Pilit na sumiksik si Gener, kasama ang isang lalaki na tauhan n'ya, sa isang maliit na espasyo. Napakadilim ng paligid at halos wala silang makita. Hindi sila makapagbukas ng kahit na anong ilaw dahil maaaring makita sila ng kalaban. Nakakapangilabot ang katahimikan. Halos walang marinig na kahit ano sa buong paligid. Hanggang sa biglang magkaroon ng isang malakas na pagsabog. Hindi batid ni Gener at ng kasama niya kung ano ang sanhi noon. "Boss, magtago muna tayo habang hindi pa natin sigurado ang sitwasyon," bulong ng tauhan ni Gener na humila sa kan'ya para dalhin siya sa ligtas na lugar. "Ano kaya ang sadya ni Hilda sa pagpunta niya rito?" anas din ni Gener. "Wala pa akong ideya boss pero naririnig ko sila kanina. Ang sabi ni Mer ay siya na raw ang bahala sa lahat," sagot ng tauhan ni Gener. "Siya nga pala, boss, nalaman ko kanina na ang tunay na Sean ay nasa resort ni B
Last Updated : 2022-03-25 Read more