Home / Romance / Sold To My Disguised Best Friend / Chapter 111 - Chapter 120

All Chapters of Sold To My Disguised Best Friend: Chapter 111 - Chapter 120

131 Chapters

CHAPTER SIXTY-ONE [PART 3]

61.3 ISLA’S POV “Senyorita, hindi po kasi pwede. Bilin po kasi sa akin ng Mama niyo na samahan kayo.” “Babalik naman ako, kuya.” “Kahit na po, senyorita” Napabuntong hininga ako at napakagat labi. Tumingin ako sa likod ko, nandito kami sa isang bar ngayon ng isa sa mga driver nila Mama. Gusto kong magpadyak sa semento, kanina pa kami nag-aargumento kung papasok ba siya o hindi. “Oh sige, kuya, ganito na lang po. Kapag hindi pa ako lumabas within twenty minutes, sundan niyo na po ako sa loob,” suhestiyon ko sa kaniya. Tinitigan niya ako na para bang nag-iisip kung papaya siya o hindi. “Promise, kuya. Hindi ka mapapahamak dito ang trabaho mo,” paninigurado ko. Narinig ko ang malakas na buntong hininga niya at tumango rin.
Read more

CHAPTER SIXTY-TWO [PART 1]

ISLA'S POV "Wala, tinawagan lang ako ng waiter," walang emosyon kong sagot sa kaniya pagkaharap ko. "Tinawagan ko 'yong sekretarya mo pero ang sabi niya naka-leave raw si─"  "Isla, pwede mo akong pabayaan na lang doon. Why?" muling tanong niya.  Hindi ko maintindihan 'yong gusto niyang iparating, nagsasabi naman ako ng totoo. "Nasagot ko na 'yong tanong mo."  He looked at me, his eyes are really looking at me, questioning. Umawang ang mga mapupula niyang labi na para bang may gusto pa siyang sabihin kaso walang lumalabas mula rito.  "If you are not aware… you are torturing me. Is this kind of revenge, ha?"  Ayaw ko man magpakita ng kahit anong emosiyon ay hindi ko talaga naiwasang magulat. Bakit niya naman naisip na gagawin ko 'yon? Gano'ng tao ba ang pagkakakilala niya sa akin?  "Wala
Read more

CHAPTER SIXTY-TWO [PART 2]

ISLA'S POV Niyakap ko siya kasabay ng pagpipigil kong humagulgol. Gusto kong sabihin na maayos na, na napatawad ko na siya, na pwede pa at na mahal ko pa rin siya. Hindi naman 'yon nawala.  Hindi ako makapagsalita dahil naninikip ang d*bdib ko na parang pinipiga.  "I'm sorry… h-hindi ko kasi kayang makita ka… parang bumabalik sa akin lahat. Hindi ko na alam kung paano na ulit magtiwala sa 'yo. Hindi ko na alam kung sino ka at mas lalong hindi ko na alam kung ano ang buong pagkatao ko."  Kumalas ako sa yakap at hinawakan mo ang mga pisngi niya, maingat ang paghawak sa pisnging nasampal ko kanina.  Tumutulo na 'yong sipon naming dalawa pero hindi namin 'yon magawang punasan.  "Sobrang… sobrang daming nangyari at nangyayari ngayon. Hindi ko kayang sabihin na napatawad na kita dahil hindi totoo 'yon, galit ako…
Read more

CHAPTER SIXTY-TWO [PART 3]

ISLA’S POV “Ma’am, Isla? A-ano pong ginagawa niyo dito? Paano niyo po nalaman na dito ako nakatira?” Pagsilip ko sa bahay na nasa harapan ko ay ang paglabas ng pamilyar na lalaki sa bakuran at no’ng makita ako ay mabilis siyang lumabas at binuksan ‘yong gate nila. Ano nga ba ang ginagawa ko rito? Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang nag-aalala ako kay Adam at gusto kong may mag-check sa kaniya kahit papaano. Pumunta na ako kay Nay Amy pero katulad din nila Mama ay lumipat na rin daw siya sa bahay ng mga Martin. Wala na akong ibang malapitan, pakiramdam ko ay mababaliw na ako. Hindi pa ako nakakatulog dahil hinintay ko ang pagsinag ng araw at saka na ako lumabas, nagpaalam ako kay Mama at pinasamahan na naman ako sa driver na kasama ko kagabi. “Elmar…” My voice broke. Mahap
Read more

CHAPTER SIXTY-THREE [PART 1]

ISLA’S POV Sinabihan ko ‘yong driver nila Mama na mauna na sa mansion, no’ng una ay parang makikipag-argumento na naman ngunit no’ng tinawagan ko si Mama ay nakahinga siya nang maluwag at hinayaan na akong sumama kay Kuya Elmar. Hindi pamilyar ang lugar na pinupuntahan namin para sa akin. Halo-halo ‘yong mga nararamdaman ko, may halong kaba, tuwa na makikita ko na siya at takot sa kung anong madadatnan ko. Kakausapin ko siya nang maayos. Baka kapag narinig ko naman ‘yong side niya ay baka… pwede pa, baka kaya pa namin. Ang sabi sa akin ni Kuya Elmar ay kapag nakita namin siya ay bawal ko siyang lapitan at kausapin kasi ang sabi ko lang naman daw kanina ay titignan kung anong lagay niya. Pero sana alam niya nang hindi ko ‘yon maipapangako. Diretso lang ang tingin ko sa daan, palinga-linga ako sa lug
Read more

