ISLA’S POV
Rinig na rinig namin ang sabay-sabay na pagsinghap ng mga tao sa loob ng gymnasium. Napatingin ako bigla sa kamay ko nang hawakan ‘yon ni Mama at mariing pinisil. Nagkatinginan kami at sabay na napahinga nang malalim.
“Mga apo? Akala ko ay si Gab lang ang apo niya na nag-aaral dito. Hindi ko alam na may isa pa pala,” sabi ng estudyanteng nasa likod ko.
Para na akong matatakasan ng kaluluwa sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung alam ba ni Lolo kung saan kami nakapwesto pero lihim akong humihiling na sana hindi niya alam o sana hindi niya kami makita mula sa stage.
Bahagya akong yumuko. Hindi ko alam pero ayoko na malaman nila na apo niya ako. Nakakahiya lang… baka mapahiya sila na parte ako sa pamilya nila.
Nagbigay siya nang matagal na katahimikan bago siya nagsalita ulit. “Nagaga
ISLA’S POVRamdam ko ang pagnginig ng mga kamay ko. Pakiramdam ko lahat ng tao nakatingin sa akin kahit wala naman silang alam sa mga nangyayari. Kahit na hindi naman nila alam na may namagitan sa aming dalawa.Gano’n ako napapraning ngayon. Napahigpit na ang pagkakahawak ko sa kutsara ko. Ayaw ko namang tumingin doon dahil baka makita niya kung saan ako nakapwesto.“Especially, to your parents. Congratulations, dear parents, your efforts are all paid off.”Ang sarap niyang sakalin ngayon. Sinasadya niya yatang bitinin ‘yon para pakabahin ako. Tsk.Ilang minute lang naman ‘yong hinaba ng speech niya, hindi katulad no’ng kay Lolo. Na sa sobrang ikli ay parang nabitin pa ‘yong mga estudyante.Natapos ko na rin ‘yong pagkain ko saktong pagka-announce na awarding and receiving of
ISLA’S POVNanlaki pa ang mga mata ko nang abutan ako ni Lolo ng bulaklak, ‘yong paborito kong bulaklak. Saan naman ‘to galing? Parang wala naman silang bitbit kanina.Ilang na ilang ako nang tanggapin ko ito mula sa kaniya. Napakatamis ng mga ngiting binibigay nila sa akin.Pumunta na kami sa gitna ng stage dahil ‘yon ang prinactice namin, tatanggap ng diploma at saka magpapa-picture sa photographer.Hindi na ako nagulat nang pati sila Lolo at Lola ay sumama. Napansin ko ang kakaibang mga tinginan ng mga professors na kasama namin dito sa taas. Naging mabilis lang ‘yon dahil kailangan na nilang bumalik sa dati nilang pwesto para magbigay ng diploma sa ibang graduates.Bababa na sana kami nang may humawak sa braso ko. Namula ako nang pagharap ko ay nasa harapan ko na si Adam habang kinakalikot niya ang cellphone niya
ISLA’S POV“Huwag kang mag-alala, anak. Tayo-tayo lang naman…”Wala pa man akong nasasagot ay sinundan na agad ni Mama ‘yong sinabi niya. Tumango ako kahit hindi bukal sa puso ko, kita ko kasi ‘yong pag-asa sa mga mga at ni Mama na sana pumayag ako.Tatalikod na sana ako nang akbayan ako ni Sasa. “Saan kayo?” tanong niya. Napabuntong hininga ako. Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa sasakyan namin kanina. Nakita ko sa unahan namin na magkasama na ang mga magulang namin.“M-may celebration daw sa bahay… nila.”Napahinto siya. Dahil akbay-akbay niya ako ay napahinto rin ako. Tinanggal niya ang braso niyang nakaakbay sa akin at saka ako hinarap. “Bahay niyo? Eh ‘di mabuti ‘yon! Sama kami!”Tinitigan ko siya. Hindi ko naman nap ala siya
