kay Danzi.

Kinabukasan ay maagang nagising si Christine dahil sa iyak ni Danzi. Kinalong niya ito at pinabalik sa pagtulog. Alas tres pa lang nang madaling araw.

Napabuntonghininga siya. Ilang beses na siyang nagising dahil sa iyak ni Danzi. Wala pa siyang maayos na tulog simula nang makauwi sila galing sa ospital.

“Tina, ako na lang muna riyan. Alam kong wala ka pang tulog.” Tumango si Christine at ibinigay si Danzi sa kanyang Mama.

Bumalik siya sa pagkakatulog. Tiningnan niya muna ang kanyang Mama bago niya ipinikit ang mga mata.

Naalimpungatan siya dahil sa iyak na narinig niya galing kay Danzi. Lumapit siya sa anak at pinadede ito.

“Ito na Dan-- gising ka na pala.” May hawak itong baby bottle na may lamang gatas.

Habang kusot-kusot pa ni Christine ang kanyang mata. Naglabas siya ng mahabang hikab. Nakangiti lamang ang kanyang ina. Nakita niyang hawak pa rin nang kanyang ina ang baby bottle kaya hininto muna niya ang pagpapadede kay Danzi.

“Ako na po, Ma. Baka hindi rin po kayo pinatulog ni Danzi.” Kinuha niya ang hawak ng ina at ibinigay kay Danzi. Aalis na sana ang kanyang Mama. “Ma, salamat.” Jgumiti ito sa kanya bago umalis.

Nang masiguro niyang tulog na ulit si Danzi, ibinalik niya ito sa kuna. Maingat siyang lumabas ng kuwarto at hinanap ang ina. Nakita niya ito sa kusina na nagluluto ng agahan.

“Ma, ano kaya kung magtrabaho na ulit ako?” napalingon sa kanya si Riza.

Napatigil pa ito sa pagluluto. Tiningnan niya ang anak na ngayo’y umiinom ng tubig sa baso.

“Paano naman si Danzi?” Ang tanging naitanong ng kanyang ina.

“Ikaw navlang po muna ang magbantay habang nasa trabaho ako. Sige na, Ma. Para rin naman po sa atin ito, kay Chien na magkokolehiyo na sa susunod na buwan.”

Napabuntonghininga ang kanyang ina bago tumango. Napangiti nang sobrang laki si Christine bago niyakap ang ina.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpalit ng damit si Christine upang maghanap ng trabaho. Handa na ang kanyang resume, application letter at bio-data. She wanted to be a hired secretary kaya sana may naghahanap bilang sekretarya sa mga kompanya.

“Ma, lalakad na po ako.”

“Mag-ingat ka,” ngiting sabi ng ina.

Nag-thumbs up lang si Christine at umalis na. Kinakabahan man ay kailangan niyang tatagan ang kalooban niya lalo na’t may anak na siya. Napangiti siya sa sarili at huminga ng malalim.

Related chapters

  • Deep Into Silence   Chapter Four

    Tirik na tirik na ang araw pero wala pa rin siyang mahanap na kompanyang tatanggap sa kanya bilang sekretarya. Iniisip niya tuloy na parang ang ambisiyosa naman niya para piliin ang sekretarya bilang trabaho niya.Hindi naman sa pagmamayabang niya na matalino siya at alam niya kung ano ang trabaho ng isang sekretarya. Malaki ang sinasahod ng isang sekretarya kumpara sa mga ordinaryong empleyado lang ng kompanya. Lalo na’t dumating si Danzi sa buhay niya, kailangan niya talaga magbanat ng buto para matustusan ang pamilya niya.‘Yong kompanya na pinapasukan niya noon ay hindi naghahanap ng sekretarya kaya wala siyang ibang pagpipilian kundi ang maghanap ng ibang kompanyang tatanggap sa resume niya.Ilang kompanya na ang pinuntahan niya pero hindi pa rin siya matanggap. Napabuntong-hininga na lamang siya at napa-upo sa silya ng karenderyang kinainan niya at uminom ng soft drinks gamit ang straw.

