ISLA’S POV
“Tobias Adam Martin is the most eligible bachelor and the CEO of M&M (Martin and Marshall) Company. He is also a registered Architect. Known for being ruthless in the world of business and a professional personality. He looks stunningly handsome in the formal outfit for whom every woman is falling for. Tobias Adam has also won several business awards for his successful performance.”
Napakagat labi ako pagkatapos kong mabasa ‘yong na-search ko tungkol sa kaniya. He is also a registered Architect? Paano niya nagawa ‘yon? Halos magka-edad lang kami.
Mas lalo lang nadagdagan ‘yong panginginig ko. Tama nga ako, may malalaman na naman akong bago tungkol sa buong pagkatao niya.
Sino ‘yong kinaibigan ko ng ilang taon? Ngayon, naniniwala na akong hindi siya ‘yong kaibigan ko. Walang totoo sa mga pagpapakilala niya sa akin.
ISLA'S POV"Ayos ka lang ba talaga? Nakatulog ka ba? Huwag mo naman pabayaan 'yang sarili mo."Nakatulog naman ako, kaso dalawang oras lang yata. Sa tuwing ipipikit ko kasi mga mata ko, parang sirang plaka na nagpaulit-ulit 'yong mga ala-ala na tulad ng napanaginipan ko."Hays, kung hindi pa yata kita pinilit kanina na kumain, hindi ka na kakain," panernermon pa ni Sasa sa akin.Hindi ako makasagot dahil wala namang rason para depensahan ko pa sarili ko. Tama naman lahat ng sinabi niya."Wala naman akong magagawa. At saka isang araw lang naman 'yong graduation ceremony 'di ba? K-kaya ko naman siguro…"Iyan lang din ang tanging iniisip ko kagabi. Hindi ko na alam kung paano siyang haharapin ulit. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nakita ko siyang muli.Talaga bang ganito makipaglaro sa ak
ISLA’S POVBinati ako ng guard nang makita akong papasok. Nginitian ko lang siya at hindi ko siya binati pabalik. Para akong masusuka sag alit na nararamdaman ko ngayon. Nanginginig din ang mga kamay ko habang pinipindot ‘yong button sa elevator.I don’t know what came into me pero siguro ay na-trigger na talaga ‘yong litid ko.Pagdating ko sa pad niya ay hindi ako nagdalawang isip na pindutin agad ‘yong doorbell. Nakailang pindot na ako pero wala pa ring nagbubukas ng pinto.Napakagat labi muna ako bago ko napagpasiyahan na subukan ‘yong pin number niya. Posible na pinalitan na niya pero magbabakasali lang naman ako. Siguro ay wala pa siya, tulad ng dati ay hihintayin ko na lang ulit siya.Nagulat ako nang bahagya nang magbukas ito, so ibig sabihin, hindi pa siyaa nagpapalit.Mabagal akong naglakad papasok. Nakarating a
ISLA'S POV"W-what are you doing here?" tanong niya. Pambabasak niya sa katahimikan kanina.Muli na naman akong napalunok. "Ah…"Nagsimula na siyang magpulot ng kalat pero dahil sa pagmamadali niya ay nahuhulog din 'yong mga pinupulot niya.Na-distract ako paulit-ulit niyang pag-ikot ikot na para bang hindi alam kung saan niya itatapon 'yong mga napulot niya. O dahil sa lasing siya?Para siyang matutumba eh."Kaya mo ba?"Nagulat siya nang magsalita ako at napatulala saglit. Nag-iwas lang siya ng tingin nang tumikhim ako sa harapan niya."Yeah, of c-course."Tumango ako kahit hindi naman ako naniniwala."D*mn, where is that f*cking trash can?" mahinang sabi niya na tila ba kinakausap niya ang kaniyang sarili.
