"Bitawan mo ako!" sigaw ni Kryzell habang kinakaladkad siya ni Kaizer.
Armado ang mga miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization ng matataas na kalibre ng baril kaya hindi nakakilos si Gener at ang mga tauhan n'ya. Nagpupumiglas naman si Kryzell at pilit tinatadyakan ang asawa niya.
"Huwag mo kong pilitin na saktan ka," dumadagundong ang boses ni Kaizer habang matalim ang mga mata niyang nakatingin sa kan'yang asawa.
Subalit hindi man lang natakot si Kryzell kaya patuloy lang siya sa kan'yang pagpupumiglas. Kinagat niya pa ang kamay ng kan'yang asawa na mahigpit na nakahawak sa kan'yang maliit na braso.
Dahil sa inis ay biglang binuhat ni Kaizer ang kan'yang asawa at isinampay ito sa kan'yang balikat. Pinagsusuntok naman ni Kryzell ang likod ng mafia boss. Nagkakakawag siya na parang batang sinusumpong ng tupak.
"Huwag kayong mag-alala, iuuwi ko lang siy
Hindi mapakali si Kaizer habang tinitingnan ang walang malay n'yang asawa. Sinisisi n'ya rin ang sarili dahil naging marupok siya noon. Naiintindihan n'ya si Kryzell kung bakit hindi buo ang tiwala nito sa kan'ya kaya ganoon na lang kadali rito ang maniwala sa mga kasinungalingan ng iba."Boss, okay na po ang bata. Daplis lang ang bala na tumama sa kan'ya kaya hindi malala ang lagay niya," sabi ng doktor na tumingin kay Putotoy.Masaya si Kaizer na malaman na maayos ang lagay ni Putotoy. Subalit nag-aalala siya para sa asawa na wala pa rin malay. Si Mer na nakatayo lang sa hindi kalayuan ay nilapitan niya. Kahit medyo takot ay kinausap naman siya ng kaniyang kanang-kamay."Gusto kong malaman kung sino ang may pakana para lasunin ng isip ng asawa ko," utos niya kay Mer."Masusunod, boss. Ipahahanap ko kaagad ang babaeng nagpanggap na dati mong kasintahan," sagot ni Mer.
Pilit inaabot ni Kaizer ang kamay ng kan'yang asawa. Nasa hospital sila at kapwa nakahiga sa stretcher. Walang malay si Kryzell dahil sa tindi ng impact na tinamo ng sasakyan nila. Kapwa sila duguan at puno ng sugat ang katawan. Ang driver nila ay hindi na umabot ng hospital."Please, ilapit n'yo lang ako sa asawa ko," pakiusap ni Kaizer sa mga nurse at doktor.Agad naman siyang sinunod ng mga ito. Habang nililinis ang mga sugat niya ay hindi niya binibitawan ang kamay ng kanyang asawa. Dama niya ang init ng palad ni Kryzell na nagbibigay sa kan'ya ng lakas ng loob upang lumaban."Honeypie, please, huwag kang bibitaw." Pinisil ni Kaizer ang kamay ng kan'yang asawa.Dinig ni Kryzell ang sinabi ng kan'yang mister. Kahit pakiramdam niya ay malabo at madilim na ang lahat ay pilit niyang pinipisil din ang kamay nito.Nagkakagulo ang mga doktor. Pati ang mga nurse ay
