All Chapters of The Mafia's Hidden Angel (Tagalog): Chapter 51 - Chapter 60

91 Chapters

CHAPTER 50

Napabalikwas si Kryzell ng makita n'yang nagtatakbuhan ang mga miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization. Kinakabahan na inabot n'ya ang swero at tumayo siya kahit nahihilo siya.  "Ano'ng nangyayari? Bakit nagkakagulo kayo?" tanong niya sa isang miyembro ng grupo na nananatili lang nakatayo sa may pintuan.  "Ma'am, bumalik po kayo sa higaan. Baka kung mapano po kayo," sabi ng lalaki.  Napasulyap si Kryzell sa 'di kalayuan. Nakita n'ya ang isang ginang na tinututukan ni Kaizer. Hindi n'ya alam kung ano ang dahilan ng kaguluhan pero batid n'yang matindi ang galit ni Kaizer.  "Alalayan mo ako palapit sa kanila," utos ni Kryzell sa lalaking kausap n'ya. "Ma'am, baka magalit po lalo si boss," nag-aalalang sabi ng lalaki. Lumakad na si Kryzell kaya napilitan ang lalaki na sumunod at alalayan na lang siya. Nagtatakbuhan ang mga nars at maging
last updateLast Updated : 2022-02-17
Read more

CHAPTER 51

Panay ang tawa ni Kaizer habang kinukulit siya ni Kryzell. May kasunduan ang mag-asawa na dapat malaman daw ni Kryzell ang totoong pangalan ng asawa n'ya sa loob ng isang buwan kung hindi ay bubuntisin n'ya ito.    "Gusto mo na ba talagang magkaanak?" tanong ni Kryzell sa asawa n'ya habang kumakain sila ng almusal sa ibabaw ng kama. Kapwa walang saplot ang mga katawan nila at malayang gumagalaw sa loob ng silid.    "Bakit mo naman naitanong?" Nakatitig si Kaizer sa mukha ng kabiyak dahl gusto n'yang malaman ang sagot nito.    "Medyo hindi pa ako ready na magkaroon ng anak kasi marami pa tayong problema. Natatakot akong baka mawala rin siya agad sa akin," pag-amin ni Kryzell. "Tingin ko kasi ay hindi pa safe ang environment na mabubungaran n'ya."    Nawalan ng kibo si Kaizer. Wala itong nagawa kun'di ang yakapin ang asawang bahagyang nagpunas ng luha sa kan'yang pisngi. Napapaisip
last updateLast Updated : 2022-02-18
Read more

CHAPTER 52

Ang mga sumunod na araw ay naging mahirap para sa mag-asawa. Hindi kasing init ng dati ang pagniniig nila. Kung titingnan ay parang maaga silang nagsawa sa isa't-isa.  "Kaizer, sasamahan ko si Sean sa pagpunta sa Cavite bukas. Dadalawin namin ang textile company ni daddy doon. Baka abutin kami ng maghapon," paalam ni Kryzell.  Hindi kumibo si Kaizer at itinuloy lang ang pagkain. Ganoon naman lagi si Kryzell. Nagpapaalam naman siya sa mga lakad nila ni Sean pero nasasaktan ang asawa n'ya. Masyado nang nagiging malapit sa kan'ya si Sean kahit umiiwas siya. Iyon ay dahil kay Hilda. Palagi kasi nitong pinagsasama sila ni Sean. Panay din ang hirit ng babae na kausapin n'ya si Kaizer para dalawin naman ito.  Gabi na lang nakakasama ni Kryzell ang asawa n'ya. Nagmamadali na siyang malaman ang katotohanan sa kamatayan ng daddy n'ya at tulad ng unang plano, si Sean ang gagamitin n'ya para makuha ang nais n'ya. Nadu
last updateLast Updated : 2022-02-19
Read more

