All Chapters of The Mafia's Hidden Angel (Tagalog): Chapter 61 - Chapter 70

91 Chapters

CHAPTER 60

Sa Efefanio General Doctors Hospital ay biglang nagkagulo ang lahat. Dumating kasi ang grupo nina Mer at Tamara. Mga armado sila ng mga de-kalibreng baril. Nagtakbuhan ang mga nurse, gayon din ang mga doktor at pasyente. Biglang isinara ang main door ng hospital dahil sa utos ni Mer.    Lumapit siya sa information desk at inalam kung naroon si Hilda. Subalit wala ito sa listahan ng mga pasyente. Upang makatiyak, agad n'yang inutusan ang lahat ng mga kasama nila ni Tamara na halughugin ang buong lugar. Walang nagawa ang mga guwardya kun'di ang tingnan na lang sila.    Ngunit bumalik ang mga tauhan nila, dala ang balita na wala nga roon si Hilda. Hindi makapaniwala si Mer kung paanong nawala na lang ito agad.    "Ayon sa report ay dito dinala si Hilda Torquero. Nasaan siya," tanong ni Mer sa nanginginig na nurse.    "Sir, wala po talagang Hilda Torquero na isinugod dito," sagot ng n
last updateLast Updated : 2022-02-27
Read more

CHAPTER 61

Dahil sa takot kay Kryzell kaya hindi magawang magtapat ni Kaizer sa kan'yang asawa. Nag-iisip siya ng paraan kung paano niya sasabihin kay Kryzell ang katotohanan na natuklasan niya. Ang malaman na alam din ni Sean ang tungkol sa kanyang pagkatao ay isang malaking dagok para kay Kaizer. Hindi niya kasi magawang dumiskarte ng tama dahil palaging may bantang humahadlang sa kan'ya. Hindi naman nagtanong si Kryzell tungkol sa mga kinikilos ng asawa niya. Ngunit nagiging mapanuri sa sa paglipas ng mga araw. Maging ang kusinera ay hindi n'ya tinatantanan. Ang kan'yang mga mata ay para bang cctv camera na laging nakatingin sa kusinera.  "Praning ka na, alam mo ba?" Minsan ay nasabi ni Tamara sa kaibigan niya. "Kung ano-ano na lang ang nakikita mo. Baka mamaya niyan, pati ako pinag-iisipan mo na rin ng masama."  "May tiwala ako sa 'yo. Kaibigan kita, eh," sagot ni Kryzell.  "Iyon na nga, ako
last updateLast Updated : 2022-02-28
Read more

CHAPTER 62

Hindi namalayan ni Kryzell na tumulo na pala ang kan'yang mga luha. Malinaw niyang narinig ang lahat. Napalunok siya ng ilang ulit at napasabunot sa kan'yang buhok na hindi pa nasusuklay. Hindi s'ya halos makagalaw sa kama na kan'yang kinauupuan. Pinatay niya ang tawag na akala ni Kaizer ay putol na. Halo-halo ang kan'yang nararamdaman. Naninikip ang kan'yang dibdib dahil sa iba't-ibang emosyon. Natatakot siya dahil nasa gitna ng labanan ang kan'yang asawa subalit nagagalit din siya dahil sa kan'yang narinig. Ang tahimik na pagluha ay biglang naging malakas. Humihiga, umuupo, tumatayo sa kama; hindi alam ni Kryzell kung ano ang gagawin niya. Isang malakas na sigaw ang kan'yang pinakawalan dahilan upang mapatakbo paitaas ng ikalawang palapag ng bahay si Tamara. "Kryzell! Kryzell!" sigaw ni Tamara. Binabayo ng mga kamay nito ang pinto ng silid ng mag-asawa. Dahil sa sobrang lakas din noon ay napatakbo na rin sa ikalawang p
last updateLast Updated : 2022-03-01
Read more

