All Chapters of The Hidden Child of Carolina (Filipino Story) : Chapter 101 - Chapter 110

176 Chapters

Kabanata 100

Kabanata 100  “Mommy, Ice cream! Ice cream!”Hila-hila ako ni Felecity patungo sa isang ice cream shop dito sa San Pedro. Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya ang anak ko. Napangiti na lamang ako at nagpahila sa kanya. Pareho kaming naka-dress, parehong design at kulay. Pareho rin kami ng buhok, naka-bun.“Mommy! Cookies and Cream!”Pati ang tindera ay natutuwa sa pagiging hyper ng anak ko. Natatawa na lamang ako habang kinukuha ko ang phone sa sling bag ko. Gusto kong kunan ang pagkakataong ito. Ang araw na ito ay para sa amin ng anak ko at dapat walang maki-epal.“Cookies and cream ang gusto mo?” Binuhat ko siya patungo sa high chair. “Iyon lang.”Ngumuso ang anak ko at saka tumango. “Yes, Mommy!”Ngumiti ako sa kanya at saka naupo na rin.Noong hindi pa dumating si Yohan sa buhay ko, hindi ako masyadong nagkaroon ng oras sa anak ko.
last updateLast Updated : 2021-11-28
Read more

Kabanata 101

Kabanata 101  Padabog ko na inilapag ang plastic bag sa lamesa at saka dumiretso na sa kuwarto upang magbihis ng pambahay. Mula sa kuwarto ay naririnig ko ang masayang tili ng anak ko. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako.Masaya ako dahil maayos na siya at hindi siya napuruhan. Hindi naman puwedeng yayakap agad ako. Hindi kami magkaayos at ang huling usap namin ay nag-aaway kami. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa kanyang ipinunta ngayon. Nagkausap sila ni Mommy, diba? Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila at pakiramdam ko ay hindi iyon magandang balita.Nang lumabas ako ay nahuli ko na sinusundan niya ako ng tingin habang nasa kandungan niya ang aking anak, naglalaro sa kanyang selpon. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya nang nagtama ang aming paningin. Inilabas ko ang binili kong ulam at saka natigilan.“Kumain ka na ba?” malamig kong tanong.“H-Hindi pa.”Bumuga ako ng han
last updateLast Updated : 2021-11-28
Read more

Kabanata 102

Kabanata 102   Nakatulugan ko ang panonood ko ng palabas kagabi. Grabe, hindi pala effective ‘yong kape na ininom ko kagabi. Bumangon ako sa kama na nakapikit. Humikab ako at nagpa-inat-inat. Ang sarap sa pakiramdam. Parang ang tagal kong natulog.Wait…Agad kong inimulat ang aking mata at nagpalinga-linga. Umawang ang labi ko nang na-realize ko na nasa kuwarto pala ako. Wait? Naglakad ba ako kagabi? O may bumuhat sa akin patungo rito?Bigla ko tuloy naisip si Yohan. Agad kong naibaba ang tingin ko sa kama at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang wala akong nakita na Felecity. Sa sobrang taranta ko ay muntik na akong mahulog sa kama nang bumaba ako. Hindi ko na inayos ang aking sarili at dumiretso na ako sa pagtakbo patungo sa labas ng aking kuwarto.Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Halo-halo ang aking nararamdaman. Paano kung kinuha ni Yohan si Felecity sa akin habang tulog ako?&ld
last updateLast Updated : 2021-11-28
Read more

Kabanata 103

Kabanata 103  Matapos ang yakapan naming dalawa ni Felecity ay tumayo na siya at nagulat ako nang kinuha niya ang kamay ko at hinila upang makatayo ako nang maayos.Tumingala siya sa akin. “Mommy, kain na po tayo.”Umawang ang labi ko at napabaling sa banda ni Yohan na naglalapag na ng mga ulam sa hapag. Siya rin ang naglalagay ng mga pinggan, kutsara, tinidor at baso.“Anak…”“Mommy, sabay po tayo kumain ni Daddy!”Bago pa man ako makapagprotesta ay hinila na ako ng anak ko patungo sa hapagkainan. Puwersahan ang aking pag-upo lalo na’t nakatingin pa rin si Yohan sa akin. Napalunok ako.“Wow, ang sarap, Daddy!”“Yup. I hope you will both like it.”“Siyempre po! Favorite po ni Mommy ang hotdog!”Namilog ang mata ko at napatingin sa anak ko na masayang-masaya sa kanyang pag-upo. Nang bumaling ang mata ko k
last updateLast Updated : 2021-11-28
Read more

Kabanata 104

NATIGIL ako sa pagmuni-muni nang narinig ko na tinawag niya ang aking pangalan. Kinuyom ko ang aking kamay habang unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko.  “Fiona...” 
last updateLast Updated : 2022-01-04
Read more

