Home / Romance / The Mafia's Hidden Angel (Tagalog) / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng The Mafia's Hidden Angel (Tagalog): Kabanata 1 - Kabanata 10

91 Kabanata

PROLOGUE

"Boss, ang babae po ay nagkamalay na!" wika ng kanang-kamay ni Kaizer.   "Ikulong n'yo siya!" matigas na utos ng binata.  "Pero, boss…"  "Kapahamakan ang idudulot niya sa buong Devil's Angel Mafia Organization! Follow my order, now!"   Umungol ang dalagang nakahiga sa malamig na semento. Takot na iminulat niya ang kaniyang mabigat na talukap. Nakapalibot sa kan'ya ang mga kalalakihan na puro armado. Ang mga mukha ng mga ito ay tila hindi mapagkakatiwalaan. Ngunit may bukod tangi sa kanila. Ang isang lalaki na nakaupo sa magarbong upuan ay hindi mukhang masama kahit nag-aapoy ang mga mata nitong nakatutok sa kawawang dalaga. Hindi maalala ng babae kung saan niya ito nakita ngunit pamilyar sa kan'ya ang mukha ng tinatawag na boss.    Gumapang ang babae palapit sa lalaking nakaupo. Subalit hi
last updateHuling Na-update : 2021-10-14
Magbasa pa

CHAPTER 1

Sa Tagkawayan Quezon ay nakatira ng tahimik ang mga Fabian. Mayroon silang limang anak. Ngunit ang pangalawa nilang si Jade ang bukod tangi sa lahat. Kakaiba kasi ang itsura ng dalaga sa mga kapatid niya. Maputi, tuwid ang buhok at matangkad siya. Hindi katulad ng mga magulang nila na kapwa kayumanggi, maliit at kulot ng kaunti ang buhok. Ang mga kapatid niya ay hawig lahat sa mga magulang nila .   Tampulan ng tukso ang dalaga. Madalas ay sinasabi ng mga kapitbahay nila na ampon lang siya ngunit pinabulaanan iyon ng kaniyang mga magulang. Ang paliwanag ng mga ito ay nagmana ang dalaga sa mga lolo at lola niya. Dahil sa pagmamahal ng mag-asawa at ng mga kapatid kaya hindi na ni Jade pinapansin ang mga bulong-bulungan sa paligid.   Isang araw ay nakaabang na agad ang dalaga sa may gate na kahoy ng bahay nila. Ayaw kasi niyang umalis ang ama at ang lalaking kapatid na hindi siya kasama.  
last updateHuling Na-update : 2021-10-14
Magbasa pa

CHAPTER 2

Maagang gumising si Jade. Excited siyang sumama sa tatay at kuya niya na bumaba ng bundok. Maghahatid kasi sila ng kopra sa komprada. Bibili rin sila ng mga kailangan nila sa loob ng ilang linggo.   Isang maong na short at lumang pink na blouse ang suot ng dalaga. Hinayaan niya ang kan'yang maganda at itim na buhok nang nakalugay lang. Nagsuot lamang siya ng isang itim na sombrero para may proteksyon siya sa init.   Walang make-up o lipstick ang dalaga ngunit litaw na litaw ang gandang sinasamba ng anak ng kanilang mayor. Dating magkaklase ang dalawa at matagal nang nanligaw si Sean Komeron kay Jade. Matangkad at medyo kulot ang buhok ng dalawampu't-anim na lalaki. Ang kaniyang maitim na mata ay parang nangungusap sa tuwing nakatingin siya sa anak ni Mang Liloy at Aling Tipen.   "Ganda! Magkikita ba kayo ni Sean?" tukso ng ng kuya ng dalaga.  
last updateHuling Na-update : 2021-10-14
Magbasa pa