61.2 ISLA’S POV“Ah… I just want to say thank you for taking care of me last night,” sabi niya nang hindi ako sumasagot sa kahit anong tanong niya.Hindi ako makapagsalita at napapatulala na lang. Gusto kong sabihin na mali ‘yong mga iniisip niya. Na walang katotohanan sa mga sinabi niya. Na hindi naman talaga ko nililigawan ni Gabreel pero hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit may parte sa akin na natutuwa ako na gano’n ang iniisip niya.“T-that’s all… iyon lang ang sasabihin ko, T-thank you. Punta ka na, hinihintay ka na nila,” sabi niya ng mga mga ngiti sa labi. Sumulyap pa siya sa sasakyan ni Gabreel. “A-aalis na rin ako kapag nakaalis ka,” dagdag niya.“Isla! Tara na!” rinig kong sigaw ni Sasa sa akin mula sa sasakyan ni Gabreel. Hindi ako lumingon at nakatitig pa rin ako k
61.3 ISLA’S POV“Senyorita, hindi po kasi pwede. Bilin po kasi sa akin ng Mama niyo na samahan kayo.”“Babalik naman ako, kuya.”“Kahit na po, senyorita”Napabuntong hininga ako at napakagat labi. Tumingin ako sa likod ko, nandito kami sa isang bar ngayon ng isa sa mga driver nila Mama.Gusto kong magpadyak sa semento, kanina pa kami nag-aargumento kung papasok ba siya o hindi.“Oh sige, kuya, ganito na lang po. Kapag hindi pa ako lumabas within twenty minutes, sundan niyo na po ako sa loob,” suhestiyon ko sa kaniya.Tinitigan niya ako na para bang nag-iisip kung papaya siya o hindi.“Promise, kuya. Hindi ka mapapahamak dito ang trabaho mo,” paninigurado ko. Narinig ko ang malakas na buntong hininga niya at tumango rin.
ISLA'S POV"Wala, tinawagan lang ako ng waiter," walang emosyon kong sagot sa kaniya pagkaharap ko. "Tinawagan ko 'yong sekretarya mo pero ang sabi niya naka-leave raw si─""Isla, pwede mo akong pabayaan na lang doon. Why?" muling tanong niya.Hindi ko maintindihan 'yong gusto niyang iparating, nagsasabi naman ako ng totoo. "Nasagot ko na 'yong tanong mo."He looked at me, his eyes are really looking at me, questioning. Umawang ang mga mapupula niyang labi na para bang may gusto pa siyang sabihin kaso walang lumalabas mula rito."If you are not aware… you are torturing me. Is this kind of revenge, ha?"Ayaw ko man magpakita ng kahit anong emosiyon ay hindi ko talaga naiwasang magulat. Bakit niya naman naisip na gagawin ko 'yon? Gano'ng tao ba ang pagkakakilala niya sa akin?"Wala
ISLA'S POVNiyakap ko siya kasabay ng pagpipigil kong humagulgol. Gusto kong sabihin na maayos na, na napatawad ko na siya, na pwede pa at na mahal ko pa rin siya. Hindi naman 'yon nawala.Hindi ako makapagsalita dahil naninikip ang d*bdib ko na parang pinipiga."I'm sorry… h-hindi ko kasi kayang makita ka… parang bumabalik sa akin lahat. Hindi ko na alam kung paano na ulit magtiwala sa 'yo. Hindi ko na alam kung sino ka at mas lalong hindi ko na alam kung ano ang buong pagkatao ko."Kumalas ako sa yakap at hinawakan mo ang mga pisngi niya, maingat ang paghawak sa pisnging nasampal ko kanina.Tumutulo na 'yong sipon naming dalawa pero hindi namin 'yon magawang punasan."Sobrang… sobrang daming nangyari at nangyayari ngayon. Hindi ko kayang sabihin na napatawad na kita dahil hindi totoo 'yon, galit ako…
ISLA’S POV“Ma’am, Isla? A-ano pong ginagawa niyo dito? Paano niyo po nalaman na dito ako nakatira?”Pagsilip ko sa bahay na nasa harapan ko ay ang paglabas ng pamilyar na lalaki sa bakuran at no’ng makita ako ay mabilis siyang lumabas at binuksan ‘yong gate nila.Ano nga ba ang ginagawa ko rito? Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang nag-aalala ako kay Adam at gusto kong may mag-check sa kaniya kahit papaano.Pumunta na ako kay Nay Amy pero katulad din nila Mama ay lumipat na rin daw siya sa bahay ng mga Martin.Wala na akong ibang malapitan, pakiramdam ko ay mababaliw na ako. Hindi pa ako nakakatulog dahil hinintay ko ang pagsinag ng araw at saka na ako lumabas, nagpaalam ako kay Mama at pinasamahan na naman ako sa driver na kasama ko kagabi.“Elmar…” My voice broke. Mahap