Kabanata 105

Kabanata 105UMALIS si Yohan.Hindi naman umiyak anv anak ko. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa bago umalis si Yohan. Gusto kong tanungin ang anak ko, pero para saan pa?“’Yon na iyon?” halos sigaw na tanong ni Trexie sa akin matapos kong ikuwento sa kanya ang nangyari. Na-i-imagine ko tuloy ang pagbusangot ng kanyang mukha habang nagdadabog. “Naaawa tuloy ako kay Miguel—I mean, Yohan! Gosh, Fiona! Umiyak siya! Meaning, pinagsisihan niya! Alam mo ba na hindi kadalasan umiiyak ang mga lalaki?”Napairap ako, medyo nagsisi na nagkuwento pa ako sa kanya. Akala ko pa naman ay against siya kay Yohan. Ano ang nangyari?“Gosh, ang tanga mo!” patuloy niya.“Ano ba, Trexie? Akala ko ba ay against ka?”“Duh, people change! Base sa kuwento mo, kawawa naman pala siyang tao kahit sobrang sama ng ginawa niya sa iyo!”Kinagat ko ang ibabang labi ko. Sawing-sawi
last updateLast Updated : 2022-01-04
Read more

Kabanata 106

Kabanata 106“Noong kabataan ko, medyo gaya sa inyo iyong love story ko no’ng mahal ko.”Umawang ang labi ko sa panimulang kuwento ni Aling Maria.“M-Mahal mo?”Nakangiti siyang tumango at saka bumuga ng hangin. “Siya ang dahilan kung bakit naging matandang dalaga na lamang ako. Pinanatili kong sa kanya ang pagmamahal ko kahit kinuha na siya sa akin ng Diyos.”Kumirot ang puso ko.“Ang pinagkaiba lang ay wala kaming anak kaya wala man lang akong souvenir galing sa kanya.” Mahina siyang humalakhak at saka napailing-iling. “Malokong tao si Ramuel. Isa siyang seaman at hindi talaga niya ako tinitigilan noon pa man. Gaya ni Yohan, habol nang habol si Ramuel sa akin at gaya ni Yohan, galing sa mayamang pamilya si Ramuel.”Hinayaan ko siyang magkuwento dahil curious rin ako kay Aling Maria. Nakilala ko siya bilang isang nagmamay-ari ng karenderya pero hindi ko man lang
last updateLast Updated : 2022-01-05
Read more

Kabanata 107

Kabanata 107Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Aling Maria sa akin. Magpapasko na at ganito kami. Naiisip ko na naman si Yohan kung ano na kaya ang lagay niya. Hindi man lang siya bumisita para kay Felecity na lamang.Of course! I pushed him away. But still, anak niya si Felecity at hindi ko naman siya pinagbabawalan.Tinitingnan ko ang anak ko na naglalaro kasama ang ibang bata. Napangiti ako nang nakitang mas nag-improve siya. Hindi na siya masyadong pala-away at marunong na siyang makipagkaibigan.Sana ay magkaroon ng kaibigan ang anak ko. Katulad ni Trexie. Kahit sobrang OA ng babaeng iyon, mahal na mahal ko iyon at hindi niya ako tinalikuran kahit puro problema na lamang ako.Nang maghapon ay lumapit si Felecity sa akin. Akala ko ay hihiga lang siya sa tabi ko pero nagulat na lamang ako nang binanggit niya ang Daddy Yohan niya.“Mommy, gusto ko na po makita si Daddy Yohan. Kailan po huhupa ang galit ninyo po sa kanya?&rd
last updateLast Updated : 2022-01-05
Read more

Kabanata 108

Kabanata 108Hanggang sa pagtulog ay iniisip ko ang planong pagpunta ni Yohan dito. Marami akong pinoproblema. Kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng mga nangyari. Matapos niyang humingi ng sorry at kung ano-ano pa, hindi ko na alam kung ano pa ang itatrato ko sa kanya.Hindi ko kayang nakawin ang kasiyahan ng anak ko. Unang pagkakataon niyang maranasan na magpapasko na may tinuturing na ama. Hindi vocal ang anak ko noon pa man tungkol riyan pero alam ko, ramdam ko na naghahangad siya na balang araw may matatawag siya na ‘Daddy’.**Kinaumagahan ay maaga akong binulabog ng anak ko. Tumatalon siya sa aming kotson kaya nagising ako.“Anak...” Pikit akong nag-inat.“Mommy, gising! Nandito na si Daddy!” sigaw ng anak ko habang patuloy sa pagtatalon.Humihikab ako habang nag-iinat. Gusto ko pa sanang matulog dahil matagal akong nakatulog kagabi ngunit maagang nagising ang anak ko.&ldquo
last updateLast Updated : 2022-01-06
Read more

Kabanata 109

Kabanata 109  Sa huli, isinuot ko ang bigay ni Yohan sa akin. Isa itong tube na dress. Kulay peach na siyang nababagay naman sa maputi ko na balat. “Mag-iingat kayo at mag-enjoy,” ani ni Aling Maria habang kinakaway ang isang kamay. “Yohan, hijo.” Tumango si Yohan na ngayon ay nasa pinto na ng kanyang kotse ang isang kamay. “Opo, Aling Maria. Salamat.” Binalingan ako ni Aling Maria na may ngiti sa labi. “Ikaw rin, hija. Mag-enjoy ka.” Pilit akong ngumiti sa kanya bago ko kinuha ang kamay ng anak ko at saka tahimik na sumakay sa kotse ni Yohan.  ** Habang nasa byahe ay pasimple akong napatingin sa aking selpon habang naghihintay ng mensahe galing kay Trexie. Nag-message kasi ako sa kanya at naghihintay na lamang ng kanyang reply.  Nang mag-beep ang
last updateLast Updated : 2022-01-07
Read more
PREV
1
...
910111213
...
18
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status