CHAPTER 63

Wanted sa batas!  Napailing si Kaizer. Hindi n'ya akalain na sa isang iglap ay bigla siyang kakasuhan ng mga pulis dahil sa mga kasalanan na hindi niya naman ginawa. Pati ang massacre na naganap sa isang lugar sa Maynila ay ikinabit sa pangalan niya.  "Hindi ba ang iba riyan ay Triangulo ang may gawa?" tanong ni Kryzell habang tinitingnan ang dyaryo. "Bakit ikaw ang itinuturo nila? Wala talagang magawang mabuti itong si Sean at ang nanay mo. Huwag mo na ngang pansinin iyan. Ayusin na lang natin sa tamang paraan." Sinulyapan ni Kaizer ang dyaryo. Wala sa loob na nilamukos n'ya iyon at inihagis sa basurahan. Nakangiti na tumingin lang sa kan'ya si Kryzell. Ang daming mga negatibong balita tungkol sa kanilang mag-asawa ngunit hindi nagpapakita ng kahinaan ang kabiyak niya.  "Gagawin ni Tita Hilda ang lahat para mabawi lang ang mga ari-arian na naiwan ni daddy. Napakaswerte mo naman sa iyo
last updateLast Updated : 2022-03-03
Read more

CHAPTER 64

Hindi malaman ni Kryzell kung alin ang uunahin niya. Nalaman niya kasi ang nangyari kay Tracy at sa iba pang mga iniwanan niya ng kumpanya. Pinatay silang lahat ni Hilda ng walang kalaban-laban. Napalupasay siya sa buhangin habang umiiyak. Wala siyang pakialam kung makita man siya ng mga tauhan ng Devil's Angel Mafia Organization.    Ayon sa ulat, nasa production area ng textile company ng daddy niya ang mga ito at nagsasagawa ng inspeksyon. Nagbibigay rin sila ng utos na linisin ang lugar upang maalis ang ilegal na gawain doon ni Hilda nang isang miyembro ng Triangulo ang nagpasabog sa lugar. Sa isang iglap ay namatay ang mga tauhan ni Kryzell na hindi bababa sa bente katao. Marami rin ang sugatan sa mga empleyado. Lumikha rin ng sunog ang pagsabog kaya naabo ang kumpanyang pinaghirapan ng ama niya.    "Ano ang plano mo ngayon, Kryzell?" tanong ni Tamara.    "Tawagan mo si Kaizer at sabihin mo na mayroong
last updateLast Updated : 2022-03-04
Read more

CHAPTER 65

"Uncle!"  Mahigpit na yakap ang agad na isinalubong ni Kryzell sa Uncle Gener n'ya. Nasa gitna sila ng laban at hindi inaasahan na makikita n'ya ito sa mansion ng mga Torquero. Hindi akalain ng mag-asawa na nalusob na ni Hilda at ng mga tauhan nito ang mansion bago pa sila dumating.  "Huwag ninyong subukan na sumakay ulit ng chopper para makaalis kayo rito dahil sigurado akong pababagsakin iyan ng mga walang hiyang miyembro ng Triangulo," sabi ni Gener.  "Iilan lang po ang mga kasama naming tauhan," wika ni Kryzell. "Dehado kami sa labanang ito. Mukhang patay na rin ang mga kasamahan namin na iniwan ko upang magbantay dito."  Halos magsigawan ang mag-tiyuhin dahil sa lakas ng mga pagsabog na maririnig sa buong compound ng mansion. Nagkukubli sila sa ikatlong palapag ng bahay.  Rinig ni Kryzell ang mga sigaw ng mga kasamahan nilang nagmamadali upang makaha
last updateLast Updated : 2022-03-06
Read more

CHAPTER 66

"I am Attorney Fernandez," pakilala kay Kryzell ng abogado. "I am here because of your Uncle Gener. How are you Miss Torquero?"  Tiningnan ni Kryzell ang abogado. Mukha naman itong mabait pero duda siyang padala nga ito ng uncle n'ya. Sa sitwasyon na kinalalagyan n'ya ay mahirap magtiwala.  Hindi pa man nagtatagal ang abogado na nagpakilalang Attorney Fernandez ay may isa na namang abogado ang dumating. Nagpakilala naman itong Attorney San Ramon. Isa raw siyang abogado na binayaran ni Don Matias upang ipagtanggol siya. Naalala ni Kryzell na may ganoon nga na pangalan sa libro ng daddy niya ngunit hindi siya sigurado na ang kaharap n'ya na iyon.  Tumaas ang kilay ni Kryzell. Hindi n'ya alam kung sino ang nagsasabi ng totoo sa dalawa. Hiniling niya sa pulis na payagan siyang tawagan ang talagang pinagkakatiwalaan niya at ikulong ang dalawang abogado.  "Hey, I am a bar passer. I am a
last updateLast Updated : 2022-03-07
Read more