ISLA'S POV"Ay kabayo ka!"Sabay kaming napahawak ni Sasa sa d*bdib namin. Parehas kaming nagulat sa presensiya ng isa't-isa.Nang makabawi sa gulat ay nag-inat ako ng mga kamay ko at saka nag-alis ng muta. Tamad na tamad akong nagtungo sa kusina niya.Narinig ko ang paglakad niya pasunod sa akin. "Nakakagulat ka naman! Akala ko ay hindi ka umuwi kagabi."Umupo ako sa high chair niya at pinatong ko ang ulo ko sa lamesa. Ang bigat pa rin ng talukap ng mga mata ko. Napaaga pala 'yong alarm ko."Akala ko ay doon ka na nagpalipas ng gabi mo," dagdag niya habang nagpapainit na ng tubig.Pumikit ako at hindi siya sinagot. Late na akong nakauwi kanina nang bumaba na ang lagnat niya. Nagtext ako kay Elmar gamit ang cellphone ni Adam, sobrang dali lang ng password niya, birthday ko.Na
ISLA’S POV“Good morning mga ganda!”Nagugulat at napapatabi na lang ako nang pumasok na lang bigla sa loob ‘yong mga pinadala ni Mama na mag-aayos sa amin. Akala ko iisa lang ‘yong pupunta. Iyon lang ang inaasahan naming pupunta dahil hindi naman daw binanggit kung ilan sila.Isang bakla at apat na babaeng naka-blond ‘yong buhok. Parehas ‘yong mga babae ng mga suot na parang pang-office kasi lahat sila naka-skirt, iyong tulad ng ginagamit ko noon.Pagbukas namin ng pinto ay pumasok sila na para bang kilalang-kilala na talaga nila kami. Sakto dahil katatapos lang naming maligo. Alas otso na rin ng umaga, bale may dalawang oras pa kami.“Sino po si Senyorita Isla sa inyo?” tanong no’ng bakla na parang leader nila?Tinuro ako ni Sasa na halatang tuwang-tuwa sa nangyayari ngayon. Tinaas
59.3 ISLA’S POV“M-ma… Pa…”Nakasuot sila nang magagarang damit, parang ngayon ko lang sila nakitang magsuot ng ganito kagagandang mga damit. Para akong maiiyak sa hindi maipaliwanag na dahilan.Nasanay kasi ako na laging suot nila ay dugyutin, iyong laging may mantsa sa damit gano’n dahil hindi sila bumibili ng mga damit nila. Lagi nila kaming inuuna sa mga bagay na gano’n.Nakaayos ang mga buhok nila, mababango at malilinis silang tignan. May kung anong bagay ang humaplos sa puso ko na parang pinapalambot nito ang bahaging tumigas sa mga nangyari.Mahigit isang minuto yata akong natulala dahil sa gulat, hindi pa rin ako makapaniwala na nandito sila sa harap ng apartment ngayon… na buo.Nang makabawi ay pasimple kong sinulyapan si Sasa sa tabi ko. Malaking-malaki ang ngiti n
ISLA’S POVIbinaling ni Sasa ‘yong tingin niya sa amin at patakbong lumapit sa akin.“Thank you, bakla,” hihikbi-hikbi niyang wika.Naiiyak talaga siya. At this time, hindi na niya maitago ‘yong mga luha niya dahil sa sobrang saya niya.“Huwag ka sa akin magpasalamat,” bulong ko. Kumalas ako at saka ko itinuro iyong mga magulang ko. Ngumuso siya at napakagat labi, pinipigilan ang mga luha sa pagbagsak ng mga ito.Lumapit siya sa mga magulang ko at niyakap si Mama. “T-thank you po, Tita. Sinabi nap o nila Mama sa akin na kayo raw po ang nagbayad ng ticket nila papunta at pabalik. Sobrang… saya po ang pakiramdam ko dahil sa ginawa niyo.”Niyakap siya pabalik ni Mama at inalo naman ni Papa ang likod niya. “Kami nga ang dapat na magpasalamat sa ‘yo, anak. Hi
ISLA’S POVRinig na rinig namin ang sabay-sabay na pagsinghap ng mga tao sa loob ng gymnasium. Napatingin ako bigla sa kamay ko nang hawakan ‘yon ni Mama at mariing pinisil. Nagkatinginan kami at sabay na napahinga nang malalim.“Mga apo? Akala ko ay si Gab lang ang apo niya na nag-aaral dito. Hindi ko alam na may isa pa pala,” sabi ng estudyanteng nasa likod ko.Para na akong matatakasan ng kaluluwa sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung alam ba ni Lolo kung saan kami nakapwesto pero lihim akong humihiling na sana hindi niya alam o sana hindi niya kami makita mula sa stage.Bahagya akong yumuko. Hindi ko alam pero ayoko na malaman nila na apo niya ako. Nakakahiya lang… baka mapahiya sila na parte ako sa pamilya nila.Nagbigay siya nang matagal na katahimikan bago siya nagsalita ulit. “Nagaga
