Kabanata 119 “Mabuti naman at nagtungo ka rito. Napansin ko na madalang na lang ang pagpunta mo rito. Eh, noon, halos dito ka na natutulog,” ani ni Aling Maria sabay tingin sa akin.Tumikhim ako at tahimik na kumakain sa aking pagkain. Nagluto si Aling Maria ng tinolang manok. Hindi ko alam kung gusto ba ito ni Yohan. Hindi namin siya naitanong. Baka allergy pala siya rito kaya kahit nagdadalawang-isip ako ay binalingan ko siya.“Y-Yohan, ayos lang ba sa iyo ang ganyan na ulam?” tanong ko.Gulat siya na bumaling sa akin. “Yes.”Nanliit ang mata ko at napatingin sa pinggan niya. “Sure ka ba? Puwede naman tayo mag-order, eh, kung ayaw mo sa pagkain.”“No, it’s okay. Gusto ko at masarap.”Bumuntonghininga ako at saka ako tumango. Akmang babalik na ako sa sarili kong pagkain nang bigla siyang nagsalita.“How about you? Gusto mo ba an
Last Updated : 2022-01-13 Read more