    Last Updated : 2021-12-05
  • Deep Into Silence   Chapter Five

    Sa tahimik na opisina ay makikita ang isang lamesang tambak ng mga papeles. Sa likod ng mga papeles na iyon ay may nakaupong si Daniel na kanina pa tulala sa mga papeles sa kanyang harapan. “Why did I just fire my secretary?” tanong niya sa kanyang sarili na mukhang nagsisisi pa sa ginawa. Isang buwan ang nakalilipas matapos mawalan siya ng sekretary sa kadahilanang dumadagdag ito sa kanyang isipin. Palagi na lamang itong kinukulit siyang magtrabaho gayong wala siyang ganang gumawa ng kahit na ano. Puno ang isipan niya sa kung sino ang babaeng nakasama niya sa gabi noong siyam na buwan na ang nakalilipas. Kahit isang taon pa ang lumipas ay hindi pa rin mawala sa isipan niya ang pangyayaring iyon. Gusto niyang makita ang mukha ng babaeng iyon at baka sakaling maalala niya ngunit kahit sinong babae ang makita niya sa daan, kompanya at sa mga bar ay hindi pa rin niya ito mahanap. “You really mes

    Last Updated : 2021-12-08
  • Deep Into Silence   Chapter Six

    Biglang pumasok si Adrian na ayos na ayos. Napataas ang kilay ni Daniel nang makita ang postura ng kaibigan.“Dan, can you let Christine roam around the company?”“And why should I do that?”“Since it’s her first day. Let her not work for today.” Ngumiti ito ng pagkalaki-laki.“No,” prenteng sagot ni Daniel at tumingin sa kanyang laptop.“Come on, bro! I like her.”Umiling lang si Daniel at binalewala ang sinabi ni Adrian.“Remember when I told you that I had a one night stand with someone.” Umayos ito ng upo at tiningnan si Adrian na umayos din ng upo.Tumango si Adrian. Na-ikwento kasi ni Daniel kay Adrian ang tungkol sa gabing iyon. Si Adrian din ay curious kung sino nga ba ang babaeng ayaw magpakita kay Daniel. Ang iniisip kasi ni Adrian

    Last Updated : 2021-12-11
  • Deep Into Silence   Chapter Seven

    “Dito nalang po, sir,” saad ni Christine. Huminto si Daniel sa isang eskinita. Tiningnan niya si Christine na inaayos ang kanyang mga gamit. Sinilip ni Daniel at pilit na hinahanap kung saan nakatira si Christine. “Is this really your place?” tanong ni Daniel bago binaling kay Christine ang tingin. Napahinto si Christine sa kanyang ginagawa at agad itinuro ang kanyang bahay. Isa itong bahay na gawa sa kahoy, hindi kalakihan pero kasya naman silang apat. Nang mapagtanto ni Christine ang ginawa niyang pagturo ay agad siyang napapikit. Hindi dapat niya itinuro ang direksiyon ng bahay nila. “Thank you po sa paghatid, sir.” Ngumiti siya at binuksan ang pinto. Hindi pa siya nakakababa ay narinig ang napakalakas na iyak ni Danzi. Tiningnan ni Christine si Daniel at malimit na ngumiti. Kinakabahan ito, baka maghinala si Daniel. Napayuko siya at nagdadasal

    Last Updated : 2021-12-15
  • Deep Into Silence   Chapter Eight

    Nang mahanap at makuha ni Daniel ang selpon ni Chien ay agad niyang hinanap ang pangalan ni Christine. Hindi niya mahanap ang Christine o anumang mauugnaay sa pangalan ni Christine maliban nalang sa “Tintenenen”. Napailing na lamang siya at tinawagan ito.Mabuti’t namukhaan ni Daniel si Chien. Pina-background check niya ang buong pamilya ni Christine dahil lamang sa pag-iisip na si Christine ang babaeng nakatalik niya noon. Dahil dito, nakilala agad niya si Chien.Ang pakay sana ni Daniel ay ibalik ang naiwang file folder sa inuupuan ni Christine kanina. Hindi niya inaasahang makita niya si Chien na nasaksak. Kahit ayaw man niya itong tulungan, wala siyang magagawa nang sumakay ito sa kotse..“Chien nasaan kana? Ang gatas ni Danzi at gamot ni mama?”Ang bungad agad ni Christine pagkatapos sagutin ang tawag. Marami pa itong sinabi sa kabilang linya. Napapamura pa it