ISLA’S POV“Sh*t.”Ang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan kong iminulat ‘yong mga mata ko at napansin kong wala ako sa kwarto ko, hindi rin pamilyar sa akin ‘yong lugar. Na saan ba ako?Nagulantang ako nang luminaw ang paningin ko. “Anak ka ng tatay mo, Isla. Nasaan ako? May kumidnap na naman ba sa akin?”Bakit wala akong maalala. Nagulo ko ‘yong buhok ko at pilit na inaalala ‘yong nangyari kagabi. Ang huling naalala ko ay ‘yong pinipilit ko si Adam na umalis na kami sa party.Oh my god! Nabaliktad ba? Nalasing ako? Ngayon na lang ulit ako nalasing! Nakakahiya na naman mga nagawa ko! Napasapo ako sa noo ko.Napatingin ako sa katawan ko at iba na rin ‘yong suot ko, hindi na ako na-long dress.“Good morning.” Halos mapatalon ako nang ma
ISLA’S POV“Napakaganda mo, anak. Kamukhang-kamukha mo ang Mama noon. Kaya nga niya ako nakuha eh.” Natawa ako sa pagbibiro ni Papa. Nandito siya sa loob ng kwarto ko ngayon. Nagbibihis na ako para sa party ko mamaya. Birthday party at celebration daw dahil sap ag-uwi ko.Nasa hotel na ‘yong mga bisita.Napangiti ako sa pagbibiro ni Papa. Look at their love. Kung hanggang saan inabot ng kanilang pagmamahal sa isa’t-isa. They fought for it kahit na sobrang hirap ng mga pinagdaan nilang dalawa. They stayed strong and still in love with each other.They deserved each other.May binuksan siyang isang maliit na box at pinakita niya sa akin ‘yong laman. “Sa wakas, anak. Kaya ka ng bilihan ni Papa ng mga ganitong alahas na babagay sa ‘yo. Late man pero at least, ‘di ba?”I
ISLA'S POV"Anong sabi mo? Ulitin mo nga 'yong sinabi mo," muling sabi mo ni Sasa sa akin kasabay ngmalakas niyang tawa. Kanina pa siya tawa nang tawa. Kwinento ko 'yong nangyari kanina saamin ni Adam pati na rin 'yong tungkol sa kanila ni Amiah.Wala naman akong sinabing nakakatawa para tawanan niya ng ganito kalakas.Sinamaan ko siya ng tingin. Iniwan niya na nga ako kanina. Tsk. Kasalanan niya talaga 'to.Kanina ko pa sinasabunutan 'tong buhok ko sa tuwing maaalala ko 'yong nagawa ko. Hindi koalam 'yong ginagawa ko kanina.Naitulak ko suya pagkatapos ng nangyari at saka ako nagmadaling umalis sa loob ng opisinaniya nang pulang-pula ang mukha ko."Oh my god, that is so funny!" Muli ko siyang binigyan nang matalim na tingin. Nilagok ko 'yong alak ko at tumayo. Iniwan ko siya sa counter.Uuwi na ako. Hindi ako pwedeng mag-inom nang madami dahil bukas na
ISLA’S POV“Ithiel baby, come here muna. Daddy has a meeting, baby. He needs to work, anak,” malumanay na usal ni Amiah sa bata na para bang maiintindihan naman no’ng bata.Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan si Amiah habang sa ibang direksiyon siya nakatingin. She cut her hair short, she looks so matured. Kung hindi mo siya kilala ay hindi mo maiisip ‘yong ginawa niya sa akin noon… sa amin rather.Kahit sa maikling panahon ko pa lang siya ulit nakikita ay ramdam ko na ang kakaibang aura niya sa noon at ngayon. Ibang-iba na siya. Kita ko rin ang labis na pagmamahal niya sa anak niya.Napanguso ‘yong bata at kumurap ng ilang beses, tila nagpapa-cute sa kaniyang ina, na hindi ko naman maitatangging cute talaga.Kita ko na may binulong si Adam sa bata na ikinalaki at ikinalawak ng mga ngiti nito.