ISLA’S POV“Sh*t.”Ang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan kong iminulat ‘yong mga mata ko at napansin kong wala ako sa kwarto ko, hindi rin pamilyar sa akin ‘yong lugar. Na saan ba ako?Nagulantang ako nang luminaw ang paningin ko. “Anak ka ng tatay mo, Isla. Nasaan ako? May kumidnap na naman ba sa akin?”Bakit wala akong maalala. Nagulo ko ‘yong buhok ko at pilit na inaalala ‘yong nangyari kagabi. Ang huling naalala ko ay ‘yong pinipilit ko si Adam na umalis na kami sa party.Oh my god! Nabaliktad ba? Nalasing ako? Ngayon na lang ulit ako nalasing! Nakakahiya na naman mga nagawa ko! Napasapo ako sa noo ko.Napatingin ako sa katawan ko at iba na rin ‘yong suot ko, hindi na ako na-long dress.“Good morning.” Halos mapatalon ako nang ma
ISLA’S POV“Napakaganda mo, anak. Kamukhang-kamukha mo ang Mama noon. Kaya nga niya ako nakuha eh.” Natawa ako sa pagbibiro ni Papa. Nandito siya sa loob ng kwarto ko ngayon. Nagbibihis na ako para sa party ko mamaya. Birthday party at celebration daw dahil sap ag-uwi ko.Nasa hotel na ‘yong mga bisita.Napangiti ako sa pagbibiro ni Papa. Look at their love. Kung hanggang saan inabot ng kanilang pagmamahal sa isa’t-isa. They fought for it kahit na sobrang hirap ng mga pinagdaan nilang dalawa. They stayed strong and still in love with each other.They deserved each other.May binuksan siyang isang maliit na box at pinakita niya sa akin ‘yong laman. “Sa wakas, anak. Kaya ka ng bilihan ni Papa ng mga ganitong alahas na babagay sa ‘yo. Late man pero at least, ‘di ba?”I
ISLA'S POV"Anong sabi mo? Ulitin mo nga 'yong sinabi mo," muling sabi mo ni Sasa sa akin kasabay ngmalakas niyang tawa. Kanina pa siya tawa nang tawa. Kwinento ko 'yong nangyari kanina saamin ni Adam pati na rin 'yong tungkol sa kanila ni Amiah.Wala naman akong sinabing nakakatawa para tawanan niya ng ganito kalakas.Sinamaan ko siya ng tingin. Iniwan niya na nga ako kanina. Tsk. Kasalanan niya talaga 'to.Kanina ko pa sinasabunutan 'tong buhok ko sa tuwing maaalala ko 'yong nagawa ko. Hindi koalam 'yong ginagawa ko kanina.Naitulak ko suya pagkatapos ng nangyari at saka ako nagmadaling umalis sa loob ng opisinaniya nang pulang-pula ang mukha ko."Oh my god, that is so funny!" Muli ko siyang binigyan nang matalim na tingin. Nilagok ko 'yong alak ko at tumayo. Iniwan ko siya sa counter.Uuwi na ako. Hindi ako pwedeng mag-inom nang madami dahil bukas na
ISLA’S POV“Ithiel baby, come here muna. Daddy has a meeting, baby. He needs to work, anak,” malumanay na usal ni Amiah sa bata na para bang maiintindihan naman no’ng bata.Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan si Amiah habang sa ibang direksiyon siya nakatingin. She cut her hair short, she looks so matured. Kung hindi mo siya kilala ay hindi mo maiisip ‘yong ginawa niya sa akin noon… sa amin rather.Kahit sa maikling panahon ko pa lang siya ulit nakikita ay ramdam ko na ang kakaibang aura niya sa noon at ngayon. Ibang-iba na siya. Kita ko rin ang labis na pagmamahal niya sa anak niya.Napanguso ‘yong bata at kumurap ng ilang beses, tila nagpapa-cute sa kaniyang ina, na hindi ko naman maitatangging cute talaga.Kita ko na may binulong si Adam sa bata na ikinalaki at ikinalawak ng mga ngiti nito.
