Home / Romance / Sold To My Disguised Best Friend / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of Sold To My Disguised Best Friend: Chapter 71 - Chapter 80

131 Chapters

CHAPTER FORTY-FIVE [PART 2]

GABREEL'S POV "May alam ka ba dito, Gab?"  Bahagya akong tumango. Muli ay binalot na naman ako ng hiya at konsensiya dahil nagawa kong itago 'yon sa kanila, gusto ko lang naman kasi na huwag na silang mag-alala.  "Lo, kasi..."  "Si Sir Gab ho? Opo, Sir, kasama nga po namin siya noon sa paghahanap at no'ng hinuli na namin 'yong si Sebastian, eh."  "Sebastian? Sino si Sebastian?" "Ah, yes, Sir. Iyang nasa folder po 'yong dumukot sa kaniya noon. Iyang Sebastian po na stalker ng babae. Sa pag-iimbestiga po kasi namin noon ay nalaman naming stalker nga siya ng babae, lalo na noong mapasok namin ang kwarto nito na punong-puno ng litrato ng babae. Mukhang nabaliw po talaga sa pag-ibig, Sir," mahabang kwento ng pulis. Nakagat ko ang labi ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. "Oh? Anong nangyari sa kaniya? Bakit siya na nama
Read more

CHAPTER FORTY-SIX [PART 1]

ISLA'S POV "Oh my gosh! This is so interesting!" At nasundan na naman nang malakas na tawa habang nagpupunas ng luba sa gilid ng mga mata niya. "I have never laughed like this in my entire life, ngayon lang!"  Lahat kami ay nakakunot ang noo, maski si Sebastian na kasama niya ay nagtataka sa inaasta ni Ms. Amiah.  Nanatili naman akong nakayakap kay Adam na nakasiksik pa rin sa akin. Buti na lang talaga at hindi na ibinalik sa amin 'yong mga tali kaya malaya naming mahawakan ang isa't-isa.  Muli na namang napatigil si Ms. Amiah sa pagtawa at hingal na hingal.  Parang kanina lang ay sobra kung makasigaw at magalit, ngayon naman sobra kung makatawa.  Ibang-iba siya no'ng una kong nakita, akala ko ay sobrang bait at hinhin niyang tao.  Nabaitan talaga ako sa kaniya no'n, sinabi ko pa nga kay Tobias eh. 
Read more

CHAPTER FORTY-SIX [PART 2]

ISLA'S POV Anong sinasabi niya?  Tama ba 'yong narinig ko?  Lumingon ako sa paligid kung nandito ba si Tobias, lahat ng sulok ng kwarto ay tinignan ko pero ni anino niya ay wala naman akong nakita.  Isla, baka pinaglalaruan ka lang niyan.  "A-anong s-sinasabi mo?"  "Bakit hindi mo tanungin 'yang best friend mo, Isla?" Nalipat ang mga tingin ko kay Adam na nakakapit sa akin. Ngayon ko lang din napansin na natigil na ang panginginig niya. Na pakiramdam ko ay nailipat sa akin.  Kung kinakabahan ako kanina ay mas lalo na ngayon. Parang gusto nang lumabas ng puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito.  Mas lalong kumikirot 'yong ulo ko.  Napansin ko ang papalapit na si Sebastian. Puno rin ng pagtataka ang mga mata niya. Sumalampak siya sa sahig,
Read more

CHAPTER FORTY-SEVEN [PART 1]

ISLA'S POV Anong… ano 'yon?  Diretso ang kaniyang mga mata sa akin habang ginagawa ang bagay na 'yon. Tinitignan niya kung ano ang magiging reaction ko.  Kita ko ang hirap sa ginagawa niya na para bang ayaw niya nang ituloy.  Nangilid ang mga luha niya bago siya yumuko at muli ay may tinanggal na naman siya sa mata niya na kung anong bagay.  Kung ano 'yon ay hindi ko alam.  Ni hindi ko alam kung ano 'yong mga tinatanggal niya.  Nang tuluyan na niyang matanggal 'yon ay unti-unti na siyang nag-angat ng mukha.  Contact lense… contact lense 'yong tinanggal niya.  Iyong mga matang 'yon, kulay kapeng mga mata, na isa sa mga paborito ko.  Tobias…. Unti-unti rin ay para akong pinagbabagsakan lupa.&n
Read more

CHAPTER FORTY-SEVEN [PART 2]

THIRD PERSON'S POV Umalingasaw sa buong lugar ang malakas at magkasunod na putok ng baril. Nagulat ang lahat ng tao sa loob. Mabilis na kinuha ng mga pulis ang mga hawak na baril ni Amiah at ng kasama niyang si Sebastian.  Pinadapa naman nila sa lupa ang mga tauhan nila at pinosasan.  Nanginginig ang mga labi ni Amiah nang makita na nakabulagta na sa sahig si Tobias na duguan habang yakap-yakap siya ni Isla.  Habang si Sebastian naman ay ngiting-ngiti at tila tuwang-tuwa sa ginawa niya. Walang halong pagsisisi ang mukha niya.  "Tobias? Tobias! No… no…" paulit-ulit na sambit ni Amiah habang nakatingin pa rin kay Tobias.  Pinoposasan na siya ngayon pero na kay Tobias pa rin ang tutok niya.  Punong-puno ng luha ang kaniyang mukha. Tinignan niya si Sebastian nang matalim na tingin. &nbs
Read more

CHAPTER FORTY-EIGHT [PART 1]