ISLA’S POVFLASHBACKS.“How’s Mr. Martin, Architect Davina? He bought my company in a great deal. He tripled the price. I don’t even know why he was so very interested at my company,” kibit balikat niyang usal sa akin nang makabaw ako sa pagkakatulala sa kanilang dalawa nang mapapangasawa niya. “Excuse me?”Anong sabi niya? Mr. Martin? Sinong Mr. martin ‘yong tinutukoy niya? Iisang tao lang ‘yong kilala ko. Iisang tao lang din ba kami ng iniisip?“Yes, he is your new CEO, Sir Adam. So how is he?” tanong niya ulit na mas nagpanginig sa akin. Siya ang bumili ng kompanyang pinagtatrabahuan ko?Nagkunwari akong alam ko ‘yong sinasabi niya hanggang sa matapos kami at nagpaalam na rin ako.
ISLA’S POVNagulat siya na makita ako pero mas nagulat ako sa mga nasasaksihan ko. Hindi ko talaga inaasahan ‘to. Matagal pa kaming nagkatitigan bago ako napalingon sa batang lalaking hawak na ngayon ni Adam.Hindi maikakailang anak ito ni Amiah, kamukhang-kamukha niya ang batang lalaki.Sa akin nakatingin si Adam, mariin ang pagkakatitig niya. Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, wala akong maintindihan.Malinaw kong narinig ang tinawag sa kaniya ng batang lalaki kanina. Daddy?Napakurap muna ako ng ilang beses bago ako tuluyang makabawi sa pagkakatulala sa kanila. Kusang nag-iwas ang mga mata ko at kusa ring kumilos ang mga kamay ko para kunin ‘yong mga gamit ko. Nagpaalam ako sa kanila at tuluyan na nga akong lumabas sa loob ng kaniyang opisina.Nagmadali akong lumayo sa kanila nang mari
ISLA’S POV“Sasa Andres! Bakit hindi mo sinabi sa akin na siya pala iyong client natin?!” Sigaw ko sa earphone kong naka-connect sa cellphone ko.“What?! For your information, Architect Isla Davina! Sinabi ko kaya sa ‘yo kahapon sa coffee shop, iba lang kasi talaga ginagawa mo at iba lang talaga iyong tinitignan mo. At saka tinanong pa nga kita kung kaya mo na, ‘di ba?!” pasigaw rin niya pabalik.Napasapo ako sa noo ko at napakagat sa ibabang labi ko. bakit wala akong narinig kahapon? Bakit wala akong maalala na nabanggit niya?!“At hindi mo ba ‘yan na-scan kagabi? Akala ko ay alam mo nang siya ‘yong client dahil ang sabi mo ay i-scan mo ‘yong email ko? Bakit ngayon ka lang nagreklamo?” panernermon pa niya.Halos maiuntog ko ‘yong sarili ko sa manibela nang sasakyan ko habang napa
ISLA'S POV"Tapos ang nakausap ko ay iyong secretary no'ng client. Maayos naman ang naging usapan namin kaya ─ nakikinig ka ba?"Napahinto sa ere iyong kamay kong may hawak na kape dahil sa mataray niyang pagtatanong. Napangisi ako at saka hindi ko na naman mapigilang matawa sa mga pang-aasar ni Gabreel kanina bago siya umalis dito sa table namin.Lumipat lang naman siya ng table nang dumating iyong kasama niya na balingkinitang babae na mukhang model ng mga bikinis.Kung mataray na si Sasa kanina ay mas mataray na naman siya ngayon."Kanina ka pa ngisi nang ngisi dyan tapos titingin ka sa table nila. Baka gusto mong sumama na rin doon?"Oh 'di ba? Ang taray niya!"Sorry, sorry. Ano nga ulit iyon? Oo na, ako na ang makiki-meeting sa client next meeting," hindi siguradong sagot ko.
ISLA'S POV"Anak, nandyan na iyong mga magsusukat ng susuotin mo." Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang dumungaw si Mama mula rito.Napabuntong hininga ako at pilit na ngumiti. "Ma, ayos lang naman kasi sa akin na kahit simpleng celebration lang," wika ko.Pumasok si Mama sa loob ng kwarto ko at sinarado iyong pinto. "Sina Daddy at Mommy ang may gusto nito, anak. Sige na, pagbigyan mo na sila. At isa pa, minsan lang naman ito," pangungumbinsi sa akin ni Mama.Gusto kasi nila Lolo at Lola na iyong celebration ay sabay na rin sa kaarawan ko. Gusto rin nila na engrande ang gaganaping party para sa akin. Nagdadalawang isip kasi ako dahil ayoko nang madaming tao sa birthday ko, ayos na sa akin iyong kami-kami lang.For sure kasi na madami ang a-attend dahil kilala ang pamilya namin, locally at globally.Hindi lang ako makatanggi