Tinanggal ni Kaizer sa listahan ng mga naka-block sa kan'yang cellphone ang number ni Hilda. Nakatunganga lang si Kryzell habang pinapanood ang asawa niya sa ginagawa nito. Nanginginig kasi ang kamay ng mafia boss at bakas sa mukha nito ang labis na galit dahilan para ang mga tauhan nitong nakatayo lang sa likuran nito ay mawalan ng kibo dahil sa takot. Mga nakayuko lang sila at halos hindi kayang iangat ang ulo dahil baka mabalingan sila ng pabigla-bigla nilang boss."Umupo ka nga muna at baka kung mapaano ka. Mag-relax ka muna," sabi ni Kryzell."Shut up!" sigaw ni Kaizer.Itinaas ni Kryzell ang dalawang palad n'ya, senyales na hindi siya magsasalita pa. Pinagmasdan n'ya lang ang asawa habang para itong gutom na leon na handang manlapa ng tao. Gusto n'ya sanang sigawan din ang lalaki ngunit batid niyang hindi iyon makabubuti sa sitwasyon."Matapos lang ang problema mo, titir
Nagkaroon ng nervous breakdown ang kusinera kaya agad itong isinugod sa ospital. Hindi alam ni Kryzell kung bakit gano'n na lang ang epekto niya sa matandang babae. Ngunit isa ang batid niya, kailangan na talaga niyang mapaamin ito sa kung ano man ang nalalaman nito."Hindi makakabuti sa kan'ya na pilitin ninyo siyang magsalita. Baka lalong wala kayong makuha na kahit anong impormasyon kapag hindi niya kinaya ang pressure," sabi ng doktor.Habang inaasikaso ng manggagamot ang kusinera ay dumating naman ang mga sugatan na mula sa bakbakan. Dala na nila ang agaw-buhay na si Mer. Ang bahay ng mag-asawa ay naging biglang parang hospital.Galit na galit ang uncle ni Kryzell nang malaman nitong nakikipagsabwatan na ang ilan sa mga tauhan ni Kaizer sa Triangulo. Pinagsabihan niya ang pamangkin na mag-iingat ito dahil mahirap tukuyin ang kalaban.Sa silid ng mag-asawa ay panay ang hin
Panay ang singhot ni Kryzell habang pinapanood ang video na ipinadala galing Bulacan. Bago kasi ang execution kay Tracy ay nag-video ito ng sarili niya at humingi ito ng tawad sa kanila ni Tamara at maging kay Kaizer. Sinabi nitong natukso lang siya ng pera at ng mga pangako ni Hilda. Naubos na raw kasi ang ipon nito dahil tinangay iyon ng lalaking naging kasintahan nito.Niyakap si Kryzell ng kan'yang kaibigan. Kapwa sila humahagulhol dahil sa matinding pagdadalamhati. Si Kaizer naman ay iniwan sila dahil hindi nito matiis na makitang umiiyak ang asawa dahil sa isang batas na isa siya sa gumawa.Mahigpit na ipinagbabawal kasi sa kanilang samahan na talikuran ang kanilang grupo at traydurin ang kanilang pinuno. Wala ng ibang parusang pwedeng ipataw sa ganoong pagkakamali kun'di tanging kamatayan lamang. Maliban na lamang kung ginawa iyon ng kanilang kasamahan dahil sa isang matinding dahilan. Sa kaso ni Tracy na nasilaw siya sa p
Mabilis ang naging kilos ng Devil's Angel Mafia Organization pagkatapos magbigay ni Tamara ng babala. Nakatanggap kasi sila ng mensahe mula sa mga miyembro ng Sabado Boys na papunta na ang mga miyembro ng Triangulo sa lokasyon nila upang sumugod.Pinagmadali sila ni Gener na lumikas dahil sa tingin nito ay iyon ang makabubuti para sa grupo ni Kaizer. Mabilis naman na tumugon si Kaizer subalit may mga kinausap siyang mga tao para humarap sa Triangulo.Napag-alaman nilang ganti iyon nina Sean at Hilda sa ginawa nilang pag-atake sa pinagtataguan ng mga ito nang tinangka nilang bawiin si Mer. Subalit hindi nagtagumpay ang Triangulo. Pagdating nila sa bahay ni Kaizer sa Maynila ay mga sundalo at pulis ang nadatnan nila. Hindi na nagkaroon pa ng labanan dahil mabilis din silang umatras nang nabatid nilang pinaghandaan ni Kaizer ang pagsugod nila."Iyong nanay mo, sinasapian na naman," biro ni Kryzell sa asawa