    Last Updated : 2021-12-20
  • Deep Into Silence   Chapter Nine

    Isang linggo na ang nakalipas matapos ang pagkakasaksak ni Chien. Balik sa normal ang lahat. Papasok at uuwi siya sa kanilang bahay ngunit hinahatid siya ni Daniel tuwing na gagabihan sila sa kompanya.Tanghali na at palabas na si Christine ng kompanya upang kumain sa isang pinakamalapit na karenderya. Alas dose na ng tanghali, kanina pa kumakalam ang kanyang sikmura. Galing sa isang meeting si Daniel kaya hindi pa siya nakakakain. Paglabas ng kompanya ay nakita niya ang pamilyar na kotseng nakaabang sa harap niya.Ibinaba nito ang bintana ng kotse at masayang kinaway ang kamay kay Christine. Napangiti si Christine at naglakad palapit sa kotse ni Adrian.“Lunch?” kaswal na tanong nito habang tinataas-baba ang kanyang kilay.Napatawa naman ng mahina si Christine at tumango. Tiningnan niya si Adrian at naghihintay na yayain siya nitona sumabay silang kumain.Mas n

    Last Updated : 2021-12-24
  • Deep Into Silence   Chapter Ten

    Sumisikat na ang araw nang marinig niya ang malakas na ingay ng alarm clock sa kanyang kwarto. Pinatay niya ito at agad na bumangon.Pagod siya galing sa trabaho lalo na’t siya ang nagpapatakbo nito habang nasa ospital ang kanyang daddy. Habang nakapikit ang mata, napahikab siya.Kung tutuusin gusto niya pang humiga at matulog nalang sa tanang buhay ngunit hindi niya pwedeng gawin iyon lalo na’t nasa krisis ang kompanya ng pamilya nila.Tumayo na siya. Naligo at nagsuot ng kanyang formal attire. Pagdating niya sa hapag-kainan. Nakita niya ang nakababata niyang kapatid.Samuel Lax Dizon. Ang kapatid niya ay isang batang may ADHD (Attention Deficit Hyperactivity Disorder). 4 years old ito ng malaman ng pamilya na may sakit ito. Iniluwal siyang premature at ito ang pinaniniwalaang dahilan kung bakit ito nagkaroon ng ADHD.“Good morning Sam,” bati niya sa kapa

    Last Updated : 2022-01-08
  • Deep Into Silence   Chapter Eleven

    “Hindi ko papayagan na makuha ng isang taong katulad mo ang kompanyang ‘to,” matigas na saad ni Sophia. “At mas lalong hindi ko hahayaang bilogon mo ng husto si daddy,” dagdag pa niya.Michael Limbayo, ang kaibigan at nagtatrabaho sa kompanya ng daddy niya. Tatlumpong taon na itong nagtatrabaho sa kompanya. Kilala nito ang ina ni Sophia at Samuel dahil magkaibigan ito noon.“Tanggapin mo na lamang hija na kahit anong talino at determinasyon ang mayroon ka, hindi ka magiging tagapagmana ng kompanya.” Sabay ngisi ng malademonyo.Kinalma niya ang sarili nang maramdamang sasabog na siya sa galit. Pinikit niya ang mata habang nakayuko at ang nakakuyom na mga kamay ay tinigil na niya.“Don’t forget this, Tito. Kapag nalaman ni daddy ang ginawa mo kay mommy…” Hinto niya sabay taas ng kilay a tingin sa mga mata ng lalaking kaharap. “Mag

    Last Updated : 2022-01-09

Latest chapter

  • Deep Into Silence   Chapter Fourteen

    "A-ang sabi ko po, Danzi Chris po, sir De Villa." Ngumiti pa siya ng pilit at umiiwas sa mga mata ni Daniel dahil natatakot siyang mabasa ito ng lalaki.Narinig niyang bumuntong-hininga si Daniel at ilang beses tumango. Mukhang naniwala naman si Daniel sa sinabi niyang palusot."Is that so?" ang nasabi lamang ni Daniel. "Your child is beautiful, Ms. Monte. She looks like you," pag-iiba ng topic ni Daniel.Napapikit si Christine. Akala niya hindi na ito magsasalita pa. Umaasa siyang hindi na ibubuka ni Daniel ang bibig niya dahil ganoong klaseng tao naman si Daniel. Hindi niya pag-uusapan ang mga walang kwentang bagay."Mas nakikita ko po 'yong mukha ng papa niya kaysa sa akin. There are some features na nakuha niya sa akin but I think mas marami siyang nakuha sa papa niya," nakangiting sagot ni Christine.Habang sinasabi ang mga pangungusap na iyon, nakatingin lang si Christine sa pilikmata, matangos na

