Home / Fantasy / Thy Frozen Flames / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Thy Frozen Flames: Chapter 1 - Chapter 10

17 Chapters

Chapter 01: One in a Hundred

Hirasaya’s POV Whenever I see the people of Rozenhart, I was always reminded of snow. Maybe because of their fair skin and white hair which almost compares to an ice? Or maybe because of their delicate features like the ice structures they build? Ah, I think it was due to their eyes which resembles the rich color of the ocean that surrounds our place. But the longer I stayed here, I realized that they were more like a blizzard: Cold-hearted, deadly, and always pushes me back (figuratively) no matter what— at least, they were only like that to me. “Kung sinusuwerte nga naman! Tignan niyo ‘o! Hindi ba’t si Hirasaya ‘yon?” I looked at where the voice came from and saw one of the group of bullies who keeps on pestering me. On their lead was Russel, whose hands covered in mitten, was pointed towards my direction. Wala pang ilang segundo ay namalay
Read more

Chapter 02: To Fit In

Hirasaya’s POV The warmth coming from the fireplace embraced my skin as I went out of my room. While the aroma coming from the newly cooked pemmican filled my sense of smell. Breakfast is ready and yet, I could still Mama snoring in her room. Kung gano’n, malamang ay si Papa ang nagluto nito. Tatlo lang naman kami rito sa bahay… My eyes widen in realization. Ibig sabihin lang niyon ay late na naman ako! Pumulot na lang ako ng kung ilan ang kakasya sa isang kamay ko at nilagay ito sa ‘king bag. Palabas pa lang ako ng bahay pero malinaw ko nang naririnig ang mga pangaral ni Papa sa utak ko! Mga isang oras na naman iyong manenermon, panigurado! I immediately wore the hood of my caribou jacket the moment I stepped out of the house. Nakakapanibago. Ang comforting kasi ng temperature sa bahay dahil sa apoy tapos biglang sobrang
Read more

Chapter 03: A Piece from What’s Lost

  Hirasaya’s POV   “Sigurado ka ba talaga d’yan?” sabi ko kay Kuro pagkarinig ng sinabi niya.   I looked at him in disbelief. Sinuri ko ang mukha niya upang maghanap ng ano mang senyales na nagbibiro lang siya. Mahilig pa naman sa pranks ang isang ‘to.   Ang ekspresyon niya ay hindi ko mawari. Diretso niya akong tinitigan sa mata habang ang kaniyang kilay ay bahagyang nakakunot ang noo. Tinaasan ko siya ng kilay at tanging tango ang kaniyang isinagot.   Ibinalik ko ang tingin sa walang hangganang karagatan sa ‘ming harapan. Ang asul nitong kulay ay nakakasilaw sa mata dulot ng liwanag na nagmumula sa tirik na araw. Kahit gaano ko bahagyang ipikit ang mata ay tanging ang umaalon na karagatan lamang at ilang tipak ng yelo ang aking nakikita.   “Oo nga! Sigurado ako…” Lumapit sa ‘kin si Kuro at ipinatong ang isang kamay sa ‘king balikat. “May iba pang b
Read more

Chapter 04: Left in the Cold

Hirasaya’s POV Tatlong magkakasunod na katok mula sa kung sino man ang nagpatigil sa katahimikang nangingibabaw dito sa loob ng bahay. “Ako na,” sabi ko at tumayo mula sa puwesto kong nasa tapat ng fireplace. Ang tunog na nanggagaling mula sa bawat paghakbang ko ang siyang tanging maririnig. Naka-focus lang ang ulo ko sa pinto ngunit ang mata ko’y paminsan-minsang sumusulyap kay Papa at Mama na nakatuon lang ang pansin sa kani-kanilang ginagawa. Ano ba kasi talagang nangyari? Hinawakan ko ang doorknob at pinihit ito. Bahagya ko lamang binuksan ang pinto upang silipin kung sino ang kumakatok sa labas. Agad na nagsalubong ang kilay ko pagkakita sa pamilyar niyang mukha na wagas kung makangiti. “Wow, himala! Hindi pa naman lunch time pero narito ka na,” sabi ko sa kaniya. He scratched
Read more

Chapter 05: First Warning

Hirasaya’s POV Dancing flames coming from the torch welcomed my eyes when I opened it. Nagsilbing liwanag ang apoy nito sa kuwartong kinaroroonan ko dahil lahat ng kurtina ay nakaharang sa bintana. Anong nangyari? Paulit-ulit ko itong iniisip habang nililibot ang tingin sa kabuoan ng kuwarto. Doble ang laki nito sa mayroon ako sa bahay. May malaking shelf sa kaliwa na katabi lamang ng pinto, kinasisildlan ito ng mga artifacts. Sa kanan naman ay isang study table kung saan nakapatong ang mala-tore sa daming mga paperworks. Lahat ng kagamitan, maging ang pader ay gawa sa yelo. Teka… kuwarto ‘to ni Kuro ‘a. Napuno ng sakit ang aking ulo dahil sa libo-libong memorya na nagsisiksikan dito. A blizzard… natatandaan kong na-trap ako sa gitna ng blizzard nang mag-isa dahil sa paghahanap kay Kuro. Tapos, someo
Read more