Iba't-ibang putahe na may halong pinya ang nakahain sa lamesa. Tatawa-tawa pa si Kaizer habang inihahanda iyon ng mga chef na kasama nila. Walang kamalay-malay naman si Kryzell sa ginagawa ng asawa niya."Naku, boss, mukhang delikado ang lagay natin nito kapag nagalit si Ma'am Kryzell." Panay ang tambol ni Mer sa kan'yang dibdib habang kinakausap niya ang mafia boss."Labas ako riyan," sabad naman ni Ruel. "Si boss ang nakaisip niyan kaya siya ang bahala niyan kay Kryzell. Kayang-kaya tayong depensahan ni boss kaya huwag ka nang mag-alala."Pangiti-ngiti si Tamara habang pinagmamasdan ang mga kasama niya. Iniisa-isa niya rin ang mga putahe na mayroong pinya na nakahain sa lamesa."Ano sa tingin mo, Tamara? Oobra kaya ang ginawa natin na ito?" tanong ni Kaizer sa dalaga."Boss, hindi ako kasali riyan. Ang alam ko kasi ay normal sa babae na magpahanap ng pagkain k
Ilang araw ng walang tulog si Kryzell. Hindi rin siya makausap ng maayos. Nag-aalala na sa kan'ya si Kaizer at maging si Tamara. Hindi na niya napapansin ang kan'yang anak. Madalas ay tulala siya sa kabaong ng kan'yang ina. "Honeypie, Kumain ka na. Ilang araw ka nang hindi nagpapahinga. Baka kung ano ang mangyari sa iyo. Kailangan ka pa namin ng anak mo," bulong ni Kaizer sa asawa niya. Saglit na nilingon ni Kryzell ang mafia boss. Hindi siya nagsalita bagkus ay tiningnan niya lang ang anak nilang hawak nito. "Hindi safe kaming lahat dito. Alam kong hindi simpleng atake sa puso ang nangyari kay nanay," bulong ng isip n'ya. "Honeypie…" tawag ni Kaizer sa tila natulala na asawa n'ya. Tumayo si Kryzell sa harapan ng kabaong ng kan'yang ina. Tiningnan n'ya sandali ang mga kapatid n'yang tahimik lang na nakaupo sa naka-hilerang upuan. Sinulyapan n'ya rin ng
Makalipas ang tatlong taon, masayang pinagmamasdan nina Kaizer at Kryzell ang anak nilang pumapasok na sa paaralan. Sa kabila ng kanilang maraming trabaho, prayoridad nila ang kapakanan nito."Pwede na…" sabi ni Kaizer."Pwede ng… ano?" tanong ni Kryzell."Pwede na tayong gumawa ng baby number two para forty-eight na lang ang hahabulin natin," pilyong wika ni Kaizer."Ah, okay. Mayabang ka. Sige, hubad!"Biglang napatingin ang teacher ng anak nila sa labas ng classroom kung nasaan sila. Nagtatanong ang mga mata nito dahil sa narinig nito."Naku, pasensya na, ma'am. Feeling ko kasi ay na-allergy ako kaya gusto ko sanang patingnan sa asawa ko kung may mga pantal na ako sa likod. Iyon ang dahilan kaya pinahuhubad niya ako," paliwanag ni Kaizer."Oo nga naman, ma'am. Pasensya na po talaga."