CHAPTER 53

"Hi, tita!" Masayang pumasok si Kaizer sa loob ng opisina ng galit na si Hilda. Naibagsak naman ni Hilda ang hawak n'yang mga dokumento. Tumayo siya at malapad na ngumiti kay Kaizer. Yumuko si Kryzell bilang kunwari'y pagbati sa asawa n'ya. Gan'on din ang ginawa ni Tamara. Lihim na kumindat ang manager na miyembro rin ng Devil's Angel Mafia Organization sa magkaibigan. "Hey, I'm glad you're here." Agad na lumapit si Hilda kay Kaizer at humalik sa pisngi nito. Napatingin naman si Kaizer sa asawa n'ya na nakangiti pero nagbabanta. "It's seems you're cranky seeing these two beautiful ladies here," sabi ni Kaizer. "What's the problem, tita?"  "Oh, nothing. I just felt that… you know… they are malas sa buhay ko."  Bahagyang lumayo si Kaizer kay Hilda. Pinipisil kasi nito ang kamay n'ya. At dahil nakatalikod ang pinuno ng Triangulo sa stepdaughter n'ya kaya hind
last updateLast Updated : 2022-02-20
Read more

CHAPTER 54

Buong Devil's Angel Mafia Organization ay nabulabog dahil sa pagbawi ni Kaizer ng utos n'ya. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na ginawa ng mafia boss ang ganoong aksyon. Simula kasi ng maging pinuno siya ay naging matatag siya. Ang bawat utos n'ya ay pinal na at hindi pwedeng bawiin.    Upo, tayo, lakad; walang magawa si Kaizer na tama. Tolero siya at hindi mapakali. Lahat ng mga grupo na pwede n'yang utusan ay sinugo n'ya para lang mabawi ang asawa n'ya. Ilang beses n'ya na rin tinawagan ang number ng kabiyak at nakapatay lamang iyon. Halos isang daan na yata ang text na naipadala n'ya sa asawa ngunit hindi man lang sumagot si Sean sa kahit isa noon.   "Hay*p ka, Sean. Ang ginawa mong ito ay hindi ko mapapalampas. I'm gonna break your neck. Damn it!" sabi ni Kaizer habang nakasakay sa isang chopper papuntang Bulacan.    "Boss, nakuha na namin ang listahan ng mga ari-arian na nabili ni Sean. Nakontak na rin n
last updateLast Updated : 2022-02-21
Read more

CHAPTER 55

Walang nagawa ang tauhan ni Sean nang ihampas ni Mer sa lupa ang katawan n'ya. Ang hawak n'yang baril ay agad kinuha ni Kaizer at saka walang sabi-sabi na inapakan ng mafia boss ang bay*g ng lalaking naging dahilan kaya nakawala si Kryzell sa silid na pinagkulungan sa rito ni Sean.  Nagtataka ngunit natatawa na napatingin si Kryzell sa asawa n'ya. Namimilipit kasi sa sakit ang lalaking nagbukas ng pintuan kanina ng silid kung saan siya ikinulong ng dati n'yang nobyo.  "Kawawa naman ang itlog. Ay hindi! Ang lalaki, kawawa naman siya," wika ni Kryzell.  "Tama lang iyan. Tinakot n'ya ako, eh," sabi ni Kaizer habang hawak sa kamay ang kan'yang asawa. Naglalakad sila pabalik na sa sasakyan na naghihintay sa kanila. Mahigpit ang hawak ni Kaizer sa kamay ng asawa at parang ayaw n'yang bitawan ito. Hindi n'ya kasi kakayanin kung mawala pa ulit si Kryzell.  "Totoo? Natakot ka?" tanong ni K
last updateLast Updated : 2022-02-22
Read more

CHAPTER 56

Biglang napainom ng alak si Kaizer pagkatapos n'yang suntukin si Sean. Matalim kasi ang naging tingin ni Kryzell sa kan'ya. Alam ni Kaizer na hindi dahil sa pananakit n'ya kay Sean kaya nagagalit ang asawa n'ya kun'di dahil maaaring masira ang matagal nang pinaghandaan ni Kryzell at nina Tamara at Tracy.  "I'm sorry, tita. I wasn't able to control myself," hinging paumanhin ni Kaizer kay Hilda. Lumapit ito sa kan'ya kasunod si Kryzell kaya nakahingi siya kaagad ng paumanhin. "It's okay. Would you mind going inside the house para ma-check-up ka ng doctor?" tanong naman ni Hilda.  "No, tita. I'm fine. Just tell your husband to be more respectful next time. Hindi ako pumunta rito para maghanap ng away. I really wanted to celebrate with you. I'm sorry." May laman ang bawat katagang binitawan ni Kaizer. Hindi naman napansin ni Hilda ang bawat diin noon. Baka-focus kasi siya sa kung paano maikakama ang lalaking pinag
last updateLast Updated : 2022-02-23
Read more