ISLA’S POVFLASHBACKS.“How’s Mr. Martin, Architect Davina? He bought my company in a great deal. He tripled the price. I don’t even know why he was so very interested at my company,” kibit balikat niyang usal sa akin nang makabaw ako sa pagkakatulala sa kanilang dalawa nang mapapangasawa niya. “Excuse me?”Anong sabi niya? Mr. Martin? Sinong Mr. martin ‘yong tinutukoy niya? Iisang tao lang ‘yong kilala ko. Iisang tao lang din ba kami ng iniisip?“Yes, he is your new CEO, Sir Adam. So how is he?” tanong niya ulit na mas nagpanginig sa akin. Siya ang bumili ng kompanyang pinagtatrabahuan ko?Nagkunwari akong alam ko ‘yong sinasabi niya hanggang sa matapos kami at nagpaalam na rin ako.
ISLA’S POVNagulat siya na makita ako pero mas nagulat ako sa mga nasasaksihan ko. Hindi ko talaga inaasahan ‘to. Matagal pa kaming nagkatitigan bago ako napalingon sa batang lalaking hawak na ngayon ni Adam.Hindi maikakailang anak ito ni Amiah, kamukhang-kamukha niya ang batang lalaki.Sa akin nakatingin si Adam, mariin ang pagkakatitig niya. Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, wala akong maintindihan.Malinaw kong narinig ang tinawag sa kaniya ng batang lalaki kanina. Daddy?Napakurap muna ako ng ilang beses bago ako tuluyang makabawi sa pagkakatulala sa kanila. Kusang nag-iwas ang mga mata ko at kusa ring kumilos ang mga kamay ko para kunin ‘yong mga gamit ko. Nagpaalam ako sa kanila at tuluyan na nga akong lumabas sa loob ng kaniyang opisina.Nagmadali akong lumayo sa kanila nang mari
ISLA’S POV“Sasa Andres! Bakit hindi mo sinabi sa akin na siya pala iyong client natin?!” Sigaw ko sa earphone kong naka-connect sa cellphone ko.“What?! For your information, Architect Isla Davina! Sinabi ko kaya sa ‘yo kahapon sa coffee shop, iba lang kasi talaga ginagawa mo at iba lang talaga iyong tinitignan mo. At saka tinanong pa nga kita kung kaya mo na, ‘di ba?!” pasigaw rin niya pabalik.Napasapo ako sa noo ko at napakagat sa ibabang labi ko. bakit wala akong narinig kahapon? Bakit wala akong maalala na nabanggit niya?!“At hindi mo ba ‘yan na-scan kagabi? Akala ko ay alam mo nang siya ‘yong client dahil ang sabi mo ay i-scan mo ‘yong email ko? Bakit ngayon ka lang nagreklamo?” panernermon pa niya.Halos maiuntog ko ‘yong sarili ko sa manibela nang sasakyan ko habang napa
ISLA'S POV"Tapos ang nakausap ko ay iyong secretary no'ng client. Maayos naman ang naging usapan namin kaya ─ nakikinig ka ba?"Napahinto sa ere iyong kamay kong may hawak na kape dahil sa mataray niyang pagtatanong. Napangisi ako at saka hindi ko na naman mapigilang matawa sa mga pang-aasar ni Gabreel kanina bago siya umalis dito sa table namin.Lumipat lang naman siya ng table nang dumating iyong kasama niya na balingkinitang babae na mukhang model ng mga bikinis.Kung mataray na si Sasa kanina ay mas mataray na naman siya ngayon."Kanina ka pa ngisi nang ngisi dyan tapos titingin ka sa table nila. Baka gusto mong sumama na rin doon?"Oh 'di ba? Ang taray niya!"Sorry, sorry. Ano nga ulit iyon? Oo na, ako na ang makiki-meeting sa client next meeting," hindi siguradong sagot ko.
ISLA'S POV"Anak, nandyan na iyong mga magsusukat ng susuotin mo." Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang dumungaw si Mama mula rito.Napabuntong hininga ako at pilit na ngumiti. "Ma, ayos lang naman kasi sa akin na kahit simpleng celebration lang," wika ko.Pumasok si Mama sa loob ng kwarto ko at sinarado iyong pinto. "Sina Daddy at Mommy ang may gusto nito, anak. Sige na, pagbigyan mo na sila. At isa pa, minsan lang naman ito," pangungumbinsi sa akin ni Mama.Gusto kasi nila Lolo at Lola na iyong celebration ay sabay na rin sa kaarawan ko. Gusto rin nila na engrande ang gaganaping party para sa akin. Nagdadalawang isip kasi ako dahil ayoko nang madaming tao sa birthday ko, ayos na sa akin iyong kami-kami lang.For sure kasi na madami ang a-attend dahil kilala ang pamilya namin, locally at globally.Hindi lang ako makatanggi