Chapter 06: Yule Arden

Hirasaya’s POV Everess gracefully moved her hands in an upward motion. Sa ginawa niyang ‘yon ay madali niyang nakontrol ang tubig na nilalaman ng baso. It’s as if her hands have strings connected to the water that the latter obediently followed whatever movement Everess does. She suddenly made some complicated gestures in the air and in just a blink of an eye, the water she’s controlling took its own form— a shape of the tower. Kasabay nang pagkuyom ni Everess ng kaniyang kamay ay siyang pagtigas ng tubig sa yelo. Hanggang sa maging kamukha na nito mismo ang tower-shaped crest ng mga Elders. Binigyan niya kami ng tig-isa ni Kuro. Agad naman itong sinuot ni Kuro sa right-side ng caribou jacket niya habang nakangiti nang malawak. I examined the crest she gave us and I can’t help but be mesmerized with how on-point the details are. Ka
Read more

Chapter 07: Curious

Hirasaya’s POVWala pa ring tao rito sa bahay ni Kuro nang dumating ako. I don’t know why but the house feels empty when he’s not around. Siguro ay nakasanayan ko lang na maingay ang bahay na ito kapag pumupunta ako rito. Ibang klase rin kasi ang lalaking ‘yon, katumbas yata ng sampung tao ang kadaldalan niya. Now, I understand kung bakit madalas siyang tumambay sa bahay. Hindi naman sa nakakalungkot tumira nang mag-isa dahil depende naman iyon sa tao. Sadyang ‘yong atmosphere lang nitong bahay ay malungkot. Lalo na’t aware ako sa trahedyang sinapit ng pamilya niya sa kamay ng mga Elders. Wala pa ako noon dito, naikuwento lang niya sa ‘kin. Hindi mo aakalaing may ganito siyang nakaraan dahil palagi siyang palangiti. Kung hindi pa nga niya ito nasabi ay hindi ko mahuhulaan. Binibigyan pa nga siya ng offer ni Mama na makitira na lang din sa ‘min pero tumatanggi si
Read more

Chapter 08: Beyond the Ocean

Hirasaya’s POV Sinarado ko agad ang pinto pagkarating naming sa isang abandonadong bahay. Yumuko ako habang nakahawak sa aking tuhod bilang suporta. Hinahabol ko ang hininga at ang pintig ng puso ko ay napakalakas pa rin. Tinignan ko ang kasama na siyang nakasandal lamang sa pader. Naka-cross arms siya at humugot lamang ng malalim na hininga. Grabe! Ang layo kaya ng tinakbo namin pero parang wala lang sa kaniya? “Nawa’y lahat mataas ang endurance,” sabi ko habang nakaangat ang tingin sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata niyang inilagay ang kamay sa noo. Animo’y may pinupunasan siyang pawis niya raw kahit wala naman akong makita. “Well, pinagpapawisan ako ng sobra…” Napairap na lang ako sa isinagot niya. Sinandal ko ang kamay sa pader
Read more

Chapter 09: Confrontations

Hirasaya’s POV Namamawis ang kaniyang mga kamay na nakahawak sa ‘kin. Binabagtas namin ang hagdan pababa ng upper floor kung saan ay walang bintana. I don’t know what’s going on in his head ngunit kanina pa niya iniikot ang tingin kahit na kakami lang naman ang narito sa abandoned house. Sa sobrang pangamba ay mukhang hindi pa niya napapansin si Daire na tahimik na sumusunod sa likuran ko. “What are you doing?! Iniwan lang kita saglit ay pagbalik ko, usap-usapan ka na ng mga tao.” Naniningkit ang mga mata niya akong tinignan. Pabulong lamang niya itong sinabi ngunit may diin kung bigkasin niya ang bawat salita. “H-huh?” Parang may biglang nakabara sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya. H-hindi kaya’t may nakapansin sa mukha ni Daire? Dahil kung gano’n ay katapusan ko na. Bakit ko na naman ba kasi hinayaang pangunahan ako ng emosy
Read more

Chapter 10: Flickering

Hirasaya’s POV Pinanood ko kung paanong lamunin ng apoy ang kahoy na nilagay ko sa fireplace namin. It produced a crackling sound and emanates a comforting heat into my face. The fireplace had always been my favorite spot and I’m just glad that I’m back home again. But considering what happened yesterday, the fireplace would always remind me of the towering flames that I witnessed. Thankfully, nobody died due to the scenario even though the Elders arrived at the Eastern border late. Naging possible lang naman ang lahat nang ‘yon dahil sa maagap na pagdating niyong misteryosong lalaki. Hanggang ngayon ay ‘yon pa rin ang usap-usapan sa Rozenhart, maging nga rito sa bahay ay ‘yon din ang bukambibig nila Mama. “Totoo ba talaga ang nangyari sa Eastern border? At sigurado ka bang ayos ka lang talaga?” Narinig ko ang boses ni Mama mula sa kusina.
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status