CHAPTER 57

Nang mga sumunod na araw ay naging abala si Kryzel sa pagpaplano kung paano pababagsakin sina Sean at Hilda. Inoobserbahan lang siya ng kan'yang asawa na ayaw makialam sa kung ano ang mga gagawin niya. Hindi magawang maglambing ni Kaizer dahil laging galit at nakasinghal si Kryzell. Gusto nang magtampo ng mafia boss ngunit ayaw n'ya ng gulo. Pilit n'yang inuunawa ang asawa dahil batid niyang gusto lamang nitong mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga magulang nito. Ang galit na si Kryzell ay biglang natauhan. Napansin niya kasi ang pangingilag ng kanyang asawa. Sa kabila ng kanyang mga pinagdadaanan, ayaw niya rin na magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Kaizer. Nilambing niya ang asawa para hindi na ito umiiwas ka sa kan'ya. Ipinaramdam n'ya rito na hindi n'ya ito kaaway.  "Para ka naman kasing amazona," wika ni Kaizer. "Minsan umiiwas na lang ako sa 'yo para walang gulo." "Hindi naman
last updateLast Updated : 2022-02-24
Read more

CHAPTER 58

Walang kaalam-alam si Hilda na ang kan'yang personal assistant ay walang iba kun'di si Kryzell na minsan n'ya nang sinubukan na patayin. Hindi rin kasi nagsasalita si Sean sa kan'yang nalalaman. Patuloy pa rin ang paghahanap ni Hilda kung nasaan na ba ang kan'yang stepdaughter.  Naiinis na sa kan'ya ang mga kasamahan ni Hilda dahil napapabayaan na ng Triangulo ang mga transaksyon nila. Naka-focus kasi sila sa paghahanap sa babaeng itinuturing na kalaban ng kanilang boss. Sa ilan, isa iyong pagsasayang lamang ng oras.  Araw ng Biyernes, isang malaking pagsabog ang naganap sa Torquero Group of Companies' Building. Utos iyon ng stepmom ni Kryzell para mapilayan ang negosyo na hawak na ng huli. Katwiran kasi ni Hilda, kung hindi mapupunta sa kanya ang mga kumpanya ng Torquero ay mas mabuti pang walang makinabang nito.  Sa tulong ng mafia boss ng Devil's Angel Mafia Organization ay nagamot ng libre ang mga suga
last updateLast Updated : 2022-02-25
Read more

CHAPTER 59

Nanlaki ang mga mata ni Kryzell nang may sumabog na bomba sa hindi kalayuan sa kan'yang pinagtataguan. Si Kaizer ay napasigaw ng ubod lakas. Kapwa sila nakaramdam ng matinding takot para sa kani-kanilang mga buhay. Ngunit hindi man lang iyon nahalata ng mga kasama nila..   Mabilis na na patakbo ang mafia boss patungo sa kan'yang asawa. Niyakap niya ito ng ubod higpit. Napasubsob siya sa mukha nito habang lihim na tumutulo ang kan'yang mga luha. Pinagpag niya ang mga damo na dumikit sa damit ni Kryzell. Hindi siya magkandaugaga kung paano niya aasikasuhin ang hindi naman nasaktan na kabiyak.    "Sinabi ko sa iyong mag-iingat ka, 'di ba?" sermon ni Kaizer kay Kryzell.    "Hindi naman ako ang naghagis ng bombang 'yan dito sa harapan ko," pangangatwiran ni Kryzell. "Bakit nagagalit ka sa akin?" Pasigaw ang pagkakabigkas noon ni Kryzell dahil pansamantalang humina ang pandinig n'ya dahil sa pagsabog.  &
last updateLast Updated : 2022-02-26
Read more
PREV
1
...
45678
...
10
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status