CHAPTER 67

"Bitawan mo ako!" sigaw ni Kryzell habang kinakaladkad siya ni Kaizer.  Armado ang mga miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization ng matataas na kalibre ng baril kaya hindi nakakilos si Gener at ang mga tauhan n'ya. Nagpupumiglas naman si Kryzell at pilit tinatadyakan ang asawa niya.  "Huwag mo kong pilitin na saktan ka," dumadagundong ang boses ni Kaizer habang matalim ang mga mata niyang nakatingin sa kan'yang asawa.  Subalit hindi man lang natakot si Kryzell kaya patuloy lang siya sa kan'yang pagpupumiglas. Kinagat niya pa ang kamay ng kan'yang asawa na mahigpit na nakahawak sa kan'yang maliit na braso. Dahil sa inis ay biglang binuhat ni Kaizer ang kan'yang asawa at isinampay ito sa kan'yang balikat. Pinagsusuntok naman ni Kryzell ang likod ng mafia boss. Nagkakakawag siya na parang batang sinusumpong ng tupak.  "Huwag kayong mag-alala, iuuwi ko lang siy
last updateLast Updated : 2022-03-08
Read more

CHAPTER 68

Hindi mapakali si Kaizer habang tinitingnan ang walang malay n'yang asawa. Sinisisi n'ya rin ang sarili dahil naging marupok siya noon. Naiintindihan n'ya si Kryzell kung bakit hindi buo ang tiwala nito sa kan'ya kaya ganoon na lang kadali rito ang maniwala sa mga kasinungalingan ng iba.  "Boss, okay na po ang bata. Daplis lang ang bala na tumama sa kan'ya kaya hindi malala ang lagay niya," sabi ng doktor na tumingin kay Putotoy.  Masaya si Kaizer na malaman na maayos ang lagay ni Putotoy. Subalit nag-aalala siya para sa asawa na wala pa rin malay. Si Mer na nakatayo lang sa hindi kalayuan ay nilapitan niya. Kahit medyo takot ay kinausap naman siya ng kaniyang kanang-kamay.  "Gusto kong malaman kung sino ang may pakana para lasunin ng isip ng asawa ko," utos niya kay Mer.  "Masusunod, boss. Ipahahanap ko kaagad ang babaeng nagpanggap na dati mong kasintahan," sagot ni Mer. 
last updateLast Updated : 2022-03-10
Read more

CHAPTER 69

Pilit inaabot ni Kaizer ang kamay ng kan'yang asawa. Nasa hospital sila at kapwa nakahiga sa stretcher. Walang malay si Kryzell dahil sa tindi ng impact na tinamo ng sasakyan nila. Kapwa sila duguan at puno ng sugat ang katawan. Ang driver nila ay hindi na umabot ng hospital. "Please, ilapit n'yo lang ako sa asawa ko," pakiusap ni Kaizer sa mga nurse at doktor.  Agad naman siyang sinunod ng mga ito. Habang nililinis ang mga sugat niya ay hindi niya binibitawan ang kamay ng kanyang asawa. Dama niya ang init ng palad ni Kryzell na nagbibigay sa kan'ya ng lakas ng loob upang lumaban. "Honeypie, please, huwag kang bibitaw." Pinisil ni Kaizer ang kamay ng kan'yang asawa.  Dinig ni Kryzell ang sinabi ng kan'yang mister. Kahit pakiramdam niya ay malabo at madilim na ang lahat ay pilit niyang pinipisil din ang kamay nito.  Nagkakagulo ang mga doktor. Pati ang mga nurse ay
last updateLast Updated : 2022-03-11
Read more
PREV
1
...
5678910
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status