Kabanata 120 Ilang linggo ang nakalipas at sobrang dami na ang nangyari. Sa isang iglap ay araw-araw na ulit bumibisita si Yohan sa amin. Matapos ang pag-uusap na iyon ay parang bumalik sa dati ang lahat. Masaya ako na ganoon. Pero sa tuwing kami lang ang natitira sa isang lugar ay kinakabahan ako lalo na’t kita ang kanyang naramdaman sa akin. Showy siya sa feelings niya habang ako ay hindi.At ngayon, mas lalo lamang akong kinakabahan dahil sa araw na ito ay ang pasko.“Merry Christmas, Bruha! Sayang ay out of the country ako ngayon!”Natawa ako habang kausap ko si Trixie sa kabilang linya. “Merry Christmas din. Enjoy ka riyan kung saang country ka man.”“Tsk! Mas gusto ko diyan, eh.”“Oh, edi, umuwi ka. Batiin mo rin ang inaanak mo,” ani ko at hinanap si Felecity sa paligid. “Mukhang wala pa rito. Kasama yata si Yohan.”&ldquo
Last Updated : 2022-01-13 Read more