  • Deep Into Silence   Chapter Thirteen

    “Good morning, Christine!” bungad ni Adrian ng lumabas si Christine sa elevator.Nagulat si Christine sa bating iyon ni Adrian pero agad din namang napatawa. Naglakad na si Christine habang nakasunod naman si Adrian sa kanya.“Sabay ulit tayong mag-lunch mamaya.” Napailing si Christine at binigyan ng malungkot na ekspresyon si Adrian.“I’m sorry to tell you but Ms. Monte will be coming with me this lunch.”Napalingin si Adrian sa kanyang likod habang napaangat naman ang ulo ni Christine. Nasa harap nila ngayon si Daniel na nanlilisik ang dalawang mata na nakatingin kay Adrian.“Good morning, sir.” Tumayo si Christine at agad na yumuko.“Daniel, ma’boy!” sigaw ni Adrian at inakbayan si Daniel.Tiningnan ni Daniel ang kamay ni Adrian na nakasampa sa kanyang balikat. Tinaasan niya ito ng kilay at humakbang paharap upang maalis ang pagkakaakbay nito sa kanya.

  • Deep Into Silence   Chapter Twelve

    Bumuntong-hininga siya. Inayos ang sarili upang hindi mahalata ng daddy niya na lasing siya. Inilagay niya sa kanyang tenga ang cellphone at bumati. “Yes, dad?” malumanay na tanong niya. “Sophia, ‘wag kang bumisita dito sa ospital hangga’t alam kong may binabalak kang masama sa akin at sa kompanya!”sigaw ng kanyang daddy. Nailayo ni Sophia ang cellphone dahil sa lakas na sigaw ng kanyang daddy. Hindi niya namalayan na umaagos na pala ang kanyang luha. “Dad, I’m not plotting anything to you or the company,” Pagmamatigas niya habang ingat na hindi marinig ng daddy ang kanyang mga hikbi. “Don’t play innocent, Sophia! I know all of your terror actions inside the company. You are not capable of succeeding my company. Samuel is way better than you.” Napahinto siya sa paglalakad at eksaktong nasa isang bench siya. Umupo siya doon.

  • Deep Into Silence   Chapter Eleven

    “Hindi ko papayagan na makuha ng isang taong katulad mo ang kompanyang ‘to,” matigas na saad ni Sophia. “At mas lalong hindi ko hahayaang bilogon mo ng husto si daddy,” dagdag pa niya.Michael Limbayo, ang kaibigan at nagtatrabaho sa kompanya ng daddy niya. Tatlumpong taon na itong nagtatrabaho sa kompanya. Kilala nito ang ina ni Sophia at Samuel dahil magkaibigan ito noon.“Tanggapin mo na lamang hija na kahit anong talino at determinasyon ang mayroon ka, hindi ka magiging tagapagmana ng kompanya.” Sabay ngisi ng malademonyo.Kinalma niya ang sarili nang maramdamang sasabog na siya sa galit. Pinikit niya ang mata habang nakayuko at ang nakakuyom na mga kamay ay tinigil na niya.“Don’t forget this, Tito. Kapag nalaman ni daddy ang ginawa mo kay mommy…” Hinto niya sabay taas ng kilay a tingin sa mga mata ng lalaking kaharap. “Mag

  • Deep Into Silence   Chapter Ten

    Sumisikat na ang araw nang marinig niya ang malakas na ingay ng alarm clock sa kanyang kwarto. Pinatay niya ito at agad na bumangon.Pagod siya galing sa trabaho lalo na’t siya ang nagpapatakbo nito habang nasa ospital ang kanyang daddy. Habang nakapikit ang mata, napahikab siya.Kung tutuusin gusto niya pang humiga at matulog nalang sa tanang buhay ngunit hindi niya pwedeng gawin iyon lalo na’t nasa krisis ang kompanya ng pamilya nila.Tumayo na siya. Naligo at nagsuot ng kanyang formal attire. Pagdating niya sa hapag-kainan. Nakita niya ang nakababata niyang kapatid.Samuel Lax Dizon. Ang kapatid niya ay isang batang may ADHD (Attention Deficit Hyperactivity Disorder). 4 years old ito ng malaman ng pamilya na may sakit ito. Iniluwal siyang premature at ito ang pinaniniwalaang dahilan kung bakit ito nagkaroon ng ADHD.“Good morning Sam,” bati niya sa kapa