CHAPTER 3

Masayang-masaya si Jade habang hawak ang mga papeles. Halos isang buwan na rin siya sa trabaho. Graduate siya ng Accounting kaya mabilis siyang natanggap sa munisipyo sa tulong na rin ni Sean. Pinayagan na siya sa wakas ng kaniyang mga magulang. Nagsawa na ang mga ito sa kakulitan niya.   Isa lang ang tanging hiling nina Mang Liloy at Aling Tipen. Kailangan ni Jade na sa bundok pa rin umuwi araw-araw. Kahit pitong kilometro ang layo ng barangay nila at ng bayan ay balewala iyon sa dalagang hatid-sundo ni Sean.   Kinikilig na ibinaba at ipinatong niya ang mga hawak na papel sa ibabaw ng lamesa. Inayos niya ang mga ledger na katabi ng computer. Yumuko siya at inamoy ang mga bulaklak na nakapatong sa lamesa. Walang pangalan iyon kung kanino galing ngunit tiyak n'yang padala iyon ni Sean.   "Jade, bahagian mo naman kami ng ganda!" tudyo ni Fatima. Dati siyang kaklase ng d
last updateHuling Na-update : 2021-10-14
Magbasa pa

CHAPTER 4

Gener Torquero ang pakilala ng lalaki sa grupo ng mga empleyado. Matangkad ito at maputi. Ang mga mata nito at ang kay Jade ay malaki ang pagkakahawig. Hindi mukhang masamang tao ang lalaki kaya hinarap siya ng mayor.      Si Jade na nasindak ay kinakausap ni Sean. Hindi man umiyak ang dalaga ay batid naman sa kilos niya ang sobrang takot habang nakatanaw sa lalaking kausap ng mayor. Ilang saglit pa ay ipinatawag siya ng ama ng kasintahan.      Hawak ni Sean ang kamay ni Jade kaya nakokontrol ng dalaga ang panginginig noon. Sinulyapan niya rin ang mga katrabaho na sa sobrang gulat ay nanatili lang na nakatayo at tila mga estatwa na itinulos sa kinatatayuan.     "Do you know him, Jade?" tanong ng mayabang na mayor ngunit parang ama na nakatingin sa dalagang nakayuko.      "Hindi po," sagot ni Jade habang sinusulyapan ang lalaking nagpa
last updateHuling Na-update : 2021-11-04
Magbasa pa

CHAPTER 5

Subalit biglang naglaho ang babaeng ilang linggo nang sinusubaybayan ni Kaizer. Mula Bulacan ay tumungo pa siya ng Quezon Province para sa babae na sa pagkakaalam niya ay nagngangalang Jade Fabian.       Dahil sa pagkawala ni Jade sa Quezon Province kaya lalong naging mapanganib ang mafia boss ng Devil's Angel Mafia Organization. Wala siyang sinasantong mga tauhan. Ang sinumang pumalag sa kaniya ay tiyak buhay ang katapat. Si Elmer o Mer na matagal nang kanang kamay ng binata ay hindi makakibo sa tuwing ipinapatawag siya ng malupit na pinuno .      "Bakit ang tatanga n'yo? Ang mga tauhan na nagbabantay sa babae, ano ang nangyari sa kanila? Ang sabi ko sa inyo ay dukutin n'yo si Jade, 'di ba? Nakatunog ba siya?" galit na galit na tanong ng binata.      "B-boss, hindi po namin alam kung saan nagkulang ang grupo. Hindi na kasi siya pumapasok sa munisipyo," sagot ni
last updateHuling Na-update : 2021-11-05
Magbasa pa

CHAPTER 6

Isang invitation ang natanggap ni Kaizer mula kay Don Matias Torquero. May grand welcome party na gaganapin sa mansion ng mga Torquero at bilang kaibigan ay gusto ni Don Matias ang presensya ng gwapong mafia boss.      Iiling-iling na inilapag ni Kaizer ang invitation. Ang party ay gaganapin sa loob ng dalawang linggo. Kahit malapit ang binata sa mayaman na negosyante ay hindi siya sigurado kung pupunta sapagkat ang isip niya ay ginugulo pa rin ni Jade Fabian.      "Kumusta ang lakad mo, Mer?" tanong ni Kaizer sa kadarating pa lang na kanang kamay niya.      "Negative, boss. Kinaibigan ko na ang kuya ni Jade pero wala silang idea kung nasaan ang kapatid niya," sabi ni Mer.      Galit na umupo si Kaizer sa isang mamahaling upuan. Sa kamay n'ya ay ang isang kopeta ng alak. Isang linggo pa lang siya sa Bulacan pero gusto na niyang b
last updateHuling Na-update : 2021-11-06
Magbasa pa

