Home / All / Sold To My Disguised Best Friend / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of Sold To My Disguised Best Friend: Chapter 91 - Chapter 100

131 Chapters

CHAPTER FIFTY-FOUR [PART 2]

ISLA'S POV Totoo pala 'yong moment na ganito. Iyong hindi mo inaasahang makita 'yong taong minsang naging importante sa buhay mo tapos mag-i-slow mo bigla 'yong paligid at siya na lang ang nakikita mo na para bang nawala na ang mga tao sa paligid at naiwan na kayong dalawa.  At bakit ko nga ba nakalimutan na malaki ang posibilidad na mayro'n din siya? Bakit ba nawala sa isipan ko na isa siya sa mga share holders ng firm?  Kulay kapeng mga mata ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto. Parang ang tagal kong hindi nakita 'yong mga matang 'yon.  Napatulala ako at para kong nalunok ang dila ko dahil sa gulat.  "Congratulations, you just got your first slow-mo entrance," bulong ni Sasa sa akin kaya parang bigla akong natauhan at bumalik ulit sa realidad.  Napakurap ako ng ilang beses at saka ako napalunok.  "Is
last updateLast Updated : 2022-02-12
Read more

CHAPTER FIFTY-FIVE [PART 1]

ISLA'S POV Nakahawak ako sa batok niya habang siya ay magaan na nakahawak sa baywang ko. Ngayon lang yata ako nagsayaw ng ganito dahil hindi naman ako uma-attend ng mga proms dati sa school. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Sinubukan ko sa kanan at kaliwa ko pero mga nang-aasar lang na mga kaklase namin ang nakikita ko.  Ayaw ko ng gano'n dahil mas dumadagdag lang sila sa consciousness na nararamdaman ko sa mga oras na 'to. "Kung nakamamatay lang siguro ang tingin, kanina pa ako nakahandusay dito."  "Ha?"  Dahil sa sobrang occupied kung paano ko sasabihin 'yong pabor ko ay hindi ko na naman naintindihan 'yong sinabi niya.  Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung paano sisimulan.  "Ang sabi ko, kung nakamamatay lang ang tingin, malamang kanina pa ako nakahandusay dito," sabi niya
last updateLast Updated : 2022-02-13
Read more

CHAPTER FIFTY-FIVE [PART 2]

ISLA'S POV "Grabe 'no? May pa-trophy pa sila, sobrang galante ng firm natin," sabi ni Sasa habang papalabas na kami sa hall, kung saan ginanap 'yong event.  Kakatapos lang kasi 'yong party at nagtapos 'yon sa pagbibigyan nila sa amin ng mga trophies. Buti na nga lang at natapos na, sumasakit na rin kasi 'tong paa ko, parang gusto ko na nga lang bitbitin 'yong mga sandals eh. Feeling ko magkakapaltos mamaya 'yong paa ko.  Napahinto ako bigla nang may maalala. "Anak ka ng tatay mo! May nakalimutan ako."  Napahinto rin si Sasa at punong-puno ng pagtataka ang kaniyang mukha.  "Ano?" Pinasadahan niya ako ng tingin, para makita kung anong bagay ang mga nakalimutan.  Ba't ko nakalimutan? Tsk.  "Basta, mauna ka na sa kotse mo. Sunod ako." Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa at kahit masakit '
last updateLast Updated : 2022-02-14
Read more

CHAPTER FIFTY-SIX [PART 1]

ISLA'S POV "Graduation ko next week, makakapunta po ba kayo? Well, okay lang naman kung hindi. It's not like, sobrang importante 'yon para uwian niyo dito sa Pilipinas."  "Talaga?! Congratulations, anak." "S-salamat, Pa… makakauwi po ba kayo?"  "Kailan nga ba 'yon? Tignan ko pa, ha? Balitaan kita, anak. P-pasensiya ka na ha?" Kakagising ko lang, dumiretso ako kanina sa kusina dahil may naaamoy akong nagluluto pero pagdating ko ro'n ay wala si Sasa tapos nakita kong nakahain na siya.  Pumunta ako sa kwarto niya para tawagin sana siya nang makita ko na may kausap siya, nakaawang lang kasi 'tong pinto niya.  Kausap niya yata ang kaniyang mga magulang.  Alam ko na hindi dapat ako nakikinig sa usapan nila pero ramdam ko ang lungkot at disappointment niya. Parang gusto ko siyang yakapin nang
last updateLast Updated : 2022-02-15
Read more

CHAPTER FIFTY-SIX [PART 2]

ISLA’S POV “Belle, sino ‘yan?” Mas lumakas ang kabog ng puso ko nang marinig ang taong nagsalita mula sa likod ni Mama. “Ti-tita?” Puno ng pagtataka ang mga mata ni Sasa. Palipat-lipat ang mga tingin niya sa amin ni Mama na halatang naguguluhan na sa mga nakikita niya. Bago pa ako makasagot ay bumungad na naman sa harap naming ‘yong boses na narinig namin na galing sa likod ni Mama, ang Mommy niya. “A-apo…” Natikom ko ang mga labi ko nang makita ko sila nang harapan. Hindi maikakaila ng kahit sino man na mag-ina ang mga taong kaharap ko. Bakit nga ba ngayon ko lang napansin ‘yon? Napansin ko dati ‘yong mga mata niya kaso hindi ko lang maalala kung kanino ko ‘yon nakita. Para talaga silang pinagbiyak na bunga. Tumikhim ako. Hindi ko malingon si Sasa
last updateLast Updated : 2022-02-16
Read more