  • Deep Into Silence   Chapter Nine

    Isang linggo na ang nakalipas matapos ang pagkakasaksak ni Chien. Balik sa normal ang lahat. Papasok at uuwi siya sa kanilang bahay ngunit hinahatid siya ni Daniel tuwing na gagabihan sila sa kompanya.Tanghali na at palabas na si Christine ng kompanya upang kumain sa isang pinakamalapit na karenderya. Alas dose na ng tanghali, kanina pa kumakalam ang kanyang sikmura. Galing sa isang meeting si Daniel kaya hindi pa siya nakakakain. Paglabas ng kompanya ay nakita niya ang pamilyar na kotseng nakaabang sa harap niya.Ibinaba nito ang bintana ng kotse at masayang kinaway ang kamay kay Christine. Napangiti si Christine at naglakad palapit sa kotse ni Adrian.“Lunch?” kaswal na tanong nito habang tinataas-baba ang kanyang kilay.Napatawa naman ng mahina si Christine at tumango. Tiningnan niya si Adrian at naghihintay na yayain siya nitona sumabay silang kumain.Mas n

  • Deep Into Silence   Chapter Eight

    Nang mahanap at makuha ni Daniel ang selpon ni Chien ay agad niyang hinanap ang pangalan ni Christine. Hindi niya mahanap ang Christine o anumang mauugnaay sa pangalan ni Christine maliban nalang sa “Tintenenen”. Napailing na lamang siya at tinawagan ito.Mabuti’t namukhaan ni Daniel si Chien. Pina-background check niya ang buong pamilya ni Christine dahil lamang sa pag-iisip na si Christine ang babaeng nakatalik niya noon. Dahil dito, nakilala agad niya si Chien.Ang pakay sana ni Daniel ay ibalik ang naiwang file folder sa inuupuan ni Christine kanina. Hindi niya inaasahang makita niya si Chien na nasaksak. Kahit ayaw man niya itong tulungan, wala siyang magagawa nang sumakay ito sa kotse..“Chien nasaan kana? Ang gatas ni Danzi at gamot ni mama?”Ang bungad agad ni Christine pagkatapos sagutin ang tawag. Marami pa itong sinabi sa kabilang linya. Napapamura pa it

  • Deep Into Silence   Chapter Seven

    “Dito nalang po, sir,” saad ni Christine. Huminto si Daniel sa isang eskinita. Tiningnan niya si Christine na inaayos ang kanyang mga gamit. Sinilip ni Daniel at pilit na hinahanap kung saan nakatira si Christine. “Is this really your place?” tanong ni Daniel bago binaling kay Christine ang tingin. Napahinto si Christine sa kanyang ginagawa at agad itinuro ang kanyang bahay. Isa itong bahay na gawa sa kahoy, hindi kalakihan pero kasya naman silang apat. Nang mapagtanto ni Christine ang ginawa niyang pagturo ay agad siyang napapikit. Hindi dapat niya itinuro ang direksiyon ng bahay nila. “Thank you po sa paghatid, sir.” Ngumiti siya at binuksan ang pinto. Hindi pa siya nakakababa ay narinig ang napakalakas na iyak ni Danzi. Tiningnan ni Christine si Daniel at malimit na ngumiti. Kinakabahan ito, baka maghinala si Daniel. Napayuko siya at nagdadasal

  • Deep Into Silence   Chapter Six

    Biglang pumasok si Adrian na ayos na ayos. Napataas ang kilay ni Daniel nang makita ang postura ng kaibigan.“Dan, can you let Christine roam around the company?”“And why should I do that?”“Since it’s her first day. Let her not work for today.” Ngumiti ito ng pagkalaki-laki.“No,” prenteng sagot ni Daniel at tumingin sa kanyang laptop.“Come on, bro! I like her.”Umiling lang si Daniel at binalewala ang sinabi ni Adrian.“Remember when I told you that I had a one night stand with someone.” Umayos ito ng upo at tiningnan si Adrian na umayos din ng upo.Tumango si Adrian. Na-ikwento kasi ni Daniel kay Adrian ang tungkol sa gabing iyon. Si Adrian din ay curious kung sino nga ba ang babaeng ayaw magpakita kay Daniel. Ang iniisip kasi ni Adrian

DMCA.com Protection Status