Sigawan ng hospital staffs ang nagisnan ni Kryzell. Nagtataka na inilibot niya ang paningin sa paligid. Nasa isang puting silid siya kung saan ay napapalibutan siya ng mga miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization at ng Sabado Boys. Ang binti niya ay nababalutan ng kung ano at hindi niya maigalaw iyon. "Kaizer," tawag niya sa pangalan ng kaniyang asawa. Hindi niya kasi ito makita ngunit batid niyang nasa paligid lang ito. Tanda niya kasi ang mga naganap bago siya nawalan ng malay. "Ma'am, may ginagawa lang si Boss Kaizer. Baka maya-maya ay nandito na rin siya," saad ng isa sa mga miyembro ng Sabado Boys. "Si Uncle Gener, nasaan?" tanong ulit ni Kryzell. "Nasa paligid lang po siya. Sinisigurado niyang ligtas ang buong ospital." Nagtataka na tinanong ni Kryzell ang kausap niya kung ano ang nangyayari sa loob ng hospital. Nagtatakbuhan kasi ang mga doktor at nars maging ang mga tao. Nakikita niya iyon dahil sa salamin na bintana ng silid na kinaroroonan niya. Ang mga nagsigawan
Isang malakas na kalabog ang narinig sa silid. Kahit masakit ang kan'yang binti ay nagawa ni Kryzell na patumbahin ang lalaking may peklat sa mukha. Ang totoo ay kaya niya naman talagang igalaw ang kan'yang mga paa. Umarte lang siyang hindi makalakad upang hindi mahalata ng mga taong nakasalamuha at nakakita sa kan'ya. Sa loob ng ilang araw ay pinilit niyang labanan ang kirot upang puwersahin ang sarili niya. Sa layo ng lugar na iyon na kinalalagyan niya ay batid niyang aabutin siya ng umaga bago siya makarating ng bayan kung maglalakad siya gamit ang kan'yang mga paa. Ini-lock niya ang pintuan. Mababa lang ang bintana sa silid kung saan siya ikinulong kaya pwede n'yang talunin lang iyon. Wala rin ikalawang palapag ang bahay kaya madali para sa kan'ya ang lumabas doon sa pamamagitan ng bintana gaya ng ginagawa niya noong bata pa sila. Sumilip si Kryzell sa sliding window. Napangiti pa siya at natu
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Kryzell at lumabas siya mula sa ilalim ng banig. Hinawakan kasi ng lalaki ang kaliwang binti niyang nabali. Ang kirot no'n ay tagos hanggang buto niya. Nagtawanan ang mga lalaki habang takot na takot na sumiksik si Kryzell sa dingding. "Bagong paligo na siya mga pare." Boses demonyo ang narinig ni Kryzell. Nabuo na sa sarili niyang lalaban na siya ng patayan kung pagsasamantalahan siya ng mga lalaki. "Huwag n'yong galawin ang babaeng iyan!" sigaw ng lalaking may peklat sa mukha. Agad na binuhat si Kryzell ng lalaking nakakita sa kan'ya. Tawa ito nang tawa habang walang kibo si Kryzell na nakasampa sa balikat nito. "Sabi ko na nga ba at nagsisinungaling kanina ang mag-asawa," sabi ng isa sa mga lalaki. "Tama talaga ang sinabi ninyong bumalik tayo rito," sagot din ng isa.
Magkakasunod na putok ng baril ang pinakawalan ni Kaizer. Kasalukuyan silang nasa Camarines Norte sa pag-aakalang naroon ang grupo ng Triangulo subalit mali ang impormasyon na nakuha ni Ruel.Tahimik ang lahat ng miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization habang nagagalit siya at binabaril ang lupang nasa harapan niya. Lahat sila ay nakayuko lang habang pinanonood siya."Find my wife! Sobrang tagal na ng sixteen days para hindi n'yo siya makita!" Nakakabingi ang mga salitang binitawan ng mafia boss. Pinipigilan niya ang mga luhang gusto na namang pumatak. Mahigpit ang hawak n'ya sa gatilyo ng kaniyang baril na kung hindi siya magpapaputok ay baka atakihin siya sa puso kahit wala naman siyang sakit dito."Yes, boss," mahinang usal ng mga tauhan niya.Agad sumakay ang mafia boss sa chopper na naghihintay sa kan'ya. Habang nasa ere ay pasimple n'yang pinahid ang kan'yang luha.