THIRD PERSON'S POV Inilipat na sa Martin Hospital sina Tobias at Isla. Pagkatapos maoperahan si Tobias ay pinalipat siya sa hospital na pagmamay-ari niya at dahil na rin sa utos ng Daddy ni Tobias na labis ang galit na nadarama sa nangyari.  Si Isla naman ay hindi pa rin nagigising hanggang ngayon.  Saktong araw naman ng paglabas ng hospital ng mga magulang ni Isla nang mabalitaan nila ang nangyari sa kanilang anak.  Sobrang nagulat sila dahil wala man lang silang kaalam-alam sa mga nangyayari sa kanilang anak na si Isla.  Nagulat na lang sila nang sabihin sa kanila ng isang nurse na naka-admit rin ang anak nila sa hospital. Dahil madalas si Isla sa hospital ay nakilala na rin siya ng ibang nurse and staffs ng hospital.  Kaya naman hindi sila natuloy sa pag-uwi at dumiretso sa room ng anak nila.  Nagulat pa s
Read more

CHAPTER FORTY-EIGHT [PART 2]

THIRD PERSON'S POV "Tita, nagdala rin ho ako ng mga prutas. Kamusta na po si Isla?" puno ng pag-aalalang tanong ni Isla sa Mama ni Isla. Mabilis na dumiretso si Sasa sa hospital nang mabalitaan nila ang nangyari. Sinabi ito ni Sir Ralph nila dahil kapatid niya pala ang isang doctor sa Martin Hospital na si Doc. Rafael.  Ibinalita ni Doc. Rafael kay Ralph ang nangyari at sinabi niya ito sa mga kasamahan ni Isla sa OJT. Walang ano-ano ay nagpaalam si Sasa kay Ralph para pumunta sa hospital.  "Salamat, anak." Ngumiti si Isabelle sa kaibigan ni Isla. "Ito, hindi pa rin siya nagigising… ang sabi ng doctor ay mas pinili raw ng utak niyang magpahinga muna dala ng trauma sa nangyari. Ang sabi ng mga pulis ay, sa harap niya mismo nangyari ang pamamaril."  Humaba ang nguso ni Sasa habang nakatingin sa kaibigan niyang mahimbing na natutulog. Sobrang awang-awa na siya s
Read more

CHAPTER FORTY-NINE [PART 1]

ISLA'S POV "Sabi ng doctor ay pwede ka na raw lumabas ngayon, anak." Ramdam ko ang titig ni Mama at Papa sa akin kaya naman lumingon ako kay Mama at tumango sa kaniya ng bahagya. "At saka, nga pala p-pumunta ako kahapon sa cashier at ang sabi nila ay bayad na daw lahat ng gastusin. Tinanong ko kung sino ang nagbayad ay anonymous daw," puno ng pagtataka na wika ni Mama.  Pati ako ay napakunot ng noo dahil 'yong gumagawa ng gano'n sa akin noon ay tulog at nakahiga rin dito sa hospital. "At dahil ayaw naman sabihin no'ng cashier kahit anong pilit ko ay hinayaan ko na lang din. Nag-iwan na lang ako ng sulat at pinabigay ko," dagdag ni Mama. Nagkibit balikat si Mama habang nag-aayos ng mga gamit namin para makauwi na kami.  Nag-iwas ako ng tingin sa kanila nang maalala ang pag-iyak ko kahapon sa kanila. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Halo-halo na 'yong mga nararamdam
Read more

CHAPTER FORTY-NINE [PART 2]

ISLA'S POV "Isla! Nasaan ka? Gusto kong makita si, Isla! F*ck! Don't f*cking touch me!"  "Bakit?"  Lumabas ako sa kwarto at nakita ko sa labas ng hallway si Tobias o Adam na nagwawala at sinisigaw ang pangalan ko habang hawak-hawak siya ng mga nagbabantay sa kaniya. Nakatalikod sa akin si Tobias. No'ng narinig niya ako ay tumigil siya sa pagwawala. Napalingon sa akin ang mga bantay niya at parang napahinga nang maluwag pero dahil hindi pa rin nila binibitawan si Tobias ay sobrang lakas niya itong iwinaksi at saka ako dahan-dahan na hinarap. Napangiwi siya at napahawak sa bandang balikat niya, kung saan siya inoperahan.  Malamig ang mga mata kong nakatingin sa kaniya habang siya ay mabagal na naglakad papalapit sa akin, makikita sa mukha niya ang sakit. Hindi ko alam kung alin ang masakit.  "Isla…" mahinang tawag
Read more

CHAPTER FORTY-NINE [PART 3]

ISLA'S POV Pabigat nang pabigat 'tong nararamdaman ko. Ni hindi ko matagalan na titigan siya sa mata.  Parang pinipiga 'tong puso ko. Ramdam ko ang kirot at sakit nito. Nanunuot 'yong sakit at pinapahirapan ako nitong huminga.  "So, alam mo?" ulit na tanong ko sa kaniya. Nanginig siya at namutla. Hindi ko alam kung dahil sa gulat o dahil sa sugat niyang dumudugo na naman ngayon.  "Isla, h-hindi… a-akala ko g-gumagawa lang siya ng k-kwento."  Napakunot noo ako at agad na nagsalubong ang mga kilay ko.  "Alam mo pero hindi mo na naman sinabi? Mas pinili mo na namang magsinungaling?" nanggigigil na usal ko sa kaniya. "Ano pa, Adam? Ano pa ang hindi mo nasasabi sa akin?"  "Adam? S-sinong? A-anong ibig mong sabihin, Isla?"  Nalipat ang tingin ko kay Mama. Wala n
Read more
PREV
1
...
678910
...
14
DMCA.com Protection Status