CHAPTER 7

Natapos ang party na hindi na nakita ni Kryzell ang kaniyang daddy. Si Don Matias kasi ay abala sa opisina niya kaharap ang kaniyang mga abogado. Pinag-uusapan nila ang mga pagbabago sa last will and testament ng ama ng dalaga. Lahat ng sinasabi ng don ay maayos na nire-record ng mga abogado. Mabilis ang kilos ng dalawang abogado na para bang naghahabol sila ng panahon.      "Sigurado po ba kayo na kapag namatay ang inyong anak ay sa charity institutions n'yo ipamimigay ang yaman n'yo. Paano kayo, sir? Paano po si Miss Hilda?"      "One hundred percent sure ako. Wala kaming conjugal property ni Hilda dahil wala kaming nabiling ari-arian sa mga panahong mag-asawa na kami. Ang lahat ng yaman na meron kami ay galing sa mga Torquero kaya kami lang ni Gener at si Kryzell ang may karapatan. Kung sakaling dumating ang panahon na kailangan n'yong ipagtanggol ang anak ko, gawin n'yo sa abot ng inyong makakaya."
last updateHuling Na-update : 2021-11-11
Magbasa pa

CHAPTER 8

Halos himatayin sa kaiiyak si Hilda habang kalong-kalong ang duguan na si Don Matias. Si Kryzell na pupungas-pungas ay hindi halos makaalis sa pwesto niya at natulala na lang habang nakatingin sa kaniyang duguang ama na nakahandusay sa may puno ng hagdan, sa ground floor ng mansion.   "Faster! Call an ambulance!" lumuluhang sabi ni Hila. "Matias, hold on. You have to fight!"   "D-da-ddy… Dad!" sigaw ni Kryzell nang mapansin niyang pilit siyang inaabot ng ama.   Malalaki ang mga hakbang na lumapit ang dalaga sa kaniyang ama. Nanginginig ang mga kamay, nangangatog ang mga tuhod at hilam sa luha ang mga mata, yumuko si Kryzell para halikan ang agaw-buhay na ama.   Kinabig ni Don Matias ang ulo ni Kryzell at pilit siyang bumubulong sa dalaga. Hindi naman maunawaan ng babae ang nais iparating ng kaniyang ama. Nang makita ni Hil
last updateHuling Na-update : 2021-11-15
Magbasa pa

CHAPTER 9

Simula nang mawala si Don Matias ay napakaraming nagbago sa buhay ni Kryzell. Ang dalaga na dating prinsesa sa bahay ng mga Torquero ay biglang nawalan ng halaga. At dahil hindi niya alam ang mga kailangan gawin kaya naging sunod-sunuran lang siya kay Hilda.  Si Sean ay hindi pa rin umuuwi ng Quezon Province kahit ipinagtutulakan na siya ni Kryzell. Ang pakikitungo nito sa dalaga ay mas lalong lumala. Parang sinasakal si Kryzell sa tuwing nakikita n'ya ang lantaran na paglalampungan ng kaniyang nobyo at stepmother.   "Napakawalang-hiya mo, Sean. Minahal kita para lang pala sa huli ay sasaktan mo ako. Bakit kailangan mo akong lokohin ng harap-harapan?" umiiyak na sabi ni Kryzell habang nakatayo at pinagmamasdan ang paghahalikan nina Sean at Hilda.   "Kasi you're so stupid. Katulad ka rin ng daddy mo. Puso ang pinaiiral n'yo," nakangising turan ni Hilda.  
last updateHuling Na-update : 2022-01-01
Magbasa pa
PREV
123456
...
10
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status