Halos himatayin si Kryzell dahil sa kirot na nararamdaman niya. Sinuntok kasi siya sa sikmura ng lalaking mahaba ang bigote. Pilit kasing ipinasusulat nito sa kan'ya ang mga ari-arian na hindi raw alam ni Hilda ngunit natuklasan niya. Sa pag-aakalang maiisahan niya ang mga kalaban kaya gumawa siya ng pekeng listahan.Kahit namimilipit sa sakit ng sikmura ay pilit na nagpapakatatag si Kryzell. Walang puwang ang salitang pagod sa kan'ya. Ayaw niyang sumuko para sa kan'yang anak at asawa.Matindi ang galit niya kay Hilda. Ang galit na iyon ang nagtutulak sa kan'ya upang lumaban at manatiling buhay sa kabila ng mga paghihirap na pinagdadaanan niya sa kamay ng Triangulo.Isang araw ay inutusan ni Hilda ang kan'yang mga tauhan na ilabas siya mula sa silid kung saan siya nakakulong. Walang ginawa si Kryzell kung hindi ang sumunod lamang upang hindi na siya pagdiskitahan pa ng mga tauhan nito.
Hindi mapakali si Sean habang nakatitig sa kan'yang cellphone. Naghihintay siya ng tawag ng kahit na sinong miyembro ng kan'yang grupo. Ang mukha niya ngayon na kawangis na ng mukha ni Mer ay hindi na halos maipinta. Nag-aalala kasi siya para sa kaligtasan ng babaeng minamahal niya. "Pare, seryoso ka ba? Sigurado ka bang handa mong labanan si Hilda para lang sa kapakanan ni Ma'am Kryzell?" tanong ni Mer sa kan'ya. Magkaharap ang dalawa habang nag-uusap sa isang sikretong lugar. Ang mga taong nakakakita sa kanila ay naguguluhan kung sino ba talaga sa kanila si Sean o Mer. "Minsan akong naging gago, pare. Ang tanga ko sa puntong ipinagpalit ko si Kryzell sa pera at tagumpay. Mahal ko talaga 'yon," sagot ni Sean. "Sobrang malas naman natin sa pag-ibig. Maswerte ka nga dahil minahal ka niya. Ako, ginawa lang akong tanga," wika ni Mer. Biglang n
Kinakapa ni Kryzell ang mga dinadaanan niya. Piniringan kasi siya ng dalawang lalaking kasama niya kanina kaya wala siyang makita. Sumusunod lang siya sa mga ito ngunit hindi niya tanggap ang lahat nang ipinagagawa nila. Naghahanap lang siya ng tamang pagkakataon upang makagawa ng paraan kung paano tatakasan ang mga ito."Saan n'yo ba ako dadalhin? Hindi na ako natutuwa sa ginagawa ninyo," sabi ni Kryzell."Tumahimik ka. Wala kang karapatan na magtanong," sabi ng isang lalaki sabay hawak nito ng mariin sa braso niya."Ows, 'wag mo 'kong singhalan dahil nagtatanong ako ng maayos," nang-iinis na sabi ni Kryzell."Pipilipitin ko 'yang leeg mo kapag hindi ka nanahimik," banta kay Kryzell ng isa sa mga lalaki.Dahil sa narinig ay biglang itinikom ni Kryzell ang kaniyang bibig. Hindi niya gustong galitin ang mga kasama niya. Alam niyang mas lalong malalagay sa p
Isang matinding bakbakan ang nagaganap sa mansyon ni Kaizer sa Bulacan. Naalarma noon ang buong probinsya dahil sa lakas ng mga pagsabog. Si Kryzell na noon ay nasa hide-out ay kausap ang kan'yang Uncle Gener."Uncle, ano sa tingin mo ang sitwasyon ngayon? May mga tauhan ka pa bang pwedeng ipadala roon?" tanong ni Kryzell habang nagpapalakad-lakad siya sa maluwag na sala ng bahay ng kaniyang mga magulang sa Nueva Ecija."Huwag kang mag-alala, iha. Napakaraming mga tauhan ni Kaizer ang naroon at nakikipaglaban. Kakaunti lang ang miyembro ng Triangulo kaya alam kong kayang-kaya na nilang talunin ang mga ito.Umupo si Kryzell sa tabi ng kan'yang uncle. Pinagmasdan niya ang anak na kalaro ni Tamara. Hindi niya masabi sa kan'yang Uncle Gener na nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang tawag at text na natatanggap niya mula kay Sean. Ibat-ibang numero ang gamit nito."Kryzell, ginugulo ka p