CHAPTER FIFTY-SEVEN [PART 1]

ISLA'S POV "Gab! You're here! Ang sabi ko ay agahan mo." Tumayo 'yong Mommy ni Mama at sinalubong 'yong taong kakadating lang na si Gabreel.  Yumuko ako para hindi niya ako mapansin, kahit alam kong imposible. Bigla akong nakaramdam ng hiya.  Sa tingin ko ay hindi pa niya nasasabi kila Mama 'yong pabor na sinabi ko sa kaniya kagabi sa event.  Hindi ko naman aakalain na pupunta ako ngayon dito. Biglaan lang talaga. Wala lang, gusto ko lang aliwin din sana si Sasa. "Galing po ako sa company, La. Sabay kaming nag-breakfast ni Lolo at ni Tito doon," malambing niyang sagot sa matanda.  Matagal ko naman ng nakikita na ganiyan siya makitungo sa Lola niya, kahit noong mga panahong nadadatnan ko sila sa harap ng room ni Mama sa hospital. Kitang-kita ko talaga ang labis na pagmamahal at pag-aalala niya sa matanda.   
last updateLast Updated : 2022-02-17
Read more

CHAPTER FIFTY-SEVEN [PART 2]

ISLA’S POV “Nabalitaan niyo na ba kung sino ‘yong mga guest speaker natin sa graduation? Grabe! Ang gwapo no’ng isa.” “What do you mean sa mga?” “Narinig ko kasi kanina sa mga profs na nag-uusap na dalawa daw ang guest speaker natin.” “Ano raw pangalan?” “Hoy! Anong ginagawa mo dyan? Nakikitsismis ka na naman.” Sinamaan ko ng tingin si Sasa nang bigla niya akong gulatin. Hindi ako nakikitsismis ‘no. In my defense, sadyang malakas lang talaga ‘yong mga boses ng mg babae sa harap ko. “Eh kung ibato ko kaya sa ‘yo ‘tong hawak ko? Kung makagulat ka dyan,” pambabara ko sa kaniya. Tumawa siya at saka niya ako tinabihan. “Bakit mo naman ibabato ‘yong pagkain?” t
last updateLast Updated : 2022-02-18
Read more

CHAPTER FIFTY-SEVEN [PART 3]

ISLA’S POV “Tobias Adam Martin is the most eligible bachelor and the CEO of M&M (Martin and Marshall) Company. He is also a registered Architect. Known for being ruthless in the world of business and a professional personality. He looks stunningly handsome in the formal outfit for whom every woman is falling for. Tobias Adam has also won several business awards for his successful performance.” Napakagat labi ako pagkatapos kong mabasa ‘yong na-search ko tungkol sa kaniya. He is also a registered Architect? Paano niya nagawa ‘yon? Halos magka-edad lang kami. Mas lalo lang nadagdagan ‘yong panginginig ko. Tama nga ako, may malalaman na naman akong bago tungkol sa buong pagkatao niya. Sino ‘yong kinaibigan ko ng ilang taon? Ngayon, naniniwala na akong hindi siya ‘yong kaibigan ko. Walang totoo sa mga pagpapakilala niya sa akin.
last updateLast Updated : 2022-02-18
Read more

CHAPTER FIFTY-EIGHT [PART 1]

ISLA'S POV "Ayos ka lang ba talaga? Nakatulog ka ba? Huwag mo naman pabayaan 'yang sarili mo."  Nakatulog naman ako, kaso dalawang oras lang yata. Sa tuwing ipipikit ko kasi mga mata ko, parang sirang plaka na nagpaulit-ulit 'yong mga ala-ala na tulad ng napanaginipan ko.  "Hays, kung hindi pa yata kita pinilit kanina na kumain, hindi ka na kakain," panernermon pa ni Sasa sa akin.  Hindi ako makasagot dahil wala namang rason para depensahan ko pa sarili ko. Tama naman lahat ng sinabi niya.  "Wala naman akong magagawa. At saka isang araw lang naman 'yong graduation ceremony 'di ba? K-kaya ko naman siguro…"  Iyan lang din ang tanging iniisip ko kagabi. Hindi ko na alam kung paano siyang haharapin ulit. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nakita ko siyang muli. Talaga bang ganito makipaglaro sa ak
last updateLast Updated : 2022-02-19
Read more

CHAPTER FIFTY-EIGHT [PART 2]

ISLA’S POVBinati ako ng guard nang makita akong papasok. Nginitian ko lang siya at hindi ko siya binati pabalik. Para akong masusuka sag alit na nararamdaman ko ngayon. Nanginginig din ang mga kamay ko habang pinipindot ‘yong button sa elevator. I don’t know what came into me pero siguro ay na-trigger na talaga ‘yong litid ko. Pagdating ko sa pad niya ay hindi ako nagdalawang isip na pindutin agad ‘yong doorbell. Nakailang pindot na ako pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Napakagat labi muna ako bago ko napagpasiyahan na subukan ‘yong pin number niya. Posible na pinalitan na niya pero magbabakasali lang naman ako. Siguro ay wala pa siya, tulad ng dati ay hihintayin ko na lang ulit siya. Nagulat ako nang bahagya nang magbukas ito, so ibig sabihin, hindi pa siyaa nagpapalit. Mabagal akong naglakad papasok. Nakarating a
last updateLast Updated : 2022-02-20
Read more
PREV
1
...
89101112
...
14
DMCA.com Protection Status