CHAPTER SIXTY-THREE [PART 2]

ISLA'S POV Pumayag iyong madre sa balak ko nang magpakilala ako kung sino talaga ako. Alam din nila na kaarawan niya ngayon at may hinanda rim daw sila ngunit isang cake lang dahil ang sabi raw ni Adam sa kanila noon ay hindi siya nagce-celebrate ng kaarawan niya.  Nakapasok kami ni Kuya Elmar sa loob nang hindi napapansin ni Adam. Orphanage raw 'yong una naming pinasukan sabi ng Madre na kasama namin.  May mahahabang mesa na tila dito sila kumakain. May iilang mga bata na nandito sa loob. Sila ang kinausap namin tungkol sa plano ko at tuwang-tuwa naman silang pumayag.  Sinabihan ko 'yong ibang bata na aliwin muna si Adam habang nag-aayos kami dito sa loob.  Buti na lang may mga gamit sila dito na pang-decor ng simple lang na Happy Birthday.  Naging abala ang lahat ng nandito sa loob at buti na lang sobrang babait ng mga bata. 
Read more

CHAPTER SIXTY-THREE [PART 3]

ISLA'S POV Napasinghap siya ngunit hindi siya nagulat nang tulad ng inaasahan ko.  "Isla? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba…"  "Shh. Mamaya na lang tayo mag-usap tungkol dyan." Naglakad ako papalapit sa kaniya. Pinipilit kong ngumiti kahit na para nang ba babaliktarin 'yong sikmura ko nang dahil sa kaba.  I am still wearing my sunglasses kaya hindi niya makita 'yong mga mata kong umiyak para sa kaniya.  He is intently looking at me. Lihim ako sumenyas gamit ang mga labi ko, tinuro ko ang mga bata.  Ayaw ko na mapansin nila na may hindi magandang nangyari sa pagitan namin. "Happy Birthday," bati ko ulit sa kaniya pagkalapit ko. "Nakatingin 'yong mga bata, mamaya na tayo mag-usap," bulong ko sa kaniya.  Para naman siyang natauhan at bigla na lang ngumiti sa akin. "T-thank you." Nag
Read more

CHAPTER SIXTY-FOUR [PART 1]

ISLA’S POV “Alam mo tama ka, Isla. I had my reasons kung bakit… kung bakit ko nagawa lahat ‘yon sa ‘yo pero it doesn’t mean I am allowed to hurt you,” mahinang sambit niya pagkatapos ng mahabang katahimikang bumalot sa amin kanina pagkatapos niyang magpakilala, formally. Nakayuko siya, nakatingin siya sa mga sapatos niyang kulay puti na may putik-putik sa talampakan nito. Tanging ang langitngit lamang ng duyan na bakal ang naririnig namin. Tanging ang mga bulaklak sa paligid lang ‘yong mga kasama namin at nakaka-witness sa amin ngayon. Hindi ako makapagsimula sa sasabihin ko dahil ayoko siyang mahinto sa kung anong mga sasabihin niya pa. Parang katulad ko ay madami rin siyang inipon sa sarili niya at ngayon lang din siya nakahanap ng pagkakataon. Malakas na ang aking kutob sa mga susunod niyang sasabihin pero pilit ko
Read more

CHAPTER SIXTY-FOUR [PART 2]

ISLA’S POV “Hi, I am Ross and I am the interior designer of this project,” hingal na hingal na pakilala sa akin ng isang matangkad at may kulay blonde na buhok. Mukhang tumakbo siya hanggang dito. Nakangiti niyang inabot sa akin ‘yong kamay niya. “It’s a pleasure meeting you. I am Isla, the Architect,” pakilala ko rin sa kaniya at nakipag-hand shake sa kaniya. “So, you are the new hired interior designer?” Hindi ko alam na lalaki pala ‘yong makakasama ko rito. Wala namang problema do’n, buong akala ko lang talaga ay babae. Boys are rare in that field though. Tumango siya sa akin habang nakangiti pa rin. Mukha naman siyang mabait at mukha naman kaming magkakasundo. Sana. “Oh thank God! I’m glad you are both here,” sabi ng isang boses na galing sa taas ng hagdan. Sabay kaming napalingon
Read more

CHAPTER SIXTY-FIVE [PART 1]

 1 ISLA’S POV  “Hey, Missy! Where are you? We are already here.” Inipit ko ‘yong cellphone sa tainga ko habang sinusuot ko ‘yong sandals ko. Nagmamadali ako ngayon dahil I over slept na very unusual sa akin. Kasi kahit mag-alarm ako lagi kong nauunahan ‘yong alarm clock ko. “Cindy, I’m sorry. I will be there in fifteen minutes or less, okay?” Nilipat ko sa kabila ‘yong cellphone ko habang sinusuot ko naman ‘yong isang sandal. Binaba ko na ‘yong tawag nang sabihin niya kung nasaang bar sila ngayon. Iba-iba kasi ‘yong bar na pinupuntahan namin araw-araw. Tumayo ako at inayos ko ‘yong dress ko na above the knee ang iksi. Bumagay ang kulay sa balat ko. Well, I don’t know pero my skin gets lighter and brighter. Actually, this dress is too conservative pa rin para sa mga taong na
Read more
PREV
1
...
91011121314
DMCA.com Protection Status